COC2 Demo Script (Filipino/English version) Prepared by: Sheila Marizze P. Sorima, TM1 Facilitator Manila International Skills Academy Part 1. Introduction Magandang araw sa inyong lahat ako po si ________________________. Ako po ang assessor ninyo ngayong araw sa qualification na _____________________. Andito po tayo ngayon sa Manila International Skills Academy. Kapag tanungin po kayo kung saan kayo nagpa assess, ito po ang ating venue of assessment. I acknowledge ko lang po an gating TESDA Representative na si maam Cynthia Guamos at ang ating venue manager na si sir Philip John Sorima. Andito po sila para mag observe at siguraduhin na tama ang proseso n gating assessment. _____________________________________________________________________________________ Part. 2 Verification of Documents Ngayon naman ay I checheck ko ang inyong attendance. Kapag tinawag ko ang pangalan nyo, lumapit kayo sakin at iabot ang inyong admission slip. Marian Rivera? (Lalapit ang partner mo at iaabot ang kanyang admission slip. I double check ang admission slip nya at ikumpara sa application form para masiguro ang kanyang identity) Okay maraming salamat ms. Rivera. Nakita ko ditto sa mga pinasa ninyong Self Assessment Guide na chineck nyo lahat sa YES column ibig sabihin ay alam nyo na ang inyong gagawin sa assessment at handa na kayo. Part 2. Setting of Expectations Ang qualification natin ay _____________________. Ito ay mayroong ____ na Core Competencies, namely: 1. 2. 3. 4. 5. Ito naman ang mangyayari sa ating assessment ngayong araw: Unang una ay bibigyan ko kayo ng written exam na sasagutan ninyo sa loob ng isang oras. Pagkatapos ng inyong written exam ay tatawagin ko naman kayo para sa inyong demonstration. Habang nag dedemo kayo ay andun lang ako para obserbahan ang inyong performance. Pagkatapos ng inyong demo ay tatawagin ko naman kayo isa isa para sa inyong interview or oral questioning. Pagkatapos ng inyong mga exam ay ibibigay ko ang feedback at resulta ng inyong assessment. Naintindihan bang lahat? Wala na ba tayong mga tanong? Part 4. Orientation Bago natin simulan ang inyong exam, may mga ididiscuss lang ako na mga important concepts at reminders para sa inyong assessment. Purpose of Assessment- Unang una, bakit nga ba tayo nagpapa assess? Ano ba an gating purpose of assessment? (Tatawagin ang name ng partner at sasagot ito) Yes tama ka jan ____________. Ang pagkakaroon ng National Certificate ay katunayan na may kaalaman tayo o eksperto tayo sa qualification na ito na makakatulong sa inyo sa trabaho. Materials, Equipment, Safety Reminders – Mamaya po sa ating demo, lahat ng kakailanganin ninyo na mga gamit ay provided nap o dito sa center. Ibig sabihin, wala ng lalabas para bumili ng mga gamit. Sa pag operate naman ng mga gamit, kung may magiging problema kayo ay tawagin nyo lang agad ako. Lagi pong tatandaan na gumamit ng tamang precautions at sumunod sa safety guidelines. PPE- Kailangan din po natin isuot ang ating PPE o Personal Protective Equipment para makaiwas sa anumang disgrasya. Confidentiality- Ipapa alala ko lang po na ang assessment natin ay confidential. Ibig sabihin, bawal po ninyong picturan ang mga gagawin inyo sa assessment o ipag sabi sa iba pang di nakakapag assess kung ano ang ginagawa sa assessment. Ang inyo din pong assessment package ay nasa secured na lugar at di poi to pwedeng makita, makopya o makuha ng kahit sino ng walang permission o authorization ninyo. Results of Assessment- Meron lamang po tayong dalawang resulta sa assessment: Competent or Not Yet Competent. Kapag ikaw ay competent, ibig sabihin ay pumasa ka sa assessment at makakatanggap ka ng TESDA National Certificate. Kapag ikaw naman ay Not Yet competent, ibig sabihin nun ay di mo na meet ang standards ng qualification at may kulang sa nagging performance mo na pwede mo pa I improve. Huwag kayong mag alala dahil may chance pa naman kayo mag retake ng assessment. Appeal Process- Kung sakalin naman po ay di kayo nasiyahan sa inyong assessment result at pakiramdam ninyo ay may mali sa proseso ng assessment o may mali ako bilang assessor nan aka apekto sa rating ninyo, pwede mo ako I approach at susubukan kong ipaliwanag sayo ang naging resulta mo. Kung di ka kumbinsido sa aking paliwanag, maari mo kang mag bigay ng letter of appeal sa venue manager at idetalye ang iyong concern o issue. Maya maya po ay sisimulan na natin an gating exam. Kung kayo po ay gustong mag CR, nasa kanan lang po yung pambabae at nasa kaliwa ang pang lalake. Ang ating canteen naman po ay nasa 3rd floor. Meron pa po ba kayong mga tanong? Kung wala na, you may now take your 30 minute break. Part 5. Written Exam Ngayon ay sisimulan na natin ang inyong written exam. Ito po ay 40 items na multiple choice. Pakisagutan lamang po sa loob ng 30 minutes. Pag tapos nap o kayo ay ipasa nyo nalang sa akin ang inyong answer sheet. Tapos na ba lahat? Paki pasa na sa harap ang inyong mga answer sheet. Tatawagin ko naman kayo ngayon para sa inyong Demonstration. ( Kapag ang demo ay sabay sabay na gagawin at hindi pa isa isa o by pair, sabihin ito: “Sundan nyo ako ngayon sa ating Practical Work Area para sa inyong Demonstration”) Part. 6. Demonstration Para sa inyong demo, gawin nyo ang ____________________________________ sa loob ng ________oras/minute. Gamitin ninyo itong guide ninyo para sa Specific Instructions ng inyong demo. Wala na ba kayong mga tanong? Maari nyo na kayong mag simula. (Observe and take notes while partner is doing the demo). (I check at I evaluate and output pagkatapos nya mag demo. Tandaan na di muna pwedeng magbigay ng feedback o remarks sa puntong ito ng assessment). Dahil tapos na ang lahat sa demo, maghanda naman kayo ngayon para sa interview o oral questioning. T Part 7. Interview Ms. Marian Rivera, cge maupo ka dito. Kumusta naman ang pakiramdam mo? (Rapport Adlib) Okay cge ito ang un among tanong , _________________________. (Ask 2 more questions na sasagutan ng partner. Tandaan di pa rin tayo maaring mag bigay ng remarks gaya ng “correct” o “very good” sa puntong ito ng assessment) Ngayong tapos na ang iyong interview, mag hintay ka muna dun sa room 301 at tatawagin kita maya maya para sa iyong feddback at resulta ng assessment. Part 8. Feedbacking Ms. Marian Rivera? Ngayon na tapos na ang iyong assessment, kinakabahan ka pa ba? Kung I re rate mo ang iyong sarili from 1 to 5 kung saan 5 ang highest at 1 ang lowest, ano ang ibibgay ming rating sa naging performance mo? (I detalye ang kanyang mga magandang nagawa or srong points sa assessement. Magbigay din ng areas of improvement at tips kung paano nya ito ma improve. Pagkatapos ay bigyan siya ng overall impression mo sa kanyang naging performance bago sabihin kung siya ba ay competent or not yet competent). Part 9. Final Instructions Overall, mahusay ka at nagawa mo ng tama ang lahat ng mga gawaing nakapaloob sa assessment, kaya congratulations YOU ARE COMPETENT. Paki pirma lamang po ang inyong Competency Assessment Result Summary at CARS at iba pang documents na kailangan para makuha ninyo ang inyong NC. I aassist po kayo ng staff para masiguro na kumpleto ang inyong mga pinirmahang assessment documents. Makukuha po ninyo ang inyong National Certificate after 5 working days. Maari nyo poi tong I claim dito sa ating assessment center. Maghanda lang po kayo ng 50 pesos para sa inyong certificate fee. Part. 10 Evaluation I remind ko lang din po kayo na may sasagutan kayo mamaya na evaluation form, please answer it honestly para ma improve ko ang sarili bilang assessor at pati nadin ang assessment center. Kung wala nap o kayong mga tanong, hanggang ditto lang po an gating assessment. Again congratulations at good luck sa inyong career.