Department of Education Region VI – Western Visayas Schools Division of Guimaras Curriculum Implementation Division LEARNING RESOURCES MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM (LRMDS) San Miguel, Jordan, Guimaras Copyright 2018 Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides: “No copyright shall subsist in any work of the Government of the Republic of the Philippines. However, prior approval of the government agency of office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.” This material has been developed through the Curriculum Implementation Division (CID) of the Schools Division of Guimaras. It can be reproduced for educational purposes and the source must be clearly acknowledged. The material may be modified for the purpose of translation into another language but the original work must be acknowledged. Derivatives of the work including creating an edited version, an enhancement or a supplementary work are permitted provided all original work is acknowledged and the copyright is attributed. No work may be derived from any part of this material for commercial purposes and profit. CONTEXTUALIZED LEARNER RESOURCE IN FILIPINO 6: Paggamit ng Wastong Pang-uri sa Paglalarawan sa Iba’t-ibang Sitwasyon Written by: Rusel E. Laporga Edited by: Carlito T. Talaban, LPT Cover Designed by: Felizardo S. Valdez III Quality Assured by: FELIZARDO S. VALDEZ III Project Development Officer II MARVE E. GELERA Librarian II ARTHUR J. COTIMO, Ed.D. Education Program Supervisor Learning Resource Management Approved for the use of the Schools Division: ELLEDA E. DE LA CRUZ Chief – Curriculum Implementation Division NOVELYN M. VILCHEZ, Ph.D. Assistant Schools Division Superintendent MA. LUZ M. DE LOS REYES, Ph.D., CESO V Schools Division Superintendent CONTEXTUALIZED LEARNER RESOURCE IN FILIPINO 6: Paggamit ng Wastong Pang-uri sa Paglalarawan sa Iba’t-ibang Sitwasyon Written by: Rusel E. Laporga Edited by: Carlito T. Talaban, LPT CONTEXTUALIZED LEARNER RESOURCE IN FILIPINO 6 Paggamit ng Wastong Pang-uri sa Paglalarawan sa Iba’t-ibang Sitwasyon Layunin: Nagagamit nang wasto ang pang-uri sa paglalarawan sa iba’t-ibang sitwasyon. Competency Code: F60L-IIa-e-4 Pangalan: ______________________________________________ Iskor: _______________ Paaralan: _______________________________________________ Petsa: _______________ Worksheet 1 Panuto: Batay sa mababasang salaysay ng mag aaral hayaan silang sagutin ang mga sumusunod na tanong: Ang Bakuran ni Alvy Noong Linggo ay buong araw ako sa tahanan ng aking matalik na kaibigan. Sina Alvy ay sa Montalban nakatira. Palibhasa’y sa masikip na lugar sa magulong lungsod ako tumitira, Ako’y talagang tuwang-tuwa sa pook nilang mag-anak. Katamtaman ang laki ng kanilang bahay ngunit ang bakuran ay mahabang-mahaba. Kalahating ektarya raw iyon. Punong-puno ng mga punongkahoy ang maluwang na duluhan. Dalawang punong magga ang hitik sa bunga. Sa gilid ay may matatayog na puno ng niyog. Iba’t-iba pang puno ang naroon tulad ng bayabas, kaimito, abokado, sampalok at suha. Espesyal ang bunga ng santol-Bangkok. Malalaki ang bunga at ang lamukot ay makapal at matamis. Inaalagaang mabuti ng tatay ni Alvy at ng iisang kapatid na lalaki ang mga punongkahoy. Pinauusukan daw nila ang mga iyon at binubomba ng gamot upang lumayo ang mga mapanirang kulisap. Sapat din sila sa tubig na galing sa malalim nilang balon. Sa aking palagay ay marami silang kinikita sa mga bungangkahoy mula sa sariling bakuran. Masaya ako nang umuwi. Marami akong dalang hinog na prutas. a) Sino ang matalik na kaibigan ng nagsasalaysay? b) Saan nakatira si Alvy? c) Ano-anong mga punongkahoy ang makikita sa bakuran nina Alvy? d) Paano inaalagaan ng tatay at nag-iisang kapatid na lalaki ni Alvy ang mga punongkahoy? e) Ano-anong mga pang-uri ang nakita ninyo sa kuwento? f) Itala ang mga pang-uri na ginamit sa kwento at gamitin sa pangungusap ang bawat isa. Inihanda ni: RUSEL E. LAPORGA Teacher III Paaralang Elementarya ng Old Poblacion