Essay Ang Arimbay ay isa sa baranggay ng Legazpi City, sa probinsiya ng Albay na malapit sa dagat, at ang layo nito sa centro ay limang puntos siyam na kilometro (5.9 km). Ang baranggay Arimbay ay malapit lamang sa dagat kung saan ang lokasiyon ng Albay Gulf ay naririto, kaya naman ang karamihan dito sa baranggay na ito ay mga mangingisda, kadalasang nahuhuli nila ngayon ay ang tinatawag nilang rayado o turingan, na dumedepende din sa panahon ang hulihan nito, bagamat marami ditong mangingisda sa baranggay na ito, meron din ditong mga magsasaka, dahil may lupa din dito na sakahan at may iba't ibang uri din ng gulay ang tinatanim ng iilan sa mga tao rito, at iilan din dito sa Arimbay ay may mga kaya sa buhay, may mga sariling negosyo, tulad ng grocery store, baboyan, at iba pa. Dito sa Arimabay din matatagpuan ang maraming companya, katulad ng Legazpi Oil Company, at iba pa. Maraming magagandang lugar dito sa Legazpi city, na may iba't ibang mga katangian, at dapat pangalagaan ng mga tao, hindi lang ang ating mga sarili ang kailangan ng pag-alaga kundi pati na rin ang ating mga kapaligiran. KARL ERICK BUHATAN NARITO BEED BLOCK 5 DAY SHIFT