Uploaded by princejeromecuenca

FilDis1

advertisement
ilipino
sa Iba’t Ibang Disiplina
DESKRIPSYON NG KURSO:
Ang FILDIS ay isang praktikal na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa kasanayan sa malalim at
mapanuring pagbasa, pagsulat, at pananaliksik sa wikang Filipino sa iba’t ibang larangan, sa konteksto ng
kontemporaryong sitwasyon at mga pangangailangan ng bansa at ng mga mamamayang Pilipino. Nakatuon ang
kursong ito sa makrokasanayang pagbasa at pagsulat, gamit ang mga makabuluhang pananaliksik sa wikang Filipino,
bilang lunsaran ng pagsasagawa ng pananaliksik (mula sa pangangalap ng datos at pagsulat ng borador ng pananaliksik
hanggang sa publikasyon at/o presentasyon nito) na nakaugat sa mga suliranin at realidad ng mga komunidad ng mga
mamamayan sa bansa at maging sa komunidad ng mga Pilipino sa iba pang bansa. Saklaw rin ng kursong ito ang
paglinang sa kasanayang pagsasalita, partikular sa presentasyon ng pananaliksik sa iba’t ibang porma at venue. Prerequisite sa kursong ito ang pagkuha ng kursong Konstektwalisadong Komunikasyon sa Filipino (KOMFIL).
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA (FilDis)
Fil.112
Republic of the Philippines
Mindoro State College of Agriculture and Technology
BONGABONG CAMPUS
Labasan, Bongabong , Oriental Mindoro
Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro
MODYUL SA FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA (FILDIS)
MGA MATUTUTUHAN MO SA MODYUL
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang:



makikilala mo ang iba’t ibang paraan ng pagsasama ng akademikong disiplina;
makapagsaliksik ng isang halimbawa ng interdisiplinaryong pananaliksik sa wikang Filipino; at
maipakikita mo ang pagpapahalaga sa wikang Filipino bilang wikang pambansa, wika ng bayan, at
wika ng pananaliksik na nakaugat sa pangangailangan ng sambayanan.
MGA KAALAMANG MAAARING ALAM MO NA
Ibigay ang mga kahulugan ng mga sumusunod na acronym.
1. KOMFIL
2. FILDIS
3. DALUMATFIL
4. SOSLIT
5. SINESOS
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA
Interdisiplinaryong Pagtugon
Bago natin talakayin ang tungkol sa FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA tingnan mo muna ang larawan sa ibaba.
Ang INTERDISIPLINARYO ay pagsasama ng dalawang akademikong disiplina sa isang aktibidad. (Halimbawa ay ang
paggawa ng isang interdisiplinaryong pananaliksik.)
WEEK 1
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA (FilDis)
Fil.112
Ito ay paggawa ng bagong ideolohiya sa pamamagitan ng crossing boundaries. Ito ay maiuugnay sa isang interdisiplina
o interdisciplinary field.
Ang INTERDISIPLINARYO ay kasama ang mga mananaliksik, mag-aaral at mga guro na layunin na magkaroon
ng pag-uugnay sa iba’t ibang pananaw sa akademik, propesyon at teknolohiya tungo sa isang ispisipikong perspektibo
para sa isang hangarin.
Ang MULTIDISIPLINARYO ay pag-aaral mula sa iba’t ibang disiplina o multiple discipline;
Ito ay pagsilip sa ibang pananaw panlabas upang higit na maunawaan ang kompleks ng isang sitwasyon.
Ang paggawa ng istratehiyang pananaliksik na pumapasok sa iba’t ibang larang o
disiplina para sa holistikong pananaw;
Isang pananaw sa isang larangan na nabuo sa pamamagitan ng ibang disiplina na muling ginagamit sa ibang disiplina.
(Halimbawa ay ethnograpiya na orihinal sa antropolohiya na nagagamit na rin sa ibang larang.)
Interdisiplinaryo
Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang larangan at sa pananaliksik ;
Maituro ang Filipino bilang hiwalay na Asignatura ;
Kasanayan sa paggamit ng iba’t ibang tradisyonal at modernong midya na makabuluhan sa kontekstong Pilipino
sa iba’t ibang antas at larangan;
Praktikal na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa kontekstwalisadong komunikasyon sa wikang Filipino
ng mga mamamayang Pilipino sa kani-kanilang mga komunidad.
Ang Limang (5) bagong asignaturang Filipino at Panitikan sa Filipino
KOMFIL (Kontektstwalisadong Komunikasyon sa Filipino);
FILDIS (Filipino sa Iba't Ibang Disiplina);
DALUMATFIL (Dalumat ng/sa Filipino);
SOSLIT (Sosyedad at Literatura/ Panitikang Panlipunan) at;
SINESOS (SineSosyedad/Pelikulang Panlipunan)
Ang FILDIS ay isang praktikal na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa kasanayan sa malalim at mapanuring
pagbasa, pagsulat, at pananaliksik sa wikang Filipino sa iba’t ibang larangan, sa konteksto ng kontemporaryong
sitwasyon at mga pangangailangan ng bansa at ng mga mamamayang Pilipino. Nakatuon ang kursong ito sa makrong
kasanayan pagbasa at pagsulat.
Gamit ang mga makabuluhang interdisiplinaryong pananaliksik sa wikang Filipino, bilang lunsaran ng pagsasagawa ng
pananaliksik na ito (mula sa pangangalap ng datos at pagsulat ng borador ng pananaliksik hanggang sa publikasyon at/o
presentasyon nito) na nakaugat sa mga suliranin at realidad ng mga komunidad ng mga mamamayan sa bansa at maging
sa komunidad ng mga Pilipino sa iba pang bansa. Saklaw rin ng kursong ito ang paglinang sa kasanayang pagsasalita,
partikular sa presentasyon ng interdisiplinaryong pananaliksik sa iba’t ibang porma at venue.”
Filipino Bilang Larangan at Filipino sa Iba’t Ibang Larangan
(Pokus nito ang pasaklaw na pagtalakay sa naabot na at sa possible pang direksyon o ekspansyon ng unique na diskurso
sa Filipino bilang larangan at sa Filipino sa iba’t ibang larangan)
Filipino sa Humanidades, Agham Panlipunan at Iba Pang Kaugnay na Larangan
(Pokus nito ang pagbasa ng piling tekstong Filipino sa Humanidades, Agham Panlipunan at iba pang kaugnay na
larangan, bilang lunsaran ng paglinang sa kasanayan sa pagsulat ng pananaliksik sa Filipino sa iba’t ibang larangan.
Ang lahat ng estudyante – kahit ang mga NONHUSOCOM ang kurso – ay kailangang masanay na makipagdiskurso sa
Filipino sa Humanidades, Agham Panlipunan at iba pang kaugnay na larangan, alinsunod na rin sa layunin ng kompleto
o holistikong General Education/GE.)
WEEK 1
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA (FilDis)
Fil.112
GAWAIN 1.1
“E-Tiktok Mo”
Panuto: Gamit ang Interdisiplinaryong Larangan lumikha ng isang tiktok video na nagpapakita ng pag-uugnay sa
propesyon na iyong kinabibilangan. Magbigay ng isang maikling paliwanag kung bakit ito ang iyong napili at kung
paano ito maiiugnay sa nabanggit na iba pang larangan.
Hal. Flight Attendant Challenge; DJ Challenge atb.
Rubriks ng Pagmamarka:
Wasto ang ipinakitang Impormasyon
10
Angkop ang ginawang video sa tema ng gawain 10
Maayos at nakakapukaw pansin
10
_____________________________________________
Kabuuan
30
Rubriks sa Sanaysay:
Kraytirya
Napakahusay
4 pts
Nilalaman
Kompleto
at
komprehinsibo
ang
nilalaman ng talata
Presentasyon
at Malikhaing
nailahad
Organisasyon
ang nilalaman ng talata.
Maayos, malinaw ang
daloy at nauunawaan
ang talata.
Mahusay
3 pts
Kompleto
ang
nilalaman ng sulat/
talata
Maayos na nailahad
ang nilalaman ng talata.
Maayos na nailahad
ang kaisipan
Babay ng mga salita,
grammar at gawi sa
pagsusulat
Nalilinang
2pts
May ilang kakulangan
sa
nilalaman
ng
talata/sulat
Hindi gaanong maayos
ang daloy at nilalaman
ng talata
Nagsisimula
1 pt
Maraming kakulangan
sa nillaman ng talata
Malinaw, maayos at
tama ang babay ng
mga salita at wastong
pagbabantas. Maayos
din ang pagkakasulat.
Maayos
ang
pagbabaybay subalit
may kaunting kamalian
sa
grammar
at
pagbabantas.
Hindi
masyadong maayos
ang pagkakasulat.
Hindi maayos na
nailahad ang nilalaman
ng talata.
Kabuuang iskor 10
“ Introduksyon: Filipino Bilang Wikang Pambansa, Wika ng Bayan, at Wika ng Pananaliksik na
Nakaugat sa Pangangailangan ng Sambayanan “
(Pokus nito ang pagtalakay sa ugnayan ng mga gamit ng wikang Filipino bilang wikang pambansa, wika ng
bayan, at wika ng pananaliksik na nakaugat sa pangangailangan ng sambayanan.)
Sa unang bahagi ng aralin ay ating tatalakayin ang tungkol sa Kasaysayan ng Wikang Pambansa.Ang ating bansa ay
isa sa may pinakamaraming diyalekto. Sa mahigit na pitong libong pulo mayroon tayo, higit na apat na raang iba’t ibang
diyalekto o wikain na ginagamit. Dahil dito, naging napakahirap ng pakikipag-ugnayan natin sa isa’t isa. Nagkaroon
tuloy tayo ng suliranin sa pagbuklod-buklod at pagkakaisa.
Ang mga ito ang pangunahing dahilan kung bakit pinagsumikapan ng magigiting nating mga ninuno na magkaroon
tayo ng isang wikang wikang pambansa at kung bakit ito nililinang at patuloy na nililinang hanggang sa kasalukuyan.
Ang pag-unlad ng ating wikang pambansa ay nasasalamin sa mga batas, kautusan, proklama at kautusang pinalalabas
sa iba’t ibang tanggapang pampamahalaan na may malaking kaugnayan sa ating wikang pambansa.
WEEK 1
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA (FilDis)
Fil.112
Linangin natin ang inyong kaalaman gamit ang isang Time Table upang higit na maunawaan ang kasaysayan
ng wikang pambansa.
Mahalagang Taon sa pagbuo ng Wikang Pambansa;
Pag-aralan natin ang ilan sa mga mahahalagang batas , kautusan at proklama;

1935- Nagkaroon ng Saligang Batas ang Pilipinas,nagtadhana ng tungkol sa wikang pambansa. (Sekyon
3,Artikulo XIV) “Ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang
wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.”
 1936-(Nobyembre 13) Pinagtibay ng Batasang Pamabansa ang Batas Komonwelt Blg.184 na lumikha ng isang
Surian ng Wikang Pambansa.
 1937- (Disyembre 30) Kautusang Tagapagpaganap Blg.134 ,Ipinahayag ni Manuel L. Quezon ang Wikang
Pambansa ng Pilipinas ay batay sa Tagalog.
 1940- (Abril 1) Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg.263 ay binibigyan pahitulot ang
paglilimbag ng isang diksyunaryo.
 1940- (Hunyo 7) Pinagtibay ng Batas Komonwelt Blg.576 na ang Pambansang Wika ay magiging opisyal sa
Hulyo,1946.
 1940- (Hunyo 19) Sinimulan ang pagtuturo ng Wikang Pambansa sa mga Paaralan.(Serkular Blg.265,1940)
 1946- Pagiging Opisyal ng Wikang Pambansa.
 1954- (Marso 26) Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama Blg. 186 “Ang panahong ng
pagdiriwang ng Linggo ng Wika Pambansa taun-taon simula ika-13 – ika-19 ng Agosto. Nakapaloob sa
panahong saklaw ng pagdiriwang ng Ama ng Wikang Pambansa, Pangulong Manuel L. Quezon.
 1959- Pinalabas ng Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran
Blg.7, na nagsasaad na kalian may tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang salitang PILIPINO ay siyang
gagamitin.
Probisyong Pangwika(1987)
“Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat pagyabungin at
pagyamanin pa salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.”(ARTIKULO XIV SEK.6)
WEEK 1
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA (FilDis)
Fil.112
GAWAIN 1.2
Panuto: Gamit ang isang KWL chart isulat ang kasaysayan ng Wikang Pambansa.
Pangalan:_________________
Iskor:_______________
Seksyon:__________________
Petsa:_______________
“Kasaysayan ng Wikang Pambansa”
K
W
L
What do you think you KNOW;
What do you want WANT to
know;
What I want to LEARN;
1.
1.
1.
2.
2.
2.
3.
3.
3.
Pamantayan sa Gawain
Mahusay
(10-9 puntos)
Komprehensibo ang ginawang
gawain. Gumamit ng simple
ngunit malinaw na mga salita.
Maiksi ngunit sapat ang ginawang
pagninilay. Makikitang nagamit
ng wasto ang mga natutuhan at
mga reyalisasyon mula sa mga
gawing naranasan sa nakaraang
klase upang mapagtibay ang
ginawang pagninilay.
WEEK 1
May Kahusayan
(8-7 puntos)
May 1 - 2 salita na hindi maunawaan
ang tunay na kahulugan. Masyadong
mahaba at maligoy ang ginawang
pagninilay.
Katamtamang Kahusayan
(6-5)
May 3 - 4 na salita na hindi maunawaan ang
tunay na kahulugan. May kakulangan sa
ginawang pagninilay.
Download