Uploaded by Allen Kyle Magundayao

Ang Kautusan ng Departamento ng Edukasyo

advertisement
MALAY 23.1 (2010): 31-52
Ang Kautusan ng Departamento ng Edukasyon
Bilang 74, Serye 2009: Isang Pagsusuri
sa Katatagan ng Programang Edukasyon
sa Unang Wika (MLE) ng Filipinas*
Feorillo Petronillo A. Demeterio III
Pamantasang De La Salle, Filipinas
demeteriof@dlsu.edu.ph
Ang sanaysay na ito ay sumusuri sa katatagan ng Ordinansa ng Departamento ng Edukasyon Bilang
74, Serye 2009, na may pamagat na Institutionalizing Mother Tongue-Based Multilingual Education
(MLE), sa pamamagitan ng limang paraan. Una, hinihimay nito ang estruktura at nilalaman ng nasabing
ordinansa. Ikalawa, tinitingnan nito ang nasabing ordinansa sa konteksto ng kasaysayan ng pagpaplano
ng wika sa Filipinas. Ikatlo, sinusukat nito ang pedagohiya ng ordinansa gamit bilang lente ang
kasalukuyang antas ng kaalaman tungkol sa MLE. Ikaapat, pinag-aaralan nito ang politikal na implikasyon
ng ordinansa gamit ang mga konsepto ng nasyonalismo, pagsasabansa, at multikulturalismo. Ikalima,
pinag-aaralan nito ang ekonomikal na implikasyon ng ordinansa gamit ang mga paksang pangmatagalan
(long term) at panandaliang (short term) ekonomikal na implikasyon. Bilang kongklusyon, tinitimbang
nito ang kabuuang halaga at katatagan ng ordinansang ito.
Mga Susing Salita: Edukasyon sa Inang Wika, MLE, Edukasyong Multilinggwal, Pagpaplano ng
Wika, Kasaysayan ng Wika sa Filipinas, Wika at Nasyonalismo, Wika at Pagsasabansa, Multikulturalismo,
Wika at Panlipunang Kaunlaran, Wika at Pang-Ekonomikal na Kaunlaran
This paper examines the soundness of the Department of Education’s Order Number 74, Series of
2009, through five ways. First, it analyzes the structure and contents of the said order. Second, it
contextualizes the said order within the history of language planning in the Philippines. Third, it
evaluates the pedagogical standing of the said order using the current body of literature about MLE.
Fourth, it studies the political implication of the said order using the concepts of nationalism, nation
building, and multiculturalism. Fifth, it studies the economic implication of the said order using the
frameworks of long-term and short-term economic impacts. The paper concludes with an overall
assessment of the strengths and weaknesses of the said order.
Keywords: Mother Language Education, MLE, Multilingual Education, Language Planning, History
of Language Planning in the Philippines, Language and Nationalism, Language and Nation Building,
Multiculturalism, Language and Social Development, Language and Economic Development
* The Department of Education Order Number 74, Series 2009:
An Analysis of the Soundness of the Mother Language Education (MLE)
Program of the Philippines
© 2010 Pamantasang De La Salle, Filipinas
32
MALAY
PANIMULA
No o ng t ao ng 1953 unang inilahad ng
UNESCO, sa pamamagitan ng isang publikasyong
may pamagat na The Uses of Vernacular
Languages in Education, ang mungkahi nito para
sa lahat ng bilinggwal at multilinggwal na estado na
gamitin ang unang wika (mother tongue) bilang
panimulang wika sa edukasyon. Ang unang wika,
o inang wika, o L1 (first language), ay konseptong
makabuluhan lamang sa konteksto ng isang
bilinggwal at multilinggwal na estado, dahil ito ang
wika ng isang bata, o indibidwal, na ginagamit niya
sa kaniyang t ahanan at kung saan siya
pinakabihasa at pinakakompo rtable kapag
ihahambing sa kaniyang ibang wika, o mga wika.
Sa publikasyong ito, binanggit ng UNESCO ang
sikolohikal, sosyolohikal, at pedagohikal na dahilan
kung bakit mas mabisa ang edukasyon sa unang
wika, o mother language education, o MLE
(UNESCO, The Use 11). Sa perspektibo ng
sikolohiya, ang unang wika ay katumbas sa
kognitibong sistema na umiiral sa kaisipan ng
sinumang bata na agaran niyang pinapakinabangan
sa kanyang pag-uunawa at pagpapahayag ng
kanyang nalalaman at nararamdaman; sa
perspektibo ng sosyolohiya, ang wikang ito ay isa
sa mga pinakamahalagang sangkap na
magpapabilang sa kanya sa komunidad na kanyang
kinaroroonan at magbibigay sa kaniya ng kultural
na identidad; at sa perspektibo ng edukasyon, ang
wikang ito ay ang daan para sa isang mas
epektibong proseso ng pagtuturo at pagkatuto.
Sa paglipas ng mahigit limampung taon,
lumawak at lumalim pa ang mga pananaliksik at
pag-aaral tungol sa MLE. Noong umpisa ang
edukasyo ng it o ay it inut uring lamang na
pinakamabisang paraan sa pagkatuto ng nilalaman
ng iba’t ibang asignatura. Ngayon ito rin ay
itinuturing na pinakamabisang paghahanda para sa
pagkatuto ng ikalawa, pati na ng ikatlong wika.
Sa konteksto ng isang multilinggwal na estado ang
ikalawang wika ay kadalasan ang wikang opisyal,
o wikang pambansa, habang ang ikatlong wika
naman ay kadalasang ang wika ng mas malawakan
at global na komunikasyon. Maaari nating bigyan
TOMO XXIII BLG. 1
ng buod ang kasalukuyang antas ng kaalaman
tungkol sa MLE sa pamamagitan ng mga
sumusunod na pahayag:
• Ang MLE ay hindi lamang tungkol sa oral
na paggamit ng unang wika, ito rin ay
tungkol sa tekstwal na paggamit ng
nasabing wika na sinasabayan ng pagaaral sa estruktura at gramatika nito
(UNESCO, Education 11);
• Kapag ang pagkatuto ng nilalaman ng
iba’t ibang asignatura ang pinag-uusapan,
ang MLE ay mas mabisa kung ihahambing
sa edukasyon sa ikalawa, o sa ikatlong
wika (UNESCO, The Uses 6);
• Dapat malinang muna nang husto ang
kognitibong kakayahan ng bata sa
kanyang unang wika, bago pa man siya
ililipat sa edukasyon sa ikalawa, o sa
ikatlong wika;
• Kinakailangan ng bata ng hindi kukulangin
sa labindalawang taon para lubusan
niyang matutuhan ang kaniyang unang
wika, kaya hindi sapat ang paggamit sa
unang wika hanggang sa una, ikalawa, o
ikatlong baitang sa elementarya lamang
(Dutcher at Tucker vii);
• Sakaling kailangan talaga ng isang estado
ang edukasyon sa ikalawa, o sa ikatlong
wika, mas maigi par a sa bat a na
ipagpaliban muna ang paglilipat sa kaniya
mula sa MLE hanggang sa pinakahuling
panahon na kakayahin ng estadong ito
(UNESCO, Education 31);
• Ang minamadaling paglipat (premature)
mula MLE patungo sa edukasyon sa
ik alawa, o sa ikat lo ng, wika ay
nakakasama sa pag-unlad ng literasi, at
sa kasanayan sa matematika at siyensya
ng bata (Nolasco, Twenty-One 10);
• Ang batang natuto nang husto gamit ang
kanyang unang wika ay mas madaling
matuto ng ikalawa o ikatlong wika kung
ihahambing sa ibang batang ibinabad
kaagad sa ikalawa o sa ikatlong wika
(Dutcher at Tucker vii); at
KAUTUSAN NG DEPARTAMENTO NG EDUKASYON
• Kinakailangan ng bata ng hindi kukulangin
sa anim na taong masinsinang pag-aaral
sa ikalawa o sa ikatlong wika bago pa
man gamitin ang mga ito bilang midyum
sa pagtuturo (Nolasco, Twent-One 10).
Binanggit na ng UNESCO noong 1953, na kahit
malinaw na malinaw ang bentahe ng MLE, hindi
magiging madali para sa mga bilinggwal at
multilinggwal na estado na gamitin ito dahil sa mga
sirkumst ansyang po lit ikal, linggwist ikal,
edu kasyo nal, so syo-kult ural, at praktikal
(UNESCO, The Uses 11). Kaya kahit isa ang Iloilo
Experiment ni Jose Aguilar, na isinagawa noong 1948
hanggang 1951, sa mga case study na ginamit na
batayan ng publikasyong “The Uses of Vernacular
Languages in Education,” hindi kaagad pinansin ng
ating pamahalaan ang halaga ng MLE (123-31).
Sa katunayan labing-pitong taon muna ang lumipas
mula 1953 bago umusad ang ating estado patungo
sa edukasyong bilinggwal, nang iniuto s ng
Departamento ng Edukasyon noong 1970 na
gamitin ang wikang Filipino bilang midyum sa
pagtuturo mula unang baitang pataas (Cruz, Part
I). Dalawampung taon muna ang lumipas mula
1953 bago umusad ang ating estado patungo sa
edukasyong kumikilala sa halaga ng unang wika,
nang iniutos ng Departamento ng Edukasyon noong
1973 na gamitin ang ating mga unang wika bilang
midyum sa pagtuturo para sa una at ikalawang
baitang (Cruz, Part II). Subalit, sa panahong ito,
hilaw, hindi sistematiko, at hindi siyentipiko ang
paggamit ng pamahalaan sa ating mga unang wika,
dahil oral at panandalian lamang ang yutilisasyong
ito. Maghihinala tayo na ang utos na ito ay bunsod
lamang sa pragmatikong realisasyon na talagang
mahirap ipatupad ang isang sistema ng edukasyon
na agarang nakabatay sa ikalawa o sa ikatlong
wika. Limampung-pitong taon muna ang lumipas
mula 1953 bago umusad ang ating estado patungo
sa edukasyong kumikilala sa isang mas sistematiko
at mas siyentipikong paggamit sa unang wika, nang
inilathala ng Departamento ng Edukasyon ang
Kautusan Bilang 74, Serye 2009, na may pamagat
na Institutionalizing Mother Tongue-Based
Multilingual Education (MLE).
FEORILLO DEMETERIO III
33
Kung ang pamagat lamang ng kautusan ang ating
titingnan, marahil marami sa mga Filipinong babad
na sa literatura tungkol sa MLE, ang magsasabing,
“Bakit ngayon lang ipinalabas ang ganitong
kautusan?” o di kaya, “Ito na ang solusyon sa
problema ng patuloy na pagbaba ng kalidad ng
at ing edukasyo n.” Marami sa at ing mga
mahahalagang institusyon at tinitingalang mga
eksperto at intelektwal ang sumusuporta sa
paggamit ng MLE. Halimbawa, sa kaniyang
sanaysay na Twenty-One Reasons Why Filipino
Children Learn Better while Using their Mother
Tongue, inisa-isa ng linggwistang si Ricardo
Nolasco ang mga institusyon at personalidad na
ito: ang Philippine Business for Education, ang
Department of Foreign Affairs, ang UNESCO
Philippines, ang Linguistic Society of the
Philippines, si Jesli Lapus (dating Kalihim ng
Departamento ng Edukasyon), si Ralph Recto
(dating Direktor Heneral ng National Economic
Development Authority), si Dr. Edilberto de Jesus
(dating Kalihim ng Departamento ng Edukasyon),
si Dr. Jose Abueva (dating Presidente ng University
of the Philippines), si Dr. Patricia Licuanan (dating
Presidente ng Miriam College at kasalukuyang
Tagapamuno ng Commission on Higher Education),
si Dr. Michael Tan (Chairman ng Department of
Anthropology ng University of the Philippines), si
Dr. Aurelio Agcaoili (Convenor ng NAKEM
International), at ng mga dalubhasa sa agham
panlipunan na sina Dr. Ma. Cynthia Bautista, Dr.
Allan Bernardo at Dr. Dina Ocampo (14-15).
Ngunit kahit na matatag ang kasalukuyang antas
ng kaalaman tungkol sa MLE, hindi
nangangahulugang matatag din ang bersyon ng MLE
na nilalaman ng naturang kautusan. Kaya kailangang
himayin natin ang katatagan ng kautusang ito dahil
kinabukasan ng kabataang Filipino at kinabukasan
ng bansang Filipinas ang nakasalalay dito. Kahit
na sabihin pa natin na kasingtatag nga ang nilalaman
ng kautusang ito sa kasalukuyang antas ng
kaalaman tungkol sa MLE, dapat pa rin nating
himayin nang husto ang mga nilalaman at
implikasyon ng kautusang ito, para maipakita natin
sa lahat ng Filipino na ang ating paggamit sa MLE
ay tumatahak sa isang landas na subok na.
34
MALAY
Binanggit na ng UNESCO noong 1953 na
mahalagang maintindihan at bukas-loob na
tatanggapin ng stakeholders ang edukasyong ito,
dahil hindi rin ito magbubunga ng mabuti kapag
marahas lamang itong ipapataw ng estado sa mga
paaralan, guro at mag-aaral (The Uses 53-54).
Kaya ang papel na ito ay susuri sa katatagan
ng Kautusan ng Departamento ng Edukasyon
Bilang 74, Serye 2009, sa pamamagitan ng limang
paraan. Una, hihimayin nito ang estruktura at
nilalaman ng nasabing kautusan. Ikalawa, titingnan
nito ang nasabing kautusan sa konteksto ng
kasaysayan ng pagpaplano ng wika sa Filipinas.
Ikatlo, susukatin nito ang pedagohiya ng kautusan
gamit bilang lente ang kasalukuyang antas ng
kaalaman tungkol sa MLE. Ikaapat, pag-aaralan
nito ang politikal na implikasyon ng kautusan gamit
ang mga konsepto ng nasyonalismo, pagsasabansa,
at multikulturalismo. Ikalima, pag-aaralan nito ang
implikasyong ekonomiko ng kautusan gamit ang mga
paksang pangmatagalan (long term) at panandaliang
(short term) implikasyong ekonomiko. Pang-anim,
at bilang kongklusyon, titimbangin nito ang
kabuuang halaga at katatagan ng kautusang ito.
Ang Kautusang Institutionalizing Mother
Tongue-Based Multilingual Education
Ang Kautusan Bilang 74, Serye 2009, na may
pamagat na Institutionalizing Mother TongueBased Multilingual Education (MLE), at
nilagdaan ni Kal. Jesli Lapuz, ay may estruktura
na:
• Pa ngun ahin g Dokumento : may
pamagat din na Institutionalizing
Mother Tongue-Based Multilingual
Education (MLE), at binubuo ng
sampung seksyon;
• Unang Kalakip na Dokumento: may
pamagat na Fundamental Requirements
for a Strong Mother Tongue-Based
Multilingual Education (MLE), at
binubuo ng sampung mga kahilingan;
• Ikalawang Kalakip na Dokumento:
may pamagat na MLE Bridging Plan A,
TOMO XXIII BLG. 1
at binubuo ng isang tsart na nagsasabi kung
paano gagamitin ang unang wika, wikang
Filipino at wikang Ingles sa iba’t ibang
baitang at antas ng elementarya at
sekondarya sa mga rehiyon na ang unang
wika ay hindi Filipino (o Tagalog); at
• Ikatlong Kalakip na Dokumento: may
pamagat na MLE Bridging Plan B, at
binubuo rin ng isang tsart na nagsasabi
kung paano gagamitin ang unang wika,
ang wikang Ingles, at iba pang wika sa
iba’t ibang baitang at antas ng elementarya
at sekondarya sa mga rehiyon na ang
unang wika ay Filipino (o Tagalog) rin.
Isa-isa nating titingnan ang nilalaman ng apat na
dokumentong bumubuo sa naturang kautusan.
Ang Panguhahing Dokumento
Kagaya ng nasabi na, ang pangunahing
dokumento ng kautusan ay may sampung seksyon.
Para sa layunin ng pap el na it o , ang
pinakamahalaga sa sampung ito ay ang ikalawa,
ikatlo, at ikalimang seksyon. Ang ikalawang
seksyo n ay naglalahad ng depinisyo n ng
Departamento ng Edukasyon kung ano ang ibig
nitong sabihin ng “MLE.”
Mother Tongue-Ba sed Multil ingual
Education, hereinafter referred to as
MLE, is the effective use of more than two
languages for literacy and instruction.
Henceforth, it shall be institutionalized as
a fundamental educational policy and
program in this Department in the whole
stretch of formal education including preschool and in the Alternative Learning
System (Seksiyon 2).
Tatlong importanteng bagay ang mapapansin
natin sa depinisyong ito. Una, ginagawang
magkatumbas ng dokumento ang “mother tonguebased multilingual education” at “mother
language education,” o “MLE.” Malaki ang
pagkakaiba ng dalawang ito, dahil ang “mother
KAUTUSAN NG DEPARTAMENTO NG EDUKASYON
tongue-based multilingual education” ay isang
mas malawak na programa kung ihahambing sa
“mother language education.” Sa katunayan, ang
“mother language education” ay ang umpisang
bahagi lamang ng “mother tongue-based
multilingual education.” Ikalawa, dahil ginawang
magkasingkahulugan ang “mother tongue-based
multilingual education” at “mother language
education,” naiiba tuloy ang depinisyon ng “mother
language education.” Ang depinisyong “the
effective use of more than two languages for
literacy and instruction” ay naaangkop para sa
“mother tongue-based multilingual education” at
hindi para sa “mother language education”
(Section 2). Pangatlo, ang probisyon na, “It shall
be institutionalized as a fundamental educational
policy and program in this Department in the
whole stretch of formal education including preschool and in the Alternative Learning System,”
ay nagpapahiwatig ng maling mensahe na ang unang
wika ay siyang gagamiting midyum sa pagtuturo
mula pre-school hanggang sa ikaapat na taon ng
sekondarya (Seksyon 2). Kahit ang dalubhasa at
dating Undersecretary ng Departamento ng
Edukasyon na si Isagani R. Cruz ay nagsulat ng
isang pahayag na, “Colleges and universities will
start accepting high school graduates that were
taught primarily in their mother tongue by 2021
or 2023,” dahil sa mapanlinlang na probisyong ito
(Cruz, Part II). Kapag titingnan natin ang kabuuang
dokumento malinaw na ang unang wika ay
gagamitin lamang bilang midyum sa pagtuturo sa
mga unang taon ng edukasyon, habang ang ikalawa
(Filipino), at ikatlong (Ingles) wika ay gagamitin
bilang midyum ng pagtuturo sa mga mas matataas
na baitang ng elementarya at sa lahat ng antas ng
sekondarya.
Ang ikat lo ng seksyon ng pangunahing
dokumento ng naturang kautusan ay nagbanggit sa
Lingua Franca Project at Lubuagan First Language
Co mponent, at nagpahayag ng ilang mga
pedagohikal na prinsipyong nakalap mula sa mga
pag-aaral na ito. Ang Lingua Franca Project ay
ang programang itinatag ng dating Kalihim ng
Departamento ng Edukasyon na si Andrew
Gonzalez noong 1999, kung kailan iniutos niyang
FEORILLO DEMETERIO III
35
gamitin sa mga piling paaralan ang tatlong lingua
franca na Tagalog, Ilokano, at Cebuano, bilang
midyum sa pagtuturo mula pre-school hanggang
ikatlong baitang (Nolasco, Twenty-One 9). Ang
Lubuagan First Language Component naman ay
ang pananaliksik na isinagawa mula noong 1998
ng Summer Institute of Linguistics-Philippines,
Departamento ng Edukasyon, at ng lokal na
komunidad ng Lubuagan, sa lalawigan ng Kalinga,
kung saan sinuri nila ang epekto ng paggamit ng
unang wika para sa mga mag-aaral mula unang
baitang hanggang ikatlong baitang (Nolasco,
Twenty-One 9).
Mula sa mga pag-aaral na ito, at mula sa iba
pang lokal at internasyonal na pag-aaral, naglahad
ang pangunahing dokumento ng mga sumusunod
na pahayag tungkol sa MLE:
• First, learners learn to read more quickly
when taught in their first language (L1);
• Second, pupils who have learned to read
and write in their first language learn to
speak, read, and write in a second
language (L2) and third language (L3)
more quickly than those who are taught
in a second or third language first; and
• Third, in terms of cognitive development
and its effects in other academic areas,
pupils taught to read and write in their
first language acquire such competencies
more quickly (Seksyon 3).
Dalawang importanteng bagay ang mapapansin
natin sa ikatlong seksyon na ito. Una, habang ang
kasalukuyang antas ng kaalaman tungkol sa MLE
ay humihiling ng hindi bababa sa labindalawang
taong masinsinang paggamit ng unang wika, ang
Lingua Franca Project at Lubuagan First Language
Component ay nakabatay lamang sa masinsinang
paggamit sa unang wika hanggang sa ikatlong
baitang ng elementarya (Dutcher at Tucker vii).
Ibig sabihin, kung ang karaniwang edad ng mga
mag-aaral sa ikatlong baitang ay siyam na taon,
ang paggamit sa unang wika sa dalawang lokal na
pananaliksik na ito ay nakabatay lamang sa siyam
na taon, at ito ay kinapos ng tatlong taon sa
36
TOMO XXIII BLG. 1
MALAY
labindalawang taong kahilingan ng kasalukuyang antas
ng kaalaman tungol sa MLE. Ang ikalawang bagay
na mapapansin natin sa ikatlong seksyon na ito ay
ang pagiging tahimik ng tatlong pahayag nito para sa
MLE kung hanggang anong edad, o anong baitang,
o anong antas, dapat gamitin ang unang wika, at kung
anong edad, o baitang, o antas, dapat umpisahang
gamitin ang ikalawa (Filipino) at ikatlong (Ingles)
wika.
Ang ikalimang seksyon ng pangunahing dokumento
ng naturang kautusan ay nag-uutos na dahan-dahang
ipatupad ang programang “Institutionalizing Mother
Tongue-Based Multilingual Education (MLE)” sa
lahat ng asignatura at sa lahat ng antas ng elementarya
at sekondarya simula ng pre-school sa pangakademikong taon 2010-2011, at magdaragdag na
isang antas bawat susunod na taon. Ibig sabihin,
Antas
Pre-school
Kinder-garten
Baitang 1
Baitang 2
Baitang 3
Unang wika
• Gagamitin bilang midyum
ng pagtuturo
• Gagamitin bilang midyum
ng pagtuturo
• Gagamitin bilang midyum
ng pagtuturo
• Ituturo bilang asignatura
• Gagamitin bilang midyum
ng pagtuturo
• Ituturo bilang asignatura
• Gagamitin bilang midyum
ng pagtuturo
• Ituturo bilang asignatura
Baitang 4
• Gagamitin bilang midyum
ng pagtuturo (kung
kinakailangan)
Baitang 5
• Gagamitin bilang midyum
ng pagtuturo (kung
kinakailangan)
Baitang 6
• Gagamitin bilang midyum
ng pagtuturo (kung
kinakailangan)
Sekondarya
phase-in ang moda ng pagpasok ng bagong
programa. Ito ay magbibigay ng sapat na panahon
sa lahat ng paaralan para mapaghandaan ang
kakailanganing human resources at materyales ng
programang ito.
Ang Unang Kalakip na Dokumento
Kagaya ng nasabi na, ang unang kalakip na
dokumentong may pamagat na Fundamental
Requirements for a Strong Mother Tongue-Based
Multilingual Education (MLE) ay nagpapahayag
ng sampung kahilingan para sa isang matatag na
pagpapatupad ng MLE. Para sa layunin ng papel na
ito, ang pinakamahalaga sa sampung ito ay ang ikatlo
hanggang ikapitong kahilingan, na maaari nating bigyan
ng buod sa pamamagitan ng isang tsart na:
Wikang Ingles
Wikang Filipino
• Ituturo bilang asignatura
(kung kinakailangan)
• Ituturo bilang asignatura
(kung kinakailangan)
• Ituturo bilang asignatura
(kung kinakailangan)
• Ituturo bilang asignatura
(kung kinakailangan)
• Ituturo bilang asignatura
• Gagamitin bilang midyum
ng pagtuturo (kung
kinakailangan)
• Ituturo bilang asignatura
• Gagamitin bilang midyum
ng pagtuturo (kung
kinakailangan)
• Ituturo bilang asignatura
• Gagamitin bilang midyum
ng pagtuturo (kung
kinakailangan)
• Ituturo bilang asignatura
• Gagamitin bilang midyum
ng pagtuturo
• Ituturo bilang asignatura
• Gagamitin bilang midyum ng
pagtuturo (kung
kinakailangan)
• Ituturo bilang asignatura
• Gagamitin bilang midyum
ng pagtuturo (kung
kinakailangan)
• Ituturo bilang asignatura
• Gagamitin bilang midyum
ng pagtuturo (kung
kinakailangan)
• Ituturo bilang asignatura
• Gagamitin bilang midyum ng
pagtuturo
Tsart 1: Buod ng Ikatlo hanggang Ikapitong Kahilingan
ng Dokumentong Fundamental Requirements for a Strong
Mother Tongue-Based Multilingual Education (MLE)
KAUTUSAN NG DEPARTAMENTO NG EDUKASYON
Ang Tsart 1 ay naglalahad kung sa anong antas
ng pag-aaral dapat ituturo bilang asignatura at
gagamitin bilang midyum sa pagtuturo ang unang
wika, wikang Filipino, at wikang Ingles.
Mapapansin natin na hindi espesipiko ang naturang
dokumento kung kailan dapat umpisahan ang
pagtuturo ng wikang Filipino at Ingles bilang
asignatura, sa halip ito ay nagsasabi lamang na ang
mga ito ay ipapasok bilang hiwalay na mga
asignatura “no earlier than grade two” (Bilang
5). Hindi rin espesipiko ang dokumento kung
kailan dapat umpisahan ang paggamit ng wikang
Filipino at Ingles bilang midyum sa pagtuturo, sa
halip ito ay nagsasabi lamang na ang unang wika
ay gagamitin bilang midyum sa pagtuturo “until,
at least, grade three” (Bilang 3).
Antas
Pre-school
Kinder-garten
Baitang 1
Baitang 2
Baitang 3
Baitang 4
Unang wika
• Gagamitinbilang midyum
ng pagtuturo
• Gagamitin bilang midyum
ng pagtuturo
• Gagamitin bilang midyum
ng pagtuturo
• Itinuturo bilang asignatura
• Gagamitin bilang midyum
ng pagtuturo
• Ituturo bilang asignatura
• Gagamitin bilang midyum
ng pagtuturo
• Ituturo bilang asignatura
• Gagamitin bilang midyum
ng pagtuturo
• Ituturo bilang asignatura
Baitang 5
• Gagamitin bilang auxiliary
na wika
Baitang 6
• Gagamitin bilang auxiliary
na wika
Sekondarya
• Gagamitin bilang auxiliary
na wika
FEORILLO DEMETERIO III
37
Ang Ikalawang Kalakip na Dokumento
Kagaya ng nasabi na, ang ikalawang kalakip
na dokumentong may pamagat na MLE Bridging
Plan A ay nagsasad kung paano gagamitin ang
unang wika, wikang Filipino, at wikang Ingles sa
iba’t ibang baitang at antas ng elementarya at
sekondarya sa mga rehiyon na ang unang wika ay
hindi Filipino (o Tagalog). Binanggit sa
pangunahing dokumento ng kautusan na ang MLE
Bridging Plan A ay gagamitin lamang sa unang
tatlong taon ng implementasyon ng programa, at
sa paglipas ng tatlong taon ito ay isasailalim sa isang
ebalwasyon at rebisyon (Tingnan sa Seksyon 6).
Maaari nating bigyan ng buod ang tsart ng MLE
Bridging Plan A sa pamamagitan ng isang mas
simpleng tsart na:
Wikang Filipino
Wikang Ingles
• Ituturo bilang asignatura
• Ituturo bilang asignatura
• Ituturo bilang asignatura
• Ituturo bilang asignatura
• Ituturo bilang asignatura
• Ituturo bilang asignatura
• Ituturo bilang asignatura
• Gagamitin bilang midyum
sa pagtuturo ng
Makabayan at Filipino
• Ituturo bilang asignatura
• Gagamitin bilang midyum
sa pagtuturo ng
Makabayan at Filipino
• Ituturo bilang asignatura
• Gagamitin bilang midyum
sa pagtuturo ng
Makabayan at Filipino
• Ituturo bilang asignatura
• Gagamitin bilang midyum
sa pagtuturo ng
Makabayan, Technology
at Livelihood Education, at
Filipino
• Ituturo bilang asignatura
• Gagamitin bilang midyum
sa pagtuturo ng Matematika,
Siyensya at Ingles
• Ituturo bilang asignatura
• Gagamitin bilang midyum
sa pagtuturo ng Matematika,
Siyensya at Ingles
• Ituturo bilang asignatura
• Gagamitin bilang midyum
sa pagtuturo ng Matematika,
Siyensya at Ingles
• Ituturo bilang asignatura
• Gagamitin bilang midyum
sa pagtuturo ng Matematika,
Siyensya at Ingles
Tsart 2: Buod ng Dokumentong MLE Bridging Plan A
38
TOMO XXIII BLG. 1
MALAY
Katulad sa Tsart 1, ang Tsart 2 ay naglalahad
kung sa anong antas ng pag-aaral dapat ituturo
bilang asignatura at gagamitin bilang midyum sa
pagtuturo ang unang wika, wikang Filipino, at
wikang Ingles.
Ang Ikatlong Kalakip na Dokumento
Kagaya ng nasabi na, ang ikatlong kalakip na
dokumentong may pamagat na MLE Bridging
Plan B ay nagsasaad kung paano gagamitin ang
unang wika, wikang Ingles, at iba pang wika sa
Antas
Pre-school
Kinder-garten
Baitang 1
Baitang 2
Baitang 3
Baitang 4
Unang wika (Filipino)
• Gagamitin bilang midyum
ng pagtuturo
• Gagamitin bilang midyum
ng pagtuturo
• Gagamitin bilang midyum
ng pagtuturo
• Ituturo bilang asignatura
• Gagamitin bilang midyum
ng pagtuturo
• Ituturo bilang asignatura
• Gagamitin bilang midyum
ng pagtuturo
• Ituturo bilang asignatura
• Gagamitin bilang midyum
ng pagtuturo
• Ituturo bilang asignatura
Baitang 5
• Gagamitin bilang auxiliary
na wika para sa mga Ingles
na asignatura
• Ituturo bilang asignatura
Baitang 6
• Gagamitin bilang auxiliary
na wika para sa mga Ingles
na asignatura
• Ituturo bilang asignatura
Sekondarya
• Gagamitin bilang auxiliary
na wika para sa mga Ingles
na asignatura
• Ituturo bilang asignatura
iba’t ibang baitang at antas ng elementarya at
sekondarya sa mga rehiyon na ang unang wika ay
Filipino (o Tagalog) rin. Binanggit rin sa
pangunahing dokumento ng kautusan na ang MLE
Bridging Plan B ay gagamitin lamang sa unang
tatlong taon ng implementasyon ng programa, at
sa paglipas ng tatlong taon ito ay isasailalim sa isang
ebalwasyon at rebisyon (Tingnan sa Seksyon 6).
Maaari rin nating bigyan ng buod ang tsart ng MLE
Bridging Plan B sa pamamagitan ng isang mas
simpleng tsart na:
Wikang Ingles
Lokal na Wika
• Ituturo bilang asignatura
• Ituturo bilang asignatura
• Ituturo bilang asignatura
• Ituturo bilang asignatura
• Gagamitin bilang midyum
sa pagtuturo ng
Matematika, Siyensya at
Ingles
• Ituturo bilang asignatura
• Gagamitin bilang midyum
sa pagtuturo ng
Matematika, Siyensya at
Ingles
• Ituturo bilang asignatura
• Gagamitin bilang midyum
sa pagtuturo ng
Matematika, Siyensya, at
Ingles
• Ituturo bilang asignatura
• Gagamitin bilang midyum
sa pagtuturo ng
Matematika, Siyensya, at
Ingles
• Ituturo bilang asignatura
• Ituturo bilang asignatura
• Ituturo bilang asignatura
(maaaring palitan ng isa
pang banyagang wika)
Tsart 3: Buod ng Dokumentong MLE Bridging Plan B
KAUTUSAN NG DEPARTAMENTO NG EDUKASYON
Katulad sa Tsart 1 at Tsart 2, ang Tsart 3 ay
naglalahad kung sa anong antas ng pag-aaral dapat
ituturo bilang asignatura at gagamitin bilang midyum
sa pagtuturo ang unang wikang Filipino at wikang
Ingles. Dahil ang dokumentong MLE Bridging
Plan B ay para sa mga rehiyon kung saan ang unang
wika ay Filipino (o Tagalog), ito ay nag-uutos na
bukod sa Filipino at Ingles, ang mga bata sa mga
rehiyong ito ay mag-aaral din ng ibang lokal na
wika, at pagdating sa sekondarya, ang lokal na
wikang ito ay maaaring palitan ng ibang banyagang
wika.
FEORILLO DEMETERIO III
Kapag ihahambing natin nang masinsinan ang
Tsart 1 (Buod ng Ikatlo hanggang Ikapitong
Kahilingan ng Dokumentong Fundamental
Requirements for a Strong Mother TongueBased Multilingual Education (MLE)), Tsart 2
(Buod ng Dokumentong MLE Bridging Plan A),
at Tsart 3 (Buod ng Dokumentong MLE Bridging
Plan B), mapapansin natin na may tatlong
mahalagang pagkakaiba ang mga nilalaman nito,
at ang mga ito ay makikita natin sa kasunod na
tsart na:
Tsart 1Buod ng Ikatlo
hanggang Ikapitong
Kahilingan ng Fundamental
Requirements for a Strong
Mother Tongue-Based
Multingual Education
Tsart 2Buod ng MLE
Bridging Plan A
Tsart 3Buod ng MLE
Bridging Plan B
Pre-school
Pre-school
Pre-school
Simula ng pagtuturo ng
unang wika bilang
asignatura
Unang Baitang
Unang Baitang
Unang Baitang
Simula ng pagtuturo ng
wikang Filipino at Ingles
bilang asignatura
Hindi mas maaga kaysa
ikalawang baitang
Unang Baitang
Unang Baitang
Simula ng paggamit ng
wikang Filipino bilang
midyum ng Pagtuturo
Anumang antas mula ikaapat
na baitang hanggang unang
taon ng sekondarya
Ikaapat na Baitang
Pre-School
Simula ng paggamit ng
wikang Ingles bilang
midyum ng pagtuturo
Anumang antas mula ikaapat
na baitang hanggang unang
taon ng sekondarya
Ikaapat na Baitang
Ikaapat na Baitang
Anumang antas mula ikaapat
Simula ng paggamit ng
unang wika bilang auxiliary na baitang hanggang unang
taon ng sekondarya
na wika
Ikalimang Baitang
Ikalimang Baitang
Mga Mahahalagang
Aspekto ng MLE
Simula ng Paggamit ng
unang wika bilang midyum
ng pagtuturo
39
Simula ng pagtuturo ng
ibang lokal na wika
Hindi binanggit
Hindi binanggit
Ikalimang Baitang
Simula ng pagtuturo ng
ibang banyagang wika
Hindi binanggit
Hindi binanggit
Sekondarya
Tsart 4: Paghahambing sa Nilalaman ng Tsart 1, Tsart 2, at Tsart 3
40
MALAY
Ang unang pagkakaiba ng Tsart 1, Tsart 2, at
Tsart 3 ay sa aspekto ng pagsimula ng pagtuturo
ng wikang Filipino at Ingles bilang asignatura. Ang
Tsart 1 ay nag-uutos na ang wikang Filipino at
Ingles ay ituturo bilang asignatura sa antas na hindi
mas maaga kaysa ikalawang baitang, habang ang
Tsart 2 at Tsart 3 ay nag-uutos na ang mga wikang
ito ay ituturo bilang asignatura sa unang baitang pa
lamang. Malinaw na may kontradiksyon ang Tsart
1 sa isang banda at ang Tsart 2 at Tsart 3 sa
kabilang banda sa aspekto na ito.
Ang ikalawang pagkakaiba ng Tsart 1, Tsart 2,
at Tsart 3 ay sa mga aspekto ng pag-simula ng
paggamit ng wikang Filipino bilang midyum sa
pagtuturo, pagsimula ng paggamit ng wikang Ingles
bilang midyum ng pagtuturo, at pagsimula ng
paggamit ng unang wika bilang auxiliary na wika.
Lumalabas na mas espesipiko ang Tsart 2 at Tsart
3 kaysa Tsart 1 sa mga aspektong ito.
Ang ikatlong pagkakaiba ng Tsart 1, Tsart 2, at
Tsart 3 ay sa mga aspekto ng pagsimula ng
pagtuturo ng ibang lokal na wika, at pagsimula ng
pagtuturo ng ibang banyagang wika. Dahil ang
Tsart 3 ay para sa mga rehiyon kung saan Filipino
(o Tagalog) na ang unang wika, para maging pantaypantay ang lahat ng Filipinong mag-aaral na
magkakaroon ng kaalaman sa hindi kukulangin sa
tatlong wika, nag-uutos ito na pagdating sa ikalimang
baitang mag-uumpisa nang mag-aral ang mga
nasasaklawan ng dokumento ng ibang lokal na wika,
at pagdating sa sekondarya maaaring palitan ang
ibang lokal na wika ng ibang banyagang wika. Kapag
ang pedagohiya ng MLE ang pag-uusapan, walang
malinaw na halaga ang kautusang ito. Ngunit kapag
ito ay titingnan sa perspektibo ng multikulturalismo,
pagsasabansa, at multilinggwalismo, may maidudulot
pa ring maganda at mabuti ang kautusang ito.
Ang Kautusan sa Konteksto ng Pambansang
Pagpaplano ng Wika
Sa seksyong ito, titingnan natin ang katayuan
ng Kautusan Bilang 74, Serye 2009, sa konteksto
ng kasaysayan ng pagpaplano ng wika sa Filipinas,
para makita nat in kung ano-ano ang mga
pagbabagong dala ng programa nito.
TOMO XXIII BLG. 1
Mahaba na rin ang naging kasaysayan ng
pagpaplano ng wika sa Filipinas, lalo na kung
uumpisahan natin ang pagbabalik-tanaw sa
kapanahunan ng mga Espanyol at Amerikano.
Kaya sa seksyong ito, uumpisahan natin ang
kontekstwalisasyon ng naturang kautusan mula sa
taong 1957 lamang, kung kailan nagpalabas ang
Departamento ng Edukasyon ng kautusan na
gamitin ang walong pangunahing wika sa Filipinas
(Tagalog, Cebuano, Ilokano, Bikolano, Hiligaynon,
Waray, Kapampangan, at Pangasinan) bilang
midyum sa pagtuturo sa una at ikalawang baitang.
Nakabatay sana ang kautusang ito sa Iloilo
Experiment at sa publikasyon ng UNESCO na
Th e Uses o f Vernacula r La ngua ges in
Education, ngunit dahil sa kakapusan ng pondo
para sa mga materyales at pagsasanay ng mga guro,
hindi naipatupad ang kautusang ito (Gonzalez,
Language Planning 3). Kahit na magkakaiba ang
unang wika at lingua franca malaking kaunlaran
sana ang maidudulot ng kautusang ito para sa ating
edukasyon na noon ay nakabatay sa monolinggwal
na paggamit ng Ingles.
Ang sumunod na muhon sa kasaysayan ng
pagpaplano ng wika sa Filipinas ay ang kautusan
ng Departamento ng Edukasyon noong 1970, na
nag-utos na gamitin ang wikang Filipino bilang
kaisa-isang midyum sa pagtuturo sa lahat ng antas,
simula ng unang baitang at pausad ng isang antas
bawat susunod na taon hanggang sa kabuuan ng
kolehiyo (Cruz, Part I). Ngunit paglipas ng tatlong
taon, noong 1973, naisantabi ang kautusang ito
dahil nagpalabas ng panibagong kautusan ang
Departamento ng Edukasyon na gamitin ang unang
wika bilang midyum sa pagtuturo para sa una at
ikalawang baitang, habang ang wikang Filipino
naman para sa ikatlo at ikaapat na baitang, at ang
wikang Ingles para sa sekondarya at kolehiyo
(Cruz, Part II).
Naisantabi muli ang kautusang ito dahil noong
1974 ipinatupad ng Departamento ng Edukasyon
ang mas matagalang programa ng bilinggwalismo,
kung saan ang wikang Filipino ang gagamiting
midyum sa pagtuturo sa lahat ng asignatura maliban
sa Ingles, matematika at siyensya. Sa programang
ito ang unang wika ay ginagamit lamang bilang
KAUTUSAN NG DEPARTAMENTO NG EDUKASYON
auxiliary na wika (Gonzalez, Ang Kahalagahan
4). Ang ganitong kaayusan ay sinuportahan ng
Konstitusyon ng Republika noong 1987, ng
Bilingual Education Policy noong 1987, at ng
Kongreso noong 1991 (Konstitusyon ng Republika
ng Filipinas, Article XIV; Nolasco, Invigorating
3; at Cruz, Part II).
Noong 1999, binuhay muli ng Departamento ng
Edukasyon ang paggamit ng lingua franca
(Tagalog, Cebuano, Ilokano) bilang midyum sa
pagtuturo para sa una, ikalawa, at ikatlong baitang,
sa pamamagitan ng isang eksperimentasyon na
nabanggit na natin bilang Lingua Franca Project.
Dahil maganda ang nag ing resu lt a ng
eksperimentong ito, inirekomenda ng Presidential
Commission on Educational Reform na opisyal
nang gamitin ang tatlong lingua franca sa buong
kapuluan (Cruz, Part II). Noong taong 2001
dinagdagan ng Departamento ng Edukasyon ang
bilang ng lingua franca sa pamamagitan ng pagsali
sa wikang Bico lano , Hiligayno n, Waray,
Kap ampangan, Pangasinan, Maranao ,
Maguindanao, at Tausug. Sinabi ng linggwistang
si Gonzalez, na siya ring nagtatag ng Lingua Franca
Project: “Initially, under Undersecretary Isagani
R. Cru z du ring the Ma capa gal- Arro yo
Administration, the reports from the field were
so positive that Undersecretary Cruz mandated
the pilot experiment to end and to use the three
local linguae francae as initial languages of
instruction during the first two years in the
entire system” (4). Ngunit nang nagbitiw sa
puwesto si Cruz, napabayaan ang proyekto sa
lingua franca (4).
Napalala pa ang kabuuang sitwasyon ng
pagpaplano ng wika dahil noong 2003, nagpalabas
ang Pangulong Gloria Arroyo ng Kautusang
Ehekutibo Bilang 210, na may pamagat na
“Establishing the Policy to Strengthen the Use of
the English language as a Medium of Instruction in
the Educational System,” at nagsasaad na:
• English shall be taught as a second
language, starting with the First
Grade;
• English shall be used as the medium of
FEORILLO DEMETERIO III
41
instruction for English, Mathematics,
and Science from at least the Third
Grade level;
• The English language shall be used as
the primary medium of instruction. . .in
the secondary level. . . . (and it) is
expected to be not less than seventy
percen t (7 0%) of the tota l ti me
allotment for all learning areas; and
• The Filipino language shall continue to
be the medium of instruction in the
learning areas of Filipino and Araling
Panlipunan (Seksyon 1, at 8).
Para mapagtibay at maipatupad nang husto ang
nasabing kautusang ehekutibo, naghain ang mga
Kongresistang sina Eduardo Gullas, Raul Del Mar,
at Luis Villafuerte ng isang panukalang batas na
kilala ngayon bilang House Bill 4701. Kapag
titingnan mula sa perspektibo ng bilinggwalismo at
MLE, ang house bill na ito ay mas malala pa kaysa
naturang kautusang ehekutibo. Mabuti na lamang
at hinarang ang house bill na ito sa antas ng
Senado.
Kaya bago nailathala ang Kautusan ng
Departamento ng Edukasyon Bilang 74, Serye
2009, umiiral pa rin sa kabuuan ang balangkas ng
bilinggwalismo na pinanday noong 1974. Ngunit
mahalagang tingnan natin ang sitwasyon ng
pagpaplano sa wika ng bansa na gamit bilang lente
ang paalala ni Gonzalez na: “In actual fact, no
matter what the policy has been, the local
vernaculars have been used in schools as the
initial languages of instruction among entering
school children, but the languages have not been
given the official recognition that they deserve”
(Language Planning 3). Ibig sabihin nito,
mayroon tayong bilinggwalismo na hindi opisyal na
kumikilala sa tunay na halaga ng MLE.
Para makita natin ng mas malinaw kung anuano ang mga pagbabagong dala ng programang
MLE na nilalaman ng Kautusan Bilang 74, Serye
2009, ihahambing natin sa isang tsart ang
bilinggwalismong umiiral bago nailathala ang
naturang kautusan at ang MLE na nakapaloob sa
parehong kautusan. Dahil nakita na nating may
42
TOMO XXIII BLG. 1
MALAY
pagkakaiba ang ilang mga aspekto ng una, ikalawa,
at ikatlong mga kalakip na dokumento ng naturang
kautusan, ang kasunod na tsart ay naghihiwalay sa
mga buod ng kalakip na dokumento sa dalawang
hanay.
Mga Mahahalagang
Aspekto ng MLE
Ang Umiiral na
Bilingwalismo bago
Nailathala ang
Kautusan 74, Serye
2009
Pre-school (Hindi
Opisyal)
Kautusan 74, Serye
2009 (Unang Kalakip na
Dokumento)
Kautusan 74, Serye
2009 (Ikalawa at
Ikatlong Kalakip na
Dokumento)
Pre-school
Pre-school
Simula ng pagtuturo ng
unang wika bilang
asignatura
Hindi itinuturo ang unang
wika bilang asignatura
Unang Baitang
Unang Baitang
Simula ng Pagtuturo ng
Wikang Filipino at Ingles
bilang Asignatura
Pre-school
Hindi mas Maaga kaysa
Ikalawang Baitang
Unang Baitang
Simula ng paggamit ng
wikang Filipino bilang
midyum ng pagtuturo
Pre-school
Anumang Antas mula
Ikaapat na Baitang
Ikaapat na Baitang
(Maliban kung Ito rin ang
hanggang Unang Taon ng
Unang wika)
Sekondarya
Simula ng paggamit ng
wikang Ingles bilang
midyum ng pagtuturo
Pre-school
Anumang Antas mula
Ikaapat na Baitang
hanggang Unang Taon ng
Sekondarya
Ikaapat na Baitang
Simula ng paggamit ng
unang wika bilang
auxiliary na wika
Pre-school
Anumang Antas mula
Ikaapat na Baitang
hanggang Unang Taon ng
Sekondarya
Ikalimang Baitang
Simula ng paggamit ng
unang wika bilang midyum
ng pagtuturo
Tsart 5: Paghahambing sa MLE
na Nilalaman ng Umiiral na Bilinggwalismo, ng Unang Kalakip na Dokumento
ng Kautusan 74, Serye 2009, at ng Ikalawa at Ikatlong Kalakip
na Dokumento ng Naturang Kautusan
KAUTUSAN NG DEPARTAMENTO NG EDUKASYON
Ang Tsart 5 ay nagpapahayag na sa mga
aspekto ng pagsimula ng paggamit ng unang wika
bilang midyum sa pagtuturo, ng pagsimula ng
pagtuturo ng unang wika bilang asignatura, ng
pagsimula ng pagtuturo ng wikang Filipino at Ingles
bilang asignatura, ng pagsimula ng paggamit ng
wikang Filipino bilang midyum ng pagtuturo, ng
pagsimula ng paggamit ng wikang Ingles bilang
midyum ng pagtuturo, at ng pagsimula ng paggamit
ng unang wika bilang auxiliary na wika, ibang-iba
ang nilalaman ng bagong kautusan kaysa nilalaman
ng dating umiiral na bilinggwalismo. Kaya masasabi
nating malawak ang pagbabagong dala ng
kautusang ito. Ngunit ang lawak na ito ay hindi
nangangahulugang malalim at matatag rin ang mga
pagbabagong dala ng naturang kautusan.
Ang Pedagohikal na Katatagan ng Kautusan
Sa seksyong ito, susukatin natin ang pedagohiya
ng Kautusan Bilang 74, Serye 2009, gamit bilang lente
ang kasalukuyang antas ng kaalaman tungkol sa MLE,
para makita natin kung gaano kalalim at katatag ang
malawak na pagbabagong dala ng naturang kautusan.
Dahil naipakita na nating may pagkakaiba ang mga
buod ng una (Fundamental Requirements for a
Strong Mother Tongue-Based Multilingual
Education), ikalawa (MLE Bridging Plan A) at
ikatlong kalakip na dokumento (MLE Bridging Plan
B) ng parehong kautusan, dalawang pedagohikal na
pagsusuri ang gagawin natin: isa para sa unang kalakip
na dokumento, at isa naman para sa ikalawa at
ikatlong kalakip na dokumento, kasi hindi naman
nagkakalayo ang nilalaman ng dalawang Bridging
Plan at madali itong pagsama-samahin.
Maaari nating bigyan ng buod and MLE na
nailalaman ng unang kalakip na dokumento sa
pamamagitan ng anim na pahayag:
1. Unang gagamitin ang unang wika bilang
midyum sa pagtuturo sa pre-school;
2. Unang ituturo ang unang wika bilang
asignatura sa unang baitang;
3. Unang ituturo ang wikang Filipino at Ingles
bilang asignatura sa anumang antas na
hindi mas maaga kaysa ikalawang baitang;
FEORILLO DEMETERIO III
43
4. Unang gagamitin ang wikang Filipino
bilang midyum sa pagtuturo sa anumang
antas mula ikaapat na baitang hanggang
unang taon ng sekondarya;
5. Unang gagamitin ang wikang Ingles bilang
midyum sa pagtuturo sa anumang antas
mula ikaapat na baitang hanggang unang
taon ng sekondarya; at
6. Unang gagamitin ang unang wika bilang
auxiliary na wika sa anumang antas mula
ikaapat na baitang hanggang unang taon
ng sekondarya.
Matatag ang una, pangalawa, at pangatlong
pahayag kapag titingnan ito gamit bilang lente ang
kasalukuyang antas ng kaalalaman tungkol sa MLE.
Ang ikaapat, ikalimang, at ikaanim na pahayag
ay matatag rin kapag ang mga ito ay babasahin
bilang mga probisyon na nagbibigay ng sapat na
transisyonal na panahon sa paglipat mula sa
paggamit sa unang wika bilang midyum sa
pagtuturo patungo sa paggamit sa wikang Filipino
at Ingles bilang midyum sa pagtuturo. Ngunit kapag
babasahin ang mga ito bilang mga probisyon na
nagbibigay ng pahintulot sa mga paaralan na maaari
na nilang lubusang gamitin ang mga wikang Filipino
at Ingles bilang midyum sa pagtuturo sa ika-apat
na baitang, magkakaroon ng probleman ang mga
pahayag na ito, dahil lilihis ito sa mga sumusunod
na prinsipyo mula sa kasalukuyang antas ng
kaalaman tungkol sa MLE:
• Dapat malinang muna nang husto ang
kogntibong kahayahan ng bata sa kanyang
unang wika, bago pa man siya ililipat sa
edukasyon sa ikalawa, o sa ikatlong,
wika;
• Kinakailangan ng bata ng hindi kukulangin
sa labindalawang taon para lubusan
niyang matutuhan ang kanyang unang
wika, kaya hindi sapat ang paggamit sa
unang wika hanggang sa una, ikalawa, o
ikatlong baitang sa elementarya lamang
(Dutcher at Tucker, vii);
• Ang minamadaling paglipat (premature)
mula MLE patungo sa edukasyon sa
44
MALAY
TOMO XXIII BLG. 1
ik alawa, o sa ikat lo ng, wika ay
nakakasama sa pag-unlad ng literasi, at
sa kasanayan sa matematika at siyensya
ng bata (Nolasco, Twenty-One 10); at
• Kinakailangan ng bata ng hindi kukulangin
sa anim na taong masinsinang pag-aaral
sa ikalawa o sa ikatlong wika bago pa
man gamitin ang mga ito bilang midyum
sa pagtuturo (Nolasco, Twenty-One 10).
Ang ikatlong pahayag ay problematiko dahil
isinasabay ang pag-aaral sa wikang Filipino at
Ingles bilang asignatura sa pag-aaral sa unang wika
bilang asignatura. Bukod pa dito, maaga masyado
ang iniuutos na simula ng pag-aaral sa ikalawa at
ik at lo ng wika.
Ibig sabihin, hindi
napapakinabangan ng ikatlong pahayag ang
mahalagang prinsipyo ng kasalukuyang antas ng
kaalaman tungkol sa MLE na nagsasabi na:
Tiyak na marami sa mga pribadong paaralan ang
magpapasyang basahin ang ikaapat, ikalima, at
ikaanim na pahayag bilang pahintulot sa maagang
paggamit sa wikang Filipino at Ingles, dahil marami
pa rin sa ating mga guro at dalubhasa sa edukasyon
ang sumasampalataya sa maling prinsipyo na dapat
matutuhan ang ikalawa at ikatlong wika sa mas
maagang antas. Dahil subhektibo ang ikaapat,
ikalima, at ikaanim na pahayag, ituturing natin ito
bilang mga pahayag na hindi tiyak ang pedagohikal
na katatagan.
Susukatin naman natin ang pedagohiya ng MLE
na nilalaman ng ikalawa at ikatlong kalakip na
dokumento, na maaari nating bigyan ng buod sa
pamamagitan ng mga sumusunod na pahayag:
• Ang batang natuto nang husto gamit ang
kanyang unang wika ay mas madaling
matuto ng ikalawa o ikatlong wika kung
ihahambing sa ibang batang ibinabad
kaagad sa ikalawa, o sa ikatlong, wika
(Dutcher at Tucker vii).
1. Unang gagamitin ang unang wika bilang
midyum sa pagtuturo sa pre-school;
2. Unang ituturo ang unang wika bilang
asignatura sa unang baitang;
3. Unang ituturo ang wikang Filipino at Ingles
bilang asignatura sa unang baitang;
4. Unang gagamitin ang wikang Filipino
bilang midyum sa pagtuturo sa ikaapat na
baitang (maliban kung ito rin ang unang
wika sa partikular na rehiyon);
5. Unang gagamitin ang wikang Ingles bilang
midyum sa pagtuturo sa ikaapat na
baitang; at
6. Unang gagamitin ang unang wika bilang
auxiliary na wika sa ikalimang baitang.
Matatag ang una at pangalawang pahayag kapag
titingnan ito gamit bilang lente ang kasalukuyang
antas ng kaalalaman tungkol sa MLE.
Ang ikaapat, ikalima, at ikaanim na pahayag ay
problematiko rin dahil tila masyadong minamadali
ang paglipat mula sa MLE patungo sa edukasyon
sa ikalawa at ikatlong wika. Malinaw na ang mga
pahayag na ito ay lumilihis sa mga sumusunod na
prinsipyo mula sa kasalukuyang antas ng kaalaman
tungkol sa MLE:
• Dapat malinang muna nang husto ang
kognitibong kakayahan ng bata sa
kanyang unang wika, bago pa man siya
ililipat sa edukasyon sa ikalawa o sa
ikatlong wika;
• Kinakailangan ng bata ng hindi kukulangin
sa labindalawang taon para lubusan
niyang matutuhan ang kanyang unang
wika, kaya hindi sapat ang paggamit sa
unang wika hanggang sa una, ikalawa, o
ikatlong baitang sa elementarya lamang
(Dutcher at Tucker vii);
• Ang minamadaling paglipat (premature)
mula MLE patungo sa edukasyon sa
ikalawa o sa ik at lo ng wika ay
nakakasama sa pag-unlad ng literasi, at
sa kasanayan sa matematika at siyensya
ng bata (Nolasco, Twenty-One 10); at
• Kinakailangan ng bata ng hindi kukulangin
sa anim na taong masinsinang pag-aaral
sa ikalawa o sa ikatlong wika bago pa
KAUTUSAN NG DEPARTAMENTO NG EDUKASYON
man gamitin ang mga ito bilang midyum
sa pagtuturo (Nolasco, Twenty-One 10).
Ang ating pagsusuri sa pedagohikal na
kat at agan ng MLE na nilalaman ng u na
(Fundamental Requirements for a Strong
Klasipikasyon ng mga Aspekto
Mga Matatag na Aspekto
Mga Hindi Tiyak kung Matatag ba
o Problematikong Aspekto
Mga Problematikong Aspekto
FEORILLO DEMETERIO III
45
Mother Tongue-Based Multilingual Education),
at ng ikalawa (MLE Bridging Plan A), at ikatlong
kalakip na dokumento (MLE Bridging Plan B)
ay maaari nating ilatag sa kasunod na tsart kung
saan ipinapakita ang kanilang mga matatag, hindi
tiyak at problematikong aspekto:
MLE na Nilalaman sa Unang Kalakip
na Dokumento(Fundamental
Requirements for a Strong Mother
Tongue-Based Multilingual
Education)
• Unang gagamitin ang unang wika
bilang midyum sa pagtuturo sa preschool.
• Unang ituturo ang unang wika bilang
asignatura sa unang baitang.
• Unang ituturo ang wikang Filipino at
Ingles bilang asignatura sa anumang
antas na hindi mas maaga kaysa
ikalawang baitang.
MLE na Nilalaman sa Ikalawa at
Ikatlong Kalakip na
Dokumento(MLE Bridging Plan A,
at MLE Briding Plan B)
• Unang gagamitin ang unang wika
bilang midyum sa pagtuturo sa preschool.
• Unang ituturo ang unang wika
bilang asignatura sa unang baitang.
• Unang gagamitin ang wikang Filipino
bilang midyum sa pagtuturo sa
anumang antas mula ikaapat na
baitang hanggang unang taon ng
sekondarya.
• Unang gagamitin ang wikang Ingles
bilang midyum sa pagtuturo sa
anumang antas mula ikaapat na
baitang hanggang unang taon ng
sekondarya.
• Unang gagamitin ang unang wika
bilang auxiliary na wika sa anumang
antas mula ikaapat na baitang
hanggang unang taon ng sekondarya.
• Unang ituturo ang wikang Filipino
at Ingles bilang asignatura sa
unang baitang.
• Unang gagamitin ang wikang
Filipino bilang midyum sa
pagtuturo sa ikaapat na baitang
(maliban kung ito rin ang unang
wika sa partikular na rehiyon)
• Unang gagamitin ang wikang
Ingles bilang midyum sa pagtuturo
sa ikaapat na baitang
• Unang gagamitin ang unang wika
bilang auxiliary na wika sa ikalimang
baitang.
Tsart 6: Ang mga Matatatag, Hindi Tiyak at Problematikong
mga Aspekto ng MLEng Nilalaman ng Tatlong Kalakip
na Dokumento ng Kautusan 74, Serye 2009
46
MALAY
Makikita nating mas matatag ang bersyon ng
MLE na nilalaman ng unang kalakip na dokumento,
dahil maaari itong basahin ng mas naaayon sa
kasalukuyang antas ng kaalaman tungkol sa MLE.
Habang ang bersyon naman ng MLE na nilalaman
ng ikalawa at ikatlong kalakip na dokumento ay
malinaw na problematiko, dahil kahit anong basang
gagawin sa mga dokumentong ito, mali pa rin ang
pedagohiyang iniuutos nila.
Malungkot isipin na kung ang pedagohiya ng
kabuuang Kautusan Bilang 74, Serye 2009, ang
ating pag-uusapan, ang mga paaralan at guro na
nakatanggap na ng kautusang ito ay mapipilitang
tumuon at sumunod sa mas detalyadong mga tsart
ng ikalawa at ikatlong kalakip na dokumento.
Malabong mapapansin ng mga paaralan at guro na
posible palang basahin ang nilalaman ng unang
kalakip na dokumento sa paraan na sasang-ayon
ito sa mga mahahalagang prinsipyo ng kasalukuyang
antas ng kaalaman tungkol sa MLE. Kaya sa
kabuuan, problematiko ang pedagohiya ng MLE
na nilalaman ng Kautusan Bilang 74, Serye 2009.
Maaaring malawak nga ang mga pagbabagong dala
ng kautusan itong mula sa ating dating umiiral na
bilinggwalismo patungo sa MLE, ngunit hindi gaano
kalalim at katatag ang mga pagbabagong ito dahil
ang mg a it o ay nak abat ay sa mali at
kwestyonableng pedagohiya.
Ang Politikal na Implikasyon ng Kautusan
Sa seksyong ito, pag-aaralan natin ang
politikal na implikasyon ng Kautusan Bilang 74,
Serye 2009, gamit ang mga konsepto ng
nasyonalismo, pagsasabansa, at multikulturalismo.
May tatlong pangunahing paksa ang usaping
politikal na kaakibat sa MLE dito sa Filipinas: una
ay ang epekto nito sa umiiral na kaisapan na
kailangan natin ng iisang wika para mabuo at
mapagtibay ang kamalayang nasyonalismo;
pangalawa ay ang maidudulot nito sa patuloy na
reaksyo n at pagmamat igas ng ilang mga
tagapagtaguyod ng ibang lokal nating wika (tulad
ng Cebuano, Ilokano, Hiligaynon at iba pa) laban
sa itinuturing nilang gahum ng wikang Filipino; at
pangatlo ay ang katayuan nito sa konteksto ng
TOMO XXIII BLG. 1
lumalaganap na ideolohiya at kamalayang
multikulturalismo. Kaya kikilatisin natin ang
politikal na halaga ng MLE sa konteksto ng tatlong
pangunahing paksang ito.
MLE at ang Nasyonalistang Katagang “Isang
Bansa, Isang Wika”
Ang paksa tungkol sa epekto ng MLE sa umiiral
na kaisipan na kailangan natin ng iisang wika para
mabubuo at mapagpatibay ang kamalayang
nasyonalismo ay maaari nating saliksikin sa
dalawang antas: una ay sa pamamagitan ng
pagbalik-tanaw sa historikal na ugat ng prinsipyong
ito para maintindihan natin ang tunay nitong
epistemolohikal na katatagan; pangalawa ay sa
pamamagitan ng pagtanggap na lamang sa
prinsipyong ito kasabay ang pagsuri kung ang MLE
nga ba ay sumasalungat sa mas nauna na nating
proyekto na dapat magkaroon ang ating bansang
Filipinas ng iisang wikang Filipino.
Ang nasyonalistang katagang “isang bansa, isang
wika,” ay unang sumibol sa mga obra ng isang
Alemang manunulat at pilosopong si Johann
Gottfried von Herder (1744-1803), na itinuturing
ngayon bilang ama ng nasyonalismong kultural, at
isa sa mga ama ng nasyonalismong Aleman
(Schmidt 407). Mahirap ihiwalay ang kanyang
diskurso tungkol sa wika at nasyonalismo sa
partikular na konteksto ng Bansang Aleman noong
panahon niya. Alalahanin natin na ang tinutukoy ni
Herder ay ang bansang Aleman, at hindi ang
estadong Aleman. Ito ay dahil ang kultural na
kategoryang “bansang Aleman” noon, at pati na
ngayon, ay nakakalat sa maraming politikal na
kategoryang “estadong Aleman.” Ito ang dahilan
kung bakit kultural, at hindi politikal, ang
nasyonalismo ni Herder. Ang wika ng bansang
Aleman noon ay Aleman na, ngunit sa pananaw ni
Herder, ang wikang ito ay nanganganib na
mabubura o mahahaluan ng tatlong malalakas na
wika: ang pang-akademiko at pangsimbahang
Latin, ang pang-diplomasyang Pranses, at ang
itinuturing niyang mababang kalidad ngunit banta
pa rin na mga wikang Eslavo (Fishman 46).
KAUTUSAN NG DEPARTAMENTO NG EDUKASYON
Dahil kultural ang nasyonalismong itinataguyod
ni Herder mahalagang mapapanatili ang kultural na
pagkakaiba-iba ng mga bansa. Para kay Herder,
wika ang pangunahing katangian na naghihiwalay
sa kultural na identidad ng mga magkakalapit na
bansa. Kaya mahalaga para sa kanya na
mapapanatili ng isang bansa ang katatagan at
pagkadalisay ng wika nito, dahil dito nakasalalay
ang kultural na identidad at pagkabansa. Bukod
pa dito, naniniwala din si Herder na ang wikang
Aleman ang siyang nag-uugnay sa bawat Aleman
sa kanyang pambansang diwa, kasaysayan, at
kaalamang bayan.
Sa pag-usad ng panahon, tila nakalimutan na
ng maraming dalubhasa sa pagpaplano ng wika si
Herder at ang kanyang historikal na konteksto, at
ipinangangalandakan na lamang nila ang
maladoktrinang prinsipyo na kailangan ng isang
bansa ang iisang wika. Hindi na nila iniisip na kapag
marahas na ipapataw ang ideya ni Herder tungkol
sa wika at nasyonalismo sa ibang konteksto kung
saan may maraming wika ang isang estado, tulad
sa ko nt ekst o nat in dit o sa Filipinas,
mangangahulugan ito na mabubura at mawawala
ang pagkadalisay ng lahat ng lokal na wika maliban
sa ipinapalaganap na pambansang wika, kasabay
na ang pagkakabura sa lahat ng minoryang
etnisidad, diwa, kasaysayan, at kaalamang bayan.
Taliwas ito sa kaisipan ni Herder, dahil nakatuon
siya sa preserbasyon ng wika, identidad, diwa,
kasaysayan, at kaalamang bayan. Sa katunayan,
hindi sang-ayon si Herder na ang isang bansa ay
sasakop at aalipin sa ibang bansa, dahil hindi
agresibo at hindi marahas ang kultural na
nasyonalismo na gusto niyang ipaiiral (Schmidt
413). Ibig sabihin, hindi kailangan na sa lahat ng
panahon at sa lahat ng pagkakataon, ang iisang
bansa ay dapat may iisang wika.
Kaya kung sumasalungat man ang MLE sa mas
nauna na nating proyektong magkaroon ng iisang wika
ang ating bansa, hindi ito mahalaga dahil kwestyonable
ang pundasyon ng proyektong ito at hindi ito naaayon
sa tunay na intensyon ng manunulat at pilosopong
unang nagmungkahi sa ideyang ito.
Kahit pa tanggapin na natin ng taos-puso ang
maladoktrinang prinsipyo na dapat may iisang wika
FEORILLO DEMETERIO III
47
ang isang bansa, hindi pa rin ito sinasalungat ng MLE
na iniuutos ng Ordinansa Bilang 74, Serye 2009.
Kapag titingnan natin ang nilalaman ng kautusang ito,
makikita natin na kahit tila binabawasan nito ang
panahon sa pag-aaral at paggamit ng wikang Filipino,
intensyon pa rin nito na sa kabuuan, magkakaroon
ang ating bansa ng kabataang mas mahusay gumamit
ng wikang pambansa. Tanggapin na natin na
problematiko nga ang pedagohiya ng naturang
kautusan, at dahil dito hindi natin alam kung maaabot
ba nito ang minimithing kabataang mas mahusay
gumamit ng wikang pambansa. Pero kahit pa man
hindi naging mas malamya ang MLE sa pagtataguyod
sa wikang Filipino kaysa dating umiiral na
bilinggwalismo. Kung ang dating umiiral na
bilingguwalismo ay nagtataguyod sa wikang Filipino
habang isinasantabi ang ibang mga unang wika, ang
MLE ay nagtataguyod pareho sa mga unang wika at
pambansang wika.
Pambansang Wika at ang Ibang Lokal na Wika
Ang paksa tungkol sa maidudulot ng MLE sa
patuloy na reaksyon at pagmamatigas ng ilang mga
tagapagtaguyod ng ibang lokal nating wika (tulad ng
Cebuano, Ilokano, Hiligaynon, at iba pa) laban sa
itinuturing nilang gahum ng wikang Filipino ay
nabigyan na ng kaunting liwanag nang nabanggit
natin na kung ang dating umiiral na bilinggwalismo
ay nagtataguyod sa wikang Filipino habang
isinasantabi ang ibang mga unang wika, ang MLE
ay nagtataguyod pareho sa mga unang wika at
pambansang wika. S a subseksyo ng it o ,
hahanapan natin ng ganap na kaliwanagan ang
paksang ito.
Ngayong minulat na ng MLE ang kahalagahan
ng bawat lokal nating wika, hindi na natin maaaring
itanggi pa na may tamang dahilan nga ang ibang
tagapagtaguyod ng mga lokal na wika na batikusin
ang unti-unting pagpapatay sa kani-kanilang wika
sa ilalim ng programang bilinggwalismo. Kung tayo
ay nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay hindi
pa rin tuluyang nagtagumpay ang ating pagpapairal
sa pambansang wika, dapat maintindihan na natin
na isa sa mga pangunahing dahilan nito ay ang
matamlay na partisipasyon ng ibang rehiyon sa
48
MALAY
proyektong ito. Sinabi na ng UNESCO noong
1953 na: “It is fairly likely that absolute
insistence on the use of the national language
by people of another mother tongue may have
a negative effect, leading the local groups to
withdraw in some measure from the national
life” (50). Sino ba naman ang magiging lubusang
pursigido kung nararamdaman na nila na sa
bandang huli kamatayan lamang ng kanilang unang
wika ang kanilang maaani?
Sa kontekstong ito, may malaking pag-asang
ibinibigay ang MLE. Ang prinsipyo nitong bigyan
ng sapat na pagpapahalaga ang bawat lokal na wika
ay magsisilbing daan para hikayatin ang lahat na
rehiyo n na t aus-puso ng makikibahagi sa
magkatambal na layuning palakasin at ipalaganap
ang unang wika at pambasang wika. Malinaw na
may bentahe ang MLE kung ihahambing sa dating
umiiral na bilinggwalismo dahil hindi lamang ito
magiging mas mabisa sa pagpapalaganap ng
wikang pambansa, it o rin ay lilinang at
magpapatatag sa ating mga unang wika.
Ngunit ang problematikong pedagohiya ng
MLE na nilalaman ng Kautusan Bilang 74, Serye
2009, ay may negatibong implikasyon din sa
paksang ito. Una, dahil ito ay nagmamadaling
lumipat kaagad sa ikalawa at ikatlong mga wika,
hindi nito masisigurado kung ang mga kabataang
magtatapos ng sekondarya sa sa ilalim ng
programang ito ay talagang mas mahusay gumamit
ng wikang Filipino at Ingles. Pangalawa, dahil sa
parehong pagmamadali, hindi mabibigyan ng mas
mataas na antas ng paglilinang at pagpapaunlad
ang ating mga unang wika, dahil ang kanilang mga
teksto at talastasang pang-akademya ay hanggang
sa antas ng ikatlong baitang lamang. Kung
gagamitin natin ang sentral na kategorya ng
linggwistang si Bonifacio Sibayan, hinding-hindi
magkakaroon ng pagkakataong magiging ganap na
intelektwalisado ang ating mga unang wika.
Gayunpaman mas nakakaangat pa rin ang MLE
sa pagpapalaganap at pagpapaunlad nang sabay
sa mga unang wika at pambansang wika kung
ihahambing sa resulta ng dating umiiral na
bilinggwalismo.
TOMO XXIII BLG. 1
MLE sa Perspektibo ng Multikulturalismo
Ang dalawang naunang paksa tungkol sa
politikal na implikasyon ng MLE sa ating bansa ay
uminog lamang sa antas ng wika. Sa subseksyong
ito, bibigyan natin ng mas ganap na kaliwanagan
at kahulugan ang dalawang paksang ito sa
pamamagitan ng pagdala sa kanila sa konteksto
ng lumalaganap ngayong ideolohiya at kamalayang
kilala bilang “multikulturalismo.”
Kahit pa man parang nakapaloob na sa mga
obra ni Herder at sa mga sinaunang dokumento
tungkol MLE ng UNESCO ang mga konsepto na
“multikultural” at multikulturalismo, hindi nila ito
diretsahang binanggit, dahil ang mga konseptong
ito ay umusbong lamang noong mga dekada ‘60 at
‘70 bilang reaksyon sa monokulturalistang modelo
ng bansang estado (nation state), kung saan
inilalahad bilang ideyal na kaayusan ang
pagkakaroon ng isang estado (politikal na
kategorya) ng isang bansa (kultural na kategorya).
Sa loob ng bansang estado ang mga minoryang
pangkat ay unti-unting binubura sa pamamagitan
ng supresyon at asimilisasyon.
Sa Europa nagmula ang ideolohiyang kaakibat
sa konsepto ng bansang estado, at sinubukan itong
ipalaganap sa Estados Unidos. Ang metapora ng
“melting pot” ay isang bakas sa pagtatangka ng
mga Amerikano noon na tunawin ang iba’t ibang
pangkat etnikong naninirahan sa Estados Unidos
para makamtan nila ang iisang kultura ng
modernong Amerikano. Subalit noong napansin
nilang malabong magtatagumpay ang ganitong
monokultural na estratehiya ng pagasasabansa,
isinantabi nila ito at sumunod na lamang sa
multikulturalistang estratehiya na inumpisahan ng
mga Canadyano. Kaya ang metapora ng “melting
pot” ay napalitan ng metapora ng “salad bowl,”
kung saan ipinapahiwatig ang bagong ideolohiya
na ang pagsasabansa ay hindi nangangailangan ng
pagbubura sa mga etnisidad ng mamamayan. Ang
ideolohiya at kamalayang multikulturalismo ay
nagbibigay-diin na hindi na kailangang isailalim sa
supresyon at asimilisasyon ang mga minoryang
pangkat, dahil mas makabubuti sa estado at sa lahat
ng mamamayan kapag hahayaan na lamang ang
KAUTUSAN NG DEPARTAMENTO NG EDUKASYON
bawat pangkat na linangin ang kani-kanilang
etnisidad at kultura. Kapag “strength in unity”
ang katagang isinisigaw ng monokulturalismo,
“strength in diversity” naman ang pinaniniwalaan
ng multikulturalismo.
Sa konteksto ng multikulturalismo, tumitingkad
ang dahas na lihim na ginagamit ng dati nating umiiral
na bilinggwalismo. Ang supresyon at asimilisasyon
na naranasan ng ating mga lokal na wika ay isang
supresyon at asimilisasyon din ng ating iba’t ibang
etnisidad at kultura. Sa paglaganap ng ideolohiya
at kamalayang multikulturalismo nawalan na ng
etikal na lehitimasyon ang dating umiiral na
bilinggwalismo.
Batay sa kanyang estratehiya sa pagpapatibay
ng pambansang wika sa pamamagitan ng kasabay
na paglilinang sa mga unang wika, tunay na
multikulturalista ang MLE, at dahil ditto ay malaki
ang bentahe ng ganitong sistema ng edukasyon
kaysa lumang sistema ng bilinggwalismo. Ang
paglinang sa ating mga unang wika ay paglinang
din sa ating iba’t ibang etnisidad at kultura.
Binigyang-diin ng Kautusan Bilang 74, Serye 2009,
na ang mga pang-akademikong materyal at
tekstong gagawin gamit ang unang wika ay hindi
lamang mga salin sa mga dati nang materyal at
tekstong ginawa sa wikang Filipino at Ingles. Sa
halip hiniling ng naturang kautusan na: “These
materials should be as much as possible,
original, reflecting local people, events,
realities. . . and appropriate to the language,
age, and culture of the learners” (unang kalakip
na dokumento, ikalawang kahilingan). Hindi man
hayagang ginamit ng naturang kautusan ang mga
salitang “multikultural” at “multikulturalismo,” tiyak
na naaayon ito sa lumalaganap na ideolohiya at
kamalayan at tiyak na positibo ang magiging epekto
nito hindi lamang sa pagpapatibay ng pambansang
wika, kung hindi pati na sa proseso ng ating
pagsasabansa.
Ngunit ang problematikong pedagohiya ng MLE
na nilalaman ng naturang kautusan ay may
negatibong implikasyon din sa paksang ito. Dahil
sa pareho itong nagmamadaling paglipat sa ikalawa
at ikatlong mga wika, hindi makakamit ng ating
mga minoryang pangkat etniko ang lubusang
FEORILLO DEMETERIO III
49
paglilinang at pagpapaunlad ng kani-kanilang mga
wika, etnisidad at kultura. Maaari nating sabihin
na ang mga proseso ng paglilinang at pagpapaunlad
na ito na magtatapos sa ikatlong baitang ay
multikulturalismong pabalat-bunga lamang.
Gayunp aman ang mababang ant as ng
multikulturalismong ito ay hamak na mas mabuti
na kaysa marahas na mono kulturalismong
ipinapaiiral ng luma nat ing sist ema ng
bilingguwalismo.
Ang Implikasyong Ekonomiko ng Kautusan
Alam na ng ating mga dalubhasa sa pagpaplano
ng wika na ang paggamit sa unang wika sa
edukasyon ay magkakaroon ng magkakarugtong
na reaksyon na: mas mataas na literasi, mas
matatalinong mamamayan, mas dinamikong
mamamayan, mas maunlad na lipunan, at mas
maunlad na ekonomiya. Subalit sila mismo ay nagaatubiling kombinsihin ang ating pamahalaan na
lubusan nang gamitin ang unang wika dahil natitiyak
din nila na magkakaroon ito ng negatibong epekto
sa parehong lipunan at ekonomiyang ginusto nilang
paunlarin. Sinabi ni Gonzalez na: “The actual
operative language plan in the Philippines at
present is to use competence in English to
competitive advantage in the service industries
worldwide and to give more emphasis on
English in our school system” (Language
Planning 4). Nangangamba ang mga dalubhasang
ito na ang ating biglaang pagtalikod sa wikang
Ing les ay sisir a sa at ing p agkakat ao ng
makapaghanapbuhay bilang Overseas Filipino
Wo rker o bilang mga empleyado sa mga
multinasyonal na establisimyentong naririto sa ating
bansa. Humantong ang pagpaplano sa wika sa
ating bansa sa isang masalimuot na dilema: sa isang
banda ay nandiyan ang pang mat agalang
ekonomikal na hangarin na maaabot natin kapag
lubusan nating gamitin ang mga unang wika; habang
sa kabilang banda naman ay nandiyan ang
panandaliang ekonomikal na hangarin na maaabot
natin kapag ipagpapatuloy nating gamitin ang
wikang Ingles. Sa seksyong ito, pag-aaralan natin
ang ekonomikal na implikasyon ng Kautusan Bilang
50
TOMO XXIII BLG. 1
MALAY
74, Serye 2009, sa konteksto ng dilemang ito.
Nabanggit na natin na ang pagpapatupad ng
MLE ay magbubunga ng magkakarugtong na
reaksyon na: mas mat aas na literasi, mas
matatalinong mamamayan, mas dinamikong
mamamayan, mas maunlad na lipunan, at mas
maunlad na ekonomiya. Ito ang pangmatagalang
ekonomikal na hangarin ng MLE at ito nga ang
inaasahang patutunguhan ng naturang kautusan.
Ayon kay Nolasco ang pangunahing dahilan kung
bakit kailangan natin ang MLE ay para matugunan
ang ating mababang antas ng functional literasi
(Invigorating 4). Nakaugalian na nating mga
Filipino na ipagyabang ang ating mataas daw na
antas ng literasi, ngunit hindi natin alam na ang antas
ng literasi na ito ay simple literasi lamang, at
pagdating sa antas ng functional literasi ay
nakakalungkot at nakakahiya ang ating katayuan.
Ang ating mababang antas ng functional literasi
ay tinitingnan ngayon bilang isa mga mahahalagang
ugat ng ating mabagal na panlipunan at ekonomikal
na kaunlaran. Kapag maisasalin lamang natin ang
ating mataas na antas ng simple literasi patungo sa
isang kasintaas na antas ng functional literasi,
maaasahan nating mangyayari na ang nabanggit na
nating magkakarugtong na reaksyon na magsisimula
ng mataas na literasi at hahantong sa mas maunlad
na lipunan at ekonomiya.
Ngunit dahil sa problematikong pedagohiya ng
MLE na nilalaman ng naturang kautusan, bunsod
sa minamadali nitong paglipat patungo sa ikalawa
at ikatlong mga wika, hindi natin masisigurado kung
talaga bang makakamtan nito ang mas mataas na
functional literasi.
Sa konteksto ng panandaliang ekonomikal na
hangarin ng pagpaplano ng wika, hindi magiging
banta ang MLE dahil sa multilinggwal nitong
balangkas patuloy nitong ipapatupad ang pag-aaral
at pagamit ng wikang Ingles bilang pangatlong
wika. Sa katunayan ang minamadali nitong paglipat
mula sa mga unang wika patungo sa ikalawa at
ikatlong wika ay isang patunay na pinapahalagahan
pa rin ng ating pamahalaan ang wikang Ingles.
Apektado rin ba ang panandaliang ekonomikal
na hangarin ng pag paplano ng wika sa
problematikong pedagohiya ng ating bersyon ng
MLE? Walang magiging masamang epekto ang
problematikong pedagohiya ng ating bersyon ng
MLE, dahil hindi ito magreresulta sa isang mas
depektibong edukasyon sa wikang Ingles kapag
ihahambing sa kalidad ng edukasyon sa wikang
Ingles na sinasaad sa dat ing umiiral na
bilinggwalismo. Ang hindi natin alam ngayon ay
kung kaya ba ng ating bersyon ng MLE na
maglahad ng isang mas matatag na edukasyon sa
wik ang Ingles k aysa dat ing umiiral na
bilinggwalismo. Kaya kahit problematiko ang
pedagohiya ng ating bersyon ng MLE, patuloy na
magiging bukas ang at ing pag kakat ao ng
makapaghanapbuhay bilang Overseas Filipino
Wo rker o bilang mga empleyado sa mga
multinasyonal na establisimyentong naririto sa ating
bansa.
Sa kabuuan, makikita nating kumikiling ang
ating bersyon ng MLE papunta sa panandaliang
ekonomikal na hangarin ng pagpaplano ng wika at
napapabayaan nit o ang pang mat agalang
ekonomikal na hangarin dahil sa problelmatikong
pedagohiya nito.
KONGKLUSYON
Sa huling seksyon ng papel na ito ay titimbangin
natin ang kabuuang halaga at katatagan ng MLE
na nilalaman ng Kautusan Bilang 74, Serye 2009,
sa pamamagitan ng pagbalik-tanaw sa ating mga
nagawang historikal, pedagohikal, politikal, at
ekonomikal na pagsusuri.
Ayon sa ating historikal na pag-aaral, natuklasan
natin na malawak ang dalang pagbabago ng ating
bersyon ng MLE. Ngunit sa ating pedagohikal na
pag-aaral nakita rin natin na kahit malawak man
ang mga pagbabagong ito, hindi malalim at matatag
ang kanilang kinatatayuan dahil problematiko ang
pedagohiya ng ating bersyon ng MLE. Natukoy
natin ang mga espesipikong problematikong bahagi
ng naturang kautusan, na matatagpuan natin sa
ikalawa at ikatlong mga kalakip na dokumento ng
naturang kautusan, ang MLE Bridging Plan A, at
MLE Bridging Plan B. Sa mga tsart ng dalawang
dokumentong ito matatagpuan natin ang mga
problematikong probisyon na:
KAUTUSAN NG DEPARTAMENTO NG EDUKASYON
• Unang ituturo ang wikang Filipino at Ingles
bilang asignatura sa unang baitang;
• Unang gagamitin ang wikang Filipino
bilang midyum sa pagtuturo sa ikaapat na
baitang (maliban kung ito rin ang unang
wika sa partikular na rehiyon);
• Unang gagamitin ang wikang Ingles bilang
midyum sa pagtuturo sa ikaapat na
baitang; at
• Unang gagamitin ang unang wika bilang
auxiliary na wika sa ikalimang baitang.
Ayon sa ating politikal na pag-aaral, nakita natin
na ang multikulturalistang diwa na dala-dala ng
kautusan ay mahalaga para sa ating proyektong
pagsasabansa at pagpapalakas at pagpapaunlad
ng ating wikang pambansa. Ang mabubuting
epekto ng multikulturalismo ay makakamtan natin
kahit may problema nga ang pedagohiya ng
nasabing kautusan. Ayon naman sa ating
ekonomikal na pagsusuri, nakita natin na ang ating
beryso n ng MLE ay mas kumikiling sa
panandaliang ekonomikal na epekto kaysa
pangmatagalang epekto ng pagpaplano ng wika.
Ang hindi magandang pagkiling na ito ay bunsod
pa rin sa problematiko nitong pedagohiya.
Dapat bang suportahan ng lahat ng Filipino ang
kautusang ito? Naipakita ng pagsusuring ito na ang
pagtatag ng MLE dito sa ating bansa ay isang
higanteng hakbang na magdadala sa atin sa isang
mas moderno, mas maunlad, at mas etikal na
patakarang pangwika. Ang mga pagkukulang ng
kautusang ito ay hindi sapat na dahilan para tutulan
natin ang dala nitong mga pagbabago. Ang
nararapat gawin natin ngayon bilang mga
mamamayan at lehitimong stakeholder sa
programang ito ay bantayan ang mahihinang
aspekt o ng kau t usan at hik ayat in ang
Departamento ng Edukasyon na isalang na agad
sa isang ebalwasyon at rebisyon ang kabuuang
programa gamit bilang lente ang kasalukuyang
antas ng kaalaman tungkol sa MLE.
FEORILLO DEMETERIO III
51
SANGGUNIAN
Abueg, Efren. “Filipino sa Konstitusyon: Iba’t
Ibang Pagbasa, Iba’t Ibang Diskurso.” Malay.
Tomo 9, Bilang 1 (1990-1991). Muling
Inilimbag sa Malay. Tomo 22, Bilng 1 (2009).
7-13. Nakalimbag.
Antonio, Lilia. “Ang Pag-igpaw sa mga Problema
sa Pagtuturo at Paggamit ng Filipino.” College
of Social Science and Philosophy, University
of the Philippines. 25 Enero 2006. Web. 9
Mayo 2010.
<ht tp://web.kssp.upd.edu.ph/linguistics/
p l c 2 0 0 6 / p a p e r s / F u l l P a p e r s / I V- B 2_Antonio.pdf>
Cruz, Isagani R. “Mother Tongue Education: Mini
Critique, Part I.” Philstar.com. 23 Hulyo 2009.
Web. 30 Abril 2010.
<ht t p: // ww w. philst ar.c o m/
article.aspx?article4id=489283>
Cruz, Isagani R. “Mother Tongue Education: Mini
Critique, Part II.” Philstar.com. 30 Hulyo
2009. Web. 30 Abril 2010.
<ht t p: // ww w. philst ar.c o m/
ArticlePrinterFriendly.aspx?articleId=491414>
Demet er io , F. P. A. “Ang Balang kas ng
Multikulturalismo at ang Pagbubuo ng Bansang
Pilipino.” Lumina: An Interdisciplinary
Research Journal of Holy Name University.
Tomo 20, Bilang 2 (Oktubre 2009), 31-48.
Nakalimbag.
Departamento ng Edukasyon. “Order Number 74,
Series 2009.” Departamento ng Edukasyon.
14 Hulyo 2009. Web. 30 Abril 2010.
<http://www.deped.gov.ph/cpanel/uploads/
i s s u a n c e I m g /
DO%20No.%2074,%20s.%202009.pdf>
Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas
ng Unibersidad ng Pilipinas, et al. “A Response
to President Gloria Macapagal Arroyo directing
the Departamento ng Edukasyon to ‘Return
English as Primary Medium of Instruction’.”
University of the Philippines. w.p. Web. 9
Mayo 2010.
< h t t p : / / w w w. u p . e d u . p h / o l d s y s t e m /
proenglish.htm>
52
MALAY
Dumatog, Rose & Dekker, Diane. “First Language
Education in Lubuagan, Northern Philippines.”
SIL International. w.p. Web. 30 Abril 2010.
<http://www.sil.org/asia/ldc/parallel_papers/
dumatog_and_dekker.pdf>
Dutcher, Nadine & Tucker, Richard. “The Use
of First and Second Languages in Education: a
Review of International Experience.” Pacific
Islands Discussion Papers Series 1. Enero
1982. Web. 30 Abril 2010.
<http://www-wds.worldbank.org/servlet/
WDSContentServer/WDSP/IB/2000/02/24/
000094946_99031910564840/Rendered/
PDF/multi_page.pdf.>
Fishman, Joshua. Language and Nationalism:
Two Int egra tive Essays.
Ro wley,
Massachusetts: 1973. Nakalimbag.
Forster, Michael. “Johann Gottfried von Herder.”
Stanford Encyclopedia of Philosophy. 23
Oktubre 2001. Web. 16 Mayo 2010.
<http://plato.stanford.edu/entries/herder/>
Gonzalez, Andrew. “Ang Kahalagahan ng Wikang
Pambansa sa Pagbubuo ng Kakanyahang
Pilipino.” Malay. Tomo 3, Bilang 2 (Enero
1984). Muling Inilimbag Malay. Tomo 22,
Bilang 1 (2009). 1-5. Nakalimbag.
Gonzalez, Andrew. “Language Planning in
Multilingual Countries: the Case of the
Philippines.” SIL International. 2003. Web. 1
Mayo 2010.
<http://www.sil.org/asia/ldc/plenary_papers/
andrew_gonzales.pdf>
Martin, Isabel Pefianco. “Mother-Tongue
Education is Way to Go.” Inquirer.net. 1
Nobyembre 2008. Web. 30 Abril 2010.
<http://opinion.inquirer.net/inquireropinion/
columns/view/20081101-169620/Mothertongue-education-is-way-to-go>
Nolasco, Ricardo & Azurin, Arnold. “Invigorating
Basic Education.” Inquirer.net. 6 Disyembre
2008. Web. 30 Abril 2010.
< ht t p : / / se r vic e s . inq u ir e r. ne t / p r int /
print.php?article_id=20081206-176400>
Nolasco, Ricardo. “21 Reasons Why Filipino
Children Learn Better while Using their Mother
Tongue: a Primer on Mother Tongue-Based
TOMO XXIII BLG. 1
Multilingual Education (MLE) & Other Issues
on Language and Learning in the Philippines.”
Mo ther Ton gue Based Mu ltil ingu al
Education (MLE) – Philippines. w.p. Web.
30 Abril 2010.
<http://mothertongue-based.blogspot.com/
2009/01/mle-primer.html>
Nolasco, Ricardo. “The Prospects of Multilingual
Education and Literacy in the Philippines.”
Southeast Asian Ministers of Education
Organization. 17 Setyembre 2008. Web. 30
Abril 2010. <http://www.seameo.org/_ld2008/
doucments/Presentation_document/Nolasco
THE_PROSPECTS_OF_MULTILINGUAL_
EDUCATION.pdf>
Republika ng Pilipinas. “Executive Order 210.”
Supreme Court E-Library. 17 Mayo 2003.
Web. 9 Mayo 2010.
< h t t p : / / e l i b r a r y. j u d i c i a r y. g o v. p h / /
index10.php?doctype=Executive%20Orders&
docid=a45475a11ec72b843d74959b60fd7b
645f73003691a4>
Schmidt, Royal. “Cultural Nationalism in Herder.”
Journal of the History of Ideas. Volume 17,
Bilang 3 (Hunyo 1956), 407-417. Nakalimbag.
Tan, Michael. “First Language: Pinoy Kasi.”
Inquirer.net. 31 Hulyo 2009. Web 30 Abril
2010.
<http://opinion.inquirer.net/inquireropinion/
co lumns/view/20090731-218014/First language>
-------------. “Mother Tongue: Pinoy Kasi.”
Inquirer.net. 20 Pebrero 2008. Web. 30 Abril
2010.
<http://opinion. inquirer.net/inquireropinion/
columns/view/20080220-119962/Mothertongue>
UNESCO. “Education in a Multilingual World.”
Unesco.org. 2003. Web. 2 Mayo 2010.
<http://unesdoc.unesco.org/images/0012/
001297/129728e.pdf>
UNESCO. “The Use of Vernacular Languages in
Education.” Unesco.org. Setyembre 1953.
Web. 2 Mayo 2010.
<http://unesdoc.unesco.org/images/0000/
000028/002897EB.pdf>
Download