LAGUMANG PAGSUSULIT SA I. PAGTUTUKOY Panuto: Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel. 1. Ito ay tumutukoy sa pagiging lalaki o babae. 2. Paggalang na iginagawad sa taong may dakilang puso at ay ginawang kabutihan sa kapwa. 3. Paggalang na may element ng takot (fear). 4. Nawawala ang katapatan sa isa’t isa dahil sa pagkakaroon ng ibang karelasyon. 5. Ayon kay Immanuel Kant, ito ang pinakamahalagang pundasyon ng moralidad. Ito ay ang sentro ng moral na teorya na kung saan ay moral na tungkulin. 6. Ito ay palaging kaakibat ng katotohanan, saanman at anuman ang katayuan sa buhay ng isang tao 7. Ekstra-ordinaryong paggalang na iginagawad sa mga taong banal gaya ng mga pari, obispo, at madre. 8. Ang pagsasama ng lalaki at babae nang walang basbas ng kasal, 9. Ang isang taong hindi nagsasabi ng totoo ay hindi __________________ sa pagsagot kapag tinatanong. 10. Ito ay isang seremonya kung saan ang isang babae at isang lalaki ay pinagsasama sa ngalan ng batas at ng simbahan. II. Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung ang pahayag ay nagsasaad ng katotohanan at ekis (x) kung hindi. ____11. Dapat na ipagmalaki mo ang iyong sarili sapagkat ikaw ay magandang likha ng Diyos. ____12. Kahit mali ang gawain ng iyong mga kaibigan dapat ay samahan mo pa rin sila. ____13. Mahalagang magpatawad sa mga taong ginawan ka ng mali. ____14. Pagpapasalamat sa pagiging babae at lalaki. ____15. Mahalagang pumili ng mabubuting kaibigan. ____16. Ang paggalang sa dignidad ng kapwa ay ang pagkakaroon ng tunay at malalim na pakikipag-ugnayan sa katapat na kasarian. ____17. Pumili ng mga kaibigang makakaimpluwensya sa iyo upang mas maging mabuting indibidwal. ____18. Kapag nagsuot ang iyong barkada ng magarang kasuotan dapat ay ganun rin ang sa iyo kahit wala ka ng pambili. ____19.Magpatuloy sa mga walang matirhan o matutulugan. Ay isang uri ng corporal na gawa. ____20. Ugaliing maging mapagpasalamat sa lahat ng biyaya sa iyong buhay. III. ENUMERASYON 21-24. MGA ESPIRITWAL NA GAWA NG AWA 25-31. MGA SANHI NG PAGHIHIWALAY NG MAG-ASAWA 32-35. MGA MALING NAIDUDULOT NG PEER PRESSURE IV. SANAYSAY 36-40. Kung susulatan mo ang iyong sarili sa kasalukuyan, ano ang iyong sasabihin? “AN HONEST ZERO IS BETTER THAN A STOLEN HUNDRED” INIHANDA NI: MS. FATIMA SHAINE C. VILLENA ESP TEACHER