Kagawaran ng Edukasyon Araling Panlipunan 5 Pagbubukas ng Daungan: Bunga ng Pandaigdigang Kalakalan Ikalawang Markahan – Ikapitong Linggo Angelo Gamusa Manunul at Irene U. Destura Tagasuri Dr. Aurora S. Bartolaba EDizer C. Laqueo Mariel Eugene L. Luna Katibayan ng Kal idad Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa Ci ty (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940 Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat para sa inyo. Ito ay naglalayong makatulong na mahasa sa konsepto katulad ng kahalagahang pangkasaysayan (historical significance) tungo sa pagpanday ng maunlad na kinabukasan para sa bansa. Ang saklaw ng modyul na ito ay naglalayong gamitin para sa iba’t ibang sitwasyong matutunan. Ang araling ito ay inayos para masundan ang pamantayan sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay tumatalakay sa mga pagbabagong pangekonomiya ng kolonyalismong Espanyol sa pamamagitan ng mga sumusunod: Pagbubukas ng Daunagan sa Maynila Pagtatag ng mga Bangko Sistema ng Transportasyon at Komunikasyon Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: 1. Matatalakay ang pagbabagong ekonomiko na ipinatupad ng Espanyol. 2. Masusuri ang epekto ng mga patakarang kolonyal na ipinatupad ng Espanya sa bansa. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang letra ng tamang kasagutan sa iyong papel. 1. Ang ____ ay ang kauna-unahang institusyon ng pananalapi sa Pilipinas. A. banko C. obra maestra B. mercado D. obras pias 2. Noong 1834, ang lubos na pagbubukas sa daungan ng ______ para sa pandaigdigang kalakalan. A. Cagayan C. Davao B. Cebu D. Maynila 3. Noong 1882 binuksan naman ang kauna-unahang savings bank sa Pilipinas, ang ______________________. A. Banco de la Nación Argentina C. Banco Finantia Sofinloc B. Banco Europeo de Finanzas D. Monte de Piedad y Caja de Ahorros 4. Noong 1893, nagliwanag ang buong Maynila sa pagkakatatag ng ____________. A. Ferrocaril de Manila C. Las Islas Filipinas B. La Electricita de Manila D. La Hermana Major 2 5. Ang Quezon Bridge ay dinisenyo ni __________, ang kauna-unahang suspension bridge sa Asya. A. François Boucher C. Gustave Eiffel B. Gustave Courbet D. Pierre Bonnard 6. Tinayo ang unang _____ sa Pilipinas sa bungad ng Pasig River upang magbigay ng babala sa mga dumaraang malaking sasakyang pandagat sa Look ng Maynila. A. paliparan C. parola B. pantalan D. pasyalan 7. Tuluyang natamasa ang serbisyo ng telepono ang mga taga-Maynila noong ___. A. 1885 C. 1895 B. 1890 D. 1898 8. Naging bukas sa mga negosyanteng Espanyol at Filipino, ang El Banco Español Filipino de Isabel II o maskilala ngayon sa pangalang ______________. A. BDO (Banco de Oro) B. BPI (Bank of the Philippine Islands) C. RCBC (Rizal Commercial Banking Corporation) D. UCPB (United Coconut Planters Bank) 9. Itinayo sa Pilipinas ang kauna-unahang suspension bridge sa Asya, ang _______. A. Puente Colgante C. Puente Osmeña B. Puente Espanya D. Puente Tayuman 10. Binuksan ang serbisyo ng koreo noong ____ sa pagitan ng Maynila at Hongkong. A. 1854 C. 1856 B. 1855 D. 1857 Panuto: Punan ang tsart ng mga programang ipinatupad ni Gobernador Heneral Jose Basco at ang positibong epekto nito sa ekonomiya. Programa Positibong Epekto 1. 2. 3. 3 Isang malaking pagbabagong naganap sa ilalim ng pamamahala ng mga Espanyol may kaugnayan sa ekonomikong kalagayan ng bansa bilang kolonya ng Espanya. Nilalayon ng Espanya na maging makapangyarihan g bansa sa daigdig. Batay sa merkantilismo, kung saan naging tagapamagitan ang pamahalaan sa pagtataguyod ng kayamanan at kapangyarihan ng estado. Nagpatupad ang Espanya ng mga patakarang pang-ekonomiya sa Pilipinas. Noong 1834, ang lubos na pagbubukas sa daungan ng M aynila para sa pandaigdigang kalakalan. Nangunguna ang mga dayunhang Briton, Pranses at Amerikano sa kalakalan. Nagtayo sila ng mga bahay-kalakal sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas at naging dahilan narin ng pagbubukas ng daungan sa Sual, Pangasinan noong 1855; Iloilo at Zamboanga noong 1855; Cebu noong 1860; at Tacloban at Legazpi noong 1873. John T ew ell,"An early view of the Mouth of P asig River, Manila, P hilippines, 1800s",image,https://tinyurl.com/y57e6qnn on 9.11.20 Bukana ng Ilog Pasig c1800 Tumaas ang halaga ng mga produktong tulad ng asukal, tabako at indigo. Sa paglago ng kalakalan, lumago din ang salapi at capital ng mga tao. Itinayo ang mga bangko sa Pilipinas upang mahusay na mapangasiwaan ang sitema ng pananalapi sa kolonya. 4 Ang kauna-unahang institusyon sa pananalapi na itinatag sa kapuluan ay ang Obras Pias. Ito ay isang pang-kawanggawang pundasyon na itinayo ng simbahan upang tumanggap ng donasyon.Lumaki ang nalikom na pondo sa Obras Pias na kadalasang pinuhunan ng mga prayle sa kalakalang galyon.Sa kalaunan ginamit ang Obras Pias bilang bangkong komersiyal na nagpapahiram ng puhunan sa mga negosyante. Noong 1882 binuksan naman ang kauna-unahang savings bank sa Pilipinas, ang Monte de Piedad y Caja de Ahorros. Binuksan din ang kaunahang bangkong Espanyol na naging bukas sa mga negosyanteng Espanyol at Filipino, ang El Banco Español Filipino de Isabel II na sa kasulukyang panahon ito na ngayon ang Bank of Philippine Islands (BPI). El Banco Español Filipino de Isabel II NCCA Official,"Banco EspañolFilipino",image,https://tinyurl.com/y49w boxo on 9.11.20 Nagbukas din ng banko ang mga mangangalakal mula Britanya sa Pilipinas. Ito ang Chartered Bank of India, Australia and China noong 1872 at ang Hongkong Shanghai Banking Corporation noong 1875. Upang mapabilis na makarating ang mga kalakal mula sa ibang’t ibang lalawigan dito ipinakilala ang mga bagong sistema ng transportasyon at komunikasyon. Tinayo ang unang parola sa Pilipinas sa bungad ng Pasig River upang magbigay ng babala sa mga dumaraang malaking sasakyang pandagat sa Look ng Maynila. 5 John T ew ell,"Manila and Dagupan Railw ay, Neilson & Co., Glasgow , P hilippines, 1890",https://tinyurl.com/y2yhvlq6 on 9.11.20 MANILA-DAGUPAN RAILWAY 1890 Binuksan sa publiko noong 24 ng Nobyembre 1892 ang unang riles sa bansa, ang Ferrocaril de M anila (Manila-DagupanRailway). Tumakbo noong 1892 ang tranvia sa ilalim ng Compania de Los vias De Filipinas. John T ew ell,"West end of Escolta Street looking east, Manila, P hilippines, early 1900s",https://tinyurl.com/y2rps6uz on 9.11.20 Tranvia sa may Kalye Escolta c1900 Itinayo sa Pilipinas ang kauna-unahang suspension bridge sa Asya, ang Puente Colgante (Quezon Bridge). Ito ay dinisenyo ni Gustave Eiffel kilala sa kanyang obrang Eiffel Tower sa Paris, France. Noong 1893 nagliwanag ang buong Maynila sa pagkakatatag ng La Electricita de Manila.Binuksan ang serbisyo ng koreo noong 1854 sa pagitan ng Maynila at Hongkong. Makalipas na tao, sumunod naman ang telegrapo noong 1873. naiugnay naman ang Pilipinas sa ibang bansa gamit ang kable noong 1880. Tuluyang natamasa ang serbisyo ng telepono ang mga tagaMaynila noong 1890. 6 Sa pagkakaroon ng maayos at matibay na daan, mabilis na komunikasyon at ugnayan ng mga tao, nagsimula narin ang pag-unlad ng kaisipan ng tao sa kanilang kapaligiran. Lumawak ang kanilang karungan at lumaki narin ang pagnanasa ng mga Filipino na lumaya sa kamay ng mga Espanyol. John T ew ell,"P uente Colgante, Manila, P hilippine Islands ", https://tinyurl.com/yxep4zsf on 9.11.20 Puente Colgante (Quezon Bridge) Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang TAM A kung ito ay nagsasaad ng katotohanan at M ALI kung hindi nagsasaad ng katotohanan ang talata. 1. Lubos na binukasan ang daungan ng Maynila sa pandaigdigang kalakalan noong 1934. 2. Sa kalaunan ginamit ang Obras Pias bilang bangkong komersiyal na nagpapahiram ng puhunan sa mga negosyante. 3. Ang mga bagong sistema ng transportasyon at komunikasyon ay ipinakilala sa ibat-ibang lalawigan upang mapabilis makarating nag mga kalakal at produkto. 7 4. Tuluyang natamasa ang serbisyo ng telepono ng mga taga-Maynila noong 1590. 5. Binuksan ang kauna-unahang saving bank sa Pilipinas noong 1882. 6. Nangunguna ang mga dayunhang Briton, Pranses at Amerikano sa kalakalan. 7. Tumakbo noong 1898 ang tranvia sa ilalim ng Compania de Los Tranvias De Filipinas. 8. Tinayo ang unang parola sa Pilipinas sa bungad ng Pasig River upang magbigay ng babala sa mga dumaraang malaking sasakyang panghimpapawid. Kunin mo ang iyong kuwaderno sa Araling Panlipunan. Isulat ang iyong natutuhan at magsagawa ng pagninilay hinggil sa iyong pagkatuto mula sa paksang tinalakay. Sa araling ito ay nalaman mo ang mga sumusunod: Noong 1834, ang lubos na pagbubukas sa daungan ng Maynila para sa pandaigdigang kalakalan. Ang kauna-unahang institusyon sa pananalapi na itinatag sa kapuluan ay ang Obras Pias. Nagbukas din ng banko ang mga mangangalakal mula Britanya sa Pilipinas. Upang mapabilis na makarating ang mga kalakal mula sa ibang’t ibang lalawigan dito ipinakilala ang mga bagong sistema ng transportasyon at komunikasyon. Noong 1893 nagliwanag ang buong Maynila sa pagkakatatag ng La Electricita de Manila. Tuluyang natamasa ang serbisyo ng telepono ang mga taga-Maynila noong 1890. Malaki na ang ipinagbago ng Pilipinas sa larangan ng transportasyon at komunikasyon makalipas ng maraming taon. Ang pag-usbong ng 8 makabagong teknolohiya ay nagdulot rin ng pagbabago sa pamumuhay ng mga Pilipino. Iguhit sa isang bond paper ang epekto ng makabagong teknolohiya sa larangan ng komunikasyon sa buhay ng isang Pilipino. Panuto: Buuin ang crossword puzzle gamit ang mga pahayag na ibinibigay sa bawat bilang. 9 Pangwakas na Pagsususlit 1. Eiffel 2. Ilog P asig 3. T ren 4. P arola 5. T elepono 6. Quezon Bridge 7. Koreo 8. Obras P ias 9. Bangko 10. Daungan 10 Gawain 1. Mali 2. T ama 3. T ama 4. T ama 5. T ama 6. T ama 7. Mali 8. Mali Unang Pagsubok 1. C 2. D 3. D 4. B 5. C 6. C 7. B 8. B 9. A 10. A Susi sa Pagwawasto Balagtas, M.U. et al.Philippine’ Pride 5.Rex Bookstore Inc,2016. Gabuat,M.A.et al.Pilipinas Bilang Isang Bansa.Vibal Group Inc,2016. Sanggunian