MGA KAUGALIANG PILIPINO IBAT- IBANG URI NG KAUGALIANG PILIPINO PAGGALANG SA NAKAKATANDA paggamit ng "po" at "opo". makinig at sumunod palagi sa magulang at mas nakatatanda. magmano sa mga mas-nakatatanda. nirerespeto pa rin ang mga mungkahi, nais at gusto ng kanyang mga magulang PANANAMPALATAYA AT RELIHIYON Kristiyano ang mga 85% ng populasyon sa Pilipinas makikita at kahalagahan ng relihiyon sa dami ng mga pista opisyal, sa siksikan sa mga simbahan tuwing Linggo, hilig ng mga Pilipino sa dasal at Novena, moralidad ng mga Pilipino, mga pista para sa imahe (katulad ng Sto. Nino at mga Santo), at mga malalang ritwal tuwing Semana Santa. PAGIGING MALAPIT SA PAMILYA Ang kaugaliang Pilipino, kahit may edad na ang isang Pilipino, namumuhay pa rin siya sa bahay ng kanyang magulang hanggang handang-handa na siyang magkaroon na siya ng sariling pamilya. • PAGKAMATULUNGIN Ang pagtulong sa kapwa ay isang gawaing pinoy na likas sa ating mga Pilipino Tayong mga Filipino ay likas na mapagkawang-gawa sa kapwa lalong-lalo na sa mga kapus-palad at hirap sa buhay. PAG-TANAW NG UTANG NA LOOB Maihahambing itong ugali ito sa pagkilala at pagbabayad ng kabutihang naibigay o nagawa sa isang tao. Ang kaugaliang ito ay masamang at mabuting naidudulot. Kung minsan dahil sa pagbibigay ng pabor, laging may inaasahang magagawa rin para sa nagbigay ng pabor. Ang maganda rito sa ganitong ugali, kahit na hindi hihingi o inaasahan, ay mayroong nagkukusang loob na gagawa sa iyo ng kagandahang asal dahil sa nagawang mong kabutihan rin. HIYA Marami ang mahilig sa pakiramdaman. Hindi masabi ng diretso ang kaniyang gusto o ang ibig nyang sabihin. Kapag nasobrahan sa hiya, pati ang pag-unlad sa trabaho ay nalalagpasan, dahil sa kakatanggi. PAKIKISAMA Mayroon din pagkakataon na gumagawa o sumasali sa Gawain ang mga Pilipino dahil sa kanilang pakikisama o pakikiisa sa mga kakilala. Nahihirapan silang sabihin na ayaw nilang sumama dahil na rin sa hiya. Ang magandang dulot nito ang kasiguraduhan na may Karamay ka sa iyong mga gagawin PAGTANGGAP SA MGA BISITA (HOSPITALITY) Ang hospitality ng mga Pilipino ay siyang maganda at bahagi ng ating kultura at kaugalian. Sa ating magiliw na pagtanggap sa bisita at paghatid ng serbiyo sa kanila, mga ito ay nagpapakitang galang at ating pakikipagkapwa-tao sa iba. ACTIVITY GAWAIN 1: PICTURE ME PANUTO: Suruin ang mga litrato sa ibaba at tukuyin kung anong kaugalian ng mga pilipino ang ipinapakita nito isulat ang tamang sagot sa mga kahon. GAWAIN 2! POSTER MAKING PANUTO: Gumuhit ng isang scenario na nagpapakita ng pagmamahal, pagtutulungan at pakikipag kapwa tao. GAWAIN 3! PANUTO:Pag-aralan ang mga larawan at bilugan ang letra ng larawan na nagpapakita ng magandang kaugaliang pilipino. At sagutin ang karampatang katanungan. A B C D E 1. Bakit kinakailangan pagyamanin ang mga kaugaliang ito ng mga pilipino? 2. Sa papaanong paraan mo mapapahalagahan ang mga magagandang kaugaliang ito? 3. Sa iyong palagay mapapaunlad ba ng mga kaugaliang ito ang iyong sarili tungo sa makabuluhang pakikipagkapwa tao? THANK YOU FOR LISTENING