Uploaded by Jaime Crispino

AP-8-WEEK-1

advertisement
ARALING PANLIPUNAN 8
Quarter 1- Week 1
Name: ________________________Grade & Section ____________Date:___________
Paksa: Katangiang Pisikal ng Daigdig
Learning Competencies & Code: Nasusuri ang Katangiang Pisikal ng Daigdig (AP8HSK-Id-4)
Konsepto / Maiksing Paksa:
Isa ang daigdig sa walong planetang umiinog at umiikot sa isang malaking bituin, ang araw. Bumubuo sa
tinatawag ng solar system ang mga ito. Ang lahat ng buhay sa daigdig –halaman, hayop, at tao ay kumukuha ng
enerhiya mula sa araw. Gayon, halos lahat sa kalikasan at kapaligiran – mula sa hangin, alon, ulan, klima at
panahon ay naaapektuhan ng Araw.
Unang halimbawa:
Ang Solar system
Nasaan ang planetang Daigdig sa Solar
system? Ano ang iyong masasabi sa posisyon
ng Daigdig sa Solar System?
Mahalaga rin ang sinag ng araw sa mga
halaman upang mabuhay at maganap ang
photosynthesis. Samantala, ang mga halamang
ito ay nagbibigay ng oxygen na mahalaga sa
lahat ng nilalang. Ang pagkakaroon ng buhay
sa daigdig ay masasabing dulot ng tiyak na
posisyon nito sa Solar System. Patunay na ang
pag-inog nito sa sariling aksis at ang
paglalakbay sa paikot sa Araw bawat taon.
Ang Estruktura ng Daigdig
Ikalawang halimbawa:
Mga bagay na dapat tandaan tungkol sa Daigdig
 Ang Daigdig ay binubuo ng Crust – Ang matigas at mabatong bahagi ng planeta.
 Ang Mantle – isang patong ng mga batong napakainit at natutunaw ang ilang bahagi nito.
 Ang Core – ang kaloob-loobang bahagi ng Daigdig na binubuo ng mga metal tulad ng “iron at nickel”.
 Ang Daigdig ay may plate o malaking masa ng solidong bato na hindi nananatili sa posisyon. Napakabagal
ng paggalaw ng mga plate na umaabot lamang sa 2 pulgada ang paggalaw nito bawat taon.
For Classroom Use and Educational Use only. For DepEd Digos City Use Only. Not for Sale
Ang Daigdig ay may Apat na Hating-Globo
Ikatatlong halimbawa
Northern Hemisphere
Ikaapat na halimbawa
Southern Hemisphere
Ikalimang halimbawa
Eastern and Western Hemisphere
Ang Klima
Ang Daigdig ang tanging planeta sa Solar System na kayang makapagpanatili ng buhay. Mahalaga ang
papel ng klima, ang kalagayan o kondisyon ng atmospera sa isang rehiyon o lugar sa matagal na panahon.
Magkaiba ang klima ng mga lugar sa Daigdig dahil sa natatanggap na sinag ng araw depende sa latitude at gayon
din sa panahon, distansiya mula sa karagatan at taas mula sa sea level.
Ang mga lugar na malapit sa equator ang nakakaranas ng pinakasapat na sinag ng araw at ulan
na nararanasan sa buong daigdig. Dahil dito maraming habitat na nagtataglay ng iba’t-ibang
species ng halaman at hayop na matatagpuan sa mga lugar na ito. Kabilang sa mga ito ay ang
mga rainforest, coral reef, at mangrove swamp.
For Classroom Use and Educational Use only. For DepEd Digos City Use Only. Not for Sale
Ang mga Kontinente
 240 milyong taon – mayroon lamang isang super continent tinawag na Pangaea na pinaliligiran ng
karagatang tinawag na Panthalassa Ocean
 200 milyong taon nagsimulang maghiwalay ang kalupaan ng Pangaea hanggang sa mahati sa dalawa:
Laurasia sa Northern Hemisphere at Gondwana sa Southern hemisphere.
 65 milyong taon – nagpatuloy ang paghihiwalay ng mga kalupaan. Mapapansin ang India na unti unting
dumidikit sa Asya.
 Sa kasalukuyan – Unti-unti ang paggalaw ng mga kontinente. Tinatayang 2.5 sentimetro ang galaw ng
north America at Europe bawat taon.
Ikaanim na Halimbawa: Ang Pitong Kontinente ng Daigdig
Mga Anyong Lupa at Anyong Tubig
Tinatawag na topograpiya ang katangiang pisikal ng isang lugar o rehiyon. Sa paglipas ng panahon, ang mga
tao ay natutong makiangkop sa kanilang kapaligiran. Sa kasaysayan ng sangkatauhan, ang mga kauna-unahang
kabihasnan ng Daigdig ay umusbong malapit sa mga lambak-ilog ng Tigris-Euphrates, Indus, Huang Ho sa Asya
at lambak-ilog ng Nile sa Africa.
Gawain 1: Magbigay ng mga halimbawa ng Anyong Lupa at Ayong tubig.
Mga Anyong Tubig
1.
2.
3.
4.
5.
Mga Anyong Lupa
1.
2.
3.
4.
5.
Paglalahat: Ang mga Anyong tubig at Anyong lupa ang bumubuo sa mundong ating ginagalawan. Ang mga
pagsulong ng bawat mamamayan tungo sa maaliwalas na kinabukasan ay dahil na rin sa pinanggalingang lugar
kung saan ang mga Anyong Lupa at Anyong Tubig ay may malaking bagay na ginagampanan.
For Classroom Use and Educational Use only. For DepEd Digos City Use Only. Not for Sale
Gawain 2: Pagpapaliwanag
1. Ano ang klima? Ipaliwanag.
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
_______________________________________________.
2. Paano nakaaapekto ang Klima sa pamumuhay ng tao?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
_______________________________________________.
3. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga paglalarawan tungkol sa mga kontinente ng Daigdig?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
______________________________________________.
4. Bakit maiuugnay ang pamumuhay ng tao sa anyong lupa o tubig ng lugar na kanilang pinaninirahan?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
_______________________________________________.
5. Paano nakaaapekto ang mga anyong lupa at tubig sa pag-unlad ng kabuhayan ng tao?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
_______________________________________________.
Paglalahat : Maiuugnay natin ang pag-unlad ng mga tao sa Anyong Lupa at Anyong tubig dahil dito sila
kumukuha ng kanilang ikinabubuhay. Naging daan ito upang magkaroon sila ng kumunikasyon sa iba’t - ibang
mga sinaunang mamamayan na nananahanan sa mga ilog at bundok.
Gawain 3: Isulat sa blangkong mapa ang pitong kontinente sa mundo.
References:
Kasaysayan ng Daigdig: Department of Education-Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
ttps://www.google.com/search?q=images+of+blank+map+of+the+world&sxsrf=ALeKk037Us-NQr50keipvRz6EBZRXwafw:1594905948518&tbm=isch&s
https://www.google.com/search?sxsrf=ALeKk03Dv0s4mhh2Z5z97o4WqkdaLgSXBw%3A1594903078024&ei=JkoQX92QAcqymAXQza
mQAQ&q=images+of+eastern+hemisphere&oq=images+of+eastern+hemisphere&gs_lcp=CgZwc3ktYWIQAzIECAAQHjIGCAAQBRAeO
gcIABBHELADOgYIABAHEB46CAgAEAgQBxAeOgIIADoECAAQDToICAAQBxAFEB5Q5GRYYIBYPaKAWgBcAB4AIABxgGIAY8TkgEEMC4xNZgBAKABAaoBB2d3cy13aXo&sclient=psyab&ved=0ahUKEwjdu6r75NHqAhVKGaYKHdBmChIQ4dUDCAw&uact=5
https://www.google.com/search?sxsrf=ALeKk03VOGGUHgBb-yuF9Py0m_1bWChANA%3A1594901614867&ei=bkQQX53NKzdmAWliLfYAQ&q=images+of+southern+hemisphere&oq=images+of+southern+hemisphere&gs_lcp=CgZwc3ktYWIQAzICCAAyBg
gAEAgQHjoHCAAQRxCwAzoGCAAQBxAeOggIABAIEAcQHlCJRVi_c2DKdmgCcAB4AIABnAaIAdcqkgENMC4xLjkuNC4xLjEuMZgBAKABAa
oBB2d3cy13aXo&sclient=psy-ab&ved=0ahUKEwifptLB39HqAhWsLqYKHSXEDRsQ4dUDCAw&uact=5
Prepared by:
Merciditha R. Miranda
DiCNHS
For Classroom Use and Educational Use only. For DepEd Digos City Use Only. Not for Sale
Download