Uploaded by jocelyn berlin

FILIPINO-7 Q1-MODYUL 1

advertisement
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Sentrong Edukasyon ng Maynila, Luntiang Parke ng Arroceros
Daang Antonio J. Villegas. Ermita, Maynila
TeleFax: 5272315 / 5275184 / 5275180
manila_deped@yahoo.com
Filipino 9
Maikling Kuwento mula sa
Timog-Silangang Asya
Unang Markahan
Unang Linggo
Modyul 1
Kasanayang Pampagkatuto:
1. Nasusuri ang maikling kuwento batay sa paksa,
mga tauhan, pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari
at
ang
kaugnayan
nito
sa
kasalukuyan sa lipunang Asyano
2. Nabibigyang-kahulugan ang malalim na salitang
ginamit sa akda batay sa denotatibo at
konotatibong kahulugan
PAANO GAMITIN ANG MODYUL
Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat ng
inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag-aaral
gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba para
makamit ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kuwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong
matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman ang
antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may kakailanganin
ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang aralin. Lahat ng
iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.
BAHAGI NG MODYUL
1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan pagkatapos
makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong
kaalaman at konseptona kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang ideya
ng aralin
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may
kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo ang
bagong aralin
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng pagkatuto sa
bagong aralin.
9. Papel sa Replektibong Pagkatuto - dito ipahahayag ang pangkalahatang
natutuhan o impresyon/repleksyon ng mag-aaral sa kanyang pinag-aaralang
modyul
ARALIN
1
Pagsusuri sa Maikling Kuwento
Inaasahan
1. Nasusuri ang maikling kuwento batay sa paksa, mga tauhan,
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, estilo sa pagsulat ng awtor at
iba pa
2. Nasusuri ang mga pangyayari at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan
sa lipunang Asyano batay sa napakinggan/nabasang akda
Unang Pagsubok
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Piliin ang titik na nagsasaad
ng wastong kasagutan. (Mapanuring Pag-iisip)
1. Ang _______ ay isang uri ng panitikan na nag-iiwan ng isang kakintalan.
A. tula
C. nobela
B. dula
D. maikling kuwento
2. Makikita sa bahaging ito ng kuwento ang kapana-panabik na pangyayari.
A. Tagpuan
C. Tunggalian
B. Kakalasan
D. Kasukdulan
Para sa bilang 3-5
1. Pinagsisihan ng anak ang sinapit na pagkabigo at sinikap na
makapagbagong-buhay.
2. Sinubaybayan nila ang paglaki ng kanilang anak at laging
pinangangaralan sa wastong pagtahak sa landas ng buhay.
3. Nagpasya ang anak na mag-isang tahakin ang mabatong daan at
siya ay naging marupok na labanan ang pagsubok.
4. Masayang pinagmamasdan ng mag-asawa ang bagong anghel na
dumating sa kanilang buhay.
3. Ang wastong pagkaksunod-sunod ng panyayari sa kuwento ay _________.
A. 1, 2, 3, 4
C. 4, 2, 3, 1
B. 4, 3, 2, 1
D. 1, 3, 2, 4
4. Maituturing na tauhang _________ ang anak sa kuwento.
A. bilog
C. antagonista
B. lapad
D. Protagonist
5. Matatagpuan ang wakas ng kuwento sa pangungusap bilang _______.
A. 1
C. 3
1
B. 2
D. 4
Balik-tanaw
Gaano mo kakilala ang iyong ama o kinikilalang ama? Kung ipakikilala mo
siya sa akin, ano-anong mga katangian niya ang iyong hinahangaan? Anong mga
katangian niya ang nais mong mabago? (Pagtutulungan, Pagbuo ng Katauhan)
ANG AKING AMA/ KINIKILALANG AMA
Katangiang Nais ng Pagbabago
Hinahangaang Katangian
Maglahad ng isang pangyayari na nagpapatunay ng iyong ibinahagi sa itaas.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
a
Maikling Pagpapakilala
sa Aralin
Sa pamamagitan ng iyong mga inilahad sa itaas ay nakilala mong lubos ang
iyong ama. Sa puntong ito, isang ama ang iyong kikilalanin at nais kong alamin mo
kung taglay rin kaya ng ama sa akdang iyong babasahin ang mga katangian ng
iyong ama. Basahin mo ang maikling kuwento mula sa Singapore na isinalin sa
Filipino ni Mauro R. Avena na matatagpuan din sa Literatura sa Asya
sa(Pakikipagtalastasan, Mapanuring Pag-iisip)
http://filipinosiyam.blogspot.com/2015/07/ang-ama-kuwento-singapore.html
Ang Ama
Buod ng Maikling Kuwento mula sa Singapore
(Isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena)
Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang
kanilang ama. Ang takot ay sa alaala ng isang lasing na suntok sa bibig na
nagpapatulo ng dugo at nagpapamaga ng ilang araw sa labi. Ang pananabik ay sa
pagkain na paminsan-minsa'y inuuwi ng ama - malaking supot ng mainit na
pansit na iginisa sa itlog at gulay. Ang totoo, para sa sarili lang niya ang iniuuwing
2
pagkain ng ama, lamang ay napakarami nito upang maubos niya nang mag-isa;
pagkatapos ay naroong magkagulo sa tira ang mga bata na kanina paaali-aligid sa
mesa.
Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng
ama ng kaluwagang-palad nito - sadyang nag-uwi ito para sa kanila ng dalawang
supot na puno ng pansit guisado, at masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain na
hirap nilang ubusin. Kahit na ang ina nila'y masayang nakiupo sa kanila't kumain
ng kaunti.
Pero hindi na naulit ang masayang okasyong ito, at ngayo'y hindi nag-uuwi
ng pagkain ang ama; ang katunaya'y ipinapalagay ng mga batang mapalad sila
kung hindi ito umuuwing lasing at nanggugulpi ng kanilang ina. Kung umuuwi
itong pasigaw-sigaw at padabog-dabog, tiyak na walang pagkain, at ang mga bata'y
magsisiksikan, takot na anumang ingay na gawa nila ay makainis sa ama at
umakit sa malaking kamay nito upang pasuntok na dumapo sa kanilang mukha.
Madalas na masapok ang mukha ng kanilang ina; madalas iyong marinig ng mga
bata na humihikbi sa mga gabing tulad nito, at kinabukasan ang mga pisngi at
mata niyon ay mamamaga, kaya mahihiya itong lumabas upang maglaba sa
malalaking bahay na katabi nila.
Kapag umuuwi ang ama nang mas gabi kaysa dati at mas lasing kaysa dati,
may pagkakataong ilalayo ng mga bata si Mui Mui. Ang dahila'y si Mui Mui, otso
anyos at sakitin at palahalinghing na parang kuting, ay madalas kainisan ng ama.
Uhugin, pangiwi-ngiwi, ito ay mahilig magtuklap ng langib sa galis na nagkalat sa
kaniyang mga binti, na nag-iiwan ng mapula-pulang mga patse, gayong pauli-ulit
siyang pinagbabawalan ng ina. Pero ang nakakainis talaga ay ang kaniyang
halinghing. Mahaba at matinis, iyon ay tumatagal ng ilang oras. Alam nila na ang
halinghing niyon ay parang kudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos ng ama at ito'y
nakabubulahaw na sisigaw, at kung hindi pa iyon huminto, ito'y tatayo, lalapit sa
bata at hahampasin iyon nang buong lakas. Pagkatapos ay haharapin nito at
papaluin din ang ibang bata na sa tingin nito, sa kabuuan, ay ang sanhi ng
kaniyang kabuwisitan.
Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla dahil
nasisante sa kaniyang trabaho sa lagarian, si Mui Mui ay nasa gitna ng isang
mahahabang halinghing at hindi mapatahan ng dalawang pinakamatandang bata
gayung binalaan nilang papaluin ito. Walang ano-ano, ang kamao ng ama ay
bumagsak sa nakangusong mukha ng bata na tumalsik sa kabila ng kuwarto,
kung saan ito nanatiling walang kagalaw-galaw. Mabilis na naglabasan ng bahay
ang ibang mga bata sa inaasahang gulo. Nahimasmasan ng ina ang bata sa
pamamagitan ng malamig na tubig.
Pero pagkaraan ng dalawang araw, si Mui Mui ay namatay, at ang ina
lamang ang umiyak habang ang bangkay ay inihahandang ilibing sa sementeryo ng
nayon may isang kilometro ang layo roon sa tabi ng gulod. Ilan sa taganayon na
nakatatanda sa sakiting bata ay dumating upang makiramay. Sa ama na buong
araw na nakaupong nagmumukmok ay doble ang kanilang pakikiramay dahil alam
nilang nawalan ito ng trabaho. Nangolekta ng abuloy ang isang babae at pilit niya
itong inilagay sa mga palad ng ama na di-kawasa, puno ng awa sa sarili, ay
nagsimulang humagulgol. Ang balita tungkol sa malungkot niyang kinahinatnan
ay madaling nakarating sa kaniyang amo, isang matigas ang loob pero mabait na
tao, na noon di'y nagdesisyong kunin siya uli, para sa kapakanan ng kaniyang
asawa at mga anak. Dala ng kagandahang-loob, ito ay nagbigay ng sariling
pakikiramay, kalakip ang munting abuloy (na minabuti nitong iabot sa asawa ng
3
lalaki imbes sa lalaki mismo). Nang makita niya ang dati niyang amo at marinig
ang magaganda nitong sinabi bilang pakikiramay sa pagkamatay ng kaniyang
anak, ang lalaki ay napaiyak at kinailangang muling libangin.
Ngayo'y naging napakalawak ang kaniyang awa sa sarili bilang isang
malupit na inulilang ama na ipinaglalamay ang wala sa panahong pagkamatay ng
kaniyang dugo at laman. Mula sa kaniyang awa sa sarili ay bumulwak ang wagas
na pagmamahal sa patay na bata, kaya madalamhati siyang nagtatawag, "Kaawaawa kong Mui Mui! Kaawa-awa kong anak!" Nakita niya ito sa libingan sa tabi ng
gulod - payat, maputla, at napakaliit - at ang mga alon ng lungkot at awa na
nagpayanig sa matipuno niyang mga balikat at brasong kayumanggi ay
nakakatakot tingnan. Pinilit siyang aluin ng mga kapitbahay, na ang iba'y lumayo
na may luha sa mga mata at bubulongbulong, "Maaring lasenggo nga siya at
iresponsable, pero tunay na mahal niya ang bata".
Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha at saka tumayo.
Mayroong siyang naisip. Mula ngayon, magiging mabuti na siyang ama. Dinukot
niya sa bulsa ang perang ibinigay ng kaniyang amo sa asawa (na kiming iniabot
naman ito agad sa kaniya, tulad ng nararapat. Binilang niya ang papel-de-bangko.
Isa man dito ay hindi niya gagastusin sa alak. Hindi na kailanman. Matibay ang
pasiya na lumabas siya ng bahay. Pinagmasdan siya ng mga bata. Saan kayo
pupunta, tanong nila. Sinundan nila ito ng tingin. Papunta ito sa bayan. Nalungkot
sila, dahil tiyak na uuwi itong dalang muli ang mga bote ng beer.
Pagkalipas ng isang oras, bumalik ang ama. May bitbit itong malaking supot
na may mas maliit na supot sa loob. Inilapag nito ang dala sa mesa. Hindi
makapaniwala ang mga bata sa kanilang nakita, pero iyon ba'y kahon ng mga
tsokolate? Tumingin silang mabuti. May supot ng ubas at isang kahon yata ng
biskwit. Ang kambal ay nagkasiya sa pandidilat at pagngisi sa pananabik; masaya
na sila ano man ang laman niyon. Kaya nagtalo at nanghula ang mga bata. Takot
na hipuin ang yaman na walang senyas sa ama. Inip silang lumabas ito ng
kaniyang kuwarto.
Di nagtagal ay lumabas ito, nakapagpalit na ng damit, at dumiretso sa
mesa. Kinuha nito ang malaking supot at muling lumabas ng bahay. Hindi matiis
na mawala sa mata ang yaman na wari'y kanila na sana, nagbulingan ang
dalawang pinakamatanda nang matiyak na hindi sila maririnig ng ama. "Tingnan
natin kung saan siya pupunta." Nagpumilit na sumama ang kambal at ang apat ay
sumunod nang malayo-layo sa ama. Sa karaniwang pagkakataon, tiyak na
makikita sila nito at sisigawang bumalik sa bahay, pero ngayo'y nasa isang bagay
lamang ang isip nito at hindi man lang sila napuna.
Dumating ito sa libingan sa tabing gulod. Kahuhukay pa lamang ng puntod
na kaniyang hinintuan. Lumuhod at dinukot ang mga laman ng supot na dahandahang inilapag sa puntod, habang pahikbing nagsalita, "Pinakamamahal kong
anak, walang maiaalay sa iyo ang iyong ama kundi ang mga ito. Sana'y tanggapin
mo." Nagpatuloy itong nakipag-usap sa anak, habang nagmamasid sa
pinagkukublihang mga halaman ang mga bata. \ at ang maitim na ulap ay
nagbabantang mapunit anumang saglit, pero patuloy sa pagdarasal at pag-iyak
ang ama. Naiwan sa katawan ang basang kamisadentro. Sa isang iglap, ang kanina
pang inip na inip na mga bata ay dumagsa sa yaman. Sinira ng ulan ang malaking
bahagi niyon, pero sa natira sa kanilang nailigtas nagsalo-salo sila tulad sa isang
piging na alam nilang ‘di nila mararanasang muli.
4
Naibigan mo ba ang iyong binasa? Katulad ng nabanggit ko kanina,
maikling kuwento ito mula sa bansang Singapore. Nasalamin mo ba sa iyong
pagbabasa ang ilan sa kultura ng Singapore? May pagkakatulad ba ang mga ito sa
ating kultura? Tama! Bilang Asyano, alam kong nasalamin mo rin ang
pagkakatulad ng mga pangyayari sa akda sa mga pangyayaring nakikita,
nababasa, naririnig at maaring nangyayari rin sa ating lipunan. .
TANDAAN :
Basahin mo at unawain ang ilang paliwanag tungkol sa Maikling Kuwento
Ayon kay Edgar Allan Poe (Ama ng maikling kuwento), ang maikling
kuwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at bungang-isip na
hango sa tunay na pangyayari sa buhay.
Elemento ng Maikling Kuwento
1. Paksa- Tumutukoy sa sentral na ideya sa loob ng kuwento.
2. Tagpuan- Lugar na pinangyarihan sa kuwento. Naglalarawan ng ginagalawan o
kapaligiran ng mga tauhan.
3. Tauhan- nagbibigay-buhay sa mga pangyayari sa kuwento.
Tauhang bilog – nagbabago ang karakter sa loob ng kuwento
Tauhang lapad – walang pagbabago sa simula hanggang sa wakas ng kuwento.
4. Banghay- tumutukoy sa pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento.
(Simula, Suliranin, Saglit na kasiglahan, Tunggalian, Kasukdulan, Kakalasan,
Wakas
Gawain
Gawain ;Panuto: Ikonek mo ang mga pangyayari sa akdang binasa. Pagsunodsunurin gamit ang letrang A-F, A ang pinaka-unang pangyayari at F ang
pinakahuli. (Mapanuring Pag-iisip, Pagtutulungan, Pakikipagtalasatasan)
1
4
Namatay si MuiMui pagkaraan ng
dalawang araw.
Bumalik
ang
ama na may bitbit
na
supot
at
nagtungo sa puntod
ni Mui-Mui.
2 Umuwi ang ama na
masamang-masama
ang
timpla
dahil
nasisante sa lagarian.
5
Sinorpresa ng ama
ang anim na mga anak
sa
kaluwagang-palad
nito.
5
3
Nagsisisi ang ama
sa kaniyang ginawa
at
bumulwak
ang
wagas
na
pagmamahal sa anak.
6
Nasuntok
nang
malakas ng ama si
Mui-Mui na tumalsik
sa kabilang kuwarto.
Gawain 2
Panuto: Isa-isahin ang mga pangyayari sa kuwentong binasa at iugnay ito sa
kasalukuyang pangyayari sa lipunang Asyano. Isulat sa kuwaderno ang
sagot.
Pangyayari sa Akda
=
Kaugnayan sa Kasalukuyang Pangyayari
Tandaan
1. Sa pagsusuri ng maikling kuwento, malaking salik ang pagpapakilala sa
katangian ng mga tauhan at ang maayos at malinaw na pagsusunod-sunod
ng mga pangyayari.
2. Ang mga pangyayari sa mga akdang pampanitikang Asyanong iyong
nababasa ay nagsisilbing repleksiyon sa kung ano ang nagaganap sa paligid
iyong paligid kabilang ng iba pang mamamayang Asyano
Pag-alam sa Natutuhan
Panuto: Magsaliksik at bumasa ng isang maikling kuwentong Asyano at suriin
ito ayon sa hinihingi sa tsart. (Pagkamalikhain, Mapanuring Pag-iisip, at
Pagtutulungan)
6
Pangwakas na Pagsusulit
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan at piliin ang titik na nagsasaad
ng wastong kasagutan. (Mapanuring Pag-iisip)
1. Mula sa pagiging iresponsable at mainitin ang ulong ama ay kinakitaan ng
pagsisisi at kababaang-loob sa bandang huli. Ang katangiang ito ng ama ay
nabibilang sa tauhang _________.
A. bilog
C. antagonista
B. lapad
D. protagonista
2. Ang pangyayaring nakapaloob sa kuwentong Ang Ama ay nangyayari sa
lipunang Asyano. Ang pahayag ay isang ___________________.
A. opinyon
C. kasabihan
B. katotohanan
D. Agarang kongklusyon
3. "Pinakamamahal kong anak, walang maiaalay sa iyo ang iyong ama kundi
ang mga ito. Sana'y tanggapin mo." Ang bahaging ito ng kuwento ay
matatagpuan sa _______________.
A. simula
C. kakalasan
B. kasukdulan
D. wakas
4. Sa pagbabasa ng maikling kuwento, lahat ay maaring suriin maliban sa
__________.
A. tauhan
C. entablado
B. tagpuan
D. Pangyayari
5. Ang suliraning panlipunang lutang na lutang sa akda ay ____________.
A. droga
C. kahirapan
B. sugal
D. populasyon
Papel sa Replektibong Pagkatuto
Panuto: Ilahad ang mga bagong konsepto ng natutunan mula sa mga gawain sa
pamamagitan ng “Graphic organizer”. (Mapanuring Pag-iisip, Paglikha
ng Katauhan
Sa tingin ko
_____________________________________
Kaya pinanindigan ko na
______________________________________
7
ARALIN
2
Denotatibo at Konotatibong
Kahulugan ng Salita
Inaasahan
1. Nabibigyang kahulugan ang malalim na salitang ginamit sa akda batay sa
denotatibo o konotatibong kahulugan
Unang Pagsubok
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng
pinakatamang sagot. (Mapanuring Pag-iisip)
1. Siya ay itinuturing na kanang-kamay ng pangulo. Ang salitang may
salungguhit sa pangungusap ay may kahulugang _____.
A. denotatibo
C. panlinaw
B. konotatibo
D. panubali
2. Ang denotatibong pagpapakahulugan sa salita ay __________________.
A. pagtukoy sa pangunahing kaisipan
B. pagbibbigay ng kaisipan sa salita
C. literal na pagpapakahulugan sa salita
D. pagbibigay ng malalim na pagpapakahulugan sa salita
3. Ang denotatibong pagpapakahulugan ay mga kahulugang hango sa ________.
A. modyul
C. talatinigan
B. magasin
D. batis ng impormasyon
4. Ipinasa nila ang papel sa unahan. Ang salitang may salungguhit sa
pangungusap ay may pagpapakahulugang _______.
A. tayutay
C. konotatibo
B. idyomatiko
D. denotatibo
5. Malambot ang kanyang puso sa mga nangangailangan. Ang salitang may
salungguhit sa pangungusap ay may konotatibong kahulugan na _______.
A. maawain
C. mapagbigay
B. matulungin
D. maalalahanin
8
Balik-tanaw
Panuto:
Ibuod mo ang kuwentong Ang Ama gamit ang sumusunod na gabay.
Isulat
sa
kuwaderno
ang
kasagutan.
(Mapanuring
Pag-iisip,
Pakikipagtalastasan)
Ang pamagat ng kuwento ay __________________________________
Nagsimula ang kuwento nang _________________________________
Matapos nito ay _______________________________________________
Sumunod pa rito ay ___________________________________________
Nalutas ang suliranin nang ___________________________________
Nagwakas ang kuwento nang __________________________________
Maikling Pagpapakilala sa Aralin
Sa pagbabasa ng mga akdang pampanitikan, may mga salita at pahayag kang di
agad mauunawaan dahil di lantad na inilahad ang kahulugan. Maaring mabatid
ang kahulugan ng mga salitang ito sa pamamagitan ng dalawang paraan ng
pagbibigay ng kahulugan. Basahin at unawain mo ang kasunod na paliwanag.
(Pakikipagtalastasan, Mapanuring Pag-iisip)
•
Denotatibo ang pagpapakahulugan sa isang salita kung maibibigay
ang literal na kahulugan ng salita na matatagpuan sa talatinigan o
diksyunaryo.
Halimbawa: Ang kamandag ng ahas ay nakamamatay.
Ang ahas na tinutukoy sa pangungusap ay hayop.
•
Konotatibo ang pagpapakahulugan sa isang salita kung ang
kahulugan ay makikita sa loob ng pangungusap batay sa
pagkakagamit nito.
Halimbawa: Isa palang ahas ang pinagkakatiwalaan kong kaibigan.
Ang ahas na tinutukoy sa pangungusap na ito ay taksil
na kaibigan.
Gawain
Gawain 1
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pangungusap mula sa akdang
9
Ang Ama. Ibigay ang denotatibo at konotatibong kahulugan ng mga
pariralangnasatsart batay sa paraan ng pagkakagamit sa pangungusap. Isulat sa
kuwaderno
ang
kasagutan(Mapanuring
Pag-iisip,
Pagtutulungan,
Pakikipagtalasatasan
Denotatibo
Pariralang Mahirap Unawain
Konotatibo
1. lasing na suntok sa bibig
2. kaluwagang-palad
3. malaking kamay
4. dumapo sa kanilang mukha
5. matigas ang loob
1. Ang takot sa ama ay isang alaalang lasing na suntok sa bibig na nagpatulo
ng dugo at nagpamaga ng ilang araw sa labi.
2. Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyong sinorpresa sila ng
ama ng kaluwagang–palad nito.
3. Ang malaking kamay ng ama ay pinangingilagan ng mga anak.
4. Kailangan nilang sumunod upang hindi dumapo sa kanilang mukha ang
pananakit ng ama.
5. Ang balita tungkol sa malungkot niyang kinahinatnan ay madaling
nakarating sa kaniyang amo, isang matigas ang loob pero mabait na tao na
doon di’y nagdesisyong kunin siya uli, para sa kapakanan ng kaniyang
asawa at mga anak.
Gawain 2
Panuto: Tukuyin kung DENOTATIBO o KONOTATIBO ang pagpapakahulugang
ginamit sa bawat pangungusap. Isulat sa kuwaderno ang kasagutan.
1.
Pinulot ng mga bata ang maraming barya na nagkalat sa
sahig.
2.
May mangilan-ngilang barya sa binti ng dalaga matapos
siyang magkasakit ng bulutong-tubig.
3.
Bumili ako ng puting pintura para sa kisame ng aming
bahay.
4.
Bumagay sa magandang kasuotan ng artista suot na pintura
sa
kanyang mukha.
5.
Mabuti naman at tumigil na ang mga buwaya sa kanilang
mga ilegal na gawain.
Tandaan
10
1. Donotatibo ang kahulugan ng salita kung literal ang kahulugan at
maaaring matagpuan sa diksyunaryo.
2. Konotatibo ang kahulugan kung makikita sa loob ng pangungusap ang
kahulugan batay sa pagkakagamit nito.
Inaasahan kong naging maliwanag sa iyo ang ating naging talakayan sa
araw na ito. Akin namang aalamin ngayon ang iyong natutuhan.
Pag-alam sa Natutuhan
Panuto: Gamitin sa pangungusap ang mga salita/parirala sa loob ng T Chart.
Ihanay batay sa denotatibo at konotatibong pagpapakahulugan. Isulat sa
kwaderno ang iyong kasagutan. (Pagkamalikhain, Pakikipagtalastasan,
Pagtutulungan, Pagbuo ng Katauhan, Mapanuring Pag-iisip)
Denotatibo
Konotatibo
______________________
butas ang
bulsa
_________________________
______________________
natutulog
sa
pansitan
_________________________
_____________________
_______________________
_____________________
bukas ang
palad
ilaw ng
tahanan
haligi ng
tahanan
Pangwakas na Pagsusulit
11
_________________________
_________________________
_________________________
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan at piliin ang titik ng
pinakawastong sagot. Isulat sa kuwaderno ang kasagutan. (Mapanuring Pag-iisip)
1. Patuloy na nagpapadala ng ayuda ang pamahalaan sa mga
nangangailangang
mamamayan.
Ang
may
salungguhit
ay
nangangahulugang ________.
A. tulong
C. kasama
B. kakampi
D. sustento
2. Ang ibinigay na pagpapakahulugan sa salita sa pangungusap bilang isa
ay
________________.
A. tayutay
C. konotatibo
B. kasabihan
D. denotatibo
3. May busilak na kalooban ang matulungin at butihing pinuno ng bayan.
Ang pagpapakahulugang naganap sa loob ng pangungusap ay
________________.
A. konotatibo
C. tayutay
B. denotatibo
D.kasabihan
4. Kapit sa patalim ang ilan sa mga mamamayang nagigipit. Ang nais
ipakahulugan ng may salungguhit ay _______________.
A. nagtatrabaho ng legal
B. nagtatrabaho ng illegal
C. labag sa kalooban ang pinasok na gawain
D. namamasukan upang may pantustos sa pangangailangan
5. Ang
pangungusap
bilang
apat
pagpapakahulugang _____________.
i. konotatibo
ii. denotatibo
ay
halimbawa
ng
isang
C. tayutay
D.kasabihan
Papel sa Replektibong Pagkatuto
Panuto: Magbigay ng tatlong konsepto na natutuhan mula sa aralin. Bumuo ng
isang dyornal tungkol sa mga natutuhan mo sa araling ito. (Pakikipagtalastasan,
Pagkamalikhain)
K1 ________________________________________________________________________
K2 ________________________________________________________________________
K3 ________________________________________________________________________
12
Sanggunian
Mga Aklat
Arrogante, Jose A. et al. Panitikang Filipino Antalohiya. Mandaluyong City:
National Book Store, 2004.
Baisa, Ailene G., et.al. Piinagyamang Pluma 9. Quezon City: Phoenix Publishing
House, Inc., 2015.
Jimenez, Encarnacion M. et.al. Panitik IV Filipino sa Panahon ng Pagbabago.
Adriana Publishing Co., Inc. 2012.
Eliktroniko
https://www.deped.gov.ph/k-to-12/about/k-to-12-basic-education-curriculum/
http://filipinosiyam.blogspot.com/2015/07/ang-ama-kuwento-singapore.html
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul
Manunulat:
Rodesa O. Lajada, TI
Editor:
Edwin Remo Mabilin, EPS
Tagasuri:
Museta Delos Reyes Dantes, PSDS
Tagaguhit:
Rodesa O. Lajada, TI
Tagalapat:
Julieta DG. Madera, HT VI
Tagapamahala:
Maria Magdalena M. Lim, CESO V
Tagapamanihalang Pansangay ng mga Paaralang Panlungsod
Aida H. Rondilla, Puno ng CID
Lucky S. Carpio, EPS na nakatalaga sa LRM at Tagapag-ugnay sa ADM
13
Susi sa Pagwawasto
Aralin 1
Unang
Pagsubok
Pangwakas na
Pagsusulit
1. D
1. C
2. D
2. A
3. C
3. D
4. A
4. B
5. A
5. B
Balik-tanaw
Gawain 1
Paglalarawan
sa kanilang
ama.
1. D
Iba-iba ang
sagot ng magaaral
3. E
2. B
4. F
5. A
6. C
Gawain 2
Pangyayari sa Akda
Kahirapan ng buhay
Martir na asawa
Pagkakaroon ng bisyo
Walang
permanenteng
trabaho
Pagiging resposable ng
ama
Kaugnayan sa Kasalukuyang Pangyayari
Pag-alam sa Natutuhan
Papel sa Repelktibong Pagkatuto
Iba-iba ang sagot ng mag-aaral
Iba-iba ang sagot ng mag-aaral
Susi sa Pagwawasto
Aralin 2
Unang
Pagsubok
Pangwakas na
Pagsusulit
1. B
1. A
2. C
2. D
3. C
3. B
4. D
4. C
5. A
5. A
Gawain 2
1. denotatibo
2. konotatibo
3. denotatibo
4. konotatibo
5. konotatibo
14
Balik-tanaw
•
•
•
•
•
•
•
Ang Ama
umuwi ang ama na may dalang pansit
hinihitay lagi ng mga anak ang pag-uwi ng ama
minsan sa pag-uwi ng ama ay mainit ang ulo nito dahil sa
pagkakatanggal sa trabaho
nasaktan niya si Mui Mui na nagging dahilan ng pagkamatay nito
ibinili ng ama ang nakuhang abuloy mula sa amo ng mga kendi
nagsisi ang ama sa nangyari sa anak
Gawain 1
Denotatibo
manginginom
salita/ pariralang
mahirap unawain
1. alaala ng isang lasing
na suntok sa bibig
maluwag ang palad
2. kaluwagang-palad
nanghihikayat
3. umakit sa malaking
kamay
kinakabahan
4. nagpapangilo sa
nerbiyos
5. matigas ang loob
matigas ang loob
Konotatibo
hindi sinasadyang mga
masasakit na
pinakawalang salita
mapagbigay
ininis o mang-irita sa
isang tao upang magalit o
manakit
nagtataas ang dugo
manhid o walang
pakiramdam
Pag-alam sa Natutuhan
Ang kasagutan ay depende sa mabubuong pangungusap ng mag-aral.
15
Download