Uploaded by ertha1117

Filipino 5 Qtr 1

advertisement
FILIPINO 5 QTR 1
A. Basahin at unawaing mabuti ang katanungan. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang tulang iyong binasa ay para sa mga ________.
a. kabataan
b. magulang
c. kaibigan
d. kapatid.
2. Sino ang may akda ng tula?
a. Emilio Aguinaldo
b. Dr. Jose Rizal c. Andres Bonifacio
d. Heneral Luna
3. Batay sa tulang iyong binasa, paano nilarawanng may-akda ang kabataang Pilipino?
a. kaaway ng pamahalaan
c. pag-asa ng bayan
b. katiwala ng mamamayan
d. hadlang sa pag-unlad
4. Ayon sa tula, ano ang nararapat na gawin sa dangal at magandang ngalan ng isang tao?
a. ipagsigawan nang buong puso
c. ikalat sa buong mundo
b. ipagmalaki sa lahat ng tao
d. lahat ng nabanggit
5. Anong mensahe o kaisipan an nagpapakita ng pagpapahalaga sa baying pinagmulan ng nabanggit sa
tula?
a. pagkakaroon ng magandang bukas na haharapin ng ating bansa
b. pagkakaroon ng inspirasyong ipagbunyi ang lahing Pilipino
c. pagkakaroon ng panibagong bukas at pag-asa
d. lahat ng nabanggit
B. Bilugan ang salitang pinakamalapit ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit sa pangungusap.
1. Maaliwalas ang panahon ngayon sa labas kaya tuwang-tuwa ang mga batang naglalaro sa parke.
Mausok
maalinsangan
maganda
mainit
2. Ang pagiging simple ng isang babae ay dapat pagitawin upang mamalas ang tunay na kagandahan
nito.
Maipagmayabang
mangibabaw
maipagmalaki maipamalas
3. ANg awiting ipinamalas ng magkakaibigang Romeo at Miguel ay lubhang kagiliw-giliw para sa mga
nagpapalak-pakang manonood.
Nakatutuwa
katangi-tangi
kakaiba
kaibig-ibig
4. Lalong lumutang ang kagandahan ng mga kandidata sa patimpalak ng kagandahan dahil sa suot nilang
makinang na kuwintas at korona.
Malaki
makislap
makulay
marami
5. Maalam sa lahat ng asignatura ang batang si Lucas kaya siya ay laging nangunguna sa klase.
Marunong
mabilis
magulo
magiliw
C. Salungguhitan ang dalawang salitang magkasalungat sa pangungusap.
1. Mairog na bata si Ana kaya tuwang-tuwa ang buong mag-anak sa kanya hindi siya bastos sa mga
nakakatanda.
2. Karagdagang sweldo ang natatanging himutok ng mga kawani at manggagawa ng gobyerno kaya sila
nagwewelga dahil ayaw nilang manahimik na lamang sa kabilang karapatan.
3. Nakamtan natin ang minimithing kalayaan dahil sa kagitingan ng ating mga bayani laban sa
pananakop ng mga Kastila.
4. Ang mga mag-aaral ay humayo patungo sa kabilang ibayo para sa kanilang “outreach program” at
doon sila nanatili nang isang linggo.
5. SI Lola Corazon ang lumingap sa ulilang magkakapatid. Hindi nya pinabayaan ang magkakapatid.
D. Lagyan ng bilang 1-5 ayon sa pagkasunud-sunod ng mga pangyayari.
Isang tanghali, dumating sa bahay si Sianong Salamangkero mula sa sinasakang bukid na pagod
na pagod at gutom na gutom. Dinatnan niyang wala pang sinaing at lutong ulam.TInawag niya ang anak.
Nakita niyang hawak nito ang pulang suklay at nagsusuklay ng buhok. “Tandango, magsaing ka na nga at
magluto ng ulam. Gutom na gutom na ako, anak.” Padabog na hinarap ni Tandango ang ama at walang
pakundangang nagwika “Kung kayo ang nagugutom, kayo ang magluto.” Nagsiklab ang galit ni Sianong
Salamangker sa anak. Sinugod niya ang anak at kinuha ang pulang suklay.Inihampas ang pulang suklay sa
aak at sinabing “Mabuti pang wala akong anak na tulad mong tamad at lapastangan! MAnatili nawa ang
suklay na ito sa iyong gulo bilang tanda ng paglalapastangan mo sa akin!”.
____ Padabog na hinarap ni Tandango ang ama at walang pakundangang nagwika “Kung kayo ang
nagugutom, kayo ang magluto.”
_____ Isang tanghali, dumating sa bahay si Sianong Salamangkero mula sa sinasakang bukid na pagod na
pagod at gutom na gutom.
_____ Nagsiklab ang galit ni Sianong Salamangker sa anak. Sinugod niya ang anak at kinuha ang pulang
suklay.
_____ TInawag niya ang anak. Nakita niyang hawak nito ang pulang suklay at nagsusuklay ng buhok.
“Tandango, magsaing ka na nga at magluto ng ulam. Gutom na gutom na ako, anak.”
____ Inihampas ang pulang suklay sa aak at sinabing “Mabuti pang wala akong anak na tulad mong
tamad at lapastangan! MAnatili nawa ang suklay na ito sa iyong gulo bilang tanda ng paglalapastangan
mo sa akin!”.
E. Kilalanin kung sino o ano ang tinutukoy ng mga pahayag.
__________________1. Siya ang dalagang maganda, malakas, mabait at masipag na anak nina Mang
Tasyo at Aling Sebya.
__________________2. Ang pangunahing hanapbuhay ng mag-asawang Sebya at Tasyo.
__________________3. Anong uri ng hayop ang pumipinsala sa bukirin ng mga taga-nayon.
__________________4. Siya ang makisig na binatang tumulong kina Juanita.
__________________5. Ano ang gantimpala sa sinumang makahuhuli sa pumipinsala sa bayan ni
Juanita?
F. Lagyan ng bilang 1-5 ayo sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari.
_____ Kumalat ang balita na may nananalanta sa kanilang mga pananim sa bukid.
_____ Nagpakasal sina Juanita at Ilog.
_____ Pumunta agad sa Ilog sa bukid na kung saan naroon ang pumipinsala dala-dala ang kanyang itak
upang huliin ang namiminsala.
_____ Isang malaks na hiyawan ang gumising kay Juanita. Nagsasaya ang mga tao sapagkat nahuli na rin
si Ilog ang pumapaslang sa kanilang lugar.
_____ Pinagtataga ni Ilog ang nahuling namiminsala.
G. Tukuyin ang uri ng pangngalang pambalana nakasalungguhit sa pangungusap. Isulat sa patlang ang T
kung tahas, B kung basal at L kung lansakan.
______1. Malalaking bundok ang inyong makikita sa Montalban.
______2. Kaligtasan lamang ang aking hiling sa iyong pag-alils.
______3. Laganap na rin ang kahirapan sa ating bansa.
______4. Tumpok ng bawang ang ipinabili sa akin ng aking ina.
______5. Nakita ko rin sa wakas ang nawawala kong lapis.
______6. Ang tinda kong buwig ng saging ay naubos noong umaga pa lang.
______7. Ang grupo ng mga mananayaw ay nagtanghal sa aming lugar.
______8. Nakasisilaw ang angkin niyang kagandahan.
______9. MAsarap na lechon ang aming handa sa aking kaarawan.
______10. Kahanga-hanga ang angkin niyang katalinuhan.
H. Punan ang patlang ng panandang angkop sa pangngalan sa pangungusap. Piliin ang sagot sa baba.
Ang
sina
kay
kina
ni
nina
1. ______bahay na aming pinatayo ay malapit nang matapos.
2. Pupunta kami _________lolo at lola bukas.
3. _________Mildren at Popoy ay masayang naglalaro sa parke.
4. Para _______Itay ang pasalubong na ito.
5. Pagtatanim ang tanging ikinabubuhay ______ Aling Pasing.
I. Ibigay ang katumbas na pangngalang pambalana ng pangtanging may salungguhit sa pangungusap at
ibigay naman ang panggalang pantangi ng pambalanang nakaitim. Isulat ang sagot sa patlang.
__________________1. Biogesic ang aking iniinom sa tuwing sumasakit ang aking ulo.
__________________2. Si Brownie na aking alaga ang palaging sumasalubongsa akin sa tuwing umuuwi
ako ng bahay.
__________________3. Ang paksa ng aming talakayan kanina ay tungkol sa isang planeta.
__________________4. Paborito kong basahin ang “Harry Potter”.
__________________5. Tinuklaw siya ang isang makamandag na ahas.
__________________6. Matapang at matulungin ang kasalukuyang president ng Pilipinas.
__________________7. Si Regine Velasquez ang tinaguriang Asia’s Song Bird.
__________________8. Si Andres Bonifacio ang “Ama ng KAtipunan”.
__________________9. Mahusay ang aming guro sa Matematika.
__________________10. Pupunta kaming Boracay sa isang araw.
J. Bilugan ang SIMUNO sa pangungusap.
1. Ang bata ay masayang naglalaro.
2. Natapon ang gatas na kanyang iniinom.
3. Si Ana ay mahilig sumayaw at kumanta.
4. Namitas ng mga bulaklak ang mga magkakaibigan.
5. Ang magkapatid ay palaging nag-aaway sa tuwing wala ang kanilang ina.
K. Salungguhitan ang KAGANAPANG PANSIMUNO sa pangungusap.
1. Ang tatay niya ay mahusay na pintor.
2. Si Ginoong Alredo ang aming guro sa Matematika.
3. Isang mayamang Doktor ang napangasawa ni Mira.
4. Ang lalaking iyon ay magaling na mang-aawit.
5. Ang gulay ay masustansyang pagkain.
L. Lagyang ng X ang TUWIRANG LAYON sa pangungusap.
1. Si Kuya ay bumili ng bagong damit.
2. Ako ay marunong tumugtog ng gitara.
3. Naghugas ng maraming plato ang aking kapatid.
4. Sabay-sabay kumain ng tanghalian ang magkakaibigan.
5. Binilhan si Anna ng libro ng kanyang ina.
6. Niregaluhan ni Dada ang kapatid ng relo.
7. Naubusan ng tindang bigas si Aling Maria.
8. Natapunan ng tubig ang aking damit kanina.
9. Bibilhan kita ng cake sa iyong kaarawan.
10. Nakapulot ng isang tabo si James.
M. Tukuyin sa patlang ang nakasalungguhit sa pangungusap. Isulat ang S kung ito ay simuno, KP kung
kaganapang pansimuno at TL kung tuwirang layon.
_______1. Si inay ay may sakit.
_______2. Ang biniling pagkain ni Sheena ay tinapay.
_______3. Nagbigay ng pera si Itay upang ibili ng gamot.
_______4. Si Biboy ay mahilig umarte.
_______5. Pupuntang Bicol si Gina sa susunod na Linggo.
_______6. Mahilig kumain ng matamis si Ashley.
_______7. Nagluto ng pinakbet si Lolo Tasyo.
_______8. Si Ginang Cruz ay isang mahusay na doktor.
_______9. Ang mga bituin sa langit ay kaygandang pagmasdan.
_______10. NAghulog ng sulat si Anna para sa kanyang ina.
N. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Anong panghalip ang ginamit sa pangungusap na “Kami ay kumain sa mamahaling restaurant.”
a. kumain
b. sa
c. kami
d. restaurant
2. Anong panghalip ang angkop sa pangungusap : “Ang mga mag-aaral sa HTA ay nakiisa sa pagdiriwang
ng Buwan ng WIka ________ ay sumali sa iba’t ibang patimpalak.”
a. Tayo
b. Sila
c. Siya
d. Ikaw
3. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang ginamitan ng panghalip panao?
a. Dito naglinis ang mga mag-aaral.
b. Saan pumunta ang bata?
c. Tumulong sila sa mga nasalanta ng bagyo.
4. Anong panghalipd ang angkop sa pangungusap: “ _________ pala ang bago kong kaklase. Kamusta
ka?”
a. Ikaw
b. Tayo
c. Ako
5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI panghalip panao?
a. kayo
b. ano
c. tayo
O. Bilugan ang panghalip panao at salungguhitan ang pangngalang pinapalitan.
1. Si Yen ay pupuntang BUlacan mamayang hapon. Siya ay nagdala ng maraming pasalubong.
2. Sa wakas, Jenny nakuha mo rin ang sagot sa tanong na iyan.
3. Umuwi si Anton sa probinsiya. Hindi niya nakalimutang bilhin ang pinagbilin ng kanyang ama.
4. Lumikas ang mga tao. Pupunta sila sa paaralan dahils a mataas na pagbaha.
5. Rose, ikaw na bumili ng gulay sa palengke.
6. Daisy at Jen, kayo na ang maglaba ngayong araw.
7. Hindi makakapunta si Tony sa reunion dahil siya ay may sakit.
8. Mga kasama, handa na ba kayong lumikas?
9. Si Tin-tin ang nanguna sa klase. Siya ay likas talagang matalino.
10. JM, ang pangalan ko.
P. Isulat sa patlang ang U kung UNA , I2 kung IKALAWA , I3 kung IKATLONG panauhan ang salitang
nakasalungguhit.
_____1. Ako ang napiling umawit sa darating na programa sa paaralan.
_____2. Magkita tayo sa harap ng mall bukas.
_____3. Siya ang kumuha nang nawawalang pera.
_____4. Ikaw na ang magsabi ng iyong kasalanan.
_____5. SIla ang nagwagi sa patimpalak.
_____6. Inawit niya nang mahusay ang kantang “Listen”.
_____7. Ibili natin ng regalo ang Inay.
_____8. Ikaw ang piniling lider ng grupo.
_____9. Itabi mo ang mga paso sa gilid.
Q. Isulat sa patlang ang 1 kung isahan , 2 kung dalawahan, at 3 kung maramihan ang kailanan ng
panghalip na nakasalungguhit.
_____1. Ako ang unang natawag sa bibigyan ng regalo.
_____2. Mahal kita.
_____3. Kami ay magsisimba mamaya.
_____4. Tayo ang napiling kinatawan ng ating paaralan sa sasalihang patimpalak.
_____5. Itawa mo lang ang problema.
R. Isulat ang PL kung palagyo o PA kung paari ang panghalip panaong may salungguhit sa pangungusap.
______1. Siya ang inaasahan ng mga mamamayan.
______2. Iyo ang mga gamit na nasa ibabaw ng mesa.
______3. Sa akin ang puting sapatos na bili ni Inay.
______4. HInahanap ka ng mga bata.
______5. Kata ay inaasahang dumalo sa aking kaarawan.
______6. Sila ang dahilan kung bakit ang malaya ang Pilipinas.
______7. Kanya pala ang naiwang libro sa silid-aralan.
______8. Bumili ka ng bigas mamaya.
______9. Ang bahay na iyong natatanaw sa di kalayuan ay amin.
______10. Kayo ang magdadala ng gamit sa bodega.
______11. ANg mga damit na nilalabhan ni Inay sa ilog ay akin.
______12. Tayo ang isa sa mga nagwagi sa paligsahan.
______13. Siya ang tumulak sa bata.
______14. Sa kanila ang magarang sasakyan na nakaparada.
______15. Ikaw ang may kasalanan ng lahat.
______16. Sa kanya ang mga nakakalat na laruan.
______17. Nagluto siya ng masarap na ulam.
______18. Sa iyo ibinigay ng guwardiya ng tiket.
______19.Kata ay inaanyayahan na sumama sa aking kaarawan bukas.
______20. Sa atin ang mga prutas na hiniwa ng mga katiwala.
______21. Bumili ka ng sabon sa tindahan.
______22. Ang doktor kong kapatid ay siya.
______23. Sa iyo ba ang asul na t-shirt?
______24. Ako ang magtutupi ng mga damit kapag tuyo na.
______25. Sa amin ang mga itim na pantalon.
______26. Kumain kayo ng maraming gulay.
______27. Ang nagluto ng pinakbet ay ako.
______28. Inyo ba ng malaking aso sa labas?
______29. Ang sasayaw sa pyesta ay kami.
______30. ANg mga gamit na nagkalat sa sahig ay hindi akin.
S. GUmawa ng makabuluhang pangungusap ang mga panghalip panao.
1. tayo (palagyo)
_______________________________________________________________________________
2. kanila (paari)
_______________________________________________________________________________
3. akin (paari)
_______________________________________________________________________________
4. kata (palagyo)
_______________________________________________________________________________
5. amin (paari)
_______________________________________________________________________________
Download