Uploaded by Ann Nicole Villon

1

advertisement
Wika
Wika
• Napakahalagang instrumento
ng komunikasyon.
• Behikulong nagagamit sa
pakikipag uusap at
pagpaparating ng mensahe sa
isa’t isa.
• Kalipunan ito ng mga simbolo,
tunog at mga kaugnay na bantas
upang maipahayag ang nais
sabihin ng kaisipan.
• Lingguwistika ang tawag sa
siyentipikong pag-aaral ng wika
• Ang salitang lingua, na may
kahulugang “dila” at “wika” ang
pinagmulan ng salitang Pranses
na langue na katulad lang ng
kahulugan. Sa dalawang salitang
ito nagsimula ang language.
Finnochiaro (1964)
• Ang wika ay isang arbitraryo ng
simbolong pasalita na nagbibigay
pahintulot sa mga taong may kultura o ng
mga taong natutunan ang ganoong
kultura
Paz, Hernandez, at Peneyra
(2003)
• Ang wika ay tulay na ginagamit para
maipahayag at mangyari ang anumang
minimithi o pangangailangan natin.
• Behikulo ng ekspresyon at komunikasyon
na epektibong nagagamit.
• Ginagamit ng tao ang wika sa kanyang
pag-iisip, sa kanyang pakikipag-ugnayan,
at pakikipag-usap sa ibang tao at maging
sa sarili.
Henry Allan Gleason, Jr.
• Isang linggwista at propesor sa
University of Toronto
• Ang wika ay masistemang
balangkas ng mga tunog na pinili
at isinaayos upang magamit ng
mga taong nabibilang sa isang
kultura.
Diksiyonaryong
Cambridge
• Ang wika ay isang sistema ng
komunikasyong nagtataglay ng
mga tunog, salita, at gramatika na
ginagamit sa pakikipagtalastasan
ng mga mamamayan sa isang
bayan o sa iba’t ibang uri ng
gawain.
Charles Darwin
• Ang wika ay isang sining tulad ng paggawa ng
serbesa o pagba-bake ng cake, o ng pagsusulat.
Hindi rin ito likas sapagkat ang bawat wika ay
kailangan munang pag-aralan bago matutuhan.
• Gayunpama’y naiiba ito sa mga pangkaraniwang
sining dahil ang tao’y may likas na kakayahang
magsalita tulad ng paggakgak ng bata; wala
kasing batang may likas na kakayahang gumawa
ng serbesa, magbake o sumulat.
• Ang wika ay nalilinang sa pamamagitan
ng maraming hakbang at proseso kaya
walang makapagsasabi na ito ay
sadyang inimbento.
Katangian ng Wika
1. Ang wika ay sinasalitang tunog.
2. Ang wika ay set ng mga tuntuning
pinagkasunduan at tinatanggap nang
may pagsang-ayon ng lahat ng
tagapagsalita nito.
3. Likas ang wika, ibig sabihin, lahat ay
may kakayahang matutong gumamit ng
wika anuman ang lahi, kultura, o
katayuan sa buhay.
4. Ang wika ay dinamiko.
5. Ang wika ay masistemang balangkas.
6. Bawat wika ay tuwirang nakaugnay sa
kultura ng sambayanang gumagamit
nito.
7. Ang wika ay ginagamit sa
komunikasyon.
Wikang Pambansa, Wikang
Opisyal at Pampagtuturo
Archibald Hill
• Ang wika ang pangunahin at
pinakamabusising anyo
ng gawaing pansagisag ng tao.
Thomas Carlyle
• Itinuturing ang wika bilang saplot ng
kaisipan.
Vilma Resuma at Teresita
Semorlan
• ang wika ay kaugnay ng buhay at instrumento
ng tao upang matalino at efisyenteng
makilahok sa lipunang kinabibilangan.
Pamela Constantino at
Galileo Zafra
• ang wika ay isang kalipunan ng
mgasalita at ang pamamaraan ng
pagsasama –sama ng mga ito para
magkaunawaan o makipagkomyunikeyt
ang isang grupo ng mga tao.
Ang Wikang Pambansa
(Kumbensyong Konstitusyunal ng 1934)
- kumbensyon na isinigawa upang makapili
ng wikang pagbabasehan ng wikang pangbansa
(Lope K. Santos)
- nagmungkahi na ang wikang pambansa ay
dapat ibatay sa isa sa mga umiiral na wika sa
Pilipinas.
Saligang Batas ng 1987
• Pinagtibay ang Komisyong Konstitusyonal na binuo
ni dating Pangulong Cory Aquino ang
implementasyon sa paggamit ng Wikang Filipino .
(Artikulo XIV, Seksyon 6)
-”Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Samantalang nililinang ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa
Pilipinas at sa iba pang mga wika.”
Atas Tagapagpaganap Blg.
335 serye 1988
• “nag aatas sa lahat ng mga kagawaran,
kawanihan, opisina, ahensiya, at
instrumentaliti ng pamahalaan na
magsagawa ng mga hakbang na
kailangan para sa layuning magamit
ang Filipino sa opisyal na mga
transaksiyon, komunikasyon, at
korespondensiya”
Ang Wikang Opisyal at
Wikang Pampagtuturo
(Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV,
Seksyon 7)
- “Ukol
sa layunin ng komunikasyon at
pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay
Filipino at, hangga't walang ibang itinatadhana
ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon
ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga
rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga
wikang panturo roon. Dapat itaguyod ng kusa at
opsyonal ang Kastila at Arabic”
Mother Tongue-Based MultiLingual Education (MTBMLE)
Mother Tongue-Based
Multi-Lingual Education
(MTB-MLE)
• Filipino at Ingles ang mga opisyal na
wika at wikang panturo sa mga
paaralan.
• Wikang panturo mula Kindergarten
hanggang Grade 3 sa mga paaralang
pampubliko o pribado man.
DepEd Secretary Armin
Luistro
• “Ang paggamit ng wikang ginagamit
din sa tahanan sa mga unang
baytang ng pag-aaral ay
makakatulong mapaunlad ang wika at
kaisipan ng mga mag-aaral at
makapagpapatibay rin sa kanilang
kamalayang sosyo-kultural”
Ducher at Tucker (1977)
• Nagpatunay na ang paggamit ng unang
wika bilang panturo sa mga unang taon
sa pag-aaral ay mabisa at epektibo.
• Ang unang wika ay mahalaga sa
panimulang pagtuturo ng pagbasa, sa
pag-unawang paksang aralin, at bilang
matibay na pundasyon sa pagkatuto ng
pangalawang wika.
19 na wika at diyalekto na
ginagamit sa MTB-MLE
Tagalog
Kapampangan
Maranao
Chavacano
Pangasinense
Tioko
Bikol
Ybanag
Ivatan
Sambal
Cebuano
Aklanon
Iligaynon
Waray
Kinaray-a
Yakan
Tausug
Maguindanaoan
Surigaonon
• Ang (8) walong pangunahing wika,
Tagalog, Kapampangan,
Pangasinense, Ilokano, Bikolano,
Cebuano, Hiligaynon, at Waray.
• (4) apat na iba pang wikain,
Tausug, Maguindanaoan, Maranao,
at Chavacano
• (7) pitong karagdagan:
Ybanag-Tuguegarao City, Cagayan
at Isabela
Ivatan- Batanes
Sambal- Zambales
Aklanon at Kinaray-a- Aklan, Capiz
Yakan- Autonomous Region of
Muslim Mindanao
Surigaonon- Surigao City
• Filipino at Ingles ay gagamitin at
ituturo pa rin sa mga paaralan
• Ang pokus sa kindergarten at unang
baytang ay katatasan sa pasalitang
pagpapahayag.
• Sa ikalawa hanggang ikaanim
naman ay bahagi ng wika tulad ng
pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at
pagsulat
• Sa mataas na baytang ay Filipino
at Ingles ang pangunahing wikang
pangturo o medium of instruction
Unang Wika,
Pangalawang Wika,
atbp.
Unang Wika
• Unang wika ang tawag sa wikang
nakagisnan mula sa pagsilang at
unang itinuro sa tao.
• Katutubong wika, mother tongue,
arterial na wika, o ng simbolong L1.
• Sa wikang ito pinakamatatas o
pinakamahusay na
naipabahayag ng tao ang
kanyang mga ideya, kaisipan,
at damdamin.
• Ayon sa artikulo ni Lee na nailathala
noong 2013, “The Native Speaker”
narito ang mga gabay upang matukoy
kung ang isang tao ay katutubong
tagapagsalita ng isang wika:
1. Natutuhang indibidwal ang wika sa
murang edad.
2. Ang indibidwal ay may likas at
instruktibong kaalaman at kamalayan
sa wika.
3. May kakayahan ang indibidwal na
makabuo ng mataas at importansyang
diskurso gamit ang wika.
4. Mataas ang kakayahan sa
komunikasyon ng indibidwal gamit
ang wika.
5. Kinilala ang sarili bilang bahagi at
nakikilala bilang kabahagi ng isang
lingguwistikong komunidad.
Pangalawang Wika
• Simbolong L2
• Mula sa mga salitang paulit-ulit
niyang naririnig hanggang sa
magkaroon sya ng sapat na
kasanayan at husay upang magamit
sa pagpapahayag at pakikipag-usap
sa ibang tao.
• Ayon sa saliksik nina Aguilar,
Jennifer L. et al. 2016 mula sa katha
ni Krashen (1982), ang Pangalawang
Wika ay naiiba sa unang wika,
sapagkat ito ay hindi taal o likas na
natutuhan ng isang indibidwal sa
kanyang tahanan at kinabibilangang
linggwistikong komunidad
Pangatlong Wika
(Benigno Aquino III)
-”We should become tri-lingual as a country.
Learn English well and connect to the world. Learn
Filipino well and connect to our country. Retain your
dialect and connect to your heritage.”
• Simbolong L3
• Tinatayang may mahigit 180 wika at wikain ang
ginagamit sa iba’t ibang bahagi ng bansa
Monolinggualismo,
Bilinggualismo, at
Multilinggualismo
Monolinggualismo
• Tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa
isang bansa tulad ng isinasagawa sa mga
bansang England, Pransya, South Korea,
Hapon, atbp. kung saan iisang wika ang
ginagamit na wikang panturo sa lahat ng
larangan o asignatura.
• Sa sistemang ito may iisang wika
ring iiral bilang wika ng
komersiyo, wika ng negosyo, at
wikang pakikipagtalastasan at ng
pang-araw-araw na buhay.
Bilingguwalismo
(Leonard Bloomfield, 1935)
-paggamit o pagkontrol ng tao sa
dalawang wika na tila ba ang mga ito
ay kanyang katutubong wika.
-perpektong bilingguwal
(John Macnamara, 1967)
-ang bilingguwal ay isang taong may
sapat na kakayahan sa isa sa apat na
makrong kasanayan pangwikang
kinabibilangan ng pakikinig, pagsasalita,
pagbasa, at pagsulat sa isa pang wika
maliban sa kanyang unang wika
(Uriel Weinreich, 1953)
-ang paggamit ng dalawang
wika nang magkasalitan ay
matatawag na bilingguwalismo at
ang taong gagamit nito ay
tinatawag na billinguwal.
Balanced Bilingual
(Cook at Singleton ,2014)
• Ang paggamit ng ikalawang wika nang
matatas sa lahat ng pagkakataon.
Nagagamit ng mga bilingguwal ang
dalawang wika ng halos hindi na matukoy
kung alin sa dalawa ang una at ang
pangalawang wika.
• Mahirap mahanap ang mga taong
nakakagawa nito dahil karaniwang
nagagamit ng mga bilingguwal ang
wikang mas naaangkop sa sitwasyon at
sa taong kausap.
Multilingguwalismo
• Ang Pilipinas ay isang bansang
multilingguwal.
• Paggamit ng higit pa sa dalawang
wika.
Download