Uploaded by Mau Nillo

UTOS NG HARI

advertisement
Frances May P. Nillo
MaEd Filipino
Pagsusuri sa isang akda
UTOS NG HARI
Jun Cruz Reyes
I – Introduksyon
Ang panitikan ay talaan ng buhay at dito isinisiwalat ng tao sa malikhaing
paraan ang kulay ng kanyang buhay, ang buhay ng kanyang daigdig, ang
daigdig na kanyang kinabibilangan at pinapangarap. (Arogante 1983).
Sinasabing ito rin ay repleksyon ng buhay na nagsasabi o nagpapahayag ng
mga kaisipan, mga damdamin karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. Mula
sa panitikan naihahanda nito ang mga mambabasa sa mga desisyon kanyang
gagawin kung sakali may kahalintulad ng nasa akda ang kanyang naranasan.
Ito rin ay nagsisilbing tulay upang maunawaan at malaman ng mga
susunod na henerasyon kung gaano kaganda ang panitikan ng mga nagdaang
panahon gayundin masalamin nila ang kultura at pamumuhay at paniniwala ng
mga tao sa nakalipas na panahon
II – PANIMULAUtos ng Hari, isang akda isinulat ni Jose Reyes. Ang kwentong ito ay
kapupulutan ng aral sa panig ng mag-aaral gayundin sa mga guro sa ating
lipunan. Nakatuon ang kwentong ito sa dalawang magkaibang pananaw ng tao
at magkaibang henerasyon. Una sa panig ng isang mag-aaral na naghahangad
na maintindihan sya ng isang guro at igalang kung anuman ang kanyang
pagkatao, samantalang sa panig naman ng guro na ipinakikita lamang kung
gaano makapangyarihan ang kanyang panulat, tingin at panghuhusga.
Nababanaag din dito ang magkalayong agwat ng henerasyon ng mga
kabataan sa kasalukuyan at sa kung papaano sila mag-isip. Ang kwentong ito
ay nangyayari sa totoong buhay ng isang mag-aaral na may kakaibang
pananaw sa buhay, saloobin gayunman hindi naiiintindihan ng guro o hindi
gumawa ng pamamaraan ang guro sa kung paano magkakaroon ng mabuting
ugnayan sa kanyang mag-aaral. Bagkus natatakan o tinatakan ang mag-aaral
bilang isang batang matigas ang ulo o estudyanteng pasaway. Matutunghayan
din sa kwentong ito ang mukha ng guro sa iba’t ibang pananaw ng isang magaaral.
III – Pagsusuring Panglinggwistika
a. Salitang ginamit
Ang mga pananalitang ginamit sa akda ay angkop sa panlasa ng
mambabasa na kung saan ito ang mga salitang karaniwang
ginagamit o gamitin sa araw -araw na pamumuhay. Hindi mahirap
na unawain ang salita, pahayag at pangungusap sapagkat ang
mga ito ay mailarawan nang mabuti ng may-akda
b. Paraan ng pagkakalahad
Ang manunulat ay gumamit ng daloy ng kamalayan sa kanyang
isinulat na akda na kung saan malinaw na nailarawan ang bawat
yugtong pinagdadaanan ng tauhan sa loob ng kwento.
c. Pamagat
Utos ng Hari – pinamagatang ito Utos ng Hari sapagkat
pinagtutuunan nito ng pansin ang guro sa loob ng paaralan na kung
saan sila ay makapagyarihan na kinakailangan sundin ng mga magaaral. Lalo na kung ang pag-uusapan ay ang marka, kilos at gawi
ng mga mag-aaral.
IV – Pagsusuring Pangnilalaman
a. Paksa
Umikot ang kwento sa tauhang si Jojo na isang mag-aaral na may
talino subalit hindi nauunawaan ng guro ang nararamdaman nito o
hindi inaalam ng guro ang tunay na nangyayari rito. Inilarawan din
dito ang mapanghusgang lipunan sa mga taong pasaway o sa
tingin ng iba walang ginawang mabuti.
b. Tauhan
Jojo
15 taong gulang
Pasaway na mag-aaral sa paningin ng guro
Parating lumiliban sa klase
Nanunubok sa kakayahan ng isang guro
Mrs.Moral Character
Guro sa Social Sciences
Guro mahilig manermon ng mag-aaral
Gurong humusga sa kakayahan ng mga mag-aaral
Minyong
Kaibigan ni Jojo
Napagkamalang baliw
Iba pang guro
c. Tagpuan
Pook

Ang nagsilbing tagpuan ng akda ay ang Philippine School for
Science and Technology

Panahon
Ang panahon kung kailan isinulat ang akda ay sa panahong
kasalukuyan
d. Banghay ng Kwento

Simula
Nagsimula ang akda sa pamamagitan ng pagpapakilala sa
pangunahing tauhan na si Jojo na kung saan makikita na siya
ay pinatawag ng kanyang guro at naramdaman niya na siya
ay masesermunan na naman siya nito.
Saglit na kasiglahan

Ang makikitang suliranin sa akda ay ang magkaibang
prinsipyo at pananaw ng dalawang tao, si Jojo at si Mrs.
MoralCharacter. Dito hindi maunawaan ni Mrs. Moral
Character ang nais ng isang mag-aaral, siya ay nakatali sa
pansariling pananaw lamang at walang pakialam sa
nararamdaman
ng
iba.
Hindi
rin
siya
nagkaroon
ng
pagkakataon na hingan paliwanag ang kanyang mag-aaral
sa kung ano talaga ang nilalaman ng nasa loob nito,
samantalang
tila
nagkaroon
lamang
ng
“one
way
communication” ang dalawang tauhan na kung saan siMrs.
Moral Character lamang ang tanging magsasalita at
magpapahayag ng kanyang opinyon, at nang minsan
ipatawag nito si Jojo tinanong niya ang mag-aaral subalit hindi
niya nakuha ang tunay na nasa loob ng mag-aaral bagkus ay
napasunod lamang niya ito sa kung ano ang kanyang nais. Sa
panig naman ni Jojo, wala siyang kakayahan na ipaabot ang
kanyang nais sapagkat siya ay nakatali sa sintas ng sapatos
ng kanyang guro.
Kasukdulan

Ang pinakamasidhing pangyayari sa kwento ay ang bahagi
na kung saan nagka-usap ang dalawang panig, hingil sa mga
nangyayari sa loob ng kanilang silid aralan

Kakalasan
Sabi nga ni Jojo siya ay nakatali sa sintas ng sapatos ng
kanyang guro na kung saan kung ano ang nais ng guro, saan
man siya nito dalhin at kung anuman ang sabihin nito siya ay
kinakailangan nasumunod.

Wakas
Walang magawa si Jojo nais man niya magsumbong, ngunit
kanino, saan, ni kanyang barkada ay walang Mabuti
magagawa sa kanyang kabutihan, kung kaya’t minarapat na
lamang niya ibulong ang lahat sa isang pader sa loob ng
“comfort room”.
V – Pagsusuring Pampanitikan
a. Bisang pandamdamin
Nakalulungkot isipin na may mga ganitong uri ng guro na kung saan
hindi nila inaalam ang tunay na nangyayari sa kanilang mag-aaral,
bagkus nanghuhusga sila batay sa panlabas na anyo at katayuan
sa buhay. Hindi nila inaalam ang panig ng kanilang mag-aaral
bagkus nais lamang nila ito pasunurin sa kung anong alam nilang
tama. Ipinakita rin nila ang hindi magandang halimbawa o ehemplo
sa mga mag-aaral samantalang sila ang nagtuturo ng mga
magagandang asal.
b. Bisang pangkaisipan
Ang akdang ito ay pampamulat sa Kagawaran ng Edukasyon na
kung saan kinakailangan na busisiin ng mabuti ang mga papasok na
guro at tiyakin na sila ay akma sa propesyong kanilang pinili.
Samantalang ang mga nasa posisyon na mana ay mabigyan ng
ibayong pansin upang mabago ang kanilangkilos at gawi para sa
ikabubuti ng nakakarami.
c. Bisang pangkaasalan
Dahil sa ito ay nagpapakita ng totoong pangyayari,kinakailangan
na magkaroon ng pagbabago sa akin bilang isang guro, sapagkat
ang mga ganitong pangyayari ay magdudulot ng dilemma sa mga
mag-aaral na kapag hindi magamot ay humantong sa depresyon
ng isang mag-aaral na kung saan imbes na isang produktibong
mamamayan
ang
mahulma
hindi
at
isang
problema
ng
pamahalaan ang maipundar.
d. Teoryang Pampanitikan
Ang kwentong ito ay maiuugnay sa teoryang realismo at simbolismo.
ito ay nagpapakita ng makatotohanang pangyayari sa buhay ng
isang mag-aaral at kung paano hinuhusgahan ng lipunan
ginagalawan. Gayundin ang ilan sa mga kilos at gawi ng ibang guro
na tila hari sa kanilang institusyon at hindi marunong makiramdam o
magpakita ng pagmamahal sa isang mag-aaral. Maraming simbolo
ginamit sa akda tulad na lamang ng:

5 -
nagpapakita ng mababang grado ng isang mag-aaral
o di kaya naman sa literal na pagpapakahulugan na bobo o
walang alam.

Diploma -
ang simbolo ng karunungan ng isang tao, ang
daan sa tagumpay ng isang tao o dili kaya ang kahahantungan
nyang estado ng buhay, ito rin ang gabay sa tatahaking
propesyon sa hinaharap.

Pulang bolpen -ang kinatatakutan ng maraming mag-aaral,
tanda na walang tamang ginagawa o kaya naman mali ang
gawa.

Sintas ng sapatos -ang sapatos ay simbolo ng batas samantalang
ang sintas ay sumisimbo sa mga mag-aaral na sunod-sunuran sa
kung ano nais ng isang guro

Drop-out-
simbolo na may nagawang pagkakamali sa loob
ng paaralan

1 -
marking pinakamataas na maaring makuha sa loob ng
paaralan, nagsisilbi rin na may katalinuhan ang magkakaroon
nito

Kick-out- pagkaalis sa loob ng paaralan, may masamang record
sa paaralan

Comfort room -
lugar kung saan naibubuhos ang mga nais
iparating o ipahiwatig sa iba,

Pader
-
nagsilbing sumbungan ng mga pusong uhaw sa
mga makikinig ng hinanakit ng mundo.
e. Sakit ng Lipunan
Maraming suliraning panlipunan ang natalakay sa akdang Utos ng
hari katulad na lamang ng:

Panghuhusga sa panlabas na anyo

Hindi binibigyan ng tamang proseso ang lahat ng bagay katulad
ng kay Minyong na kung saan hinusgahan ng hindi man lang
napapakinggan ang nito.

Iisa ang lagging tama at mabuti

Ang lahat ay nakabase sa grado

Tsismosang guro

Sinasarili ang mga nararamdaman o nais ipahiwatig sapagkat
takot na may mangyaring masama sa sarili.

Pinakikialaman maging ang personal na buhay
Download