UTOS NG HARI Jun Cruz Reyes I – Introduksyon Ang panitikan ay talaan ng buhay at dito isinisiwalat ng tao sa malikhaing paraan ang kulay ng kanyang buhay, ang buhay ng kanyang daigdig, ang daigdig na kanyang kinabibilangan at pinapangarap. (Arogante 1983). Sinasabing ito rin ay repleksyon ng buhay na nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. Mula sa panitikan naihahanda nito ang mga mambabasa sa mga desisyon kanyang gagawin kung sakali may kahalintulad ng nasa akda ang kanyang naranasan. Ito rin ay nagsisilbing tulay upang maunawaan at malaman ng mga susunod na henerasyon kung gaano kaganda ang panitikan ng mga nagdaang panahon gayundin masalamin nila ang kultura at pamumuhay at paniniwala ng mga tao sa nakalipas na panahon II – PANIMULAUtos ng Hari, isang akda isinulat ni Jose Reyes. Ang kwentong ito ay kapupulutan ng aral sa panig ng mag-aaral gayundin sa mga guro sa ating lipunan. Nakatuon ang kwentong ito sa dalawang magkaibang pananaw ng tao at magkaibang henerasyon. Una sa panig ng isang mag-aaral na naghahangad na maintindihan sya ng isang guro at igalang kung anuman ang kanyang pagkatao, samantalang sa panig naman ng guro na ipinakikita lamang kung gaano makapangyarihan ang kanyang panulat, tingin at panghuhusga. Nababanaag din dito ang magkalayong agwat ng henerasyon ng mga kabataan sa kasalukuyan at sa kung papaano sila mag-isip. Ang kwentong ito ay nangyayari sa totoong buhay ng isang mag-aaral na may kakaibang pananaw sa buhay, saloobin gayunman hindi naiiintindihan ng guro o hindi gumawa ng pamamaraan ang guro sa kung paano magkakaroon ng mabuting ugnayan sa kanyang mag-aaral. Bagkus natatakan o tinatakan ang mag-aaral bilang isang batang matigas ang ulo o estudyanteng pasaway. Matutunghayan din sa kwentong ito ang mukha ng guro sa iba’t ibang pananaw ng isang magaaral. III – Pagsusuring Panglinggwistika a. Salitang ginamit Ang mga pananalitang ginamit sa akda ay angkop sa panlasa ng mambabasa na kung saan ito ang mga salitang karaniwang ginagamit o gamitin sa araw -araw na pamumuhay. Hindi mahirap na unawain ang salita, pahayag at pangungusap sapagkat ang mga ito ay mailarawan nang mabuti ng may-akda b. Paraan ng pagkakalahad Ang manunulat ay gumamit ng daloy ng kamalayan sa kanyang isinulat na akda na kung saan malinaw na nailarawan ang bawat yugtong pinagdadaanan ng tauhan sa loob ng kwento. c. Pamagat Utos ng Hari – pinamagatang ito Utos ng Hari sapagkat pinagtutuunan nito ng pansin ang guro sa loob ng paaralan na kung saan sila ay makapagyarihan na kinakailangan sundin ng mga magaaral. Lalo na kung ang pag-uusapan ay ang marka, kilos at gawi ng mga mag-aaral. IV – Pagsusuring Pangnilalaman a. Paksa Umikot ang kwento sa tauhang si Jojo na isang mag-aaral na may talino subalit hindi nauunawaan ng guro ang nararamdaman nito o hindi inaalam ng guro ang tunay na nangyayari rito. Inilarawan din dito ang mapanghusgang lipunan sa mga taong pasaway o sa tingin ng iba walang ginawang mabuti. b. Tauhan Jojo 15 taong gulang Pasaway na mag-aaral sa paningin ng guro Parating lumiliban sa klase Nanunubok sa kakayahan ng isang guro Mrs.Moral Character Guro sa Social Sciences Guro mahilig manermon ng mag-aaral Gurong humusga sa kakayahan ng mga mag-aaral Minyong Kaibigan ni Jojo Napagkamalang baliw Iba pang guro c. Tagpuan Pook Ang nagsilbing tagpuan ng akda ay ang Philippine School for Science and Technology Panahon Ang panahon kung kailan isinulat ang akda ay sa panahong kasalukuyan d. Banghay ng Kwento Simula Nagsimula ang akda sa pamamagitan ng pagpapakilala sa pangunahing tauhan na si Jojo na kung saan makikita na siya ay pinatawag ng kanyang guro at naramdaman niya na siya ay masesermunan na naman siya nito. Saglit na kasiglahan Ang makikitang suliranin sa akda ay ang magkaibang prinsipyo at pananaw ng dalawang tao, si Jojo at si Mrs. MoralCharacter. Dito hindi maunawaan ni Mrs. Moral Character ang nais ng isang mag-aaral, siya ay nakatali sa pansariling pananaw lamang at walang pakialam sa nararamdaman ng iba. Hindi rin siya nagkaroon ng pagkakataon na hingan paliwanag ang kanyang mag-aaral sa kung ano talaga ang nilalaman ng nasa loob nito, samantalang tila nagkaroon lamang ng “one way communication” ang dalawang tauhan na kung saan siMrs. Moral Character lamang ang tanging magsasalita at magpapahayag ng kanyang opinyon, at nang minsan ipatawag nito si Jojo tinanong niya ang mag-aaral subalit hindi niya nakuha ang tunay na nasa loob ng mag-aaral bagkus ay napasunod lamang niya ito sa kung ano ang kanyang nais. Sa panig naman ni Jojo, wala siyang kakayahan na ipaabot ang kanyang nais sapagkat siya ay nakatali sa sintas ng sapatos ng kanyang guro. Kasukdulan Ang pinakamasidhing pangyayari sa kwento ay ang bahagi na kung saan nagka-usap ang dalawang panig, hingil sa mga nangyayari sa loob ng kanilang silid aralan Kakalasan Sabi nga ni Jojo siya ay nakatali sa sintas ng sapatos ng kanyang guro na kung saan kung ano ang nais ng guro, saan man siya nito dalhin at kung anuman ang sabihin nito siya ay kinakailangan nasumunod. Wakas Walang magawa si Jojo nais man niya magsumbong, ngunit kanino, saan, ni kanyang barkada ay walang Mabuti magagawa sa kanyang kabutihan, kung kaya’t minarapat na lamang niya ibulong ang lahat sa isang pader sa loob ng “comfort room”. V – Pagsusuring Pampanitikan a. Bisang pandamdamin Nakalulungkot isipin na may mga ganitong uri ng guro na kung saan hindi nila inaalam ang tunay na nangyayari sa kanilang mag-aaral, bagkus nanghuhusga sila batay sa panlabas na anyo at katayuan sa buhay. Hindi nila inaalam ang panig ng kanilang mag-aaral bagkus nais lamang nila ito pasunurin sa kung anong alam nilang tama. Ipinakita rin nila ang hindi magandang halimbawa o ehemplo sa mga mag-aaral samantalang sila ang nagtuturo ng mga magagandang asal. b. Bisang pangkaisipan Ang akdang ito ay pampamulat sa Kagawaran ng Edukasyon na kung saan kinakailangan na busisiin ng mabuti ang mga papasok na guro at tiyakin na sila ay akma sa propesyong kanilang pinili. Samantalang ang mga nasa posisyon na mana ay mabigyan ng ibayong pansin upang mabago ang kanilangkilos at gawi para sa ikabubuti ng nakakarami. c. Bisang pangkaasalan Dahil sa ito ay nagpapakita ng totoong pangyayari,kinakailangan na magkaroon ng pagbabago sa akin bilang isang guro, sapagkat ang mga ganitong pangyayari ay magdudulot ng dilemma sa mga mag-aaral na kapag hindi magamot ay humantong sa depresyon ng isang mag-aaral na kung saan imbes na isang produktibong mamamayan ang mahulma hindi at isang problema ng pamahalaan ang maipundar. d. Teoryang Pampanitikan Ang kwentong ito ay maiuugnay sa teoryang realismo at simbolismo. ito ay nagpapakita ng makatotohanang pangyayari sa buhay ng isang mag-aaral at kung paano hinuhusgahan ng lipunan ginagalawan. Gayundin ang ilan sa mga kilos at gawi ng ibang guro na tila hari sa kanilang institusyon at hindi marunong makiramdam o magpakita ng pagmamahal sa isang mag-aaral. Maraming simbolo ginamit sa akda tulad na lamang ng: 5 - nagpapakita ng mababang grado ng isang mag-aaral o di kaya naman sa literal na pagpapakahulugan na bobo o walang alam. Diploma - ang simbolo ng karunungan ng isang tao, ang daan sa tagumpay ng isang tao o dili kaya ang kahahantungan nyang estado ng buhay, ito rin ang gabay sa tatahaking propesyon sa hinaharap. Pulang bolpen -ang kinatatakutan ng maraming mag-aaral, tanda na walang tamang ginagawa o kaya naman mali ang gawa. Sintas ng sapatos -ang sapatos ay simbolo ng batas samantalang ang sintas ay sumisimbo sa mga mag-aaral na sunod-sunuran sa kung ano nais ng isang guro Drop-out- simbolo na may nagawang pagkakamali sa loob ng paaralan 1 - marking pinakamataas na maaring makuha sa loob ng paaralan, nagsisilbi rin na may katalinuhan ang magkakaroon nito Kick-out- pagkaalis sa loob ng paaralan, may masamang record sa paaralan Comfort room - lugar kung saan naibubuhos ang mga nais iparating o ipahiwatig sa iba, Pader - nagsilbing sumbungan ng mga pusong uhaw sa mga makikinig ng hinanakit ng mundo. e. Sakit ng Lipunan Maraming suliraning panlipunan ang natalakay sa akdang Utos ng hari katulad na lamang ng: Panghuhusga sa panlabas na anyo Hindi binibigyan ng tamang proseso ang lahat ng bagay katulad ng kay Minyong na kung saan hinusgahan ng hindi man lang napapakinggan ang nito. Iisa ang lagging tama at mabuti Ang lahat ay nakabase sa grado Tsismosang guro Sinasarili ang mga nararamdaman o nais ipahiwatig sapagkat takot na may mangyaring masama sa sarili. Pinakikialaman maging ang personal na buhay