Republika ng Pilipinas Kagawaran ng Edukasyon Pambansang Punong Rehiyon SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA Sentrong Edukasyon ng Maynila, Luntiang Parke ng Arroceros Daang Antonio J. Villegas. Ermita, Maynila TeleFax: 5272315 / 5275184 / 5275180 manila_deped@yahoo.com Filipino 7 Masamang Kalahi (Pabula) Unang Markahan Ikalawang Linggo Modyul 2 Kasanayang Pampagkatuto: Nahihinuha ang kalalabasan ng mga pangyayari batay sa akdang napakinggan BAHAGI NG MODYUL 1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan pagkatapos makompleto ang mga aralin sa modyul na ito. 2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong kaalaman at konsepto na kailangang malinang sa kabuuan ng aralin. 3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating kaalaman at kasanayang nalinang na. 4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang ideya ng aralin 5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may kapareha. 6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin 7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo ang bagong aralin 8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng pagkatuto sa bagong aralin. 9. Papel sa Replektibong Pagkatuto - dito ipahahayag ang pangkalahatang natutuhan o impresyon/repleksyon ng mag-aaral sa kanyang pinag-aaralang modyul Aralin 1 PAGHINUHA SA KALALABASAN NG PANGYAYARI SA AKDA Isa sa nakahiligan ng mga Pilipino ay ang pagkukuwento. Naging libangan sa mga umpukan at pagpapalipas ng oras ang pasaling-dila na mga kwento na ang nilalaman ay ang pagbibigay-aral. Sa modyul na ito matutuhan ng mga mag-aaral ang isang Pabula na magbibigay-aral sa tulong ng paghihinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari. INAASAHAN Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang ang mag-aaral ay: Nahihinuha ang kalalabasan ng mga pangyayari batay sa akdang napakinggan PAUNANG PAGSUBOK Tayo na’t subukin kung gaano kalawak ang iyong kaalaman at pag-unawa sa modyul na ito. Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot. 1. Nagawang siraan ni Tenoriong Talisain ang sarili niyang kalahi para mas mapalapit sa mga banyagang manok na Leghorn. Mahihinuhang si Tenoriong Talisain ay __________. A. mapang -api C. taksil B. masama D. manloloko 2. Gusut-gusot na ang balahibo ng katyaw. Ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit ay ________. A. bata ng tandang B. dumalaga C. manok D. tandang 3. "Bakit hindi mo pa hinayaang mapatay?" ang wika ng mga manok. "Tayo rin lamang ay ikinahihiya niya at itinatakwil pa." Mahihinuhang ang damdamin ng mga manok ay ________ A. may galit C. may habag B. may lungkot D. may lumbay 4. "Talaga nga sanang ibig ko nang pabayaan," ang wika ni Toniong Tandang. "Ngunit hindi rin ako nakatiis. At talaga namang kung hindi ako sumaklolo'y wala na siya ngayon." Makikitang ang ugali ni Toniong Tandang ay ______. A. mapagpahalaga sa kalahi B. matulungin sa nangangailangan C. may mabuting puso D. mabait sa kapwa 5. "Iyang kalahi, kahit masamain mo'y hindi ka rin matitiis sa panahon ng iyong kagipitan." Ipinapabatid ng pahayag na ito ang kaisipang ___. A. Kung ano man ang masamang ginawa ay babalik sayo ng kusa. B. Kahit pa gaano kasama ang ginawa mo sa iyong pamilya, sa oras ng pangangailangan ay sila rin ang tutulong sa’yo. C. Ang mapagkanulo sa kanyang kapwa,ay sariling bitag napapanganyaya. D. Ang matabil na dila ay may parusang nakahanda. BALIK-TANAW A.Panuto: Ipaliwanag kung paano nakilala at hinangaan si Catalino ng mga tao sa palasyo. B.Panuto: Katulad ni Catalino na hinangaan sa kanilang palasyo, ipaliwanag kung paano rin hinangaan ng mga mamamayan ang mga nasa larawan. https://www.freepik.com/free-photosvectors/frontliners https://www.forbes.com/sites/williampesek/2020/02/21/how-much-more-can-thephilippine-economy-endure-from-rodrigoduterte/#8972c3e1b1c1 https://web.facebook.com/manilamayoriskomorenosupporters/?_rdc=1&_rdr Paliwanag: Paliwanag: Paliwanag: MAIKLING PAGPAPAKILALA Noong sinaunang panahon, nakahiligan na ng mga katutubong Pilipino ang pagsasalaysay sa kung ano ang kanilang nakikita, nadarama at maging ang pinaniniwalaan. Dito ibinatay ang pinagmulan ng mga sinaunang Panitikan na ating binabasa at pinag-aaralan sa kasalukuyang panahon. Isa ang Pabula sa mga itinuturing na pinakaunang uri ng panitikan na kinagigiliwan ng mga tao sa daigdig. Saklaw ng modyul na ito ang mga aral na magagamit sa pang-araw-araw na pakikisalamuha sa kapwa tulad ng mga aral sa pabulang babasahin. Pagbasa ng akda Sa panahon ngayon maraming tao ang nakakayanang gumawa ng mga kuwentong hindi totoo para lamang sa ikaaangat ng kanilang sarili, katulad na lamang ng pangmamaliit ni Tenoriong Talisain sa akdang iyong babasahin. ANG MASAMANG KALAHI ( Pabula ) Buhat nang mapatakbo ni Toniong Tandang si Tenoriong Talisain ay humanap na ng ibang libutan at madaling nakapamayagpag na muli ang Talisain. Ang mga Katyaw na leghorn doon ay madaling nasilaw sa balitang bilis at lakas ni Tenoriong Talisain. At madali niyang naging kaibigan ang pinakamagandang sa mga banyagang manok na si Lolitang Leghorn. Isang araw ay galit na galit na umuwi si Denang Dumalaga. “Naku!” ang bulalas ng dumalaga. “Ako pala ay sinisiraan ni Tenoriong Talisain. Ako raw ay naging kasintahan niya…” “Diyata’t?” ang bulalas din ni Aling Martang Manok. “At katakot-takot na paninira raw laban sa mga kalahi ang ginagawa ng Talisaing iyan. Tayo raw ay ikinahihiya niya. Masamang lahi raw tayo…” Gayon din ang ikinagalit ni Toniong Tandang nang siya’y dumating. “Napakasamang manok iyang si Tenoriong Talisain”, ang wika ng tandang. “Kangina’y nakita ko. Kung lumakad at magsalita’y ginagaya ang mga leghorn.” “Ang balita ko pa’y nagpasuklay ng balahibo upang maging mistulang leghorn na. Nakapang-nginig ng laman.” “Bayaan ninyo siya”, ang wika ni Aling Martang Manok. “Pagsisisihan din niya ang kanyang ginawang iyan.” Ilang araw, pagkatapos ay dumating si Toniong Tandang na kasama si Tenoriong Talisain. Gusut-gusot na ang balahibo ng katyaw. Pilay pa ang isang paa, pasa-pasa ang buong katawan at hindi halos makagulapay. “Bakit ano ang nangyari?” ang tanungan ng mga kalahing manok. “Iyan pala ay maluwat nang kinaiinisan ng mga katyaw na Leghorn”, ang wika ni Toniong Tandang. “Kangina’y nakita ko na lamang na pinagtutulungan ng apat na katyaw na leghorn.” “Bakit hindi mo pa pinabayaang mapatay?” ang wika ng mga kalahing manok. “Tayo rin lamang ay ikinahihiya niya at itinatakwil pa…” “Talaga nga sanang ibig ko nang pabayaan”, ang wika ni Toniong Tandang. “Ngunit hindi rin ako nakatiis. At talagang namang kung hindi ako sumaklolo’y nasirang Tenoriong Talisain na siya ngayon.” “Nakita mo na, Tenoriong Talisain!” ang wika ni Aling Martang Manok. “Iyang kalahi, kahit masamain mo’y talagang hindi makatitiis.” Mula sa: https://www.kapitbisig.com/philippines/-tagalog-version-of-fables-mga-pabula-ang— masamang-kalahi-pabula-fable_1024.html MGA GAWAIN Batid kong may kaalaman ka na kung ano ang aral na nais iparating ng pabulang iyong nabasa at kung paano sinasalamin ng akda ang pakikisalamuha natin sa ating kapwa, ngayon ipamalas mo ang iyong kahusayan sa pagsagot sa mga inihandang gawain. GAWAIN 1: Panuto: Maghinuha ng kalalabasan ng mga pangyayari sa akda. 1. Ano kaya ang gagawin ni Tenoriong Talisain kung nalaman niya kaagad na siya’y matagal nang kinaiinisan ng mga leghorn? _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ 2. Paano kaya ang gagawin ang gagawin ng dalawa kapag nagkatagpong muli ang kanilang mga landas? _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ 3. Bakit galit na galit ang mga kalahi kay Tenoriong Talisain ? Ano kayang mensahe ang nais ipaabot ng mga kalahi kay Tenoriong Talisain? _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ 4. Tinulungan ni Toniong Tandang si Tenoriong Talisain kahit na ipinagkanulo sila nito. Anong katangian ang makikita kay Toniong Tandang dahil sa ginawa niyang ito? Ipaliwanag ang iyong sagot. _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ GAWAIN 2: Panuto: Sa tulong ng graphic organizer sa ibaba, punan ng tamang sagot ang mga katanungan sa ibaba.. (Pagbuo ng Katauhan) Ano kayang katangian mo ang nagugustuhan sa iyo ng mga taong nakaksalamuha mo sa paaralan. ? Paano ka naiiba kay Tenoriong Talisain? TANDAAN Bakit kaya madalas kang napapagalitan ng iyong mga magulang ? Anong aral sa pabula ang nais mong isabuhay? Bakit? TANDAAN Pabula -Ang pabula ay isang uri ng panitikan na ang pangunahing mga tauhan ay ginagampanan ng mga hayop. Sa akdang ito, ang mga hayop ay kumikilos at nakakapagsalita tulad ng mga tao. Sa wakas ng kuwento, ang mga mambabasa ay inaasahang may mapupulot na mabuting aral at magandang asal. 1. 2. 3. 4. Elemento ng Pabula Tauhan – Ang kumikilos sa akda. Ang karaniwang tauhan na gumaganap sa pabula ay mga hayop Tagpuan –lugar at oras kung saan naganap ang mga pangyayari. Banghay – Daloy at pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa kwento. Aral –Nagsisilbi itong gabay sa mga mambabasa lalo na sa mga bata sa kung ano ang tama at mabuti. Nagtuturo din ito ng mga mabubuting asal na dapat taglayin ng isang bata. Mula sa :https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-pabula/ PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN Gawain 1 Paghinuha sa saloobin at damdamin Panuto: Isulat ang mahihinuhang damdamin o saloobin mula sa mga pahayag ng mga tauhan sa akda at magiging resulta nito. Is Read Tauhan at pahayag Denang Dumalaga “Naku!” ang bulalas ng dumalaga. “Ako pala ay sinisiraan ni Tenoriong Talisain. Ako raw ay naging kasintahan niya…” Expression Ano ang mahihinuhang damdamin ng tauhan sa akda? React Ano ang mahihinuhang maaaring kalalabasan ng pangyayaring ito? “Kangina’y nakita ko na lamang na pinagtutulungan ng apat na katyaw na leghorn.” “Bakit hindi mo pa pinabayaang mapatay?” ang wika ng mga kalahing manok. “Tayo rin lamang ay ikinahihiya niya at itinatakwil pa…” “Talaga nga sanang ibig ko nang pabayaan”, ang wika ni Toniong Tandang. “Ngunit hindi rin ako nakatiis. At talagang namang kung hindi ako sumaklolo’y nasirang Tenoriong Talisain na siya ngayon.” Gawain 2 Pagsulat ng sariling karanasan Panuto: Katulad ng pagpapahalaga ni Toniong Tandang sa kaniyang mga kalahi,Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa kapwa sa nararanasan ngayon na pandemya ng ating bansa? _____________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________ PANGWAKAS NA PAGSUSULIT Mahusay ang ipinakita mong kaalaman at mapanuring paglalakbay sa modyul na ito. Natitiyak kong masasagutan mo ang inihandang gawain sa ibaba. Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa kwaderno ang iyong sagot. 1.Sa kabila ng pagiging taksil ni Tenoriong Talisain sa kaniyang mga kalahi ay nagawa pa rin itong tulungan ni Toniong Tandang. Masasalamin sa akdang ito ang kulturang Pilipino na ________. A. matulungin C. maawain B. mapagmahal D. mahabagin 2.Ang mga Leghorn ay madaling nasilaw sa balitang bilis at lakas ni Tenoriong Talisain. Mahihinuhang ang mga Leghorn ay _____. A. madaling maloko C. madaling mabihag B. madaling kaibiganin D. madaling siraan 3.Elemento ng pabula na tumutukoy sa daloy at pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento. A. Tauhan C. Tagpuan B. Banghay D. Aral 4. Sa akdang ito, ang mga hayop ay kumikilos at nakakapagsalita tulad ng mga tao. A. Alamat C. Panitikan B. Kwentong-bayan D. Pabula 5.“Ang balita ko pa’y nagpasuklay ng balahibo upang maging mistulang leghorn na. Nakapang-nginig ng laman.” Ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit ay _____. A. katulad C. hinangad B. ninais D. ginusto 6."Nakita mo na Tenoriong Talisain!" ang wika ni Aling Martang Manok."Iyang kalahi, kahit masamain mo'y hindi ka rin matitiis sa panahon ng iyong kagipitan." Mahihinuha sa pahayag na ito ang kaugaliang Pilipino na may ______. A.pagmamahal sa bayan C. pagmamahal sa kapwa B.pagmamahal sa pamilya D. pagmamahal sa isa’t isa 7.Ang kataksilan ni Tenoriong Talisain sa kaniyang kalahi ay nagbunga sa kaniya ng kapahamakan nang mapalapit sa mga Leghorn. Mahihinuha na ang kataksilan ni Tenoriong Talisain ay ______. A. may kabayaran C. may hangganan B. may katapusan D. may kapahamakan 8.Elemento ng pabula nagsisilbing gabay sa mga mambabasa lalo na sa mga bata kung ano ang tama at mabuti. C. Tauhan C. Tagpuan D. Banghay D. Aral 9."Iyang kalahi, kahit masamain mo'y hindi ka rin matitiis sa panahon ng iyong kagipitan." Ipinapabatid ng pahayag na ito ang kaisipang ___. A. Kung ano man ang masamang ginawa ay babalik sayo ng kusa B. Kahit pa gaano kasama ang ginawa mo sa iyong pamilya, sa oras ng pangangailangan ay sila rin ang tutulong sa’yo. C. Ang mapagkanulo sa kanyang kapwa,ay sariling bitag na papanganyaya. D. Ang matabil na dila ay may parusang nakahanda. 10. Ang mga Leghorn doon ay madaling nasilaw sa balitang bilis at lakas ni Tenoriong Talisain. Ang kasingkahulugan ng salitang maysalungguhit ay ________. A. nabighani C. natuwa B. naloko D. nainis PAPEL SA REPLEKTIBONG PAGKATUTO Binabati kita at mahusay mong naipakita ang iyong angking galing sa mga pagsubok na naghamon ng iyong pang-unawa. Naipakita mong nasasalamin ng pabula ang pang-araw-araw na pakikisalamuha sa atingkapwa. Ngayon ipakita mong handa kang sagutan ang gawain sa ibaba. Panuto: Gamit ang estratehiyang 3-2-1 sa ibaba. Bumuo ng isang dyornal na tumtugon sa mga hinhingi sa ibaba. 3-Tatlong bagay na natutuhan mo sa binasang akda. 2-Dalawang aral na nais mong isabuhay 1-Isang tanong sa akdang binasa na gusto mong hanapan ng sagot 321- SANGGUNIAN AKLAT – Pinagyamang Pluma 7 WEBSITES MojiPop App https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-pabula/ https://www.kapitbisig.com/philippines/-tagalog-version-of-fables-mga-pabulaang-masamang-kalahi-pabula-fable_1024.html https://www.freepik.com/free-photos-vectors/frontliners https://www.forbes.com/sites/williampe-sek/2020/02/21/how-much-more-can-thephilippine-economy-endure-from-rodrigo-duterte/#8972c3e1b1c1 https://web.facebook.com-/manilamayoriskomore-nosupporters/?_rdc=1&_rdr Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul Manunulat: Jessica F. Barrientos, Mataas na Paaralang Florentino Torres Editor: Edwin Remo Mabilin,, EPS Tagasuri: Museta Delos Reyes Dantes, PSDS Tagaguhit: Tagalapat: Tagapamahala: Maria Magdalena M. Lim, CESO V, Tagapamanihalang Pansangay ng mga Paaralang Panlungsod Aida H. Rondilla, Puno ng CID Lucky S. Carpio, EPS na nakatalaga sa LRM at Tagapag-ugnay sa ADM SUSI SA PAGWAWASTO UNANG PAGSUBOK PANGWAKAS NA PAGSUSULIT 1. A 1. C 2. C 2. A 3. B 3. A 4. D 4. A 5. A 5. B 6. B 7. A 8. D 9. B 10. A