Uploaded by Jane Rodriguez

Iskaning o Palaktaw na Pagbasa

advertisement
Iskaning o Palaktaw na Pagbasa
Ang nagbabasa ay tumutunton sa mahahalagang salita, mga pamagat at
mga subtitulo. Palaktaw-laktaw na pagbubuklat sa materyal ang paraang ginagamit sa
ganitong pagbasa.
Iskiming
Ang iskiming ay mabilisang pagbasa upang makuha ang pangakalahatang
ideya ng teksto. Pahapyaw na pagbasa ang isinasagawa sa mga seleksyion tulad ng
pamagat. Ginagawa ito para sa pagtingin o paghanap ng mahahalagang impormasyon
na maaaring makatulong sa bumabasa.
Previewing
Sinusuri ng mambabasa ang kabuuan, estilo at register ng wika ng
sumulat.
Kaswal na Pagbasa
Kadalasang ginagawa bilang pampalipas oras lamang
Masuring Pagbasa
Isinasagawa ang pagbasa na ito nang maingat para maunawaan ganap ang
binabasa upang matugunan ang pangangailangan.
Pagbasang May Pagtatala
Ito ang pagbasang may kaakibat na pagtatala o pagha-highlight ng
mahahalagang impormasyon sa teksto.
ANG PROSESO NG PAGBASA
Ang pagbasa ay isang proseso ng pagbibigay-kahulugan ng mga simbolo at salita. Bilang
proseso, ito ay may apat na hakbang ayon kay William S. Gray(1950), ang kinilalang “Ama ng
Pagbasa”: (1)persepsyon, (2)komprehensyon, (3)reaksyon, at (4)integrasyon (Belvez, et al.,
1990; Villamin, et al., 1994; Resuma at Semorlan, 2002).
Persepsyon – Ito ay pagkilala at pagtukoy sa mga nakalimbag na simbolo at kakayahan sa
pagbigkas ng mga tunog.
Komprehensyon – Ito ay pag-unawa sa mga nakalimbag na simbolo o salita.
Reaksyon – Ito ay kaalaman sa pagpasiya o paghatol ng kawastuhan, kahusayan, pagpapahalaga
at pagdama sa teksto.
Integrasyon – Ito ay kaalaman sa pagsasanib o pag-uugnay at paggamit ng mambabasa sa
kanyang dati at mga bagong karanasan sa tunay na buhay.
Isang komplikado o masalimuot na proseso ang pagbasa sapagkat maraming kasanayan ang
nililinang at kailangang malinang dito upang magiging epektibo ang pagbabasa. Isa kang
mahusay at epektibong mambabasa kung natutukoy mo ang layunin ng iyong binabasa,
nagagamit ang mga estratehiya at teknik sa pagbasa, nakabubuo ng hinuha o hula sa susunod na
pangyayari at iniuugnay ang dating kaalaman at karanasan upang maunawaan ang kahulugan ng
binabasang teksto.
4 teorya ng pagbasa
a. Teoryang Itaas- pababa
- Ito ay isang traditional na pagbasa. Ito ay bunga ngteoryang behaviorist
na higit na nagbibigay pokus sa kapaligiran sa paglinang ngkomprehension
sa pagbasa. Ayon sa teoryang ito, ang pagbasa ay pagkilala ng serye
ngnakasulat na mga simbolo upang maibigay ang katumbas nitong tunog.
Nananalig angteoryang ito na ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa
pagkilala sa mga titik, salita,parirala, at pangungusap bago malaman ang
kahulugan ng teksto. Sinasabi nitong angpagbasa ay pagkilala ng
mga salita, at ang teksto ang pinakamahalaga sa pagbasa. Angmambabasa
ay isang pasib na partisipant lamang sa proseso ng pagbasa dahil ang
tangintungkulin niya ay ulitin ang lahat ng mga detalyeng nakasaad sa
tekstong kanyang binasa.Ang proseso ng pag-unawa ayon sa teoryang ito,
ay nagsisimula sa teksto (bottom),patungo sa mambabasa (up), kaya
tinawag itong bottom up. Tinatawag din itong "outside-in" o "data driven"
sapagkat ang impormasyon sa pag-unawa ay hindi nagmula sa
tagabasakundi sa teksto.
b. Teoryang ibaba-pataas
- Nabuo ito bilang reaksyon sa naunang teorya. Ito ay dahilnapatunayan ng
maraming dalubhasa na ang pag-unawa ay hindi nagsisimula sa tekstokundi
sa mambabasa tungo sa teksto. Ito ay impluwensya ng sikolohiyang Gestalt
nananiniwalang ang pagbasa ay isang prosesong holistik. Ayon dito, ang
mambabasa aynapakaaktib na partisipant sa proseso ng pagbasa, na siya ay
may taglay na datingkaalamang nakaimbak sa kanyang isipan ay may
sariling kakayahan sa wika na kanyangginagamit habang
nakikipagtalastasan sa may-akda sa pamamagitan ng teksto. Tinatawagdin
ang teoryang ito na "inside out" o "conceptually-driven" dahil ang kahulugan
oimpormasyon ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto. Ito
ay nangyayari dahil angmambabasa ay gumagamit nga kanyang mga dating
kaalaman at ng konseptong nabuo sakanyang isipan mula sa kanyang mga
karanasan at pananaw sa paligid. Bunga nito,nakakabuo siya nga kanyang
mga palagay at hinuha na kanyang iuugnay sa mga ideyanginilalahad ng
awtor ng isang teksto.
c. Teoryang Interaktib
- Bunga naman ito ng pambabatikos ng mga dalubhasa saikalawang teorya.
Ayon sa mga proponent nito, ang top-down at maaaring akma lamang
samga bihasa nang bumasa at hindi sa mga baguhan pa lamang. Higit na
angkop daw angkombinasyong top-down at bottom-up na nagpapahiwatig
ng dalawang direksyon ngkomprehensyon, itaas-pababa at ibaba-pataas.
Ayon sa teoryang ito, ang teksto aykumakatawan sa wika at kaisipan. Dito
nagaganap ang interaksyong awtor-mambabasa atmambabasa-awtor.. kung
gayon, ang interaksyon ay may dalawang direksyon o bi-directional.
Masasabing ang teoryang ito ay isang pagbibigay-diin sa pag-unawa sa
pagbasabilang isang proseso at hindi bilang produkto. Sa teoryang itong,
mahalaga ang larangan ngmetakognisyon na nahihinggil sa kamalayan at
kabatiran sa taglay na kaalaman at saangking kasanayan ng mambabasa.
d. Teoryang Iskima
- Mahalaga ang tungkuling ginagampanan sa pagbasa ng datingkaalaman ng
mambabasa. Ito ang batayang paniniwala ng teoryang iskima. Bawat
bagongimpormasyong nakukuha sa pagbabasa ay naidaragdag sa dati nang
iskima. Samakatuwid,bago pa man basahin ng isang mambabasa ang
teksto, siya ay may taglay nang ideya sanilalaman ng teksto mula sa
kanyang iskima sa paksa. Maaaring binabasa na niya lamang
Download