Uploaded by BEED 02 CTE

ponolohiya-130724225352-phpapp01

advertisement
Ponolohiya
PONOLOHIYA
Ang Ponolohiya o Palatunugan
Ang ponolohiya o palatunugan ay pag-aaral sa mga ponema (tunog), paghinto(juncture), pagtaaspagbaba ng tinig(pitch), diin(stress) at pagpapahaba ng tunog (prolonging/lengthening)
Sa Filipino, may mga tunog (ponema) na malayang nagpapalitan. Sa pagkakataon na ang ponema ay
malayang nagpapalit, ang baybay ng salita ay nag iiba ngunit hindi ang kanilang mga kahulugan. Ponema
ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng tunog.
Ang bawat wika sa daigdig ay binubuo ng mga tunog na binibigkas. Ang wikang Filipino ay may
sariling kakanyahan na nakabuhol sa natatanging kultura nito. Kaya‟t magiging madali at
malinaw ang pagkatuto ng Filipino kung lubos nating nauunawaan kung paano nalilikha ang mga
tunog na bumubuo rito. Ang lubos na kaalaman sa aspektong ito ay makatutulong nang malaki sa
pag-aaral ng wikang Filipino. Bilang panimula, atin munang, pag-aralan ang mga bahagi ng ating
katawan na ginagamit sa pagsasalita. Sa ibaba ay makikita ang isang saggital diagram na higit na
kilala sa taguring OSCAR.
Ang mga Prinsipal na Sangkap ng Pananalita
Ang larawan sa itaas ay nagpapakita ng mga bahaging ginagamit sa pagsasalita, mula sa hanging
nagmumula sa baga hanggang sa ito‟y makalabas sa babagtingang tinig sa paglabas sa labi o dili
kaya‟y sa ilong.
Ang Pagsasalita
Ayon sa mga linggwista, upang makapagsalita ang isang tao, siya‟y nangangailangan ng tatlong
salik. Ito ay ang mga sumusunod:
1. ang pinanggagalingan ng lakas o enerhiya
2. artikulador o ang pumapalag na bagay
3. resonador o ang patunugan
Dahil sa interaksyon ng tatlong salik na nabanggit, nakalilikha ang tao ng alon ng mga tunog.
Ang hangin ang siyang nagiging midyum ng mga alon ng tunog na dumarating sa ating mga
tainga.
Ang enerhiya ay ang presyong nalilikha ng papalabas na hiningang nagbubuhat sa baga na
siyang nagpapalag sa mga babagtingang tinig at gumaganap bilang artikulador. Lumikha ito ng
tunog na minomodipika naman ng bibig na siyang nagiging resonador. Ang bibig, gayundin ang
ilong, ang nagsisilbing mga resonador.
Kung ating susuriing muli ang sagittal diagram o si OSCAR, mamamalas natin na ito ay may
apat na bahaging kailangan sa pagbigkas ng mga tunog. Ito ay ang sumusunod:
1. dila at panga (sa ibaba)
2. ngipin at labi (sa unahan)
3. matigas na ngalangala (sa itaas)
4. malambot na ngalangala (sa likod)
Malaya nating naigagalaw ang ating panga at dila kayat dahil dito, nagagawa nating pagbagubaguhin ang hugis at laki ng espasyo sa loob ng bibig. Maraming posisyon ang nagagawa ng
ating dila. Maaari itong mapahaba, mapaikli, mapalapad, maipalag, maitukod sa ngipin o sa
ngalangala, mailiyad o mapaarko nang ayon sa tunog na nais likhain. Nalilikha ang mga
ponemang patinig sa pamamagitan ng pagbaba o pagtaas ng anumang bahagi ng dila (harap,
sentral, likod) at gayundin dahil sa pagbabago ng hugis ng espasyo ng bibig at ng mga labi na
nilalabasan ng tinig. Ang pagkakaiba-iba ng mga nabubuong tunog ay dahil na rin sa mga
pagbabagong nabanggit sa itaas. Sa pagkakataong ito, laging tandaan na higit na madaling
matutuhan ang palabigkasang Filipino kung ihahambing sa mga wikang kanluranin tulad ng
Ingles at Kastila dahil kakaunti lamang ang mga tunog na bumubuo ng wikang Filipino di tulad
ng dalawang wikang nabanggit na binubuo ng maraming ponema.
Katuturan ng Ponema
s
Ponema ang tawag sa isang makabuluhang tunog ng isang wika. Ito ay hango sa wikang Ingles
na phoneme na nahahati sa dalawang salitang phone (tunog) at –eme (makabuluhan) May tiyak
na dami ng mga ponema o makabuluhang mga tunog ang bawat wika. Binubuo ang wikang
Filipino ng dalawampu‟t limang (25) ponema – dalawampu (20) na ponemang katinig at limang
(5) ponemang patinig.
Mga Katinig - /p, t, k, ?, b, d, g, m, n, ŋ, s, h , f, v, z, l, r, j, w, y/
Mga Patinig - /a, e, i, o, u/
Sinasabing makabuluhan ang isang tunog kapag nag-iba ang kahulugan ng salitang
kinasasamahan nito sa sandaling ito‟y alisin o palitan. Ang salitang bansa, halimbawa, ay magiiba ng kahulugan kapag inalis o pinalitan ang /s/ ng /t/ na nagiging banta o threat. Samakatwid,
ang /s/ ay isang makabuluhang tunog sa Filipino.
Sapagkat konsitent ang palabaybayang Filipino na ang ibig sabihin ay may isa-sa-isang
pagtutumbasan ang ponema at ang letra o titik na kumakatawan dito, lahat ng simbolong
ginagamit upang magreprisinta ng ponema ay siya na ring ginagamit na mga letra sa
palabaybayan, matangi /?/ at /ŋ/. Sa ating palabaybayan, ang /?/ ay hindi binigyan ng katumbas
na letra. Sa halip, ito‟y isinama sa palatuldikan at tinutumbasan ng tuldik na paiwa (\). Naging
makabuluhan pa rin ang tunog na ito kung ito‟y papalitan ng ponema. Tulad ng salitang /pa:soh/
„walk‟ na magiging /pa:so?/ „ burn‟.
Ang /ŋ/ naman ay tinutumbasan ng digrapo o dalawang letrang “ng”.
Maitatanong marahil kung bakit ang mga titik na c, ñ, q, at x. Ang mga titik na ito ay walang
tiyak na ponemikong istatus o walang iisang tunog na tinutumbasan. Kaya ang mga titik na ito ay
tinaguriang redandant. Katulad ng ipinakita sa ibaba:
c = tinutumbasan ng s kung tunog /s/ tulad ng central = sentral
tinutumbasan ng k kung tunog /k/ tulad ng card = kard
ñ = tinutumbasan ng dalawang ponemang /n/ at /y/ tulad ng baño = banyo
q = tinutumbasan ng k kung tunog /k/ tulad ng quota = kota
tinutumbasan ng dalawang ponemang /k/ at /w/ kung may tunog nito
tulad ng quarter = kwarter
x = tinutumbasan ng s kung tunog /s/ tulad ng xerox = seroks
tinutumbasan ng dalawang tunog na /k/ at /s/ kung may tunog nito
tulad ng taxonomy = taksonomi
Anumang uri ng tunog na mapag-aaralan kung ito‟y isusulat upang makita kung papaano ito
binibigkas ay dapat naikulong sa dalawang pahilis na linya / /.
Uri ng Ponema
Binubuo ang wikang Filipino ng dalawang uri ng tunog: ang mga ponemang segmental at
suprasegmental. Kabilang sa mga segmental ang mga katinig, patinig, diptonggo, kambal-katinig
o klaster at pares minimal. Kasama naman sa mga suprasegmental ang diin, intonasyon at hinto.
Mga Ponemang Segmental
Ito ang mga tunog na ginagamitan ng mga katumbas na letra o titik upang mabasa at mabigkas.
Mga Ponemang Katinig. Ang mga katinig ng Filipino ay maisaayos ayon sa punto at paraan ng
artikulasyon at kung ang mga ito ay binibigkas nang may tinig (m.t.) o walang tinig (w.t.), gaya
ng makikita sa tsart sa ibaba:
PARAAN NG ARTIKULASYON PUNTO NG ARTIKULASYON
Panlabi Pangngipin PanlabiPangngipin Panggilagid Palatal Velar Panlalamunan Glottal
Pasara w.t.
m.t. p
bt
dk
g?
Pailong w.t.
m.t.
m
n
Ŋ
Pasutsot w.t.
m.t. f
vs
zh
Pagilid m.t. l
Pakatal m.t. r
Afrikatibo m.t. j
Malapatinig w.t. y w
Pansinin na ipinakikita ng punto ng artikulasyon kung saang bahagi ng bibig nangyayari ang
pagbigkas ng isang katinig. Sa pamamagitan ng walong punto ng artikulasyon ay mailalarawan
natin ang ponemang katinig ng Filipino.
1. Panlabi – dumidiit ang ibabang labi sa labing itaas /p,b,m/.
2. Pangngipin – dumidiit sa loob ng mga ngiping itaas ang dulo ng dila /t,d,n/.
3. Panlabi-Pangngipin – dumidiit ang ibabang labi sa mga itaas na ngipin /f,v/.
4. Panggilagid – ang ibabaw ng dulong dila ay lumalapit o dumidiit sa punong gilagid /s,z,l,r/.
5. Palatal – lumalapit o dumidiit sa matigas na bahagi ng ngalangala ang ibabaw ng punong dila
/y/.
6. Velar – dumidiit sa velum o malambot na bahagi ng ngalangala ang ibabaw ng punong dila
/k,g,ŋ,w/.
7. Panlalamunan – ang likurang bahagi ng dila ay dumidiit sa lalamunan /j/.
8. Glottal – lumalapit o dumidiit ang mga babagtingang pantinig at hinaharang ang presyon ng
papalabas na hiningang galing sa baga at pagkatapos ay pakakawalan upang bumuo ng paimpit o
pasutsot na tunog /?,h/.
Ang paraan ng artikulasyon naman ay inilalarawan kung papaanong gumagana ang ginagamit na
mga sangkap sa pagsasalita at kung paanong ang hininga ay lumalabas sa bibig o sa ilong sa
pagbigkas ng alinman sa mga ponemang katinig. Ang paraan ng artikulasyon sa Filipino ay
mapapangkat sa pito, gaya ng mga sumusunod:
1. Pasara o Istap – harang na harang ang daan ng hangin /p,t,k,?,b,d,g/
2. Pailong o Nasal – sa ilong lumalabas ang hangin na naharang dahil sa pagbaba ng velum at
hindi sa bibig /m,n,ŋ/
3. Pasutsot – ang hanging tumatakas ay nagdaraan sa makipot na pagitan ng dila ng ngalangala
okaya‟y ng mga babagtingang pantinig /f,v,s,z,h/.
4. Pagilid o Lateral – ang dulong dila ay nakadikit sa punong gilagid kung kayat ang hangin ay
lumalabas sa gilid ng dila /l/.
5. Pakatal o Thrill – ang hangin ay ilang ulit na hinaharang at pinababayaang lumabas sa
pamamagitan ng mabilis na paggalaw ng dulo ng nakaarkong dila /r/.
6. Afrikatibo – nang una ay pinipigilan ng babagtingang patinig ang hangin sa paglabas ngunit
pagkamaya-maya pa‟y buong pinakawalan rin ito /j/.
7. Malapatinig o Glayd – katulad ngunit kaiba sa mga katinig, dito‟y nagkakaroon ng galaw mula
sa isang posisyon ng dila patungo sa ibang posisyon /w,y/.
Ponemang Patinig. Binubuo ang wikang Filipino ng limang ponemang patinig. Ang mga ito ay
maaari ring maiayos batay sa kung anong bahagi ng dila ang gumagana sa paglikha ng tunog
(harap, sentral, likod) at kung ano ang posisyon ng nabanggit na bahagi sa pagbigkas (mataas,
gitna o mababa) tulad ng makikita sa ibaba:
Harap Sentral Likod
Mataas i u
Gitna e o
Mababa a
Ang Ponolohiya o Palatunugan
Ang ponolohiya o palatunugan ay pag-aaral sa mga ponema (tunog), paghinto(juncture), pagtaaspagbaba ng tinig(pitch), diin(stress) at pagpapahaba ng tunog (prolonging/lengthening)
Sa Filipino, may mga tunog (ponema) na malayang nagpapalitan. Sa pagkakataon na ang ponema ay
malayang nagpapalit, ang baybay ng salita ay nag iiba ngunit hindi ang kanilang mga kahulugan. Ponema
ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng tunog.
Ang Morpolohiya at ang Morpema
MORPOLOHIYA
Ang morpolohiya ay ang pag-aaral ng mga morpema ng isang wika at ngpagsasama-sama ng mga ito upang
makabuo ng salita. Anupa’t kung ang ponolohiya ay tungkol sa pag-aaral ng set ng mga tunog na bumubuo ng mga
salita sa isang wika, ang morpolohiya ay ang pag-aaral sa pagbuo ng mga salita sa pamamagitan ng iba’t ibang
morpema.
Katuturan ng Morpema
Galing ang salitang morpema sa katagang morpheme sa Ingles na kinuha naman sa salitang Griyego –
morph (anyo o yunit) + eme (kahulugan). Sa payak na kahulugan, ay ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na
nagtataglay ng kahulugan. Ang ibig sabihin ng pinakamaliit na yunit ay yunit na hindi na maaari pang mahati nang
hindi masisira ang kahulugan nito. Ang morpema ay maaaring isang salitang-ugat o isang panlapi. Ang lahat ng
mga morpemang mababanggit ay dapat na ikulong sa { }.
Ang salitang makahoy, halimbawa ay may dalawang morpema: (1) ang unlaping {ma-} at ang salitang-ugat na
{kahoy}. Taglay ng unlaping {ma-} ang kahulugang “marami ng isinasaad ng salitang-ugat”. Sa halimbawang
salitang makahoy, maaaring masabing ang ibig sabihin nito’y “maraming kahoy”. Ang salitang ugat na kahoy ay
nagtataglay rin ng sariling kahulugan. Ito ay hindi na mahahati pa sa lalong maliliit na yunit namay kahulugan.
Ang ka at hoy, ay mga pantig lamang na walang kahulugan. May pantig na panghalip na ka sa Filipino, gayundin
naman ng pantawag na hoy, ngunit malayo na ang kahulugan ng mga ito sa salitang kahoy.
Samantala, pansinin ang salitang babae, bagamat may tatlo ring pantig na tulad ng mabait, ay binubuo
lamang ng iisang morpema. Hindi na ito mahahati pa sa maliit na yunit o bahagi nang hindi masisira ang kahulugan.
Hindi morpema ang mga sumusunod na maaaring makuha sa babae: be, e, baba, bae, bab, aba, abab, at ab. Maaaring
maibigay tayong kahulugan sa baba at aba ngunit gaya ng naipaliwanag na, malayo na ang kahulugan ng mga ito sa
babae.
Uri ng Morpema
May dalawang uri ng morpema ayon sa kahulugan. Makikita ito sa halimbawang pangungusap sa ibaba.
Magaling sumayaw si Rik kaya siya ay nanalo sa dance olympic.
1.
Mga morpemang may kahulugang leksikal. Ito ang mga morpemang tinatawag ding pangnilalaman pagkat may
kahulugan sa ganang sarili. Ito ay nangangahulugan na ang morpema ay nakakatayo ng mag-isa sapagkat may
angkin siyang kahulugan na hindi na nangangailangan ng iba pang salita. Halimbawa sa pangungusap sa itaas, ang
mga salitang magaling, sumayaw, Rik, siya, nanalo, dance at olympic ay nakakatayo nang mag-isa dahil
nauunawaan kung ano ang kanilang mga kahulugan. Kabilang sa uring ito ang mga salitang pangngalan, pandiwa,
pang-uri at mga pang-abay. Tulad ng mga sumusunod:
Pangngalan:
Panghalip:
Pandiwa:
Pang-uri:
Pang-abay:
2.
Rik, dance, olympic, aso, tao, paaralan, kompyuter
siya, kayo, tayo, sila, ako, ikaw, atin, amin, ko, mo
sumayaw, nanalo, mag-aral, kumakanta, naglinis
banal, maligaya, palaaway, balat-sibuyas, marami
magaling, kahapon, kanina, totoong maganda, doon
Mga Morpemang may kahulugang pangkayarian. Ito ang mga morpemang walang kahulugan sa ganang sarili at
kailangang makita sa isang kayarian o konteksto upang maging makahulugan. Ito ang mga salitang
nangangailangan ng iba pang mga salita upang mabuo ang kanilang gamit sa pangungusap. Tulad ng halimbawang
pangungusap sa itaas, ang mga salitang si, kaya, ay at sa ay hindi makikita ang kahulugan at gamit nito sa
pangungusap kung wala pang ibang salitang kasama. Ngunit ang mga salitang ito ay malaking papel na
ginagampanan dahil ang mga ito ay nagpapalinaw sa kahulugan ng pangungusap. Hindi naman maaaring
sabihing, Magaling sumayaw Rik siya nanalo dance olympic. Kasama sa uring ito ang mga sumusunod:
Pang-angkop:
Pangatnig:
Pang-ukol:
Pananda:
na, -ng
kaya, at, o saka, pati
sa, tungkol sa/kay, ayon sa/kay
ay, si, ang, ng, sina, ni/nina, kay/kina
Anyo ng Morpema
May tatlong anyo ang morpema. Makikilala ang mga morpemang ito batay sa kanyang anyo o porma. Ito ay
maaaring ayon sa mga sumusunod:
1.
Morpemang ponema. Ito ay ang paggamit ng makahulugang tunog o ponema sa Filipino na nagpapakilala ng gender
o kasarian. Oo, isang ponema lamang ang binabanggit ngunit malaking faktor ito upang mabago ang kahulugan ng
isang salita. Halimbawa ng salitang propesor at propesora. Nakikilala ang pagkakaibang ito sa pamamagitan ng {-a}
sa pusisyong pinal ng ikalawang salita. Ang ponemang /a/ ay makahulugang yunit na nagbibigay ng kahulugang
“kasariang pambabae.” Samakatwid, ito ay isang morpema. Ang salitang propesora ay binubuo ng dalawang
morpema: {propesor} at {-a}. Iba pang halimbawa:
Doktora
Senyora
Plantsadora
Kargadora
Senadora
-
{doktor} at {-a}
{senyor} at {-a}
{plantsador} at {-a}
{kargador} at {-a}
{senador} at {-a}
Ngunit hindi lahat ng mga salitang may inaakalang morpemang {-a} na ikinakabit ay may morpema na. Tulad
ng salitang maestro na naging maestra. Ang mga salitang ito ay binubuo lamang ng tig-iisang morpema, {maestro} at
{maestra}. Ang mga ponemang {-o} at {-a} na ikinakabit ay hindi mga morpema. Dahil wala naman tayong mga
salitang {maestr} at sasabihing morpemang {-o} at {-a} ang ikinakabit dahil nagpapakilala ng kasariang panlalaki at
ganoon din sa pambabae. Tulad din ng sumusunod na mga salita na may iisang morpema lamang:
bombero
kusinero
abugado
Lito
-
na hindi {bomber} at {-o} o {-a}
na hindi {kusiner} at {-o} o {-a}
na hindi {abugad} at (-o} o {-a}
na hindi {lit} at {-o} o {-a}
Mario
2.
na hindi {mari} at {-o} at {-a}
Morpemang salitang-ugat (su). Ang mga morpemang binubuo ng salitang-ugat ay mga salitang payak, mga salitang
walang panlapi. Tulad nito:
tao
pagod
basa
3.
-
silya
tuwa
laro
druga
pula
aral
payong
liit
kain
jet
taas
sulat
Morpemang Panlapi. Ito ang mga morpemang ikinakabit sa salitang-ugat. Ang mga panlapi ay may kahulugang
taglay, kaya’t bawat isa ay isang morpema. Halimbawa, ang panlaping {um-}/{-um-} ay may kahulugan “pagganap
sa kilos na isinasaad ng salitang-ugat. Sa pandiwang umaawit, ang {um-} ay nangangahulugang “gawin o ginawa
ang kilos ng pag-awit. Tulad ng mga sumusunod:
mag-ina
maganda
magbasa
bumasa
aklatan
pagsumikapan
{mag-} at {ina}
{ma-} at {ganda}
{mag-} at {basa}
{-um-} at {basa}
{-an} at {aklat}
{pag-, -um-, -an} at {sikap}
Download