Uploaded by jcjoybriones

Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 4 Dalawang Approach sa Pagtugon sa Hamong Pangkapaligiran

advertisement
10
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 4:
Dalawang Approach sa Pagtugon
sa Hamong Pangkapaligiran
Araling Panlipunan– Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 4: Dalawang Approach sa Pagtugon sa Hamong
Pangkapaligiran
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Ronilo AJ K. Pirmo, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD.
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat:
Jane C. Omaña/ Imelda R. Niñonuevo
Tagasuri ng Nilalaman:
Rowel S. Padernal / Angelica M. Burayag PhD
Virgilio L. Laggui PhD
Tagasuri ng Wika:
Edwin T. Marcos EdD / Marie Anne Ligsay PhD
Romeo P. Lorido / Anastacia M. Victorino PhD
Tagasuri sa ADM:
John Paul C. Paje
Tagasuri ng Paglapat/Pagguhit:
Jay Ahr E. Sison
Tagaguhit:
Maesie T. dela Peña
Tagalapat:
Jane C. Omaña / Joyce O. Saraza
Tagapamahala:
Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Librada M. Rubio PhD
Angelica M. Burayag PhD
Nestor Nuesca EdD
Gregorio C. Quinto, Jr. EdD
Rainelda M. Blanco PhD
Agnes R. Bernardo PhD
Virgilio L. Laggui PhD
Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III
Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
ii
10
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 4:
Dalawang Approach sa Pagtugon
sa Hamong Pangkapaligiran
iii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 10 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Dalawang Approach sa Pagtugon sa
Hamong Pangkapaligiran.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang
mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 10 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul ukol sa Dalawang Approach sa Pagtugon sa Hamong
Pangkapaligiran.
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.
Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
iv
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawabilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Alamin
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.
Subukin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung
ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.
Balikan
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Isaisip
Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
v
Tayahin
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang
Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Pagwawasto
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat
ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Sanggunian
Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
vi
Alamin
Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito ay
upang matulungan kang unawain ang mga araling tatalakayin sa Araling
Panlipunan Baitang 10.
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:
Natutukoy ang mga paghahandang nararapat gawin sa harap ng panganib
na dulot ng mga suliraning pangkapaligiran.
Ang modyul na ito ay nahahati sa apat na aralin:
 Leksyon 1: Ang Disaster Risk Management
 Leksyon 2: Ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management
Framework
 Leksyon 3: Community-Based Disaster and Risk Management Approach
 Leksyon 4: Top-Down Approach at Bottom-up Approach
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
1. natutukoy ang kahulugan ng Disaster Management at Community-Based
Disaster and Risk Management;
2. nasusuri ang pagkakaiba ng katangian ng Bottom – Up Approach at TopDown Approach; at
3. natatalakay ang kahalagahan ng Community-Based Disaster and Risk
Management.
Mga Tala para sa Guro
Kailangang gumamit ng mga pamprosesong tanong upang
maiugnay ang natapos na aralin tungo sa bagong aralin. Ituro ang
konsepto ng araling ito sa pamamagitan ng mga malikhaing
pamamaraan na makikita sa mga gawain sa modyul na ito.
1
Subukin
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ito ay isinasagawa upang mailigtas ang isang komunidad sa mga panganib at
sakuna.
A. Disaster Evaluation
C. Disaster Mitigation
B. Disaster Management
D. Disaster Organization
2. Ito ay sakuna na nangyayari o nagaganap dahil sa gawa ng kalikasan at ng tao.
A. hazard
C. risk
B. resilience
D. vulnerability
3. Nangyayari ang sakuna na ito dahil sa maling pagtatapon ng basura sa anumang
uri ng anyong tubig.
A. baha
C. pagputok ng bulkan
B. lindol
D. sunog
4. Kaganapan na nagdudulot ng pinsala sa tao, gawaing pang-ekonomiya at
kapaligiran.
A. disaster
C. resilience
B. hazard
D. risk
5. Ang sumusunod
sa________________.
A. baha
B. lindol
ay
halimbawa
ng
anthropogenic
hazard
maliban
C. polusyon
D. sunog
6. Ang sumusunod ay halimbawa ng natural hazard maliban sa ________________.
A. bagyo
C. polusyon
B. lindol
D. pagputok ng bulkan
7. Ito ay tumutukoy sa pagiging matatag ng mga Pilipino na harapin ang anumang
uri ng sakuna sa kanilang buhay.
A. disaster
C. resilience
B. hazard
D. vulnerability
8. Alin sa sumusunod na gawain ang maaari mong gawin upang maiwasan ang
pagbaha?
A. paglilinis ng bakuran
B. pagtatanim ng mga puno at halaman
C. pagtulong sa gawaing bahay
D. pakikilahok sa gawain ng komunidad
2
9. Ang polusyon ay isang suliraning pangkapaligiran na nagdudulot ng panganib sa
kalusugan ng maraming tao, bilang mag-aaral paano ka makakatulong upang
maiwasan ang polusyon?
A. Pakikilahok sa gawain ng komunidad
B. Pagtatanim ng mga puno at halaman
C. Pagtulong sa mga gawaing bahay
D. Wastong pagtatapon ng basura
10. Ang pangunahing layunin sa pagsasagawa ng Disaster Management at
Community-Based Disaster and Risk Management ay maihanda ang komunidad
sa ______________.
A. Disaster Awareness
C. Disaster Resilient
B. Disaster Needs
D. Disaster Organization
11. Ang sumusunod na bansa ay gumagamit ng bottom-up approach sa pagharap
sa anomang kalamidad at sakuna maliban sa _____________________.
A. Indonesia
C. Pilipinas
B. Laos
D. Vietnam
12. Tumutukoy sa sitwasyon kung saan mula sa paghahanda na dapat isagawa
hanggang sa pagharap sa panahon ng sakuna ay inaasa sa ahensya ng
pamahalaan.
A. Bottom-up Approach
C. Management Plan
B. Disaster Plan
D. Top-down Approach
13. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa pamamaraan ng pamamahala sa
kalamidad na nagsisimula sa mga mamamayan ng isang komunidad?
A. Community-Based Disaster and Risk Management
B. Disaster Management
C. Disaster Organization
D. Disaster Plan
14. Ano ang kalamidad na sinasabing resulta o bunga ng pang-aabuso ng tao sa
kapaligiran?
A. bagyo
B. baha sanhi ng nakalbong kagubatan
C. lindol
D. pagsabog ng bulkan
15. Ano ang dapat itabi o iimbak na pagkain kapag may bagyo?
A. de lata at iba pang katulad
B. kendi at tsokolate
C. mga pagkaing sariwa tulad ng gulay at prutas
D. sariwang karne at isda
Mahusay! Kung marami kang nasagot sa bahaging ito ng modyul ay
madali mong maiintindihan ang nakapaloob ditong aralin. Kung mababa
naman ang nakuha mong marka ay dapat pagsumikapang mas maintindihan
pa ang aralin sa pamamagitan ng pagbabasa ng mabuti sa mga teksto at
pagsasagawa ng mga dinesenyong gawin.
3
Aralin
1
Dalawang Approach sa Pagtugon
sa Hamong Pangkapaligiran
Pagbati! Natutuwa ako na natapos mo ang mga aralin na may kinalaman sa
suliraning pangkapaligiran. Ang iyong mga napag-aralan ay lubhang kabilang sa
mga kontemporaryong isyu sapagkat ito ay mga problema ng lipunan at dapat
lutasin ng buong bansa, kabilang na tayo. Ngayon naman ay iyong pag-aaralan ang
dalawang approach na tutugon sa mga hamong pangkapaligiran.
Balikan
KUMPLETUHIN MO NGA AKO
Nalaman mo sa nakalipas na aralin ang tungkol sa dahilan at epekto ng
suliraning pangkapaligiran sa ating bansa. Bago mo pag-aralan ang kasunod na
aralin, sagutin mo muna ang hinihinging detalye sa tsart at isulat ang sagot sa
sagutang papel.
Suliraning
Pangkapaligiran
Dahilan
Epekto
Solusyon
Kung nasagutan mo ang mga kinakailangang impormasyon sa tsart ngayon
ay handa ka nang sagutan ang kasunod na paksang aralin. Handa ka na ba? Sa
Tuklasin ay kinakailangan na pag-aralan ang mga larawan at sa ilalim nito ay
sasagutan mo ang mga nakahandang tanong. Tara! Madali lang ito.
4
Tuklasin
LARAWAN SURI
Panuto: Suriing mabuti ang larawan at sagutin ang mga sumusunod na tanong sa
ibaba. Isulat ang iyong paghahambing sa sagutang papel.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang mga nasa larawan?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Naranasan mo na ba ang mga pangyayari sa iyong buhay?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Paano mo ito pinaghahandaan? Bakit mo ito kailangang paghandaan?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
5
Kung nasagot mo ang una hanggang ikatlong tanong ay binabati kita
sapagkat may kahandaan ka na matutunan ang paksang araling ito. Magpatuloy ka!
Suriin
Karaniwan mong nang naririnig o napapanuod ang paghahanda na ginagawa
ng pamahalaan sa tuwing magkakaroon ng kalamidad gaya ng bagyo, lindol, at
sunog. Ang mapanatiling ligtas ang komunidad sa mga banta ng sakuna ay
nakasalalay sa pagkakaroon ng mahusay na disaster management. Paano nga ba
maisasagawa ito? Ano nga ba ang disaster management? Handa ka na bang alamin
ang mga bagay na may kinalaman dito?
Ang disaster management ayon kay Carter (1992), “ay isang dinamikong
proseso na sumasakop sa pamamahala ng pagpaplano, pag-oorganisa pagsasagawa
ng angkop na pagpaplano, pag-oorganisa, pagtukoy sa mga kasapi, pamumuno at
pagkontrol.” Ayon naman kina Ondiz at Rodito (2009),” ito ay tumutukoy sa iba’t
ibang gawain na dinisenyo upang mapanatili ang kaayusan sa panahon ng sakuna,
kalamidad, at hazard.”
Ang pamahalaan ang bumabalangkas ng disaster management plan subalit
ang tagumpay nito ay nasa pagkakaisa ng mamamayan, pribado at pampublikong
sektor hanggang sa makabangon sa hagupit ng mga natural na kalamidad.
Mahalaga sa pagpaplano ng disaster management ang makabuo ng iba’t ibang
disenyo na naaangkop at makapagpapanatili ng kaayusan ng komunidad sa
panahon bago at pagkatapos ng kalamidad. Ang mga plano o hakbang ay nararapat
na maisagawa ng komunidad upang maiwasan ang malaking pinsala at mahalagang
naibibigay din ang mga impormasyon para sa kabatiran. Mahalaga rin ang tulong at
suporta na maaaring maibigay upang makabangon at makabalik sa normal na
pamumuhay ang mamamayang naapektuhan ng kalamidad.
May mahahalagang termino na dapat na maunawaan sa pag-aaral nito na
ayon sa Disaster Risk Management System Analysis: A Guide Book, na isinalin
sa wikang Filipino, nina Baas at mga kasama (2008).
1. Hazard – Ito ay nangangahulugang banta
dulot ng tao o kalikasan. May posibilidad na
magdulot ng panganib sa buhay, ari-arian
at kalikasan.
May dalawang uri ng hazard:
a. Anthropogenic Hazard o HumanInduced Hazard – hazard na dulot ng
tao.
6
Halimbawa nito ay mga sasakyan at
pabrikang nagbubuga ng maitim na
usok o mga kemikal na itinatapon sa
mga anyong tubig;
b. Natural Hazard – Ito ay hazard na dulot ng kalikasan. Halimbawa nito
ay lindol, bagyo, tsunami at iba pa.
2. Disaster – pangyayari na nagdudulot ng
panganib sa tao, sa kapaligiran at maging sa
mga gawaing pang-ekonomiya; Maaari itong
natural katulad ng bagyo, lindol at pagputok
ng bulkan. Pwede ding gawa ng tao gaya ng
digmaan at polusyon.
3. Vulnerability – ang nakakaranas ng malaking
posibilidad na maapektuhan halimbawa ay ang mga
matatanda, bata, at buntis na palagiang
pinaaalalahanan ng gobyerno na hindi maaaring
lumabas sa panahon ng pandemyang COVID-19, at
mga bahay na gawa sa mahinang materyales sa
panahon ng sakuna tulad ng bagyo at lindol;
4. Risk – inaasahang maaaring pinsala sa ari-arian at buhay sa pagtama ng
kalamidad;
May dalawang uri ito:
a. Human Risk - panganib na dulot ng kalamidad sa tao;
7
b. Structural risk – panganib na dulot ng kalamidad sa bahay at gusali;
5. Resilience – kakayahan ng pamayanan na harapin at muling makabangon
sa epekto na dulot ng kalamidad;
Ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Framework
(PDRRMF)
Ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2020 ay
may dalawang pangunahing layunin:
1. Ang hamon na dulot ng mga kalamidad at
hazard ay dapat pagplanuhan at hindi
lamang haharapin sa panahon ng pagsapit ng
iba’t ibang kalamidad;
2. Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng
pamahalaan upang mabawasan ang pinsala
at panganib na dulot ng iba’t ibang
kalamidad at hazard.
Ang dalawang layuning ito ay kasama sa naging batayan sa pagbuo ng
PDRRMF.
Binibigyang-halaga ng National Disaster Risk Reduction Framework ang
kahandaan ng mga komunidad sa bansa sa panahon ng kalamidad at hazard upang
mapaliit ang pinsala sa buhay at ari-arian. Ang pagnanais na malutas ang mga
suliranin at hamong pangkapaligiran ay tungkuling nakasalalay sa pagkakaisa at
pagtutulungan ng mga mamamayan, pamahalaan, pribadong sektor, sektor ng mga
negosyante at non-governmental organizations (NGO’s).
8
Isinusulong rin ng National Disaster Risk Reduction Management Council
(NDRRMC) ang Community-Based Disaster and Risk Management Approach ang
balangkas ng plano at polisiya kung paano haharapin ang mga kalamidad, hazard,
at hamong pangkapaligiran.
Ang Community-Based Disaster and Risk Management (CBDRM) Approach
Ayon kina Abarquez at Zubair (2004), “ang Community-Based Disaster and
Risk Management ay isang pamamaraan kung saan ang mga pamayanang may
banta ng hazard at kalamidad ay aktibong nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri,
pagtugon, pagsubaybay, at pagtataya ng mga risk na maaari nilang maranasan.”
Binibigyang-diin na may mahalagang papel na dapat gampanan ng
pamayanan na maibigay ang partisipasyon, dahil ang komunidad ang may
pinakamataas na posibilidad na makaranas ng hagupit ng bagyo at iba pang
kalamidad at makatutulong ang mga pamamaraang nabanggit upang maging
matagumpay ang plano.
Ang CBDRM Approach sa pananaw naman nina Shah at Kenji (2004), ay isang
proseso ng paghahanda laban sa hazard at kalamidad na nakasentro sa kapakanan
ng tao. Ibig sabihin nito na mahalaga na matukoy ng mga komunidad ang mga
dahilan, masusing masuri ang pinagmumulan ng hazard at maging ang epekto nito.
Tingnan din ang mga aspekto ng istrukturang panlipunan, pang-ekonomiya, at
pampolitika na maaaring magpapalala sa epekto ng kalamidad, hazard at sakuna.
Sa naunang paksa, nabanggit na ang kabiguan ng ilang institusyon na isagawa ang
kanilang tungkulin at responsibilidad ang dahilan ng hindi pagtatagumpay ng mga
programa ng gobyerno. Gayunman, ang kawalan ng interes ng mga mamamayan na
makiisa sa pamahalaang lokal ang isa sa tinutukoy na dahilan ng hindi
pagtatagumpay ng plano.
Ang kakulangan ng impormasyon na dapat na malaman sa panahon bago ang
pagtama ng sakuna ay sasalamin sa kabiguan ng pamahalaan na maipatupad ang
Disaster Risk Management Plan. Kung ang lahat ng sektor ay may epektibong
plano maiiwasan ang malaking pinsala ng kalamidad. Sinusugan ito ng isang ulat
ng WHO noong 1989 tungkol sa CBDRM Approach. Ayon dito mahalaga ang
pakikilahok ng lahat ng sektor sa pamayanan upang:
1. mabawasan ang epekto ng mga hazard at kalamidad;
2. maligtas ang mas maraming buhay at ari-arian kung ang pamayanan ay may
maayos na plano kung paano tutugunan ang kalamidad sa halip na
maghintay ng tulong mula sa Pambansang Pamahalaan; at
3. ang iba’t ibang suliranin na dulot ng hazard at kalamidad ay mas mabibigyan
ng karampatang solusyon kung ang lahat ng sektor ng pamayanan ay may
organisadong plano kung ano ang gagawin kapag nakaranas ng kalamidad.
9
Kahalagahan ng CBDRM Approach
Ang pagbuo ng disaster resilient na komunidad ang pinakamahalagang
layunin ng Philippine National Disaster Risk Reduction and Management Framework
(PNDRRMF). Nangangahulugan ito na ang pagbabalangkas ng plano, pagtataya, at
pagsasagawa ng implementasyon na nakapaloob sa disaster management plan ay
mahalaga upang makabuo ng isang pamayanang handa at matatag sa pagharap sa
mga hamong pangkapaligiran.
Ang CBDRM Approach ay nakaayon sa bottom-up approach kung saan ang
mamamayan at iba’t ibang sektor ng lipunan ay nagsasagawa ng mga hakbang sa
pagpaplano tulad ng pagtukoy, pag-aanalisa, at pagbibigay solusyon sa mga
suliranin at hamong pangkapaligiran na nararanasan ng komunidad. Nakaayon sa
CBDRM Approach ang konsepto ng bottom-up approach, ang mamamayan at iba
pang sektor ng lipunan ang mangunguna sa hakbangin ng pagtukoy, pag-aanalisa
at pagresolba sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran na nararanasan sa
kanilang komunidad. Ang paggamit ng bottom-up approach ay naging epektibo kaya
ginamit din ito ng Laos, East Timor, Indonesia at India.
Ito ay kabaligtaran sa top-down approach, kung saan ang pagpaplano sa
pagtugon sa panahon ng kalamidad ay iniaasa sa nakatataas na ahensya ng
pamahalaan o tanggapan. Isang halimbawa ay kung may barangay na nakaranas ng
kalamidad, ito ay aasa sa magiging tugon ng pamahalaang barangay at pamahalaang
bayan. Samantala, kung ang buong bayan o lungsod ang nakaranas ng sakuna ang
pagtugon sa sistema ay nakabatay sa tulong na ibibigay o ipatutupad ng lokal na
pamahalaan gaya ng punong-bayan at gobernador ng probinsya. Ang sistemang ito
ng disaster management ay umani na ng batikos. Ayon sa mga nakasaksi na ng
ganitong sistema hindi natutugunan ng top-down approach ang pangangailangan
ng komunidad at napababayaan ang mga mamamayang may mataas na posibilidad
na makaranas ng matinding epekto ng hazard o kalamidad. Pananaw lamang ng
namumuno ang nabibigyang halaga sa pagbuo ng plano at malinaw na hindi
nakikita at nadarama ang karanasan ng mga tao, ang pangangailangan, at ang
sitwasyong kinalalagyan ng mga mamamayan sa komunidad.
Ang mga mamamayan na nakaranas lamang ang tunay na nakababatid ng
katotohanan ng epekto na idinulot ng kalamidad. Suliranin din ang hindi
pagkakaunawaan ng Pambansang Pamahalaan at Lokal na Pamahalaan hinggil sa
mga hakbang na dapat isagawa pagkatapos ng kalamidad na nagreresulta sa
mabagal na pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan pamayanan. Ang
ganitong sitwasyon ay hindi lamang minsan nang nangyari at ito ay nasaksihan ng
dating senador na si Panfilo Lacson nang siya ay gawing Czar para sa rehabilitasyon
ng Tacloban City matapos ang pananalasa ng super typhoon Yolanda. Nasaksihan
niya na ang agarang rehabilitasyon ay dapat na magmula sa aktibong partisipasyon
ng mga lokal na pamahalaan at ng mga mamamayang hinagupit na matinding bagyo.
Ang kahinaan ng top-down approach ay matutugunan ng bottom-up approach.
Mahalaga ang maliliit na detalye na may kinalaman sa sakuna, hazard, at kalamidad
sa pangangailangan ng mamamayan.
10
Sa bottom-up approach ang karanasan ng mga mamamayang naninirahan sa
disaster prone area ang dapat na pagbuhusan ng malalim na pag-aaral at
pagpaplano upang mapabilis ang pagbangon sa mga lugar na ito. Mahalaga ang
pakikipagdayalogo sa mga punong-bayan na naapektuhan ng kalamidad sa halip na
maghantay na lamang ng post-disaster needs assessment. Sa pamamaraang ito ay
higit na makabubuo ng plano na angkop sa pangangailangan ng pamayanan.
Sa pagpapaplano ng disaster risk management mahalagang pagsamahin ang
kalakasan ng top-down approach at bottom-up approach. Malaki ang
ginagampanang papel ng pambansang pamahalaan sa pagbuo ng plano dahil sa
kanilang kaalaman sa mga sistemang ipatutupad. Hindi rin naman dapat isantabi,
ang pananaw at karanasan ng mga mamamayan sa pagbuo ng disaster risk
management. Kung mapagsasama ang kalakasang ito, ay magbubunga ng
holistikong pagtugon sa kalamidad at hazard sa pamayanan.
Sa ngayon ang National Disaster Coordinating Council (NDCC) ay naglalayon
na maturuan ang mga lokal na pinuno sa pagbuo ng Community-Based Disaster
Management Plan. Binibigyan din nito ng sapat na kaalaman na hasain ang
kakayahan ng mga lokal na pinuno kung paano maisasama ang CBDRM Plan
kasama na ang pagbuo ng plano at programa sa mga lokal na pamahalaan at mga
barangay officials. Sa kabuuan ang plano na maisasagawa ay higit na magiging
epektibo kung ang iba’t ibang sektor sa pamayanan ay makikiisa sa pagbuo upang
higit na matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan. Makabubuo ng
angkop na estratehiya at desisyon sa simula pa lamang ng pagsasaayos ng plano.
Basehan ng
katangian
Layunin
Top-Down Approach
Bottom-Up Approach
Maihanda ang buong bansa sa
banta ng iba’t ibang kalamidad.
Maihanda ang mga mamamayan
sa barangay sa mga banta ng
hazard
Maibaba ang mga plano sa bawat
probinsya at munisipalidad.
Maisagawa ang mga paghahanda
na kakailanganin upang maging
ligtas ang pamayanan
Bumuo ng
plano
Philippine Disaster Risk Reduction
and Management Framework
Community-Based Disaster
and Risk Management
Tagapamuno
Pambansang pamahalaan
Pamayanan sa tulong ng kapitang
barangay, kagawad at barangay
tanod
Paraan ng
pagbibigay ng
mga teknikal
na tulong.
Pagsasagawa ng mga pag-aaral,
seminars at pagsasanay sa iba’t
ibang anyo ng disaster.
Maisagawa nang tama ang mga
pagsasanay na natutunan ng
pamayanan tulad ng earthquake
drill at fire drill o sa panahon ng
pagbaha. Maging maalam sa mga
lugar na maaaring puntahan sa
panahon ng paglikas tulad ng
evacuation center
11
Sino ang
maaaring
makiisa dito?
Nagbibigay
babala
Katagumpayan
Pinagmumulan
ng tulong
Pamahalaang Pambansa, Local
Government Unit (LGU),
pampublikong indibidwal,
pribadong indibidwal, NonGovernmental Organization
National Disaster Risk Reduction
Management Council (NDRRMC),
Pamahalaang pambansa,
Nakasalalay sa maayos na
pagpaplano ng pambansang
pamahalaan
Pambansang pamahalaan,
International Community, NonGovernmental Organization,
pribado at pampublikong
indibidwal, Local Government
Unit, Department of Social Welfare
and Development
Pamayanan, Local Government
Unit (LGU), pampublikong
indibidwal, pribadong indibidwal,
Non-Governmental Organization
Provincial Disaster Risk Reduction
Management Office (PDRRMO),
Munisipalidad ng bawat bayan
Nakasalalay sa pagkakaisa at
pagtutulungan ng pamayanan
upang mabawasan ang pinsalang
dulot ng kalamidad/hazard.
Mahalagang alam din ang mga
hotlines ng Pamahalaang
Pambayan sa panahon ng hazard.
Pambansang pamahalaan,
International Community, NonGovernmental Organization,
pribado at pampublikong
indibidwal, Local Government Unit
Provincial Government,
Munisipalidad
Narito ang isang simpleng ilustrasyon ng Dalawang Approach sa Pagtugon sa
mga Hamong Pangkapaligiran
Dalawang Approach sa Pagtugon sa
mga Hamong Pangkapaligiran
PDRRM Approach (Top-Down)
CBDRM Approach (BottomUp)
Nasyunal (Pamahalaan)
Disaster Management Plan
(Pamahalaan)
Probinsiya
Probinsiya
Munisipalidad
Munisipalidad
Munisipalidad
Munisipalidad
Barangay
Pamayanan
Barangay
12
Community-Based
Plan (Pamayanan)
Matapos mong pag-aralan ang nilalaman ng aralin ay makikita mo ang mga
gawain at pagsusulit na inihanda upang subukin kung lubos mong naunawaan ang
paksa.
Sagutan mo nga ang mga susunod na bahagi sa Pagyamanin.
Pagyamanin
A. Kilala Mo!
Panuto: Hanapin ang mabubuong pangalan sa ibaba maaaring pahalang, patayo at
pahilis na bubuo sa sumusunod na pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
B
C
A
R
T
E
R
O
D
E
G
H
B
E
S
H
D
M
Z
O
K
L
A
C
S
O
N
B
U
N
D
O
R
G
Y
U
S
D
B
V
B
D
Q
J
H
U
H
G
A
G
H
U
U
I
B
G
A
H
I
F
G
K
E
N
J
I
H
B
R
B
H
E
Z
I
D
N
O
H
O
L
M
J
K
O
P
D
H
S
D
E
B
I
J
L
D
H
G
U
I
H
H
U
K
F
S
E
T
G
T
S
U
I
O
P
O
S
T
D
O
S
1. Ang CBDRRM Approach sa pananaw naman nina _____________ at _____________,
ay isang proseso ng paghahanda laban sa hazard at kalamidad na nakasentro sa
kapakanan ng tao.
2. Ang dating senador _____________ na ginawang Czar para sa rehabilitasyon ng
Tacloban City matapos ang pananalasa ng super typhoon Yolanda.
3. Ang disaster management ayon kay _____________, “ay isang dinamikong proseso
na sumasakop sa pamamahala ng pagpaplano, pag-oorganisa pagsasagawa ng
angkop na pagpaplano, pag-oorganisa, pagtukoy sa mga kasapi, pamumuno at
pagkontrol.”
4. Ayon kina _____________ at _____________, “ang Community-Based Disaster Risk
Management ay isang pamamaraan kung saan ang mga pamayanang may banta
ng hazard at kalamidad ay aktibong nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri, pagtugon,
pagsubaybay, at pagtataya ng mga risk na maaari nilang maranasan.”.
13
5. Ayon naman kina _____________ at _____________,” ito ay tumutukoy sa iba’t ibang
gawain na dinisenyo upang mapanatili ang kaayusan sa panahon ng sakuna,
kalamidad, at hazard.”
B. Piliin Mo Tamang Konsepto Ko
Panuto: Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Piliin sa kahon ang mga uri ng
konsepto o termino na naaayon sa mga pangyayaring inilalarawan sa bawat bilang.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Anthropogenic hazard
Natural hazard
Risk
Disaster
Resiliency
Vulnerability
______________ 1. Ang pagbibigay ng abiso ng lokal na pamahalaan sa mga tao na
may bahay na nakatayo malapit sa ilog lalo’t higit ang mga
bahay nagawa sa mahinang klase ng materyales.
______________ 2. Pagkukumpuni ni Mang Juan ng kanyang bahay dahil sa
nagsisimula na ang panahon ng tag-ulan.
______________ 3. Paghuli ng mga pulis sa mga sasakyang nagbubuga ng maiitim
na usok.
______________ 4. Anunsiyo sa radyo at telebisyon na ipinagbabawal muna ang
pagpalaot ng mga mangingisda sa karagatan dahil sa storm
surge na dulot ng bagyo.
______________ 5. Pinagbabawal ang paglabas ng mga buntis, bata, at matatanda
dahil sa pandemyang COVID-19.
______________ 6. Ipinasara ng lokal na pamahalaan ang pabrika sapagkat
nagbubuga ito ng makapal na usok.
______________ 7. Pinalilikas ang mga mamamayan na malapit sa paanan ng
bulkan dahil sa banta ng pagsabog nito.
______________ 8. Marami sa kabahayan ang nasira sanhi ng malakas na bagyo.
______________ 9. Matapos ang malakas na lindol muling isinaayos ang mga
nasirang tulay at daan.
______________ 10.Maagang umuwi ng bahay si Susan mula sa kanilang opisina
dahil sa paparating na malakas na bagyo.
C. Istaran Mo Nga Ako!
Panuto: Lagyan
ng patlang kung ang mga pangungusap sa bawat bilang ay
naaayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Framework. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.
_______ 1. Ang pagbuo ng plano ng Pambansang Pamahalaan sa iba’t ibang
kalamidad at hazard.
14
_______ 2. Ang pagharap sa kalamidad sa tuwing mararanasan ito.
_______ 3. Ang paghingi ng pakikiisa at tulong sa NGO’s, pribado, at publikong
sektor sa pagbuo ng Disaster Management Plan.
_______ 4. Ang pagsusulong
Approach.
ng
Community-Based
Disaster
Management
_______ 5. Ang pagsusulong sa Top-down Approach.
_______ 6. Ang pagiging handa ng bansa at komunidad sa panahon ng kalamidad.
_______ 7. Ang pagsusulong sa Bottom-up Approach.
_______ 8. Ang pagbuo ng isang disaster management plan ay dapat produkto ng
pagkakaisa at pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng lipunan.
_______ 9. Sa pamahalaan nakasalalay ang lahat ng tungkulin upang maging
disaster-resilient ang buong bansa.
_______ 10. Tungkulin ng lahat ang paglutas sa suliraning pangkapaligiran.
D. Natural Hazard o Anthropogenic Hazard
Panuto: Isulat ang NH kung ang sumusunod ay halimbawa ng natural hazard at AH
kung ito ay halimbawa ng Anthropogenic hazard. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
________1. hightide
_______6. tsunami
________2. sunog
_______7. baha
________3. lindol
_______8. bagyo
________4. landslide
_______9. thunderstorm
________5. polusyon
_______10. storm surge
E. Tama o Mali
Panuto: Isulat ang salitang Tama kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at Mali
kung hindi wasto ang isinasaad nito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
_______ 1. Risk ay inaasahang maaaring pinsala sa ari-arian at buhay sa pagtama
ng kalamidad.
_______ 2. Ang dalawang uri ng hazard ay ang natural at man-made hazard.
_______ 3. Ang disaster management ay tagapangangasiwa sa malaking
kapahamakan na maaaring maganap o mangyari sa isang lugar.
_______ 4. Ang human risk ay panganib na dulot ng kalamidad sa bahay at gusali.
_______ 5. Ang disaster ay banta dulot ng tao o kalikasan. May posibilidad na
magdulot ng panganib sa buhay, ari-arian at kalikasan.
_______ 6. Ang hazard ay pangyayari na nagdudulot ng panganib sa tao, sa
kapaligiran at maging sa mga gawaing pang-ekonomiya.
15
_______ 7. Ang pangunahing layunin ng disaster management ay mapanatiling
ligtas ang komunidad.
_______ 8. Sa ngayon ang National Disaster Coordinating Council (NDCC) ay
naglalayon na maturuan ang mga lokal na pinuno sa pagbuo ng
Community-Based Disaster Management Plan.
_______ 9. Ang risk ay kakayahan ng pamayanan na harapin at muling
makabangon sa epekto na dulot ng kalamidad.
_______ 10. Ang CBDRRM Approach ay isang paraan na nakatuon sa paghahanda
laban sa sakuna at kalamidad.
F. Top-Down Approach o Bottom-Up Approach
Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod ay Top-down Approach o Bottom-up
Approach. Lagyan ng TD Kung ito ay katangian ng Top-down Approach at kung BU
Bottom-up Approach. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
_______ 1. Pagbabalangkas ng disaster management plan ng pambansang
pamahalaan.
_______ 2. Ang mga mamamayan ay may kakayahang simulan at panatilihin ang
kaunlaran ng kanilang komunidad.
_______ 3. Nagsisimula sa mga mamamayan at iba pang sektor ng lipunan ang
mga hakbang sa pagtukoy, pag-aanalisa at paglikha sa mga hamong
pangkapaligiran.
_______ 4. Ang lahat ng gawain mula sa pagpaplano na dapat gawin sa isang
bansa sa panahon ng kalamidad ay sa pakikipagtulungan ng
pamahalaan at mamamayan.
_______ 5. Sa pamamaraang ito maaaring makuha ang maliliit na detalye na
may kaugnayan sa hazard, kalamidad at pangangailangan ng
pamayanan.
_______ 6. Ang responsableng paggamit ng pamahalaan sa tulong-pinansyal na
kailangan sa mga naapektuhan ng kalamidad.
_______ 7. Pagbibigay ng mga babala, impormasyon, at pagtuturo sa mga lokal
na opisyales o samahan ng mga drills o pagsasanay.
_______ 8. Paglalatag ng planong pambansang pamahalaan sa lokal na
pamahalaan.
_______ 9. Wastong pamamahagi ng tulong-pinansyal at relief goods sa mga
barangay
_______ 10. Pagsasagawa ng mga drills ng mamamayan upang makaiwas sa
posibleng banta na dulot ng disaster at hazard.
Nagawa mong sagutan ang mga gawain at pagsusulit sa Pagyamanin. May
ilan pang gawain na inihanda para sa iyo. Alam ko na mas kakayanin mo ang mga
susunod na hamon sa iyo.
16
Isaisip
Piliin Mo Kukompleto Sa Akin
Panuto: Punan ng tamang sagot ang patlang na bubuo sa pangungusap. Hanapin
ang tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
Bottom-up
CBDRM
dalawang
Disaster Management
Disaster Risk Management
Indonesia
mamamayan
NDRRMC
pamahalaan
tatlong
Top-down
1. Ang ____________________ ay nangangahulugang pangangasiwa sa malaking
kapahamakan na maaaring maganap o mangyari sa isang lugar
2. Ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management ay
____________________ layunin na naging batayan sa pagbuo ng PDRRMF.
may
3. Dalawang layunin ng PDRRM: ang hamon na dulot ng mga kalamidad at hazard
ay dapat pagplanuhan at hindi lamang haharapin sa panahon ng pagsapit ng iba’t
ibang
kalamidad
at
mahalaga
ang
bahaging
ginagampanan
ng
____________________ upang mabawasan ang pinsala at panganib na dulot ng iba’t
ibang kalamidad at hazard.
4. Ang Community-Based Disaster and Risk Management Approach ay isinulong
ng ____________________.
5. Ang ____________________ Approach ay isang pamamaraan kung saan ang
komunidad ay posibleng maharap sa banta ng hazard at kalamidad. Sila ay
inaasahang makikilahok, makikipagtulungan, tutugon, at isasagawa ang mga
implementing rules ayon sa plano na angkop upang maiwasan ang malaking
pinsala na maaaring ang dulot ay kapahamakan sa buhay at ari-arian ng
mamamayan.
6. Ang CBDRM approach ay nakaayon sa ____________________at top-down approach.
7. Sa bottom-up approach ang ____________________ at iba pang sektor ng lipunan
ang nangunguna sa hakbangin ng pagtukoy, pag-aanalisa at pagresolba sa mga
suliranin at hamong pangkapaligiran.
8. Sa ____________________ approach ang pangangailangan ng komunidad ay inaasa
sa mataas na ahensya ng pamahalaan at napapabayaan ang mga mamamayan
na may mataas na posibilidad na makaranas ng hazard o kalamidad.
9. Ang paggamit ng bottom-up approach ay higit na epektibo kaya ginamit din ito ng
Laos, East Timor, ____________________at India.
10. Sa pagpaplano ng ____________________ mahalagang pagsamahin ang kalakasan
ng top-down approach at bottom-up approach.
17
Isagawa
LIGTAS TIPS VIDEO
Panuto: Upang maging handa tayo sa mga paparating na kalamidad sa ating lugar.
Gumawa ng maikling “ligtas tips video” na magpapaalala sa mga maaaring manuod
nito ng mga dapat gawin bago, habang at pagkatapos ng kalamidad. Maaari kang
pumili sa mga uri ng kalamidad na natalakay sa aralin. Gamiting gabay ang rubric
sa ibaba. Ipasa ang iyong awtput sa inyong guro.
Kraytirya
1. Paksa
2. Pagkamalikhain/
Teknikalidad
3. Takdang Oras
4. Kalidad ng
ginawa
5. Kaayusan
Di –
Pangkaraniwan
4
Kahanga –
hanga
3
Katanggap –
tanggap
2
Pagtatangka
1
Angkop na
angkop at
eksakto ang
kaugnayan sa
paksa
Gumagamit
ng akmang
disenyo at
effects na may
kaugnayan sa
paksa
Nakapagsumite nang mas
maaga sa
itinakdang
araw
Makapukaw
interes at
tumitimo sa
isipan
May
kaugnayan
sa paksa
May maliit
na
kaugnayan
Walang
kaugnayan
Gumamit
ng disenyo
at effects
na may
kaugnayan
sa paksa
Nakapagsumite sa
tamang
oras
May disenyo
subalit
hindi tiyak
ang
kaugnayan
Walang
kaugnayan
ang ginamit
na disenyo at
effects
Nakapagsumite ngunit
huli sa
itinakdang
oras
Pansinin
ngunit di
makapukaw
isipan
Higit sa
isang linggo
ang
kahulihan
Maganda ,
maayos at
kahanga –
hanga ang
pagkagawa
Makatawag
pansin
Maayos
18
Ginawa ng
apurahan
ngunit
maayos
Di - pansinin,
di makapukaw
ng interes at
isipan
Inapura ang
paggawa at
hindi maayos
Tayahin
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ito ay nangangahulugang banta dulot ng
magdulot ng panganib sa buhay, ari-arian
A. disaster
B. hazard
tao o kalikasan. May posibilidad na
at kalikasan.
C. resilience
D. vulnerability
2. Nangyayari ang sakuna na ito dulot ng maling pagtatapon ng basura sa anumang
katubigan.
A. bagyo
C. pagguho ng lupa
B. baha
D. sunog
3. Nangangahulugang pangangasiwa sa malaking kapahamakan na maaaring
maganap o mangyari sa isang lugar.
A. disaster evaluation
C. disaster plan
B. disaster management
D. disaster organization
4. Sa approach na ito ang mamamayan at iba pang sektor ng lipunan ang
nangunguna sa hakbangin ng pagtukoy, pag-aanalisa at pagresolba sa mga
suliranin at hamong pangkapaligiran.
A. Bottom-up
C. Disaster Management
B. CBDRM
D. Top-down
5. Ang paggamit ng bottom-up approach ay higit na epektibo kaya ginamit din ito
sa ilang bansa sa Asya maliban sa ________________.
A. East Timor
C. Pilipinas
B. Laos
D. Taiwan
6. Ito ay isang pamamaraan kung saan ang komunidad ay posibleng maharap sa
banta ng hazard at kalamidad na inaasahang makikilahok, makikipagtulungan,
tutugon, at isasagawa ang mga implementing rules ayon sa plano na angkop
upang maiwasan ang malaking pinsala na maaaring ang dulot ay kapahamakan
sa buhay at ari-arian ng mamamayan.
A. Bottom-Up Approach
C. Disaster Management
B. CBDRM Approach
D. Top-Down Approach
7. Ang pangangailangan ng komunidad ay inaasa sa mataas na ahensya ng
pamahalaan at napababayaan ang mga mamamayan na may mataas na
posibilidad na makaranas ng hazard o kalamidad.
A. Bottom-Up Approach
C. Disaster Management
B. CBDRM Approach
D. Top-Down Approach
8. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng natural hazard.
A. baha
C. polusyon
B. lindol
D. sunog
19
9. Ang pangyayari na nagdudulot ng panganib sa tao, sa kapaligiran at maging sa
mga gawaing pang-ekonomiya.
A. disaster
C. resilience
B. hazard
D. risk
10. Alin sa sumusunod na hazard ang halimbawa ng human induced?
A. bagyo
C. pagputok ng bulkan
B. lindol
D. polusyon
11. Tumutukoy sa kakayahan ng pamayanan na harapin at muling makabangon sa
epekto na dulot ng kalamidad.
A. disaster
C. resilience
B. hazard
D. vulnerability
12. Mahalaga ang kagubatan sapagkat hindi lamang ito nagiging tirahan ng maiilap
na hayop kundi pinagkukunan din natin ito ng ating mga pangangailangan. Ano
ang isang paraan upang mapangalagaan ito?
A. lumahok sa gawain ng barangay
C. magtanim ng puno at halaman
B. maglinis ng bakuran
D. tumulong sa gawaing bahay
13. Gawain na maaari mong gawin upang maiwasan ang polusyon sa anyong tubig
A. paglahok sa gawain ng barangay
B. pagtatanim ng puno
C. pagtulong sa gawaing bahay
D. wastong pagtatapon ng basura
14. Tumutukoy ito sa panganib na dulot ng kalamidad sa tao.
A. disaster
C. structural risk
B. human risk
D. vulnerability
15. Ang pinakamahalagang layunin ng Philippine National Disaster Risk Reduction
and Management Framework (PNDRRMF) ay maihanda ang komunidad na
maging __________________.
A. active
C. informative
B. aware
D. resilient
Magaling! Ako ay lubhang nagagalak sapagkat hindi mo sinukuan ang ikaapat na paksa sa ating aralin. At handa ka ng harapin ang mga susunod na paksa
sa ating modyul. Kung iyong nanais, maaari mong ipagpatuloy ang pagsasagot sa
karagdagang gawain na mas magpapalalim sa iyong pag-unawa sa aralin. Muli ang
aking pagbati!
20
Karagdagang Gawain
A. Katangian Ko Sa Pagharap Sa Hazard
Panuto: Punan ang tsart ng limang katangian na kinakailangan sa panahon ng
pagharap sa hazard, sakuna, at kalamidad. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Katangian na kinakailangan sa
pagharap sa hazard
Maikling dahilan kung bakit ito
kailangan.
B. Tsart Na Ito, Kompletuhin Mo!
Panuto: Lagyan ng kaukulang sagot ang tsart sa ibaba batay sa sakuna o disaster
na iyong naranasan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Kalamidad na naranasan
Posibleng epekto ng kalamidad
Mga hakbang na dapat gawin bago
mangyari ang kalamidad
Mga hakbang na dapat gawin sa
panahon na nagaganap ang kalamidad
Mga
hakbang
na
dapat
pagkatapos ng kalamidad
gawin
Problema na naranasan
Paano hinarap ang kalamidad?
Binabati kita! Matagumpay mong nasagutan ang mga gawain at pagsusulit.
Ngayon ay maaari ka nang dumako sa susunod na paksang aralin.
21
SUBUKIN
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
B
A
A
A
B
C
D
B
D
D
D
D
A
A
A
BALIKAN
Nasa
diskresyon
ng guro ang
pagwawasto
ng sagot.
B
C
A
R
T
E
R
O
D
E
G
H
B
E
S
H
D
M
Z
O
K
L
A
C
S
O
N
B
U
N
D
O
R
G
Y
U
S
D
B
V
B
D
Q
J
H
U
H
G
A
G
KILALA MO!
H
G
H
U K
U E
Z
I
N
I
B J
D
G II
N
A H
O
H
B
H
I
R
O
F
B
L
J
L
D
H
G
U
I
H
K
O
P
D
H
S
D
E
B
M
H
U
K
F
S
E
T
G
T
S
U
I
O
P
O
S
T
D
O
S
ki
ISTARAN
MO NGA
PILIIN MO ANG
TAMANG SAGOT
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
22
Vulnerability
Resiliency
Anthropogenic
hazard
Natural hazard
Vulnerability
Anthropogenic
hazard
Natural hazard
Disaster Risk
Resiliency
Risk
TAMA O MALI
NATURAL HAZARD
OR
ANTHROPOGENIC
HAZARD
1.
2.
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10
NH
AH
NH
AH
AH
NH
AH
NH
NH
NH
Tama
8.
Tama
7.
Mali
6.
Mali
5.
Mali
4.
Tama
3.
Mali
2.
Tama
1.
9.
May kanyakanyang gawa
1. Disaster management
2. Dalawa
3. Pamahalaan
4. NDRRMC
5. CBDRM
6. Bottom-up
7. Mamamayan
8. Top-down
9. Indonesia
10. Disaster risk
ISAGAWA
ISAISIP
TAYAHIN
1. B
2. B
3. B
4. A
5. D
6. B
7. D
8. B
9. A
10. D
11. C
12. C
13. D
14. B
15. D
Tama
10. Tama
KARAGDAGANG
GAWAIN
Nasa diskresyon ng
guro ang
pagwawasto
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
K to 12 Kagamitang Pang-Mag-Aaral Sa Araling Panlipunan 10: Mga Kontemporaryong
Isyu at Hamong Panlipunan. 2017. 1st ed. Pasig City: Department of
Education
K
to
12 Kagamitang Pang-Mag-Aaral Sa Araling Panlipunan 10: Mga
Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan Teacher's Guide. 2017. Pasig
City: Department of Education.
Most Essential Learning Competencies (Melcs). 2020. Ebook. Pasig: Department of
Education. https://lrmds.deped.gov.ph/download/18275.
23
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
24
Download