Uploaded by magikarpet21

Ang Alamat ng Mayonesa

advertisement
Erich Belle F. Macabuhay
Grade 9 Traditional
Ang Alamat ng Mayonesa
Sa unang panahon, may nakatirang isang pamilya ng mga magsasaka ng patatas at ang kanilang
magandang anak na babae na nagngangalang Maya. Makinis at maputi ang balat niya, pero
bukod sa kanyang kagandahan, mabait at masipag si Maya. Maraming nanliligaw sa kanya, pero
hindi siya pumayag ng kahit isa man sa mga lalaki.
Ang pamilya ay nag-aani ng patatas sa isa sa maraming lupain na minamay-ari ni Don Manuel,
isang guwapo at mayamang ginoo.
Isang araw, habang nagsasaka si Maya at ang kanyang mga magulang, dumaan si Don Manuel
sa kanilang sakahan sa kanyang kalesa. Nang makita niya ang napakamagandang mukha ni
Maya, sinabi niya sa kanyang kutsero na huminto. Lumapit si Manuel sa pamilya at binati sila.
Nang tumingin ulit siya kay Maya, tumigil ang tibok ng kanyang puso. Ngumiti siya kay Maya,
lumapit, at hinalikan ang kamay niya.
"Hinding-hindi pa ako nakakakita ng babaeng mas maganda kaysa sa iyo, Maya," sabi ni Don
Manuel. Namula ang pisngi ni Maya at tumugon, "Siguro hindi ka pa nakakilala ng maraming
babae." Tumawa silang dalawa at nagkatitigan nang medyo mas mahaba pa kaysa sa
kinakailangan.
Bumalik si Don Manuel sa kanyang bahay at natulog na may ngiti sa kanyang mukha.
Kinabukasan, binisita niya si Maya, na nag-iisa dahil umalis ang kanyang mga magulang upang
bumili ng mga bagong materyales sa lungsod. Nagtagpo ulit sila pagkatapos nito. At muli, at
muli, at muli na humantong na sa isang relasyon. Hindi namalayan ni Maya na si Don Manuel ay
ikinasal na sa ibang babae na nagngangalang Imelda.
Naging kahina-hinala si Imelda dahil lagi nalang nawawala ng biglaan ang kanyang asawa. Isang
araw, sinundan niya si Don Manuel. Nang makarating sila sa bukirin ni Maya, nahuli sila ni
Imelda na naglalandian.
"Anong ginagawa nyong dalawa?" tanong ni Imelda. Tumalon ang magkasintahan sa gulat.
Hindi nila alam, si Imelda pala ay isang mangkukulam! Pinanood nila ang pag-ikot ng mahika na
pumapalibot kay Imelda. Sumigaw si Maya sa takot at sakit nang tinamaan siya ni Imelda ng
isang pagsabog ng mahika.
"Isinusumpa kita na-"
"Imelda, tigilan mo na ito! Wala siyang ginawang mali!" sabi ni Manuel. Lumingon si Imelda kay
Don Manuel habang nakahawak ng isang garapon. Tumingin ulit siya kay Maya at pinatuloy ang
sumpa.
"Isinusumpa kita upang ika’y maging hindi kaaya-aya at nakakadiri! Titingin ang mga tao sa iyo,
hindi dahil sa kagandahan mo, pero sa kapangitan mo!”
Erich Belle F. Macabuhay
Grade 9 Traditional
Umiyak si Maya nang nagsimulang siyang lumusaw sa garapon na hawak ni Imelda. Matapos
ang ilang segundo, ganap na nagbago si Maya sa isang kulay puti, at tulad ng dyel na yari.
Tiningnan ni Don Manuel ang garapon at balik kay Imelda. Lumakad si Imelda ng ilang hakbang
palapit kay Don Manuel at hinawakan ang kanyang mukha.
"Huwag mong asahan na patatawarin kita," sabi ni Imelda habang nakatingin sa mga mata ni
Don Manuel. Bumulong siya sa kanyang tainga,
"Dahil sa pagmamahal at awa ko para sa iyo, bibigyan kita ng parehong kapalaran sa iyong
kerida." Binuksan ni Imelda ang garapon na ginamit niya kanina, at dahan-dahang nagbago ng
anyo si Don Manuel, katulad ni Maya.
Narinig ni Imelda ang dalawang taong naglalakad at binitawan ang garapon. Tumakas siya, at
hindi na siya makita muli.
Ang dalawang taong nakasaad ay ang mga magulang ni Maya. Napansin nila ang garapon sa
lupa at pinulot ito. Sa lito nila, tinawag nila si Maya, ngunit wala silang narinig na tugon. Nagaalala sila, kaya aligaga nilang hinanap si Maya. Sa kasamaang palad, hindi nila siya matagpuan.
Lumipas ang ilang buwan, at namatay ang ama ni Maya. Ang kawawang ina ay nalulumbay at
nag-iisa sapagkat hindi pa rin niya matagpuan si Maya. Isang araw, napansin niya ang isang
puting barong tagalog sa lupa malapit sa lugar kung saan natagpuan nila ng kanyang asawa ang
garapon.
"Hala! Magkasama ba sina Maya at Don Manuel?" tanong ng ina sa sarili niya. Sa sobrang pagod
at tanda niya, hindi na niya maipagpatuloy ang paghahanap kay Maya kaya tinanggap niya
nalang ang kanyang kapalaran. Nagtaka at nausisa ang ina kaya binuksan niya ang garapon at
tinikman niya ang kung ano man ang nasa loob, nang hindi niya alam na sina Maya at Don
Manuel pala iyon.
"Hmm. Medyo maasim, medyo matamis, at mag-atas. Paano kaya kung ilalagay ko ito sa
patatas?"
At ginawa niya ito. Ang kombinasyon ng kakaibang laman ng garapon at ang patatas ay sobrang
sarap! Pagkatapos ay pinangalanan ng ina ang laman sa loob ng garapon na Mayonesa,
eponimong galing sa nawala niyang anak na babae.
ARAL:
Huwag magsinungaling at maging matapat sa mga minamahal mo sapagkat hindi lamang
ikaw ang magdurusa kundi pati rin ang mga tao sa paligid mo.
Download