“Aborsyon” Sa kasalukuyan, kinakaharap ng ating bansa ang lumalaking bilang ng populasyon at mga maagang nabubuntis na isa sa nagiging dahilan ng kahirapan at pagtaas ng kaso ng aborsyon. May ibang nagpapalaglag dahil sa takot sa pamilya na nabuntis na dala marahil ng kapusukan, pagiging agresibo at pagrerebelde kaya’t humantong ang mga batang ina sa kanilang sitwasyon. O di kaya’y kahihiyan, isang malaking kahihiyan hindi lamang sa ina kundi sa kanyang buong pamilya ang magdalang-tao ng wala pa sa wastong gulang at sa ibang pagkakataon nama’y dulot ng masamang pangyayari o pang-aabuso ang dahilan ng pagbubuntis ng batang ina kaya napipilitang magpalaglag. Ngunit ang pagpapalaglag ay hindi solusyon sa mga problema at ito ay labag sa kautusan ng Diyos. Ang buhay na inihandog sa atin ay maituturing na isang regalo na karapat-dapat nating itanaw na utang na loob at ipagpasalamat sa Maykapal. Dapat din natin ingatan sapagkat ang Ama na siyang lumikha lamang ang may karapatan na bawiin ito. Ano nga ba ang aborsyon? Ang Aborsyon ay ang sinadyang pagtatanggal ng embryo o fetus sa loob ng matres, na nagsasanhi ng kamatayan nito. Pwede itong mangyari ng biglaan tulad ng kapag ang babae ay nakunan, o ng artipisyal sa pamamagitan ng kemikal, pagtistis at iba pa (Wikipedia). Sa paraang ito parang pinagkakaitan ang isang walang kamuwamuwang na sanggol na maransan ang mabuhay at makita ang mundo. Nakakasasama rin ito hindi lamang sa baby na magiging biktima ng aborsyon, pati narin sa nanay. Mabigat ang psychological stress na dadalhin ng isang babaeng nagpa-abort lalo na kung nasa bandang dulo na ng pagbubuntis, at maaaring magkaroon ng impeksyon na magiging dahilan nang kamatayan ng isang babae. Isa pa, hindi man partikular na tinukoy sa Bibliya ang isyu ng aborsyon. Gayun pa man, napakaraming mga talata sa Bibliya ang malinaw na nagpapakita kung ano ang pananaw ng Diyos tungkol sa aborsyon. Sinasabi sa atin ng Jeremias 1:5 na kilala na tayo ng Diyos sa simula pa at Siya ang humuhugis sa atin sa tiyan ng ating ina. Ipinahayagi naman ng Mga Awit 139:13-16 ang aktibong pagkilos ng Diyos sa paglikha at paghugis sa kaanyuan ng bata sa tiyan ng kanyang ina. Sa Exodo 21:22-25 naman ay ipinahayag ang hatol na kamatayan sa sinumang magiging dahilan ng kamatayan ng sanggol na nasa tiyan pa lamang ng kanyang ina. Ito ay malinaw na nagtuturo na itinuturing ng Diyos ang sanggol sa tiyan ng ina na gaya sa isang matanda na mayroon ng sapat na pag-iisip. Para sa mga Kristiyano, ang pagpapalaglag ay hindi maituturing ng karapatan ng ina upang mamili. Ito ay patungkol sa buhay o kamatayan ng isang tao na ginawa ayon sa wangis ng Diyos (Genesis 1:26-27; 9:6). Ang buhay ay ang pinakamagandang bagay na naibibigay ng Diyos sa kanyang mga nilikha. Kaya wala tayong karapatan tanggihan ang oportunidad ng batang mamuhay. Ang aborsyon o paglalaglag ay hindi tama sa mata ng Diyos. Ipinasa nina: Ipinasa kay: Aguinaldo, Aiza Ma’am Marilou Dawin Cacliong, Fairy Bhel