Angela Raphaelle Quiwa 10 – SSC FILIPINO STORYBOARD Laganap na ang pagsisira ng mga tao sa kailkasan. Marami ang pumuputol ng mga puno, nangingisda gamit ang dinamita, pagkakakalbo ng mga puno, at pagsasamantala ng mga tao rito. Labis na nalungkot ang diyosa ng kalikasan nang makita niyang nasisira ang tahanang ibinigay niya sa mga tao. Lubos ang galit ng hari ng mga diyos at diyosa nang makita niya ang diyosa ng kalikasan na naghihinagpis dahil sa kagagawan ng mga tao Inutusan ng hari ng mga diyos ang diyosa ng paghihinagpis na parusahan ang mga tao. Ngunit tumutol ang diyosa ng kalikasan dahil sa pagmamahal niya sa mga ito. Nagdesisyon ang hari na pagaanin ang parusang ibibigay niya sa mga tao Nagmistulang patay ang mundo ng mga tao nang parusahan sila ng diyosa ng paghihinagpis. Marami ang naghirap, nagutom, at natakot para sa kanilang seguridad. Ginawa nila ang lahat upang makuha ulit ang tiwala ng mga diyos at diyosa. Muling nagtiwala ang mga diyos at diyosa sa mga tao at naibalik na ang dating sigla ng kanilang mundo. Nangako sila na patuloy na aalagaan at mamahalin ang kanilang kapwa, maging ang kaharian ng diyosa ng kalikasan.