EscuelaCatolica de San Sebastian Pinagbuhatan, PasigCity S.Y. 2020-2021 ND 2 QUARTER MODULE 1 ECSS@24: Bringing the Good News to all Faiths in all Seasons Amidst Life’s Challenges Name: Section: Grade level: Grade 8 Subject: Araling Panlipunan Topic: Kabihasnang Minoan at Mycenean Formation Standard: I. Established Goal: Naipamalas ang malalim nap ag-unawa at pagpapahalaga sa sama-samang pagkilos at pagtugon sa mga pandaigdigang hamon sa sangkatauhan sa kabila ng malawak na pagkakaiba-iba ng heograpiya, kasaysayan, kultura, lipunan, pamahalaan at ekonomiya tungo sa pagkakaroon ng mapayapa, maunlad, matatag na kinabukasan at nagkakaisang pananampalataya sa Diyos. II. Most Essential Competencies: Nasusuri ang kabihasnang Minoan, Mycenean at kabihasnang klasiko ng Greece Naipapaliwanag ang kontribusyon ng kabihasnang Romano III. Essential Understanding: Malaki ang naging impluwensya ng klasikal na sibilisasyon ng Europa sa pag-unlad IV. Essential Question Paano nakaimpluwensya ang klasikal na Europa sa pag-unlad ng sibilisasyon sa daigdig? V. Content I. Introduction Pamprosesong tanong: 1. Suriin ang larawan, saang bansa matatagpuan ang istrukturang ito? 2. Ano ang unang kabihasnan na sumibol dito? 3. Paano nakatulong ang unang kabihasnan ng Greece sa pagtatag ng pundasyon sa pandaigdigang sibilisasyon? II. Lesson Naging sentro ng sinaunang Greece ang mabundok na bahagi ng tangway ng Balkan sa timog at ilang mga pulo sa karagatan ng Aegean. Samantala, ang karagatan ng Mediterranean ang naging tagapag-ugnay ng Greece sa iba pang panig ng mundo. Sa mundo ng mga sinaunang Greek, ang karagatan ang pinakamainam na daanan sa paglalakbay. Dahil dito karamihan sa mga pamayanan nila ay matatagpuan 60 kilometro lamang mula sa baybay-dagat. Ang lupain ng Greece ay mabato at bulubundukin. Ito ang pangunahing naging sagabal sa mabilis na daloy ng komunikasyon sa mga pamayanan. Naging mabagal ang paglago ng mga kaisipan at teknolohiya. Subalit ito rin ang naging dahilan upang ang bawat lungsodestado ay magkaroon ng kani-kanilang natatanging katangian na nagpayaman sa kanilang kultura. Ang mga mainam na daungan na nakapaligid sa Greece ay nagbigay-daan sa maunlad na kalakalang pandagat na naging dahilan ng kanilang maunlad na kabuhayan. Ito rin ang nagbigay daan upang magkaroon sila ng kaugnayan sa iba’t ibang uri ng tao na nakatulong naman upang mapayaman nila ang kanilang kultura at maibahagi ang kanilang mga naging tagumpay sa iba’t ibang larangan ng pamumuhay sa sandaigdigan. Ang mga Minoans Ayon sa mga arkeologo, ang kauna- unahang sibilisasyong Aegean ay nagsimula sa Crete mga 3100 B.C.E. o Before the Common Era. Tinawag itong Kabihasnang Minoan batay sa pangalan niHaring Minos, ang maalamat na haring sinasabing nagtatag nito. Kilala ang mga Minoan bilang mahuhusay gumamit ng metal at iba pang teknolohiya. Nakatira sila sa mga bahay na yari sa laryo (bricks) at may sistema sila ng pagsulat. Magagaling din silang mandaragat. Hindi nagtagal, kinilala ang Knossos bilang isang makapangyarihang lungsod at sinakop nito ang kabuuan ng Crete. Dito matatagpuan ang isang napakatayog na palasyo na nakatayo sa dalawang ektarya ng lupa at napapaligiran ng mga bahay na bato. Ang palasyo ay nasira ng sunud-sunod na sunog at iba pang mga natural na kalamidad. Paglipas ng ilan pang taon na tinataya 1600 hanggang 1100 B.C.E., narating ng Crete ang kanyang tugatog. Umunlad nang husto ang kabuhayan dito dulot na rin ng pakikipagkalakalan ng mga Minoan sa Silangan at sa paligid ng Aegean. Dumarami ang mga bayan at lungsod at ang Knossos ang naging pinakamalaki. Sa pamayanang Minoan ay may apat na pangkat ng tao: ang mga maharlika, mga mangangalakal, mga magsasaka, at ang mga alipin. Sila ay masayahing mga tao at mahiligin sa magagandang bagay at kagamitan. Maging sa palakasan ay di nagpahuli ang mga Minoan. Sila na siguro ang unang nakagawa ng arena sa buong daigdig kung saan nagsasagawa ng mga labanan sa boksing. Ang mga Mycenaean Bago pa man salakayin at sakupin ng mga Mycenaean ang Crete, nasimulan na nilang paunlarin ang ilang pangunahing kabihasnan sa Timog Greece. Ang Mycenaea na matatagpuan 16 kilometro ang layo sa aplaya ng karagatang Aegean ang naging sentro ng kabihasnang Mycenaean. Ang mga lungsod dito aypinag-ugnay ng maayos na daanan at mga tulay. Napapaligiran ng makapal na paderang lungsod upang magsilbing pananggalang sa mga maaring lumusob dito.Pagdating ng 1400 B.C.E., isa nang napakalakas na mandaragat ang mgaMycenaean at ito ay nalubos ng masakop at magupo nila ang Crete. Naiugnay nila ang Crete sa lumalagong kabihasnan sa Greece. Maraming mga salitang Minoan ang naidagdag sa wikang Greek. Ang sining ng mga Greek ay naimpluwensiyahan ng mga istilong Minoan. Ilan sa mga alamat ng Minoan ay naisama sa mga kwento at alamat ng mga Greek. Noong 1100 B.C.E., isang pangkat ng tao mula sa hilaga ang pumasok sa Greece at iginupo ang mga Mycenaean. Sila ay kinilalang mga Dorian. Samantala, isang pangkat naman ng tao na mayroon dinkaugnayan sa mga Mycenaean ang tumungo sa timog ng Greece sa may lupain sa Asia Minor sa may hangganan ng karagatang Aegean. Nagtatag sila ng kanilangpamayanan at tinawag itong Ionia.Nakilala sila bilang mga Ionian. Ang mga pangyayaring ito ay tinaguriang dark ageo madilim na panahon natumagal din nang halos 300 taon. Naging palasak ang digmaan ng mga iba’t ibang kaharian. Nahinto ang kalakalan, pagsasaka, at iba pang gawaing pangkabuhayan.Maging ang paglago ng sining at pagsulat nang unti-unti ay naudlot din. Ang mga Polis Dahil sa mga digmaan bago pa ang Panahong Hellenic, nagtayo ng mga kuta ang mga Greek sa mga lugar sa may gilid ng mga burol at sa mga taluktok ng bundok upang maprotektahan ang kanilang sarili sa pagsalakay ng iba’t ibang pangkat. Ang mga pook na ito ay naging pamayanan. Dito nagsimula ang mga lungsod- estado o polis kung saan hango ang salitang may kinalaman sa pamayanan tulad ng pulisya, politika at politiko. May malalaki at maliliit na polis. Ang pinakahuwarang bilang na dapat bumuo ng isang polis ay 5000 na kalalakihan dahil noon ay sila lamang ang nailalagay sa opisyal na talaan ng populasyon ng lungsod-estado. Karamihan sa mga polis ay may mga pamayanang matatagpuan sa matataas na lugar na tinawag na acropolis o mataas na lungsod. Sa panahon ng digmaan, ito ang naging takbuhan ng mga Greek para sa kanilang proteksyon. Sa acropolis matatagpuan ang matatayog na palasyo at templo kung kaya’t ito ang naging sentro ng politika at relihiyon ng mga Greek. Samantala, ang ibabang bahagi naman ay tinawag na agora o pamilihang bayan. Napapaligiran ng mga pamilihan at iba pang mga gusali na nagbigay daan sa Sa mga lungsod-estado, naramdaman ng mga Greek na sila ay bahagi ng pamayanan. Ito ang dahilan kung bakit ipinagkaloob naman nila dito ang kanilang katapatan at paglilingkod. Hindi lahat ng mga nasa lungsod-estado ay mamamayan nito. Ang mga lehitimong mamamayan ay binigyang karapatang bomoto, magkaroon ng ari-arian, humawak ng posisyon sa pamahalaan, at ipagtanggol ang sarili sa mga korte. Bilang kapalit, sila ay dapat na makilahok sa pamahalaan at tumulong sa pagtatanggol sa mga polis sa panahon ng digmaan. Ang lahat ng ito, dagdag pa ang paglago ngkalakalan, ay nagbigay daan sa pag-unlad ng mga lungsod-estado. Kasabay nito ang mabilis na paglaki ng populasyon na naging pangunahing dahilan naman kung bakit nangibang lugar ang mga Greek. Ang iba ay napadpad sa paligid ng mga karagatang Mediterranean at Iton. Bagamat napunta sila at nanirahan sa malalayong lugar, di nawala ang kanilang ugnayan sa pinagmulang lungsod-estado o metropolis. Mula sa pakikipagkalakalan sa iba’t ibang panig ng daigdig, natutuhan ng mga Greek ang mga bagong ideya at teknik. Mula sa mga Phoenician ay nakuha nila ang ideya ng alpabeto na naging bahagi naman ng kanilang sariling alpabeto. Ginamit din nila ang mga teknik ng mga Phoenician sa paggawa ng mas malalaki at mabibilis na barko. Sa mga Sumerian naman ay namana nila ang sistema ng panukat. Mula naman sa mga Lydian ay natutuhan nila ang paggamit ng sinsilyo at barya sa pakikipagkalakalan. Noong mga 546 B.C.E., isang politikong nagngangalang Pisistratus, ang namuno sa pamahalaan ng Athens. Bagamat mayaman siya, nakuha niya ang suporta at pagtitiwala ng karaniwang tao. Mas radikal ang mga pagbabagong ipinatupad niya tulad ng pamamahagi ng malalaking lupang sakahan sa walang lupang mga magsasaka. Nagbigay siya ng pautang at nagbukas ng malawakang trabaho sa malalaking proyektong pampubliko. Pinagbuti niya ang sistema ng patubig sa lungsod ng Athens, at nagpatayo ng magagandang templo. Ipinakita rin niya ang kaniyang interes sa sining at kultura sa pamamagitan ng pagbibigay suporta sa mga pintor at sa mga nangunguna sa drama. Ang pagsulong niya sa sining ang nagbigay-daan upang tanghalin ang Athens na sentro ng kulturang Greek. Sparta, ang Pamayanan ng mga Mandirigma Ang polis o lungsod-estado ng Sparta ay itinatag ng mga Dorian sa Peloponnesus na nasa timog na bahagi ng tangway ng Greece. Sa lahat ng mga lungsod-estado, ang Sparta lamang ang hindi umasa sa kalakalan. Ito ay may magandang klima, sapat na patubig at matabang lupa na angkop sa pagsasaka.Pinalawak ng mga Spartan ang kanilang lupain sa pamamagitan ng pananakop ng mga karatig na lupang sakahan at pangangangamkam nito. Ang mga magsasaka mula sa nasakop na mga lugar ay dinala nila sa Sparta upang maging mga helot o tagasaka sa malawak nilang lupang sakahan. Samakatuwid, naging alipin ng mga Spartan ang mga helot. Maraming pagkakataon na nag- alsa laban sa mga Spartan ang mga helot ngunit ni isa rito ay walang nagtagumpay. Dahilan sa palagiang pag-aalsa ng mga helot, nagdesisyon ang mga Spartan na palakasin ang kanilang hukbong militar at magtatag ng isang pamayanan ng mga mandirigma upang maging laging handa sa kahit anong pag-aalsang gagawin ng mga helot. Ang Athens at ang Pag-unlad Nito Sa simula ng 600 B.C.E., ang Athens ay isa lamang maliit na bayan sa gitnang tangway ng Greece na tinatawag na Attica. Ang buong rehiyon ay hindi angkop sa pagsasaka kaya karamihan sa mga mamamayan nito ay nagtrabaho sa mga minahan, gumawa ng mga ceramics, o naging mangangalakal o mandaragat. Hindi nanakop ng mga kolonya ang Athens.Sa halip, pinalawak nito ang kanilang teritoryo na naging dahilan upang ang iba pang nayon sa Attica ay sumali sa kanilang pamamahala. Sa sinaunang kasaysayan, ang Athens ay pinamunuan ng mga tyrant na noon ay nangangahulugang mga pinunong nagsusulong ng karapatan ng karaniwang tao at maayos na pamahalaan. Bagamat karamihan sa kanila ay naging mabubuting pinuno, may mangilan-ngilan din na umabuso sa kanilang posisyon na nagbigay ng bagong kahulugan sa katawagang tyrant bilang malupit na pinuno sa ating panahon, sa kasalukuyan. Sa simula, ang Athens ay pinamunuan ng hari na inihalal ng asembleya ng mamamayan at pinapayuhan ng mga mga konseho ng maharlika. Ang asembleya ay binubuo naman ng mayayaman na may malaking kapangyarihan. Ang mga pinuno nito ay tinawag na Archon na pinapaburan naman ang mga may kaya sa lipunan. Di nagtagal, nagnais ng pagbabago ang mga artisano at mga mangangalakal. Upang mapigil ang lumalalang sitwasyon ng mga di nasisiyahang karaniwang tao, nagpagawa ang mayayamang tao o aristokrata ng nakasulat na batas kay Draco isang tagapagbatas. Malupit ang mga batas ng Greek at hindi ito binago ni Draco ngunit kahit na paano ang kodigong ginawa niya ay nagbigay ng pagkakapantay- pantaysa lipunan at binawasan ng mga karapatan ang mga namumuno. Sa gitna ngpagbabagong ito nanatiling di kontento ang mga mamamayan ng Athens. Maraming Athenian ang nagpaalipin upang makabayad ng malaking pagkakautang. Marami rin sa kanila ang nagnais ng mas malaking bahagi sa larangan ng politika. Ang sumunod na pagbabago ay naganap noong 594 B.C.E. sa pangunguna ni Solon na mula sa mga pangkat ng aristokrata na yumaman sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan. Kilala din siya sa pagiging matalino at patas. Inalis niya ang mga pagkakautang ng mahihirap at ginawang ilegal ang pagkaalipin nang dahil sa utang. Gumawa rin siya ng sistemang legal kung saan lahat ng malayang kalalakihang ipinanganak mula sa mga magulang na Athenian ay maaaring maging hurado sa mga korte. Ang mga repormang pampolitika na ginawa ni Solon ay nagbigay ng kapangyarihan sa mga mahihirap at karaniwang tao. Nagsagawa rin siya ng mga repormang pangkabuhayan upang maisulong ang dayuhang kalakalan at mapabuti ang pamumuhay ng mga mahihirap. Nalutas ng repormang pangkabuhayan ang mga ilang pangunahing suliranin ng Athens at napaunlad ang kabuhayan nito. Sa gitna ng malawakang repormang ginawa ni Solon, di nasiyahan ang mga aristokrata. Para sa kanila, labis na pinaburan ni Solon ang mahihirap. Sa kasalukuyan, ginagamit ang salitang Solon bilang tawag sa mga kinatawan ng pambansang pamahalaan na umuugit ng batas. Noong 510 B.C.E., naganap muli ang pagbabago sa sistemang politikal ng Athens sa pamumuno ni Cleisthenes. Hinati niya ang Athens sa sampung distrito. Limampung kalalakihan ang magmumula sa bawat distrito at maglilingkod sa konseho ng tagapayo upang magpasimula ng batas sa Asembleya ang tagagawa ng mga pinaiiral na batas. Sa kauna- unahang pagkakataon, nakaboto sa asembleya ang mga mamamayan, may-ari man ng lupa o wala. Upang mapanatili ang kalayaan ng mga mamamayan ipinatupad ni Cleisthenes ang isang sistema kung saan bawat taon ay binibigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na ituro ang taong nagsisilbing panganib sa Athens. Kapag ang isang tao ay nakakuha ng mahigit 6,000 boto, siya ay palalayasin sa Athens ng 10 taon. Dahil sa ang pangalan ay isinusulat sa pira-pirasong palayok na tinatawag na Ostrakon, ang sistema ng pagpapatapon o pagtatakwil sa isang tao ay tinawag na ostracism. Bagamat kaunti lamang ang naipatapon ng sistemang ito, nabigyan ng mas malaking kapangyarihan ang mga mamamayan. Sa pagsapit ng 500 B.C.E., dahil sa lahat ng mga repormang naipatupad sa Athens, ang pinakamahalagang naganap ay ang pagsilang ng demokrasya sa Athens, kung saan nagkaroon ng malaking bahagi ang mga mamamayan sa pamamalakad ng kanilang pamahalaan. Ang Banta ng Persia Hangarin ng Persia na palawakin ang imperyo nito sa kanluran. Noong 546 B.C.E., sinalakay ni cyrus the Great ang Lydia sa Asia Minor. Ipinagpatuloy ni Darius I, ang nagmana ng trono ni cyrus the Great, ang hangaring ito. Noong 499 B.C.E., sinalakay niya ang mga kalapit na kolonyang Greek. Nagpadala ng tulong ang Athens ngunit natalo ang mga kolonyang Greek sa labanang pandagat sa Miletus noong 494 B.C.E. Bagamat natalo ang puwersa ng Athens, nais ni darius na parusahan ang lungsod sa ginawang pagtulong at gawin itong hakbang sa pagsakop a Greece. Bilang paghahanda sa napipintong pananalakay ng Persia, sinimulan ng Athens ang pagpapagawa ng isang plota o fleet na pandigma. Ang Digmaang Graeco- Persia (499-479 B.C.E.) Ang unang pagsalakay ng Persia sa Greece ay naganap noong 490 B.C.E. sa ilalim ni Darius. Tinawid ng plota ng Persia ang Aegean Sea at bumaba sa Marathon , isang kapatagan sa hilagang-silangan ng Athens. Tinalo ng 10, 000 puwersa ng Athens ang humigit-kumulang 25,000 puwersa ng Persia. Ipinagpatuloy ni Xerxes, anak ni Darius ang tangkang pagpapabagsak sa Athens. Noong B.C.E., isang madugong labanan ang naganap sa Thermopylae, isang makipot na daanan sa gilid ng bundok at ng silangang baybayin ng Central Greece. Pitong libong Greek, tatlong daan sa mga ito ay taga- Sparta sa ilalim ni Leonidas ang nakipaglaban sa puwersa ni Xerxes. Noong una, inakala ni Xerxes na madali niyang malulupig ang mga Greek. Hindi niya inasahan ang katapangan at kahusayan ng mga taga- Sparta sa pakikipagdigma. Sa loob ng tatlong araw, dumanak ang dugo ng mga taga Persia. Subalit ipinagkanulo ng isang Greek ang lihim na daanan patungo sa kampo ng mga Greek. Pinayuhan ni Leonidas ang mga Greek na lumikas habang ipinagtatanggol ng kanyang puwersa ang Thermopylae. Sa harap ng higit na maraming puwersa ni Xerxes, namatay ang karamihan sa tropa ni Leonidas. Digmaang Peloponnesian Nais ni Pericles na manatili ang kapayapaan di lamang sa Athens kundi maging sa mga kalapit nitong mga lungsod-estado at maging sa Persia. Habang umuunlad ang Athens, lumawak din ang kanilang kapangyarihan sa kalakalan. Ito ang naging dahilan kung bakit sa panahon ng Delian League ay naging isang imperyo ang Athens. Hindi lahat ng lungsod-estado ay sumang-ayon sa ginawa ng Athens na pagkontrol sa Delian League subalit wala silang nagawa upang umalis sa alyansa. Kayat ang mga lungsod-estado na kasapi sa Delian League tulad ng Sparta, Corinth at iba pa ay nagtatag ng sarili nilang alyansa sa pamumuno ng Sparta at tinawag itong Peloponnesian League. Imperyong Macedonian Hinangad ni Philip, hari ng Macedonia , na pag-isahin ang mga lungsod-estado sa Greece sa ilalim ng kanyang pamamahala. Upang matupad ang kaniyang hangarin, bumuo siya ng isang hukbo at sinanay sa pinakamabisang paraan ng pakikipagdigma. Bilang pagtatanggol ng kanilang kalayaan, sinalakay ng magkasanib na puwersa ng Athens at ng Thebes ang Macedonia noong 338 B.C.E. Madaling tinalo ni Philip ang hukbo ng dalawang lungsod-estado.Ang pagkatalo ng Athens at Thebes ay hudyat ng pagtatapos ng kapangyarihan ng mga lungsod-estado. Ang buong Greece, maliban sa Sparta, ay napasailalim sa kapangyarihan ng Macedonia. Naging tanyag na pinuno ng Macedonia ang anak ni Philip na si Alexander the Great. Noong siya ay bata pa lamang, naging guro niya si Aristotle na nagturo sa kaniya ng pagmamahal sa kultura at karunungan. Habang lumalaki, natutuhan niya ang kagalingan sa pakikipagdigma. Siya ay 21 taong gulang nang mamatay ang kanyang ama at naging hari ng Macedonia at Greece. Matalino, malakas ang loob at magaling na pinuno si Alexander. Sinalakay niya ang Persia at Egypt at pagkatapos ay tumungo sa silangan at sinakop ang Afghanistan at hilagang India. Nagtatag siya ng imperyo na sumakop sa kabuuan ng kanlurang Asya, Egypt, at India. Pinalaganap niya ang kaisipang Greek sa silangan. Noong 323 B.C.E., sa gulang na 32 taon namatay si Alexander sa Babylon sa hindi matiyak na karamdaman. Ang Republikang Romano Sang-ayon sa tradisyon, pinaalis ng mga Roman ang punong Etruscan at nagtayo ng Republika, isang pamahalaang walang hari. Noong 509 B.C.E, namuno si Lucius Junius Brutus at nagtagumpay sa pagtataboy sa mga Etruscan. Pagkatapos maitaboy ang huling haring Etruscan na si Tarquinius Superbus, itinatag ni Lucius Junius Brutus ang isang Republika. Tumagal ito mula 509 hanggang 31 B.C.E. Sa halip na pumili ng hari, naghalal ang mga Roman ng dalawang konsul na may kapangyarihang tulad ng hari at nanungkulan sa loob lamang ng isang taon. Bawat isa ay may kapangyarihang pigilin ang pasya ng isa. Dahil sa pagkakahati ng kapangyarihan ng mga konsul, humina ang sangay tagapagpaganap. Sa oras ng kagipitan, kinakailangang pumili ng diktador na manunungkulan sa loob lamang ng anim na buwan. Nagtatamasa ang diktador ng higit na kapangyarihan kaysa mga konsul. Republika lamang sa pangalan ang mga pamahalaan dahil laan lamang ito sa mga maharlika o patrician. Pawang mga patrician ang dalawang konsul, ang diktador at ang lahat ng kasapi ng senado. Mga kapos sa kabuhayan ang plebeian at kasapi ng Assembly na binubuo ng mga mandirigmang mamamayan. Walang kapangyarihan ang plebeian at hindi rin makapag-aasawa ng patrician. Tagumpay ng Plebeian Laban sa Patrician. Ayon sa kasaysayan, nagsimulang maghimagsik ang mga plebeian noong 494 B.C.E. upang magkamit ng pantay na karapatan. Nagmartsa sila sa buong Rome at lumikas sa kalapit na lugar na tinaguriang Banal na Bundok. Doon sila nagbalak magtayo ng sariling lungsod. Sa takot ng mga patrician na mawalan ng mga manggagawa, sinuyo nila ang mga plebeian upang itigil ang kanilang balak sa pamamagitan ng pagpapatawad sa dati nilang utang; pagpapalaya sa mga naging alipin nangg dahil sa pagkakautang; at ang paghahalal ng mga plebeian ng dalawang mahistrado o tribune na magtatanggol ng kanilang karapatan. May karapatan ang tribune o mahistrado na humadlang sa mga hakbang ng senado na magkasama sa mga plebeian. Kapag nais hadlangan ng isang tribune ang isang panukalangbatas, dapat lamang niyang isigaw ang salitang Latin na veto! (Tutol Ako!). Sa loob ng isang siglo at kalahati, nagkaroon ng higit na maraming karapatan ang plebeian. Noong 451 B.C.E, dahil sa mabisang kahilingan ng mga plebeian, nasulat ang mga bataas sa 12 lapidang tanso at inilagay sa rostra ng forum upang mabasa ng lahat. Ang 12Tables ang kauna-unahang nasusulat na batas sa Rome at naging ugat ng Batas Roman. Sa pamamagitan nito, nabawasan ang panlilinlang sa mga plebeian at napagkalooban sila ng karapatang makapgasawa ng patrician, mahalal na konsul, at maging kasapi ng Senado. Kabihasnang Roman Sa pagsakop ng Rome sa mga lungsod-estado ng Greece, libo-libong Greek ang tumungo sa Italy. Tinangay din ng mga heneral ng Rome ang mga gawang sining at aklat ng Greece sa pagbabalik nila sa Rome. Kumalat ang kabihasnang Greece sa Rome at maraming Roman ang tumungo sa Athens para mag-aral. Naimpluwensiyahan ng Greece ang kabihasnang nabuo sa Rome. Gayunpaman, may sariling katangian ang kabihasnang Roman. Pangunahin na rito ang kaalaman sa arkitektura, inhenyeriya, at sistema ng arkitektura. Noong 53 B.C.E., napatay sa isang labanan si Crassus. Tanging si Caesar at Pompey na lamang ang naiwang maghahati ng kapangyarihan. Sa pananaw ng mga nasa Senate, higit na may pag-asa silang makitungo kay Pompey kumpara kay Caesar. Hindi lingid sa kanila ang tagumpay at galing ni Caesar. Isang matagumpay na heneral si Caesar. Popular din siya dahil sa mga reporma niya sa mga lalawigan tulad ng pagbaba ng buwis at pagkakaloob ng lupa sa mga beterano ng hukbo. Inutusan ng Senate si Caesar na bumalik sa Rome nang hindi kasama ang kaniyang hukbo. Subalit sinalungat ni Caesar ang utos ng Senate at bumalik sa Rome na kasama ang kaniyang hukbo. Sa takot nila sa kapangyarihan ni Caesar, tumakas papuntang Greece ang karamihan sa mga kasapi ng Senate, kabilang si Pompey. Hinabol sila ni Caesar at natalo nito ang puwersa ni Pompey. Ginawang diktador si Caesar sa kaniyang pagbalik sa Rome sapagkat kontrolado na niya ang buong kapangyarihan. Bilang diktador, binawasan niya ang kapangyarihan ng Senate ngunit dinagdagan naman niya ang bilang nito, mula 600 naging 900 ang kasapi nito. Binigyan ng Roman citizenship ang lahat ng naninirahan sa Italy. Sa mga lalawigan, ang pagbabayad ng buwis ay inayos habang ang pamahalaan ay pinagbuti. Nangamba ang Senate na maaring ideklara ni Caesar ang sarili bilang hari at magwakas ang Republika. Binuo ang isang sabwatan upang patayin si Caesar. Isa sa mga sumali sa sabwatan ay si Marcus Brutus, matalik na kaibigan ni Caesar. Noong March 15, 44 B.C.E., isinakatuparan ang pagpatay kay Caesar. Habang nagpupulong ang Senate, sinaksak si Caesar ng unang grupo ng senador sa pangunguna nina Brutus at Gaius Cassius. Augustus: Unang Roman Emperor Bago mamatay si Caesar, ginawa niyang tagapagmana ang kanyang apo sa pamangkin na si Octavian. Noong 43 B.C.E, kasama sina Mark Antony at Marcus Lepidus, binuo ni Octavian ang Second Triumvirate upang ibalik ang kaayusan sa Rome. Ito ay dahil binalot ng kaguluhan ang Rome mula nang mamatay si Caesar. Sa pagkakabuo ng Second Triumvirate, tinalo nila ang hukbo nina Brutus at Cassius. Sa loob ng sampung taon, naghati sa kapangyrihan sina Octavian at Mark Antony. Pinamunuan ni Octavian ang Rome at ang kanlurang bahagi ng imperyo, samantalang pinamunuan ni Antony ang Egypt at ang mga lugar sa silangan na kinilala bilang lalawigang sakop ng Rome. Si Lepidus ang namahala sa Gaul at Spain. Habang nasa Egypt, napamahal kay Antony si Cleopatra, reyna ng Egypt. Nang dumating sa Rome ang balita na binigyan ni Antony ng lupa si Cleopatra at balak salakayin ang Rome, bumuo ng malaking hukbo at plota si Octavian upang labanan si Antony. Naganap ang malaking labanan sa pagitan ng dalawang puwersa sa Actium noong 31 B.C.E. Matapos matalo sa Actium, iniwan ni Antony ang kanyang hukbo at sinundan si Cleopatra sa Egypt. Nang sumunod na taon, nagpakamatay si Antony dahil sa maling pag-aakala na nagpakamatay si Cleopatra. Samantala, dahil nagpakamatay na ang minamahal na si Antony at sa harap ng pagkatalo kay Octavian, nagpakamatay na rin si Cleopatra. Si Lepidus ay pinagkaitan ng kapangyarihan. Nawala sa kanya ang pamamahala sa Gaul at Spain. Noong 36 B.C.E., hinikayat niya ang rebelyon sa Sicily laban kay Octavian subalit tinalikuran siya ng kaniyang mga sundalo. Ipinatapon ni Octavian si Lepidus sa Circeii, Italy. Nang bumalik si Octavian sa Rome, nangako siyang bubuhayin muli ang Republic bagama’t hawak niya ang lahat ng kapangyarihan. Bilang pinuno ng hukbo, si Octavian ay tinawag na imperator. Noong 27 B.C.E., iginawad ng Senate kay Octavian ang titulong Augustus. Ang katagang Augsutus ay karaniwang ginagamit patungkol sa isang banal na lugar o banal na akto. Samakatuwid, ang titulong Augustus ay nagpapahiwatig ng pagiging banal o hindi. Limang Siglo ng Lumang Emperyo Si Augustus ay tagapagmana ng isang malawak na imperyo. Ang hangganan nito ay ang Euphrates River sa silangan; ang Atlantic Ocean sa kanluran; ang mga ilog ng Rhine at Danube sa hilaga; at ang Sahara desert sa timog. Sa pagsapit ng Ikalawang siglo C.E., ang populasyon ng imperyo ay umabot sa 100 milyon na binubuo ng iba’t ibang lahi, pananampalataya, at kaugalian. Sa pangkalahatan, tahimik at masagana ang unang dalawa at kalahating siglo ng imperyo. Ang panahong ito ay mula sa 27 B.C.E. hanggang 180 C.E. Kadalasang tinatawag ang panahong ito bilang Pax Romana o Kapayapaang Roman. Umunlad ang kalakalan sa loob ng imperyo. Ang mga daan at karagatan ay ligtas sa mga tulisan at mga pirate. Sagana ang imperyo sa lahat ng uri ng pagkain na nanggagaling sa Egypt, Hilagang Africa, at Sicily. Ang kahoy na gamit sa paggawa ng bahay at iba pang produktong agrikultural ay nagmumula sa Gaul at Gitnang Europe; ginto, pilak, at tingga sa Spain; tin sa Britain; tanso sa Cyprus; at bakal at ginto sa Balkan. Sa labas ng imperyo, isang masaganang kalakalan ang nag-uugnay sa Rome sa iba’t ibang bahagi ng Asya. Mula sa India at China, dumarating sa Rome ang seda, mga pampalasa o rekado, pabango. Umunlad din ang panitikan sa panahon ng Pax Romana. Ang mga makatang sina Virgil, Horace, at Ovid ay nabuhay sa panahong ito. Sinulat ni Virgil ang Aineid, ang ulat ng paglalakbay ni Aeneas pagkatapos ng pagbagsak ng Troy. Samantalang binigyang-buhay ni Ovid ang mga mitong Greek at Roman sa akda niyang Metamorphoses. Sinulat ni Pliny the Elder ang Natural History, isang tangkang pag-isahin ang lahat ng nalalaman tungkol sa kalikasan. Sinulat ni Tacitus ang Histories at Annals na tungkol sa imperyo sa ilalim ng pamamahala ng mga Julian at Flavian Caesar. Sinulat ni Livy simula 27-26 B.C.E ang From the Founding of the City, ang kasaysayan ng Rome. III. Integration Ang kabihasnang Minoan at Mycenean ay ang dalawang mahalagang kabihasnan na nabuo sa Crete. Ipinapakita ng dalawang kabihasnan ito ay mayayamang pamayanan na mayroon sila. IV. Closure Salamat Panginoon sa masaganang pamayanan. Salamat Panginoon aming natutunan ang pagkakaiba ng Minoan at Mycenean. VI. Assessment A. Mula sa inyong librong kayamanan 8, sagutan ang Gunitain sa pahina 107 at Tiyakin 1 sa pahina 110. Kuhanan ng litrato at Isend sa inyong guro sa Araling Panlipunan. Output Bumuo ng isang slogan bilang pagkilala sa kulturang Pilipino na naging ambag ng Greece sa kabihasnan. Kuhana ng litrato at isend sa inyong guro sa Araling Panlipunan. Rubriks sa paggawa ng Slogan Pamantayan Kaugnayan sa Paksa Organisayon/Presentasyon Kalidad at Kalinisan KABUUAN Iskor 10 5 5 20 “I am an ECSSian. I am living witness of God’s Love and Life” Sa aking karangalan, ako ay sumusumpa ng buong katapatan sa larangan ito. Hindi ako nagsinungaling, nandaya at nagnakawnang anumang gawa ng iba. Sa paggawa ko ng mga gawaing pang-akademya, hindi ako nagbigay o tumanggap ng ano mang uri nang hindi awtorisadong tulong galling sa iba maliban sa espesipiko at pinapayagan ng aking guro. Pananatilihin kung magkaroon ng integridad ang aking salita at gawa at igagalang ko ang karapatan ng iba. “God Sees Me” Student’s Name and Signature: Parent’s Guardian’s Name and Signature: