Masusing Banghay Aralin sa Pakitang Turo sa Araling Panlipunan 8 Kasaysayan ng Daigdig Grade 8 – Aguinaldo, Luna, Bonifacio I. Layunin Pagkatapos ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang: A. Natatalakay ang mga mahahalagang kaganapan sa Imperyong Romano B. Nabibigyang pansin ang ipinamalas ni Charlemagne sa pakikipag laban, pagsakop ng mga teritoryo at isang napaka buting ama sa kanyang mga anak. C. Nakagagawa ng timeline patungkol sa mga mahahalagang kaganapan sa Imperyong Romano II. Nilalaman A. Paksa: Ang Holy Roman Empire B. Sangguinian: Edukasyon, K. n. (2014). Modyul ng Mag Aaral Araling Panlipunan Kasaysayan ng Daigdig. Pasig City: Vibal group Inc. C. Kagamitan: Mga larawan patungkol sa Holy, Roman, at Empire; Loop a word chart; babasahin nan aka sulat sa vusual aid patungkol sa Holy Roma Empire D. Strategy: Exploratory E. Approach: Exploratory F. Method: Chronological G. Pagpapahalaga Maging isang mabuting Ama para sa kanyang bayan at mga anak sa hinaharap INIHANDA NI : KAREN JOY E. RAMOS GURONG NAGSASANAY IPINASA KAY: MAAM ANGELICA MAE PATTALITAN GURONG TAGAPAGSANAY III. Pamamaraan Gawaing Guro A. Panimulang Gawain 1. Pagbati Magandang umaga mga bata! Gawaing Mag Aaral Magandang umaga din po Guro. Bago kayo umupo ay siguraduhing maayos ang inyong mga upuan at pakipulot na din ang mga kalat kung mayroon man. Maari na kayong umupo. Klas secretary maari ka bang mga check ng attendance? Opo Guro. 2. Balik aral Ano ano ang mga ginampanan ng mga monghe noong Gitnang panahon klas? Tulong po sila sa mga may sakit Pinakain po nila ang mga mahihirap Kinupkop po nila ang mga taong kinakailangan ng kalinga Pinag inagatan at isinulat muli ang mga mahhalagang impormasyon noong sinaunang panahon Maraming salamat sa inyong mga naging kasagutan klas! Patid kong inyong naunawaan ang aing talakayan noong huli nating pgkikita. 3. Motibasyon Ngayon klas ay magkakaroon tayo ng panibagong gawain na papamagata nating “4 pics 1 word”. Pamilyar ba kayo sa ating panimulang gawain ngayong umaga kals? Opo Guro. ___ ___ ___ ___ Tama! 2 puntos para sa iyo. Holy po Guro ___ ___ ___ ___ ___ Roman po Guro Tama! 2 puntos para din sa iyo Empire po Guro Tama! 2 puntos din para sa iyo 4. Paghawan ng balakid Ngayon klas ay mag kakaroon nanaman tayo ng panibagong gawain na tatawagin nating “LOOP A WORD”. Ang tanging gagawin niyo lamang ay hanapin at bilugan ang mga salita na makikita niyo sa kahon at alamin kung ano nga ba ang depinisyon nito. Isulat ang nahanap niyong salita sa tapat ng tamang depinisyon. Naunawaan ba? Opo Guro. Kung ganon ay maari na tayong magsimula. I M P E R Y O M P E R A X O N K I G S E D I E D O R V S A L V I N IMPERYO 1. Isang samahan ng mga bansa o mga tao na pinamamahalaan ng isang emperador o iba pang makapangyarihang pinuno o pamahalaan, ng karaniwan ay isang teritoryo na mas malawak ang saklaw sa isang kaharian EMPERADOR 2. Ang emperador ay ang namumuno sa imperya o kaharian SAXONS 3. Kabahagi ng mga taong Aleman, na ang pangunahing mga pook ng kanilang mga pamayanan ay nasa mga Estado ng Alemanya VIKINGS 4. Mga manlalakbay, barbarong mananakop at mga tinderong nanakop ang mga bansa sa Europa noong ika-9 hanggang ika-12 siglo MEDIEVAL 5. Tinatawag ding 'Middle Ages', ang panahon sa pagitan ng pagbagsak ng Imperyong Roma at ang simula ng Maagang modernong Europa B. Panlinang na Gawain 1. Paglalahad Klas, base sa larawan na ating sunuri kanina, ano sa inyong palgay ang ayng attalakayin ngayong umaga? Patungkol po sa Holy Roman Empire Guro. Tama! ang ating tatalakayin ngayon umaga ito ay patungkol sa Holy Romam Empire. 2. Pagtalakay. Ngayon klas ay ating pag aaralan ang patungkol sa Holy Roman Empire. 481- Pinag-isani Clovis ang iba’t ibang tribung Franks at sinalakay ang mga Romano 496- Naging Kristiyano si Clovis at ang kaniyang buong sandatahan 511- Namatay si Clovis at hinati ang kaniyang kaharian sa kanyang mga anak 687- Pinamunuan ni Pepin II ang tribung Franks 717- Humalili kay Pepin II ang kaniyang anak na si Charles Martel 751- Ang anak ni Charles Martel na si Pepin the Short ay hinirang bilang Hari ng mga Franks sa halip na Mayor ng Palasyo. Ano ang mahalagang nangyari noong 481 sa Roma? Tama! nnag bumagsak kasi ang pamamahala ng mga Romano ay iniwan niya ang kanluran at gitnang Europe na hindi organisado. At mayroong bagong pamamahala ang umusbong sa kaharian ng Franks. Dahil napaka hina na ng Roma ay nagawa ng mga Franks na tumira at manirahan sa imperyong Roma. Noong 481 ay Pinag-isani Clovis ang iba’t ibang tribung Franks at sinalakay ang mga Romano. Ano naman kaya klas ang nangyari noong taong 496? nang masalakay niya ang imperyong Romano ay pinaka salan niya ang isang Kristiayano na nag ngangalang Clotilda. 481- Pinag-isani Clovis ang iba’t ibang tribung Franks at sinalakay ang mga Romano 496- Naging Kristiyano si Clovis at ang kaniyang buong sandatahan Tama! Si Clovis at ang kanyang mga kawal tumangap ng Kristiayanismo matapos manalo si Clovis sa isang labanan. Ano naman kaya ang nagyari kay Clovis noong taong 511? 511- Namatay si Clovis at hinati ang kaniyang kaharian sa kanyang mga anak Si Pepin II po Guro Tama! Sino naman kaya klas ang muling namuno sa Tribung Franks noong taong 687? Ang kanyang anak po na si Charles Martel Guro. Mahusay! Na kung saan ay noong taong 657 hanggang 714 ay pinamunuan ni Pepin II buong Franks at noong 117 klas, sino ang humalili kay Pepin II? Ano naman ang mahalagang nagyari noong taong 751 sa anak ni Charles Martel klas? 751- Ang anak ni Charles Martel na si Pepin the Short ay hinirang bilang Hari ng mga Franks sa halip na Mayor ng Palasyo Sino kaya ang humirang sakanya ng ganoong titulo? Bakit kaya hinirang si Pepin the Short na hari ng mga Franks? Ang Papa po Guro. Dahil gusto po ng Papa na protektahan ni Pepin the Short ang simbahan laban sa mga tribong Lombards. Magaling! Ang mga Lombards kasi klas ay isa sa mga kinakalakutang Germanic Tribes noong sinaunang panahon. Natakot ang Papa dahil nagbanta ang mga lombards na sasakupin din nila ang Papal grounds, malakas ang kanilang loob na takutin ang Papa dahil sa panahon na iyan ay nasakop na ng mga Lombards ang malaking teritoryo sa hilagang Italya. Matapos mahirang si Pepin bilang Hari klas, ano kaya ang kanyang ginawa upang mawala ang pananakot ng mga Lombards sa Papal Grounds? Ano naman klas ang nangyari nooong taong 768? Klas, nasabi na si Chalemagne ang pinaka mahusay na hari noong panahong medieval hindi ba. Bakit kaya nasabing siya ang pinaka mahusay? Kanya pong sinakop ang Italya at tinalo niya po ang mga Lombards Guro. Noong taong 768 ay humalili kay Pepin ang kanyang anak na si Charlemagne o Charles the Great, isa sa pinaka mahusay na hari noong medieval period. Ano sa inyong palagay klas? Maraming salamat sa inyong mga naging kasagutan. Tignan natin kung tama nga ba ang inyong mga prediksyon klas. Ano ang ginawa ni Chalemagne noong siya ay 40 taong gulang klas? Kung ating susumahin ay napaka husay ngang hari ni Chalemagne klas hindi ba? At ayon kay Perry ay hindi lamang isang mahusay na hari si Chalemagne klas, isa rin siyang huwarang Ama. Dahil siya mismo ang nag eensayo sa kanyang mga anak sa oakikipag alaban at hinding hindi siya kumakain ng wala ang kanyang mga anak kung siya ay nasa kanyang kaharian. Mas pinalawak pa po siguro ni Chalemagne ang kanyang nasasakupan Guro. Mas madami pa po siguro siyang tinaliong mga Tribu Guro. Sa gulang na 40, kinuha niya si Alcuin, pinakamahusay na iskolar ng panahon upang magpaturo ng iba’t ibang wika. Inanyayahan din niya ang iba’t ibang iskolar sa Europe upang turuan at sanayin ang mga pari at opisyal ng pamahalaan. Sinakop niya ang Lombard, Muslim, Bavarian at Saxon at ginawang mga Kristiyano. Ano naman ang mahalagnag nagyari kay Chalemagne noong taong 800 klas? Noong kapaskuhan ng taong 800, kinoronahan siyang emperador ng Banal na Imperyong Romano (Holy Roman Empire). Marami ang nagsabi na ang imperyo ang bumuhay na muli sa imperyong Romano. Sa panahon ng imperyo, ang mga iskolar ang naging tagapangalaga ng kulturang GraecoRomano. Ang pagsasama-sama ng elementong Kristiyano, German, at Roman ang namayani sa kabihasnang Medieval. Sino ang nagbigay ng korona kay Chalemagne bilang isang emperor klas? Ano kaya ang ibig ipakahulugan ng pagiging “Emperor of the Holy Roman Empire” ni Chalemagne klas? Si Papa Leo III ang humirang kay Charlemagne bilang “Emperor of the Holy Roman Empire”. Nangangahulugan ito na ang ideya ng mga Romano ng isang sentralisadong pamahalaan ay hindi naglaho. Sino ang humalili kay Chalemagne noong siya ay namatay klas? Nang namatay si Charlemagne noong 814, humalili si Louis the Religious. Nagtagumpay ba si Louis na panatilihin ang imperyo ni Chalemagne? Hindi po Guro, hindi po nagtagumpay ang pagsisikap na mapanatili ang imperyo dahil sa paglaban ng mga maharlika. Ano naman ang nangyari noong namatay si Luis the Religious klas? Nang mamatay siya, hinati ng kaniyang tatlong anak ang imperyo sa pamamagitan ng Kasunduan ng Verdun noong 841. Kaninong anak napunta ang France klas? Napunta kay Charles the Bald ang France po Guro Kanino naman napunta ang Germany? Kay Louis po Guro. Kanino naman napunta ang Italy klas? Kay Lothair po Guro. Ano ang nagyati klas noong nagkawatak watak ang imperyo? Sa pagkakawatak-watak ng imperyo, nawalan ng kapangyarihan ang mga haring Carolingian sa mga maharlika at nagsimula na naman ang paglusob ng mga Viking, Magyar at Muslim. Namayani sa Europe ang mga maharlika at humina ang mga hari. Nagsimula ang isang sistematikong sosyoekonomiko, politiko at militari- ang piyudalismo. Naunawaan ba klas ang patungkol sa Holy Roman Empire? Opo Guro. May mga katanungan pa ba? Wala na po Guro. C. Pangwakas na gawain 1. Paglalahat Kung ganon ay nais kong maglabas kayo ng ¼ sheet of paper at magsulat ng limang natutunan niyo ngayong araw patungkol sa Holy Roman Empire. Bibigyan ko lamang kayo ng limang minuto para sa gawain na iyan. Tapos na ba mga bata? Opo Guro Sino ang gustong magbahagi ng kanyang kasagutan? Natutunan ko po na noong taong 481 ay pinag isa ni Clovis ang ibat ibang tribung Franks Nalaman ko po na napaka husay po ni Chalemagne na pinuno dahil napalawak niya po ang Imperyong Romano. Nalaman ko din po na hindi lamang magaling na pinuno si Charlemagne kundi isa din po siyang napaka buti at huwarang Ama dahil hindi niya ipinapaubaya ang sa iba ang pag eensayo sa kanyang mga anak at gumagawa at gumagawa siya ng paraan na magkaroon ng oras sa kanyang mga anak Maraming salamat sa inyong mga kasagutan klas, batid kong napaka dami niyong naunawaan patungkol sa Holy Roman Empire ngayong umagang ito. 2. Pagpapahalaga Klas, nabangit natin sa ating talakayan na napaka husay ni Charlemagne sa pakikipag laban at pagsakop ng mga teritoryo at nalaman din natin na siya ay isang napaka buting ama sa kanyang mga anak. Klas, kung kayo si Charlemagne gagawin niyo din ba ang kanyang ginawa na pagtrato sa kanyang mga anak? Opo Guro. Ano ba ang pagkakaiba ng pag kakaroon ng oras sa kanyang mga anak at sa walang oras sa kanyang mga anak klas? Kung magkakaroon po kasi ang isang ama ng oras sa kanyang anak ay mas mapapaganda pa po ang knailang relasyong mag ama. Mas magiging maayos at mas mapapanatag po ang loob nila sa isat isa. Salamat sa iyong kasagutan, may maidadagdag ka pa ba _____? Mas papahalagahan pa po nila ang isat isa at mas madami pa pong matututunang aral ang mga bata sa kanilang mga ama Guro. Ano naman klas ang mangyayari kung walang oras ang ama sa kanyang mga anak? Mapapalayo po ang loob ng anak sa kanyang ama Guro at hindi po masusubaybayan at magagabayan ng ama ang kanyang anak sa kanya pong paglaki Guro. Paano kaya klas kung baling arawkayo ay magiging parang si Chalemagne na kung saan ay napaka yaman at napak daming teritoryo at napaka damung obligasyon na kinakailangan na gampanan, magagawa niyo pa kayang magkaroon ng oras sa inyong mga anak? Opo Guro Sa paaanong paraan? Mag lalaan po ako ng oras para sa aking mga magiging anak Guro kahit ba sobrang dami ko pong gagawin dahil wala din pong silbi ang lahat ng aking mga pinaghirapan kung mapupunta lamang po sa maling landas ang aking mga anak. Kahangahanga ang inyong mga naging kasagutan klas, inaasahan ko na inyo yaan gagawin kung kayo na ay magkakaroon ng pamilya baling araw. IV. Ebalwasyon. Ngayon ay nais kong maglabas kayo ng ½ crosswise at gumawa ng timeline patungkol sa Holy roman Empire. Bibigyan ko lamang kayo ng 10 minuto para sa gawaing iyan. Maari na kayong magsimula. Tapos na ba ang lahat klas? Opo Guro. Kung ganon ay paki pasa na ang lahat ng inyong papel paharap. V. Kasunduan Gumawa ng isang sanaysayna nagpapakita ng kahalagahan ng isang lider. Ilagay sa ½ crosswise. (100 – 150 na salita)