Dominican School (Dagupan),Inc. Tapuac District, Dagupan City 2400 Tel. No. 5222435 ARALIN 1: MGA URI NG TEKSTO PANIMULA LAYUNIN 1. Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa; 2. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng tekstong binasa; 3. Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa; 4. Nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri ng teksto. NILALAMAN Modyul 1: Kahulugan at katangian ng teksto MODYUL 1: KAHULUGAN AT KATANGIAN NG TEKSTO BILANG NG SESYON 5 Araw PAGGANYAK Tukuyin ang mga larawan na ipinapakita at sagutin ang sumusunod na katanungan. 1. Ano ang napapansin ninyo sa mga larawan? 2. Mahilig ba kayo manuod ng: manuod ng telebisyon at pelikula? makinig sa radyo? magbasa ng mga diyaryo? mahilig humugot at mag rap? madalas magtext o makipag-usap sa ibang tao? 3. Anong wika ang inyong napapansin kapag nagagawa ninyo ang lahat ng mga nasa larawan? PAGTATALAKAY SITWASYONG PANGWIKA SA TELEBISYON 1. Ang telebisyon ang itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa dami ng mga mamamayang naabot nito. 2. Ang mabuting epekto ng paglaganap ng cable o satellite connection para marating ang malalayong pulo at ibang bansa. 3. Wikang Filipino ang nangungunang midyum sa telebisyon sa bansa na ginagamit ng mga lokal na channel. 4. Mga halimbawa ng mga programang pantelebisyon na gumagamit ng wikang Filipino ay mga teleserye, mga pantanghaliang palabas, mga magazine show, news and public affairs, reality show at iba pang programang pantelebisyon. 5. ang pagdami ng mga palabas sa telebisyon partikular ang mga teleserye o pantanghaling programa na sinusubaybayan ng halos lahat ng milyon-milyong manununood ang dahilan kung bakit halos lahat ng mamamayan sa bansa ay nakakaunawa at nakakapagsalita ng wikang Filipino. SITWASYONG PANGWIKA SA RADYO AT DYARYO Wikang Filipino ang nangungunang wika sa radyo sa AM man o sa FM. Ang mga estasyon sa probinsya ay gumagamit ng rehiyonal na wika ngunit kung may kapanayam sila ay karaniwan sa wikang Filipino sila nakikipagusap. Sa dyaryo ay wikang Ingles ang ginagamit sa broadsheet at wikang Filipino naman sa tabloid. Tabloid ang mas binibili ng masa o karaniwang tao sapagkat mas naiintindihan nila ang wikang ginagamit dito. Ito ang mga katangian ng isang tabloid: Nagtataglay ng malalaki at nagsusumigaw na headline na naglalayong maakit agad ang mambabasa. Ang nilalaman ay karaniwang senseysyonal na naglalabas ng impormalidad Hindi pormal ang mga salita. SITWASYONG PANGWIKA SA PELIKULA 1. Ingles ang kadalasang pamagat ng mga pelikulang Pilipino. 2. Filipino ang lingua franca o pangunahing wika ang ginagamit. 3. Ang pangunahing layunin ay makaakit ng mas maraming manunuod na malilibang sa kanilang mga palabas at programa upang kumita ng malaki. 4. Malawak ang naging impluwensya dahil sa tulong nito mas marami ng ng mamayan ng bansa ang nakauunawa at nakapagsasalita ng wikang Filipino. 5. Ang nananaig na tono ay impormal at waring hindi gaanong strikto sa pamantayan ng propesyonalismo. SITWASYONG PANGWIKA SA IBA PANG ANYO NG KULTURANG POPULAR FLIPTOP Pagtatalong oral na isinasagawa ng pa-rap. Nahahawig sa balagtasan dahil ang bersong nira-rap ay magkakatugma bagamat sa fliptop ay hindi nakalahad o walang malinaw ang paksang tinatalakay. Gumagamit ng di-pormal na wika at walang nasusulat na iskrip kaya naman kadalasan ang mga inagamit na salita ay balbal at impormal at mga salitang nanlalait. Ang kompetisyon ay tinatawag na “Battle League” at kung isinasagawa sa wikang ingles ay tinatawag na “Filipino Conference Battle PICK-UP LINES Makabagong bugtong kung saan may tanong na sinsagot ng isang bagay na madalas naiuugnay sa pagibig at iba pang aspekto sa buhay. Karaniwang wikang Filipino ang ginagamit ngunit may pagkakataon ring nasa wikang Ingles o kaya naman ay Taglish. HUGOT LINES Tawag sa linya ng pag-ibig. Tinatawag ding lovelines o love quotes. Karaniwang nagmula sa linya ng ilang tauhan sa pelikula o telebisyon na na nagmarka sa puso’t isipan ng mga mnunuod. ay nakasulat sa Filipino subalit madalas ay Taglish. Minsan SITWASYONG PANGWIKA SA TEXT 1. Ang pagpapadala ng sms (short messaging system) ay isang mahalagang bahagi ng komunikasyon sa bansa. 2. Humigit kumulang 4 na bilyong text ang ipinapadalaat natatangap ng ating bansa kaya ito ay kinilala bilang “Text Capital of the World”. 3. Madalas ang paggamit ng code switching at madala pinaiikli ang baybay ng mga salita. 4. Walang sinusunod na tuntunin o rule. SITWASYONG PANGWIKA SA SOCIAL MEDIA AT INTERNET 1. 2. 3. 4. 5. Ang tawag sa mga taong gumagamit nito ay netizen. Karaniwang may code switching. Mas pinagiisipang mabuti ang mga gagamiting salita bago I post. Ingles ang pangunahing wika dito. Naglalaman ng mga sumusunod Impormasyon sa ibat ibang sangay ng pamahalaan Mga akdang pampanitikan Awitin Resipe Rebyu ng pelikulang Pilipino Impormasyong pangwika SITWASYONG PANGWIKA SA KALAKALAN 1. Ingles ang pangunahing ginagamit sa pakikipag komunikasyon maging sa mga dokumentong ginagamit 2. Gumamit rin ng Filipino kapag nagiindorso ng produkto sa mga mamayang Pilipino, SITWASYONG PANGWIKA SA PAMAHALAAN 1. Gumamit ng wikang Filipino si dating Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang SONA bilang pagpapakita ng pagpapahalaga rito. 2. Hindi pa rin naiiwasan ang code switching lalo na sa mga teknikal na hindi agad nahahanapan ng katumbas sa wikang Filipino, SITWASYONG PANGWIKA SA EDUKASYON 1. DepEd Order No. 74 of 2009 K hanggang grade 3 ay unang wika ang gagamitin bilang panturo. Sa mataas na antas ay nanatiling bilinggwal ang wikang panturo (Filipino at Ingles). PAGLALAGOM Ang wika ay siyang susi sa pagkakabuklod-buklod ng damdamin at diwa ng bawat mamamayan. Sa pamamagitan ng mga salita nagkakaunawaan ang mga tao.Ito ay labis na napakahalaga sapagkat hindi uunlad ang isang ekonomiya kung walang wika. Malaki ang maitutulong ng pag-aaral na ito sa mga sumusunod: 1.Administrasyon ng Paaralan (Guro): Dahil sa pag-aaral na ito, ito ang magiging daan upang mas palakasin ng administrasyon ng paaralan ang kanilang dapat gawin at kailangang ipatupad sa paaralan na may malaking ginagampanan sa paghuhubog ng mag-aaral sa wikang Filipino. 2. Mag-aaral: Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa kanila upang malaman nila ang kalagayan ng Wikang Filipino at maging tulay sa kung ano dapat gawin upang suportahan ito. 3. Mamamayan. Dahil sa pag-aaral na ito, mabibigyan siya ng impormasyon ukol sa kahalagahan at kalagayan ng Wikang Filipino at kung paano ito makakatulong sa pag-unlad ng bayan. 4.Susunod na Tagasaliksik: Makakatulong ang pag-aaral na ito upang kanilang maging basehan at makapagbigay sa kanila ng ideya sa kung ano ang kalagayan ng wika sa panahon ngayon. PAGSASANAY Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong kaugnay sa paggamit mo ng wika. Bilugan ang iyong sagot. 1.Kailan ka huling nagpadala ng text message o SMS? Maaari mo bang isulat sa linya ang huling mensaheng ipinadala mo? ________________________________ Ang SMS ba ay nakasulat sa A.Filipino B.Ingles C. Taglish? 2. Kailan ka huling na post ng status sa Facebook o Instagram?Naalala mo ba kung ano ang nilalaman ng huling post mo? Maaari mo ba itong isulat sa linya? _______________________________ Ang post mo ba ay nakasulat sa? A.Filipino B.Ingles C.Taglish? 3. Ano ang pinakahuling palabas pantelebisyong pinanood mo? Anong wika ang ginamit sa palabas na ito? Mas madalas ka bang manood ng palabas pantelebisyong nasa wikang Filipino? Wikang Ingles? _____________________________________________________________________________ 4. Ano ang pinakahuling pelikulang pinanood mo? Anong wika ang ginamit sa pelikulang ito? Mas madalas kabang manoood ng pelikulang wikang Filipino? O Wikang Ingles? _____________________________________________________________________________ 5. Ano ang pinakahulig video sa youtube na pinanood mo? Ang video ba ay nasa wikang Filipino? O wikang Ingles? Wikang Taglish? _____________________________________________________________________________ 6. Ano ang huling blog na nabasa mo? Ang blog ba ay nakasulat sa wikang Filipino? O wikang Ingles? Wikang Taglish? ______________________________________________________________________________ 7. Kalian ka huling nagbasa ng dyaryo o magasin? Ang binasa mo ba ay nakasulat sa Filipino? Ingles? Taglish? ______________________________________________________________________________ 8.Anong wika ang mas madalas ninyong gamitin sa inyong tahanan wikang katutubo sa inyong lugar? Filipino? Ingles? Taglish? ______________________________________________________________________________ 9.Sa alin-aling lugar mo higit na nagagamit ang wikang Filipino? ______________________________________________________________________________ 10.Gaano kahalaga sa iyo ang pagkatuto at pagsasalita ng wikang Filipino? A.mahalagang-mahalaga C, hindi gaanong mahalaga B.mahalaga D.hindi mahalaga 11.Gaano ka kahusay sa pagsasalita ng wikang Filipino? A.mahusay na mahusay B.mahusay C.hindi gaanong mahusay D.sadyang di mahusay 12.Saang lugar mo naman higit na nagamit ang wikang Ingles? ______________________________________________________________________________ 13.Gaano kahalaga sa iyo ang pagkatuto at pagsasalita ng wikang Ingles? A.mahalagang-mahalaga B.mahalaga C.hindi gaanong mahalaga D.hindi mahalaga 14.Gaano ka kahusay sa pagsasalita ng wikang Ingles? A.mahusay na mahusay B.mahusay C.hindi gaanong mahusay D.sadyang di mahusay 15. Batay sa mga isinagot mo sa mga tanong, ano sa palagay mo ang sitwasyon o kalagayan ng wikang Filipino? sa iyong sarili at sa inyong tahanan sa kasalukuyang panahon? ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ 16. Ano naman ang kasalukuyang kalagayan ng wikang Ingles sa iyong sarili at sa inyong tahanan? ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ MODYUL 2: PAGSUSURI SA PELIKULA AT DULANG PILIPINO BILANG NG SESYON 4 Araw PAGGANYAK Pagmasdan ang mga larawan at sagutin ang mga katanungan 1. Ano ang napapansin ninyo sa mga larawan? 2. Ano ang kanilang mga pagkakaiba at pagkakatulad? PAGTATALAKAY Ang pelikula, na kilala din bilang sine at pinilakang tabing, ay isang larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng gumagalaw na larawan ang letratong pelikula sa kasaysayan, kadalasang tinutukoy ang larangang ito ng akademya bilang ang pag-aaral ng pelikula. Mga Gabay para sa Pagsusuri ng Isang Pelikula 1. Tauhan – Malinaw ba ang karakterisasyon ng mga tauhan. Lumutang ba ang mga katangin ng tauhan upang makilala ang bida (protagonista) at ang kontrabida (antagonista)? 2. Istorya o Kwento – May kaibahan ba ang istorya sa mga dating napanood mo na o ito’y isang gasgas na kwento lamang? Malinaw bang naihanay ang mga pangyayari sa pelikula upang lubos na maunawaan ng mga manonood? 3. Diyalogo – Matino ba o bulgar ang mga salitang ginamit sa kauuan ng pelikula. Angkop ba ang lenggwahe sa takbo ng mga pangyayari? 4. Titulo o pamagat – Mayroon ba itong panghatak o impact? Nakikita ba kaagad at nauunawaan ng manonood ang mga simbolisno na ginamit sa pamagat? 5. Sinematograpiya – Mapusyaw ba o matingkad ang kabuuang kulay ng pelikula? Nakatulong ba ang paggamit ng visual effects sa paglutang ng mga pangyayari sa kwento? 6. Tema o paksa – Mayroon bang “puso” ang pelikula? May taglay ba itong kaisipan at diwang titimo sa isip at damdamin ng mga manonood na kaugnay ng kanilang mga karanasan sa buhay? Pormat ng Panunuring Pampelikula I. II. III. IV. V. VI. Pamagat Mga Tauhan Buod ng Pelikula Banghay ng mga Pangyayari (story grammar) a. Tagpuan b. Protagonista c. Antagonista d. Suliranin e. Mga Kaugnay na Pangyayari o Mga Pagsubok sa Paglutas ng Suliranin f. Mga ibinunga Paksa o Tema Mga Aspektong Teknikal a. Sinematograpiya b. Musika VII. c. Visual effects d. Set Design Kabuuang Mensahe ng Pelikula DULA Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang dula ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang ukol sa isang dula sa pamamagitan ng panonood. Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang kaisipan. Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na tinatawag na iskrip. Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula, sapagkat ang tunay na dula ay yaong pinanonood na sa isang tanghalan na pinaghahandaan at batay sa isang iskrip. Ang tagpo ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan. Ang dula ay mayroon ding sangkap. Ito ay simula, gitna, at wakas. Simula - mamamalas dito ang tagpuan, tauhan, at sulyap sa suliranin. Gitna - matatagpuan ang saglit na kasiglahan, ang tunggalian, ang kasukdulan. Wakas - matatagpuan naman dito ang kakalasan at ang kalutasan. at SANGKAP NG DULA Tagpuan – panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad sa dula Tauhan – ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mga pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa dula Sulyap sa suliranin – bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang suliranin; mawawalan ng saysay ang dula kung wala itong suliranin; maaaring mabatid ito sa simula o kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring magkaroon ng higit na isang suliranin ang isang dula Saglit na kasiglahan – saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning nararanasan Tunggalian – ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa kanyang paligid, at tauhan laban sa kanyang sarili; maaaring magkaroon ng higit sa isa o patung-patong na tunggalian ang isang dula Kasukdulan – climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa sangkap na ito ng dula tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin o kaya’y sa pinakakasukdulan ang tunggalian. Kakalasan – ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pagayos sa mga tunggalian Kalutasan – sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga suliranin at tunggalian sa dula; ngunit maaari ring magpakilala ng panibagong mga suliranin at tunggalian sa panig ng mga manonood ELEMENTO NG DULA Iskrip o nakasulat na dula – ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip Gumaganap o aktor – ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa dula Tanghalan – anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan;tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang dula, tanghalan ang silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase Tagadirehe o direktor – ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip Manonood – hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hindi ito napanood ng ibang tao; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin ng dula’y maitanghal; at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o makanood. EKSENA AT TAGPO Ang eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan samantalang ang tagpo nama’y ang pagpapalit o ang iba’t ibang tagpuan na pinangyarihan ng mga pangyayari sa dula. PAGLALAGOM Ang mga pelikula ay kamangha-manghang paraan ng sining at libangan at sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga ito lamang ang kanilang mahika ay pinahusay. Kung magsusulat ka ng isang pagsusuri para sa isang pahayagan o para sa isang takdang-aralin sa klase, kailangan mong malaman ang mga elemento ng pelikula at ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin sa iyo. Kung titingnan mo nang mabuti, siyasatin ang lahat ng mga aspeto at magtuon ng pansin sa mga isyu na tumutugma sa iyo, makakagawa ka ng isang pangangatwiran at sopistikadong pagsusuri. Inilalarawan sa dula ang mga damdamin at pananaw ng mga tao sa partikular na bahagi ngkasaysayan ng bayan. Inaangkin nito ang lahat ng katangiang umiiral sa buhay gaya ng mga tao at mga suliranin. Gaya ng ibang panitikan, karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay. PAGSASANAY/ PAMANTAYAN SA PAGGANAP Suriin ang pelikulang WAY BACK HOME nina Kathryn Bernardo at Julia Montes noong 2011. Suriin ito at isulat sa long coupon bond. carlapagarigandc@gmail.com Rubrik para sa Panunuring Pampelikula (Ikalawang Markahan) Kraytirya Pagkasulat Nilalaman Napakahusay (4) Walang maling panggramatika at mahusay at malikhain ang paggamit ng mga salita. Nakikitaan na mahusay sa pang-unawa sa pelikulang napanood batay sa panunuring ginawa na nakakapukaw ng ingteres ng Mahusay (3) Walang maling pang-gramtika Nalilinang (2) Hindi ganoon kalinaw ang mga gramatikang ginamit sa panunuri. Nagsisimula (1) Hindi nakikitaan ng kalinawan sa pagpapahayag ng kaisipan. Kompleto ang mga impormasyong ipinahayag. Iilan lamang ang ibinigay na imporamasyon. May mga impormasyong hindi nila malinaw na naipahayag. Puntos Organisasyon Pang-unawa sa Teoryang Realismo Kalinisan mga mambabasa. Mahusay at mabisa ang pagkakasunod ng mga detalyeng inilahad sa panunuri. Mahusay at malinaw na naisa-isa ang mga bahagi ng pelikula na nagpapakita ng paggamit ng teoryang realismo. Mahusay at malinis ang pagkakasulat ng panunuri Maayos ang pagkakasunodsunod na mga pangyayari. Hindi ganoon kayos ang mga impormasyong sinuri. Naipapaliwanag ang paggamit ng teoryang realism sa malawakang panunuri. Hindi ganoon kalinaw ang pagkaunawa at hindi masyadong nagamit ang teorang realismo. Malinis ang pagkakasulat ng panunuri. May ilang hindi maayos ang pagkakasulat sa panunuri. Hindi malinaw at walang kaugnayan ang mga detalyeng inilahad sa panunuri. .Hindi malinaw ang pagkaunawa. Marumi at kakikitaan ng pagmamadali sa ginawang panunuri. KABUUAN PAGPAPAHALAGA Ano ang mga aral na iyong natutunan pagkatapos ng aralin? Magbigay ng halimbawa kung saan mo maaaring gamitin ang mga aral na iyong natutunan. Bilang isang Dominikano, natutunan kong maging ________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________