Uploaded by kymdelbarrio

Makino-AcadServiceClient012

advertisement
Hevis Sy Makino
Date Started: January 8, 2021
Date Completed: January 8, 2021
Acad Service Client 011-21
SALIKSIKIN NATIN
Samu’t-saring isyu ang ibinungad ng bagong taon sa Pilipinas. Maliban sa bilang
ng mga biktima ng Covid-19 na patuloy pa ring umuusad, ay iilang isyu ang pumaibabaw
na siyang kasalukuyang pinagtutuunan ng pansin.
“Change is coming,” iyan ang pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte mula sa
kanyang kampanya sa pagkapangulo hanggang sa kanyang panunungkulan. Ngunit
marami pa rin sa mga ‘di mamatay-matay na isyu ang patuloy na nagpapahirap sa mga
Pilipino at inaabangan ang aksyon na gagawin ng pangulo.
Marami ang naghihirap sa buhay. Katunayan, may mga pamilyang isang beses lang kung
kumain sa maghapon. Maraming hindi malaman kung saan nila kukunin ang susunod na
kakainin. Marami ang natutuliro kung paano bubuhayin ang mga anak. Maraming
nasisiraan ng bait dahil sa gutom. Sa kabila na sinasabi ng pamahalaan na gumanda ang
ekonomiya ng bansa at nahigitan ang mga kalapit bansa, marami ang hindi naniniwala.
Paano’y hindi maramdaman ang sinasabing pag-unlad ng ekonomiya. Patuloy pa rin ang
paghihikahos at walang maihandang pagkain sa hapag. Ang sinasabing pag-unlad ng
ekonomiya ay nananatiling drowing lamang at nananatiling nasa pangarap lamang. Dahil
sa kahirapan ng buhay kaya maraming nangyayaring krimen. Ang kahirapan ang isa sa
mga ugat kaya may nangyayaring pagnanakaw. Bagama’t hindi nararapat na gawing
dahilan ang kahirapan para magnakaw, mayroong dahil sa sobra na ang nadaramang
kagutuman kaya nakagagawa nang masama. Korapsiyon ang dahilan kaya marami ang
naghihirap sa kasalukuyan. Magkadikit ang korapsiyon at kahirapan. Dahil kinukurakot
ang pera sa kaban, nauubos ang pondo na dapat ay gagamitin para sa serbisyo sa
mamamayan. Bilyong piso ang nawawala dahil sa korapsiyon sa gobyerno. Nangunguna
ang Bureau of Customs, Bureau of Internal Revenue at Department of Public Works and
Highways sa mga kurakot na tanggapan. Marami nang nasibak si President Duterte dahil
sa isyu ng korapsiyon. Sabi niya, basta may naamoy siyang singaw ng korapsiyon sa
isang tanggapan, sisibakin agad niya ang sangkot na opisyal. Ganunman, kahit na
marami nang naalis sa puwesto dahil sa korapsiyon, marami pa rin ang hindi natatakot.
Dapat maging mabangis pa ang Presidente sa pagsibak sa mga kurakot. Talasan pa ang
pang-amoy para maubos ang mga kurakot. Kapag nagtagumpay sa paglupig sa
korapsiyon, kasunod na ring mawawala ang kahirapan na nakasakmal sa mamamayan.
Isa rin ang pandemya sa mga dahilan kung bakit libo-libong tao ang nawalan ng
trabaho. Nararapat lamang na upang mabawasan ang posibilidad ng pagtaas ng
mga na-oospital na lalampas sa kapasidad ng mga ospital sa county, ang Opisyal
ng Pangkalusugan ay gumawa ng ilang pagbabago sa kasalukuyan. Mahigpit na
pagpapatupad na Direktiba na naaangkop sa mga negosyo at mga residente ng
county, kabilang na mangailangan sa ilang mga sektor na magbago ng kanilang
operasyon ay nararapat ding pagtuunan ng pansin upang mapataas ang
kaligtasan, pagbawas sa bilang ng mga tao na pinapayagan sa mga pasilidad sa
anumang oras, at pagbawas ng laki ng mga panlabas na pagtitipon. Bilang
karagdagan, ang pagbabawal sa ilang mga aktibidad na may mataas na panganib.
Sa pangkalahatang ideya, ang mamamayan ay nangangailoangan ng matibay na
pundasyon upang maisalba sa mga isyung kinakaharap ng bansa. At ang
gobyerno ang kinikilalang malaking “pundasyon” na iyon. Nararapat lang naisin na
sana ay walang mangyayaring ano mang kabulastugan o pangloloko sa loob ng
kanilang panunungkulan.
PAGNILAYAN NATIN
SEK. 6
SEK. 7
SEK. 8
SEK. 9
Artikulo XIV ng Saligang Batas 1987: Wika
Ang wikang Filipino ang wikang Pambansa ng Pilipinas. Itinatalaga ng
batas na ito na ang wikang pambansa ng Pilipinas o Filipino ay dapat
pagyabungin at payamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng PIlipinas
at sa iba pang wika. Nararapat lamang magsagawa ng mga hakbangin
ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit
ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at wika ng
pagtuturo sa sistema ng edukasyon.
Sinasabi ng batas na ito na ang pangunahing wika ng komunikasyon
sa Pilipinas ay Filipino at Ingles. Dahil sa probisyong ito ng saligang
batas, karamihan sa mga komunikasyon sa edukasyon at sa
pamahalaan ay nasa wikang Ingles. Ngunit sinasaad din sa saligang
batas na dapat gamitin para sa pagtuturo ang lenggwaheng pang
rehiyon. Dahil dito sa unang mga taon ng elementarya, mga rehiyonal
na wika ang ginagamit. Ito ay alinsunod sa mother-tongue based
learning.
Ang konstitusyon o mga batas ng Pilipinas ay dapat nakalahad o
ipahayag sa Filipino o Ingles. Ito ay dahil nararapat na maintindihan ng
mga mamamayan ang konstitusyon ng Pilipinas. Ang mga nasabing
wika ang pangunahing wika ng bansa na nangangahulugang lahat ng
mamamayan ay makakaintindi sa mga naipahayag na mga salita.
Isinasaad ng batas na ito na kailangan magkaroon ng matibay na
ugnayan ang iba’t-ibang rehiyon ng magkakaibang wika upang mas
mapalago ang mga pananaliksik. Kung gayon ay hindi na
mahihirapan pang intindihin o isalin ang mga wika upang makabuo ng
panghuling dokumento. Ang pagtatatag ng ugnayang ito ay
isasailalim ng kongreso sa pamamagitan ng mga kinatawan at
disiplina ng iba’t-ibang rehiyon.
Download