DIBORSYO Para sa dalawang taong nagmamahalan, wala na silang ibang maihahangad pa kundi ang maikasal sapagkat ang kasal ay isang bagay na magtatali sa kanilang dalawa upang maging hanggang sa wakas ang pagmamahalan. Ngunit hindi natin maipagkakaila na hindi lahat ng kwento o maging pelikula ang nagtatapos na parang fairy tale. Maaaring dahil nawala na nang interes sa isat’ isa, mga temptasyon o sadyang hindi lang talaga para sa isa’t isa. Kahit na sabihing natural lang sa isang relasyon ang pag-aaway, mayroon pa rin talagang mga sitwasyon kung kalian mas nararapat na na maghiwalay. May mga kasalukuyang batas ang Pilipinas tungkol sa mga paghihiwalay ng mag-asawa. Ilan sa mga ito ay ang separation at annulment of marriage subalit para sa ilan hindi ito sapat at ang diborsyo lamang ang magiging tugon sa mga isyung ito. Halos lahat ng bansa sa buong mundo ang mayroon batas tungkol sa diborsyo, ngunit nananatiling ang bansang Pilipinas ang hindi umaayon dito. Marahil dahil ito sa ating pagiging maka-Diyos kung saan pinapahalagahan natin ang kasal at itinuturing natin ito na sagrado sapagkat kabilang ito sa pitong sacramento ng simbahang katoliko. Naniniwala rin tayo na hindi ang tao ang siyang nagbubugkos ng dalawang taong magpapakasal kundi ang Panginoon mism o at siyang kamatayan lamang ang mapaghihiwalay sa mga ito. Para sa aking na interbyu, hindi siya sumasang-ayon na itakda ang batas ng diborsyo dahil kahit na anong sakit na maidudulot ng iyong asawa, dapat hindi susuko sa agos ng buhay. Ang lahat ng away ay may solusyon at hindi maituturing na solusyon ang diborsyo kundi ito ay isang uri ng pagtakas sa isang problema. Pumasok ka sa pagaasawa kaya dapat alam mo na na kaakibat ng pagpapakasal ang pagsubok. Dapat handa na ang iyong sarili sa maaaring mangyari. Totoo nga na ang pag-aasawa ay hindi parang kanin na sinusubo at iluluwa pag napaso. Ang mag-asawa ay dapat magkaroon ng pagkauunawaan at pagkakaisa dapat ding isa alang-alang ang mga anak dahil ang hindi lamang ang mag-asawa ang siyang maapektuhan kundi mas maapektuhan pa ang mga anak. Kaya kahit kalian hindi magiging solusyon ang diborsyo. Ang kasal ay dapat pahalagahan at kahit kalian di dapat urungan.