Uploaded by Lyra Villanueva

Mala-masusing-B.A.-FVII-superduperfinal

advertisement
Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Kolehiyo ng Edukasyon
Kampus ng A. Mabini, Daang Anonas, Sta. Mesa, Lungsod ng Maynila
FILIPINO VII
Mala-masusing Banghay-aralin
Inihanda nila:
Foundation of Special Learning and Inclusive
Tugade, Loise Joanne M.
Education
Varona, Kyla
Prof. Emir Velasquez
Villacrusis, Diane
January 7, 2020
Villanueva, Lyra joy
BSEd Filipino III - 1
I.
Layunin
Sa loob ng animnapung minuto, inaasahan ang mag-aaral na:
A. Nauunawaan ang balangkas ng mga pangyayari sa akdang binasa at natutukoy
ang uri ng akdang pampanitikan nito ayon sa kayarian.
B. Natutukoy ang kabuluhan ng epiko sa konseptong panlipunan tungo sa mas
maigting na pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan.
C. Nasusuri ang mga ginamit na pangatnig sa mga pahayag sa binasang akda
D. Naipaliliwanag ang sanhi at bunga ng mga pangyayari
E. Nakasusulat ng detalyadong pagtukoy sa sanhi at bunga ng ilan sa mga
mahahalagang pangyayari mula sa binsang epiko.
II.
Paksang-aralin
A. Paksa:
Unang Markahan - Modyul 1: Aralin II
Panitikan: "Indarapatra at Sulayman" - Epiko mula sa Mindanao
Gramatika at Retorika: Pang-ugnay na Ginagamit sa Pagbibigay ng Sanhi at
Bunga.
B. Sanggunian:
Palis, M. (2020). Filipino VII: Unang Markahan - Modyul 1: Epiko - Salamin ng
Mindanao,
Unang
Edisyon.
Coursehero.
Retrieved
from:
https://www.coursehero.com/file/65910806/ADM-Filipino-7-Module-1MARICEL-PALISdocx/
C. Kagamitan: Kopya ng Akda, Pantulong-biswal (mga larawan, Powerpoint
Presentation atbp.), Pisara, Laptop, Projector
D. Code: F7PB-Id-e-3
III.
Pamamaraan
1.
A. Paghahanda
1. Drill
a. Pagpuna sa kalinisan at kaayusan ng silid-aralan.
b. Panalangin ("Ama namin")
c. Pagpapasa ng Takdang-aralin
Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Kolehiyo ng Edukasyon
Kampus ng A. Mabini, Daang Anonas, Sta. Mesa, Lungsod ng Maynila
2. Balik-aral
Tatawag ang guro ng mga mag-aaral upang talakayin ang
tinalakay noong nakaraang pagkikita patungkol sa
pabulang tinalakay.
a. Ano ang dalawang pabulang nagmula sa Lanao at
Bukidnon?
b. Pagbubuod ng "Ang Pagong at ang Ahas" at "Ang
Palaka at ang Daga"
3. Pagganyak
Panuto: Bigyang-pansin ang mga sumusunod na larawan.
Tukuyin kung sino-sino ang mga ito sa pamamagitan ng
pagbuo sa mga nawawalang titik sa ibaba ng bawat larawan.
Pamprosesong Tanong:
1. Sino sa mga bayani sa itaas ang sa palagay mo ay
tunay na bayani? Bakit?
2. Ano ang masasabi mo sa batayan ng pagdedeklara
na bayani ang isang tao? Bakit?
3. Bakit karamihan sa bayani ay patay na nang sila’y
kinilalang bayani?
4. Sa palagay mo, hinangad ba ng mga taong ito na
maging bayani? Bakit?
Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Kolehiyo ng Edukasyon
Kampus ng A. Mabini, Daang Anonas, Sta. Mesa, Lungsod ng Maynila
B. Panlinang na
Gawain
1. Paglalahad
ng Aralin:
Indarapatra at Sulayman
Isang Epiko mula sa Mindanao
Si Indarapatra ay ang matapang na hari ng Mantapuli.
Nabalitaan niya ang malimit na pananalakay ng mga
dambuhalang ibon at mababangis na hayop sa ibang
panig ng Mindanao. Labis niyang ikinalungkot ang mga
nangyayaring
ito
sa
mga
naninirahan
sa
labas ng kaharian ng Mantapuli.
Ipinatawag ni Indarapatra ang kanyang kapatid na si
Sulayman, isang matapang na kawal. Inutusan ni
Indarapatra si Sulayman upang puksain ang mga ibon at
hayop na namiminsala sa mga tao. Agad na sumunod si
Sulayman. Bago umalis si Sulayman, nagtanim si
Indarapatra ng halawan sa may durungawan. Aniya
kay Sulayman, Sa pamamagitan ng halamang ito ay
malalaman ko ang nangyayari sa iyo. Kapag namatay ang
halamang ito, nanganaghulugang ikaw ay namatay.
Sumakay si Sulayman sa hangin. Narating niya ang
Kabilalan. Wala siyang nakitang tao. Walang anu-ano ay
nayanig ang lupa, kaya pala ay dumating ang halimaw na
si Kurita. Matagal at madugo ang paglalaban ni Sulayman
at ni Kurita. Sa wakas, napatay rin ni Sulayman si Kurita,
sa tulong ng kanyang kris.
Nagtungo naman si Sulayman sa Matutum. Kanyang
hinanap ang halimaw na kumakain ng tao, na kilala sa
tawag na Tarabusaw. Hinagupit nang hinagupit ni
Tarabusaw si Sulayman sa pamamagitan ng punongkahoy.
Nang nanlalata na si Tarabusaw ay saka ito sinaksak ni
Sulayman ng kanyang espada.
Pumunta si Sulayman sa Bundok ng Bita. Wala rin siyang
makitang tao. Ang iba ay nakain na ng mga halimaw at
ang natirang iba ay nasa taguan. Luminga-linga pa si
Sulayman nang biglang magdilim pagkat dumating ang
dambuhalang ibong Pah.
Si Sulayman ang nais dagitin ng ibon. Mabilis at ubos
Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Kolehiyo ng Edukasyon
Kampus ng A. Mabini, Daang Anonas, Sta. Mesa, Lungsod ng Maynila
lakas ng tinaga ito ni Sulayman. Bumagsak at namatay
ang
Pah.
Sa
kasamaang
palad
nabagsakan ng pakpak ng ibon si Sulayman na siya niyang
ikinamatay.
Samantala, ang halaman ni Sulayman sa Mantapuli ay
laging pinagmamasdan ni Indarapatra. Napansin niyang
nanlata ang halaman at alam niyang namatay si
Sulayman.
Hinanap ni Indarapatra ang kanyang kapatid. Nagpunta
siya sa Kabalalan at nakita niya ang kalansay ni
Tarabusaw. Alam niyang napatay ito ng kapatid niya.
Ipinagpatuloy ni Indarapatra ang paghahanap niya kay
Sulayman. Narating niya ang bundok ng Bita. Nakita niya
ang patay na ibong Pah. Inangat ni Indarapatra ang
pakpak ng ibon at nakita ang bangkay ni Sulayman.
Nanangis si Indarapatra at nagdasal upang pabaliking
muli ang buhay ni Sulayman. Sa di kalayua'y may nakita
siyang banga ng tubig. Winisikan niya ng tubig ang
bangkay at muling nabuhay si Sulayman. Parang nagising
lamang ito mula sa mahimbing na pagtulog. Nagyakap
ang magkapatid dahil sa malaking katuwaan.
Pinauwi na ni Indarapatra si Sulayman. Nagtuloy pa si
Indarapatra sa Bundok Gurayu. Dito'y wala ring
natagpuang tao. Nakita niya ang kinatatakutang ibong
may pitong ulo. Sa tulong ng kanyang engkantadong sibat
na si juris pakal ay madali niyang napatay ang ibon.
Hinanap niya ang mga tao. May nakita siyang isang
magandang dalaga na kumukuha ng tubig sa sapa.
Mabilis naman itong nakapagtago. Isang matandang
babae ang lumabas sa taguan at nakipag-usap kay
Indarapatra.
Ipinagsama ng matandang
babae
si
Indarapatra sa yungib na pinagtataguan ng lahat ng tao sa
pook na iyon. Ibinalita ni Indarapatra ang mga
pakikilaban nilang dalawa ni Sulayman sa mga halimaw at
dambuhalang ibon.
Sinabi rin niyang maaari na silang lumabas sa kanilang
pinagtataguan. Sa laki ng pasasalamat ng buong tribu,
Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Kolehiyo ng Edukasyon
Kampus ng A. Mabini, Daang Anonas, Sta. Mesa, Lungsod ng Maynila
ipinakasal kay Indarapatra ang anak ng hari, ang
magandang babaeng nakita ni Indarapatra sa batisan.
Pamprosesong Tanong:
1. Anong uri ng kapatid si Prinsipe Sulayman kay
Haring Indarapatra? Bakit?
2. Paano isinakatuparan ni Haring Indarapatra ang
kanyang tungkulin bilang nakatataas nang tugunan
niya ang suliranin ng kanyang bayan lalo na ang
usaping pangkapayapaan?
3. Sino kaya ang higit na dapat na ituring na bayani sa
pagitan nina Haring Indarapatra at Prinsipe
Sulayman? Bakit?
4. Ano ang ipinahihiwatig ng kabayanihan ni Prinsipe
Sulayman sa antas ng serbisyong ibinibigay ng iba’t
ibang pinuno ng ahensyang pampamahalaan?
Patunayan.
2. Pagtalakay
sa Nilalaman
/ Aralin:
A. Panitikan:
EPIKO
Etimolohiya:
Ang salitang epiko ay galing sa Griyego na epos na
nangangahulugang ‘awit’ ngunit ngayon ito’y tumutukoy
sa pasalaysay na kabayanihan.
Anyong Pampanitikan:
Ang epiko ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng
kabayanihan ng pangunahing tauhan.
Tauhan:
Ang mga tauhan ay kadalasang nagtataglay ng
katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kalimita'y
siyang buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa.
Paksa:
Ang paksa ng mga epiko ay mga kabayanihan ng
pangunahing tauhan sa kanyang paglalakbay at
pakikidigma.
Pamprosesong Tanong:
1. Paano natatangi sa ibang patulang pasalaysay ang
epiko?
2. Bakit kilala bilang patulang kasaysayan ng
kabayanihan ang epiko?
Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Kolehiyo ng Edukasyon
Kampus ng A. Mabini, Daang Anonas, Sta. Mesa, Lungsod ng Maynila
3. Paano sinasalamin ng suliranin sa epiko ang
suliraning mayroon sa isang lipunan?
B. Gramatika/Retorika:
Pang-ugnay na Ginagamit sa Pagbibigay Sanhi at
Bunga
Sa pagpapahayag ng sanhi at bunga, gumamit
tayo ng mga pang-ugnay na pangatnig. Ang mga
pangatnig o conjunction sa Ingles ay mga salitang
naguugnay ng salita, parirala, sugnay, pangungusap at
talata sa isa’t isa alinsunod sa layunin nang
nagpapahayag.
Sa mga pahayag na nagbibigay ng sanhi at bunga
kadalasa’y gumagamit ng mga pangatnig na pananhi
tulad ng dahil, dahil sa/kay, sapagkat, palibhasa at kasi
na nagpapakilala sa mga salitang taglay ang kaisipang
pananhi sa pahayag. Kung minsan gumagamit din ng
pangatnig na panlinaw tulad ng kaya at kung kaya sa
paglalahad ng bunga ngunit madalas taglay ng
pandiwang nagpapahiwatig na may
ibinunga o kinalabasan ang isang sanhi.
Tunghayan ang mga halimbawa sa ibaba,
nakasalungguhit ang sanhi habang nakaitalize naman ang
bunga.


Sapagkat masama ang kanyang pakiramdam kaya
hindi na siya nakapasok sa paaralan.
Nagkagulo sa palengke dahil sa balitang may
nakatanim na bomba roon.
May mga pahayag namang nagbibigay ng sanhi at
bunga nang hindi gumagamit ng pangatnig na pananda
tulad ng pangungusap sa ibaba.

3. Pagsagot sa
Katanungan:
Ikinalungkot niya ang iyong pag-alis.
1. Paano nakaaapekto sa ibang bagay ang mga
pangyayari sa paligid tulad ng mga naganap sa
Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Kolehiyo ng Edukasyon
Kampus ng A. Mabini, Daang Anonas, Sta. Mesa, Lungsod ng Maynila
epikong Indarapatra at Sulayman?
2. Ano ang ipinahihiwatig ng konsepto ng sanhi at
bunga sa kaugalian at karanasan ng tao? Bakit?
3. Ipaliwanag ang pahayag na “Nagbubunga nang
mabuti ang sanhing mabuti.”
4. Anong kultura/paniniwala ang nabatid mo sa
epikong napanood? Patunayan.
2. Kasanayan (Fixing
Skills)
Pangkatang Gawain
Panuto: Ang klase ay hahatiin sa tatlong grupo. Ang
bawat grupo ay may nakatakdang gagawin batay sa
bilang ng pangkat na natapat sa kanila. Ang bawat
pangkat ay bibigyan lamang ng tig-tatlong minuto upang
ipresenta ang kanilang awtput.
Pangkat 1: Puppet Show
Pagtatanghal ng isang puppet show tungkol sa
katangian sa katangian ng mga tauhan batay sa tono at
paraan ng kanilang pananalita.
Pangkat 2: Tableu
Pagsasagawa ng isang tableu kung saan ipinapakita ang
kabayanihan ng mga tauhan.
Pangkat 3: Sing it
Paglikha ng awiting pumapaksa sa mga aral na napulot
sa epiko at pagtatanghal nito sa klase.
Ang bawat produkto/pagtatanghal ay tatayain
batay sa pamantayan na nakatala sa ibaba:
Pamantayan sa Pagmamarka
Kaugnayan sa Paksa ..................... 10
Pagkamalikhain ........................... 5
Daloy ............................................ 5
Kabuoang Presentasyon ............... 10
Kabuoan: 30 Puntos
3. Paglalahat:
1. Ano-anong katangian ni Prinsipe Sulayman ang
kahanga-hanga? Bakit?
2. Paano mo maisasabuhay ang katangian ni Prinsipe
Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Kolehiyo ng Edukasyon
Kampus ng A. Mabini, Daang Anonas, Sta. Mesa, Lungsod ng Maynila
Sulayman sa kasalukuyan?
3. Mula sa katangian ng bawat halimaw na nagambala sa
kapuluan ng Mindanao sa epikong Indarapatra at
Sulayman. Tumukoy kung sino ang maaaring
kinakatawan o sinasagisag ng mga halimaw na
nagdudulot ng malaking suliranin sa lipunan sa
kasalukuyan
4. Paano nagiging halimaw ang mga tao sa lipunan?
5. Papaano masusugpo ang mga halimaw sa lipunan?
4. Paglalapat:
Panuto: Mula sa binasang epiko, hanguin ang ilan sa
sanhi ng mga pangyayari at ang naging bunga nito.
Gayahin at pagbatayan ang ang fish bone map sa ibaba
bilang iyong pormat sa pagtatala ng iyong mga sagot.
isulat ang iyong sagot sa isang kuwaderno.
5. Ebalwasyon /
Pagtataya:
Panuto: Kumpletuhin ang sumusunod na pahayag upang
mabuo ang diwa ng pangungusap batay sa mga
pangyayari sa epikong nabasa. Isulat ang iyong sagot sa
isang malinis na papel.
1. Dumating ang mga halimaw sa pulo ng Mindanaw
dahil dito ___________.
2. Nalaman ni Indarapatra na si Sulayman ay
pumanaw na kasi ___________.
3. Pinauwi ni Indarapatra si Sulayman sa kanilang
kaharian sapagkat ___________.
4. Maraming tao sa pulo ng Mindanaw ang nagsaya
dahil ___________.
Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Kolehiyo ng Edukasyon
Kampus ng A. Mabini, Daang Anonas, Sta. Mesa, Lungsod ng Maynila
5. Napaibig si Indarapatra sa isang magandang diwata
kaya naman___________.
6. Takdang-aralin:
Panuto: Umisip ng isang taong kilala mo na para sa iyo ay
naging isang bayani dahil sa kaniyang ipinamalas na
kabutihan. Isulat ang kaniyang buong pangalan at ibigay
ang mga dahilan kung bakit siya ang napili mo. Isulat ito
sa paraang patalata. Isaalang-alang sa paglikha ang
sumusunod na pamantayan:
Pamantayan sa Pagmamarka
Nilalaman ............................................... 15
Presentasyon........................................... 5
Organisado.............................................. 5
Wastong balarila, bantas, at baybay ..... 5
Kabuoan: 30 Puntos
Download