ANTAS NG WIKA Ang antas ng wikang madalas na ginagamit ng isang tao ay isang mabisang palatandaan kung anong uri ng tao siya at kung sa aling antas-panlipunan siya kabilang. Pormal - Ito ay ang mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na ng mga nakapag-aral ng wika. o Pambansa - ito ang mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika sa lahat ng mga paaralan o Pampanitikan - ito naman ang mga salitang ginagamit ng mga manunulat sa mga akdang pampanitikan Pambansa Pampanitikan Ina Ilaw ng Tahanan Baliw Nasisiraang Bait Magnanakaw Malikot ang Kamay Impormal - Ito ang mga salitang karaniwan, palasak at pang-araw-araw na madalas nating gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan sa mga kakilala at kaibigan. o Lalawiganin - Ito ang mga bokabularyong pandayalekto. Makikilala rin ito sa pagkakaroon ng kakaibang tono, o ang punto. Upo Tabayag Kalamansi Kalamunding Talukbong Pandong Aba nga naman Ala! Ih naman Gabi Gabi- i Bote boti o o Kolokyal - Ito’y mga pang-araw-araw na mga salita ngunit may kagaspangan at pagkabulgar, bagamat may anyong repinado at malinis ayon sa kung sino ang nagsasalita. Pambansa Kolokyal Saan naroon Sanaron Nasaan Nasan Naroon Naron Kani-kaniya Kanyakanya Aywan Ewan Tayo na Tana Balbal - Ang mga salitang ito’y tinatawag sa Ingles na slang. Ang mga salitang ito noong una ay hindi tinatanggap ng mga magulang at may pinag-aralan dahil masagwa raw pakinggan. Pambansa Balbal Matanda Gurang Kapatid Utol Inom Tuma Bata Atab PALABUAN NG MGA SALITA Paghango sa mga salitang katutubo Hal. Gurang (bikol, bisaya) matanda Dako (bisaya) malaki Pabaraybarabay (tagalog, bisaya) paharang-harang Paghalaw sa Wikang Banyaga Hal. Tisoy, tisay (mestizo, mistiza) - Kastila Tsimoy, tsimay (muchacho, muchacha) - Kastila Dedbol (Dead Ball) - Ingles Pikon (Pick On) - Ingles A. Pagsasalarawan o Pagsasakatangian Usok - dahil ang sigarilyo ay umuusok Bola - dahil binibilog ang ulo ng agad pumayag Lagay - dahil gustong mapabilis, naglalagay o nagsisingit para hindi mahalata Basag - dahil nakawala sa sariling isip kapag nakadroga) B. A. Pagpapaikli ng Salita a. Kana- Amerikana b. Orig- Original Pagbabaliktad ng Salita a. Atab - bata b. Tsekot - Kotse RETORIKA Ang retorika ay isang mahalagang karunungan ng pagpapahayag na tumutukoy sa sining ng maganda at kaakit-akit na pananalita at pagsulat. Ayon kay Socrates “ang retorika ay siyensya o agham ng paghimok o pagsang-ayon” KASAYSAYAN NG RETORIKA Sinasabing nagsimula ang retorika bilang isang sistema ng pakikipagtalo sa Syraarse, isang isla sa Sicily noong ikalimang siglo B.C. makaraang bumagsak ang kanilang pamahalaang diktatoryal. Ang mga mamamayan doo'y binigyang pagkakataong dumulog at ipagtalo sa hukuman ang kanilang karapatan sa mga lupang iniliit ng nakaraang rehimen. Naimbento nila ang retorika sa layuning makahikayat at mapunan ang ano mang pagkukulang sa mga kongkretong katibayan. PUNDASYON NG MASINING NA PAGAPAPAHAYAG 1. Gramatika - masinop na pagporma ng lahat ng sangkap ng wika upang makabuo ng malilinaw na kaisipan bilang resulta ng paggamit nito. 2. Retorika - kaparaanan sa pagiging masining o ginawang pagtrato sa pagpapahayag na maaring mag-utos, magkwento, sumagot, manakot makiusap. 3. Lohika - sistema ng pag-aayon o pagpapatutol sa mga ipinabatid na katotohanan IDYOMATIKONG PAHAYAG Ang mga Idyoma ay mga di-tuwiran o di-inaasahang pagpapahayag na may kahulugang patalinhaga. Ito ay di-literal kung kaya nangangailangan ng konotativo at malalim na pagpapakahulugan Mga Halimbawa Putok sa buho - anak sa pagkadalaga Mababaw ang luha - madaling umiyak Naglulubid ng buhangin - nagsisinungaling Magbatak ng buto - magtrabaho Nakahiga sa salapi - mayaman Magdildil ng asin - maghirap Balat-kalabaw - hindi marunong mahiya Magmahabang dulang - magpakasal, mag-asawa Nagpuputok ang butse - galit na galit Hilong talilong - litung - lito TAYUTAY PAGTUTULAD (SIMILE) - ito ay isang simpleng paghahambing ng dalawang bagay na magkaiba sa pangkalahatang anyo ngunit may mga magkakatulad na katangian na sukat ipagkaugnay ng dalawa. ito’y gumagamit ng mga salita’t pariralang tulad ng, katulad ng, para ng, kawangis ng, animo’y, gaya ng, tila, at iba pa. o Gaya ng halamang lumaki sa tubig PAGWAWANGIS (METAPHOR) - ito ay isang tayutay na nagsasagawa ng paglilipat ng mga salitang nangangahulugan ng isang bagay sa pagpapahayag ng ibang bagay. dito inaalis ang hambingang salita’t papiralang ginamit sa pagtutulad o simile o Ang kanyang kahapon ay isang tanghalan Ng mga lihim nya’t mga karanasan PAGSASATAO (PERSONIFICATION) - ito ay tayutay na nauukol sa paglilipat ng katangian ng isang tao sa mga walang buhay. o PATI ULAP AY SUMAYAW SA BAYO NG HANGIN PANAWAGAN (APOSTROPHE) - ito ay isang tayutay na may kagyat na pagtutol sa naunang paraan ng pagpapahayag, at panawagan sa ikalawang panauhan ng isang tao o bagay, karaniwan nang isang patay o isang harayahing bagay. o O ibon, maamong sa iyong paglipad, Isakay mo ako sa angkin mong pakpak. PADAMDAM (EXCLAMATION) ito ay isang tayutay na nagmumula sa bulalas ng isang masidhi o pananalitang nagpapahayag ng matinding damdamin o isang talata na may gayong pananalita. o “Ayan, ang kabaong na pasan ng tao. Irog, sumama ka at kakilala mo! BALINTUNA (IRONY) ito ay isang tayutay na sa pamamagitan nito ang kahulugang patitik ng isang anyo ng pananalita ay kabaligtaran ng tangkang sabihin, dahil sa isang bagay na sinabi ay may ibang pakahulugan at ginamit sa pangungutya o katuwaan lamang. o “Ang tao kung minsa’y batang nagagalak, Utal pa ang dila, kung mangusap, pantas! PAUROY O MAPANG-UYAM (SARCASM) ito ay isang tayutay, na ipinapahiwatig sa paraan o tono ng pagsasalita. Ito’y isang panunudyo o pangungutya sa tao, bagay at pangyayari. o Iginagalang. Dinarakila sa gawaing niyang banal. Niyuyukuran. Pinupuri ng balana; siya ay Minamahal PAGMAMALABIS (HYPERBOLE) ito ay isang tayutay na ang kaigtingan ay sobra sa normal na katangian ng bagay o tao na nais ipahayag. Maari ito’y pagpapakulang sa tunay na kalagayan upang makatawag pansin o kaya’y isang lampas-lampas na pagpapahayag ng katangian ng malayo sa tunay na katotohanan. o Dadanak ang dugo sa lupaing ito, Kapag di nangyari itong aking gusto PARADOHA (PARADOX) ito ay isang tayutay na ang tinutukoy ay isang pahayag na sa biglang akala’y magkasalungat ngunit kung masusuing lilimiin o ipaliliwanag ay nagpapahayag ng isang katotohanan o “Ako’y di inutil,” ang iyak ng pilay “Kaya kong tumayo’t gumawang mahusay!” Kung ito’y totoo, siya ay bulaan. PAGPAPALIT-SAKLAW (SYNECDOCHE) ito ay isang tayutay na bumabanggit sa bahagi ng isang bagay o kaisipan bilang katapat at kabuuan. Maaring ang kabuuan naman ay katapat ng isang bahagi. o “Libu-libong kaluluwa ang umaasa sa iyo 2. Pitumpu’t apat na buhay ang ibubuwis ko PAGPAPALIT-TAWAG (METONOMY) ito ay isang tayutay na ginagamit ang pagpapalit ng pagtukoy o pagtawag sa bagay o tao na pinatutungkulan. Ito’y pansamantalang pagpapalit-tawag sa mga bagay na magkaugnay. Ito’y palasak sa mga karaniwang usapan. o “Siya’y laking iskwater,” – basagulero o palaaway “Si Bonifacio ay buhat sa paaralan ng karanasan.” – natuto sa sariling sikap at mga karanasan PATAMBIS (ANTITHESIS) ito ay isang pagpapalagay ng isang sugnay o ibang bahagi ng pangungusap laban sa isa pa na sinasalungatan niyon o “Ang bangan ng lahi kong ibig mapuno, Sa akin ay pawis ang dapat ibugso; Sudsod hindi sundang! Punla hindi punlo! Binhi hindi bomba! Pawis hindi dugo!” PAHIDWA (OXYMORON) Ito ay isang paraan ng pagpapahayag na nagbubunga ng isang bias sa pamamagitan ng mandi’y pansariling paghihidwa. o Noon ko nakitang ANG MALUNGKOT AY SUMAYA Dahil sa pagdating ng kanyang ama at ina No’n ko nadama ang SARAP NG PANGUNGULILA Pagkat sa LUMBAY N’YA AY NAROON ANG PAG-ASA. PASINTUNOG (ONOMATOPOEIA) Ito ay paggamit ng mga salitang kung ano ang gamit o tunog ay siyang kahulugan. o ANG KAMPANANG BASAG BA BAHAW NA BAHAW KUNG ANO’T TUMUTUNOG SA MADALING ARAW AT ANG TINUGTOG AGUNYAS NG PATAY; DALAWANG DIMENSYON NG PAGBIBIGAY KAHULUGAN 1. Denotasyon - literal na kahulugan ng salita. Ang kahulugan ay karaniwang nakikita sa diksyonaryo. 2. Konotasyon - ang malalim na kahulugan ng salita. Ito ang pansariling kahulugan sa salita ng isang tao o grupo ng mga tao na naaayon din sa panahon o henerasyon. Iba ang pagkakahulugan ng konotasyon sa karniwang kahulugan ng salita na nakikita sa diksyonaryo. Halimbawa: - buwaya Denotasyon - hayop Konotasyon - politiko sa kongreso/congressman - kutsarang pilak Denotasyon - kutsarang yari sa pilak (silver) Konotasyon mayaman - balat-sibuyas Denotasyon: balat ng sibuyas Konotasyon - sensitibo; madaling magtampo o masaktan ang damdamin