Basbas para sa Front Line Habang ang nakakahawang sakit ay kumakalat Takot ay tinatakpan ang utak ng mga nabubuhay Bilang ng libingan ay pinupuno Hindi magawang makapag- paalam pa Dahil sa takot ng ating mga kababayan nagpanatiling layo sa isa’t- isa Kaya’t ang mga sakim na tagakuha di man lang makuhang huling hininga Pero may pagasa na umaaligid sa dilim At may mga bayani na nananatili Mga bayani na may hindi mailarawang Kapangyarahang maghilom, tumulong, at magmalasakit sa atin Sila ang apoy sa gabing malalim Ang putting ilaw na nagniningning sa ating daan Dahil sila ay ang ating kanlungan Na andyan palagi para tumulong magpakailanman