Ang Gramatika at Estilo ng Retorika Pangalawang Linggo Ang Gramatika ng Retorika Retorika – proseso ng maayos at maingat na pagpili ng wasto, malinaw, mabisa at kaaya-ayang pananalita sa pagpapahayag ng mensahe upang higit na aunawaan ng mga nakikinig o nagbabasa. Gramatika – ay kinalaman sa tungkulin (function) ng mga salita at ng ugnayaan (relation) sa loob ng pangungusap. Halimbawa: A: Asan nau? B: D2 na me sa amin. A: Punta u d2. Halimbawa: A: Nasa’n ka no’ng Fiday? B: Nag-research para sa assignment natin sa English. A: Sayang! Hindi mo napakinggan ang lecture ni Sir. Halimbawa sa mga Pahayagan Partikular na ina-address ng dagdag-pondo ang kulang na classroos, teachers, upuan at mga textbooks sa public schools. Patay ang isang fourth year high school student na babae pagkatapos matamaan ng kidlat. Kaayusan ng mga Salita sa Pagbuo ng mga Pangungusap at Organisasyon ng mga Ideya Paksa – bahaging pinag-uusapan o binibigyang tuon sa pangungusap. Ito ay maaring pangngalan o panghalip. Ito ay may kalakip na panandang ang/ang mga, si/sina. Panaguri – nagbibigay-kaalaman tungkol sa paksa. Mga ayos ng pangungusap KARANIWANG AYOS HINDI KARANIWANG AYOS/ KABALIKANG AYOS (ang) panaguri + (ang) paksa (ang) paksa+ay+(ang) panaguri Maging guro ang pangarap Ang pangarap niya ay niya. Malinaw ang kanyang talumpati. maging guro. Ang kanyang talumpati ay malinaw. Pagpili ng Mabisang Salita para sa Mabisang Pagpapahayag Pagpapayaman ng talasalitaan ng mga magaaral. Pagsasalita nang wasto tungkol sa iba’t-ibang kalagayan sa buhay. Pakikilahok nang wasto sa mga usapan. Pag-uulat tungkol sa mga bagay-bagay sa paligid. Pagsasalaysay ng mga karanasan. Pagpili ng Mabisang Salita para sa Mabisang Pagpapahayag Paglalarawan ng tao, bagay, pook at pangyayari. Pakikipagtalo tungkol sa iba’t-ibang paksa. Pagpapaliwanag tungkol sa nakita, nabasa, narinig o naranasan. Pagsasadula ng mga kuwento at mga kalagayan tungkol sa kabutihang-asal. Pagmumungkahi tungkol sa ikabubuti ng tahanan, paaralan at bayan. Pagpili ng Mabisang Salita para sa Mabisang Pagpapahayag Pagpapahalaga sa tula, maikling kuwento, nobela at dula. Pagbigkas ng tula at talumpati. Pagbibigay ng mga bugtong. Salawikain at mga tanging kasabihan ng mga paham. Paglalahad ng anumang paksang nasa kakayahan. Pagpapahayag ng kuro-kuro at diwa. Dalawang kaantasan ng salita PORMAL NA MGA SALITA Pambansa – ginagamit sa mga aklat at mga magasin na nababasa sa buong kapuluan (opisina, paaralan at pamahalaan). Pampanitikan – ginagamit sa paglikha ng mga obra gaya ng nobela, tula, kuwento at iba pa (manunulat). DI PORMAL/ IMPORMAL NA MGA SALITA Ginagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay. Lalawiganin – salitang pangrehiyon o panlalawigan (Cebuano, Tagalog). Balbal – slang sa Ingles (konyo). Kolokyal – salitang kalye (ermat, aywan, yorme). Paggamit ng Rhetorical Devices Mga Tayutay Mga Matalinghagang Salita Mga Tayutay Pagtutulad o Simile – payak at lantad na paghahambing. Gumagamit ng katulad ng, tulad ng, parang, para ng, kapara ng, animo’y, anki’y, kawangis, kagaya ng, gaya ng, at iba pa. - Ang buhay ng tao’y parang gulong. - Animo’y maamong tupa kung siya’y humarap sa taong-bayan. Mga Tayutay Pagwawangis o Metapora – tuwirang paghahambing na hindi gumagamit ng mga pahambing na salita o parirala. - Siya ay Leon kung magalit. - Maamong tupa kung siya’y makiusap. Mga Tayutay Pagmamalabis o Hyperbole – Pagpapahayag na lubhang pinalalabis o pinakukulang ang tunay na kalagayan ng tao, bagay o pangyayari. - Gabundok ang kanyang huhugasang pinggan. - Bumaha ng luha sa kanyang kuwarto. Mga Tayutay Pagsasatao o Personipikasyon – Pagsasalin ng katalinuhan at mga katangian ng tao sa mga bagay o hayop na walang katalinuhan o katangian gaya ng sa tao. - Kumakaway sa akin ang dahoon ng talahib. - Nangungusap ang langit. Mga Tayutay Pag-uyam o Sarcasm – Pagpapahayag ng pangungutya sa pamamagitan ng mga salitang parang pumupuri. - Siya ang pinakamatalino, pinakamatalino sa lahat ng bob. - Ang ganda ng kanyang mga binti, sakang naman. Mga Tayutay Pagpapalit-saklaw o Synecdoche – Pagpapakita ng kauuan para sa isang bahagi. - Hihingin ko ang kanyang kamay. - Ayaw kong makita ag mukha mo! Mga Tayutay Balintuna o Irony Salantuna o Paradox Pagpapalit-tawag o Metonymy Tanong Retorikal o Rhetorical Question – O, pangarap, kalian ka matutupad? O, pag-ibig, kalian ka pamamasid? Mga Matalinghagang Pananalita Parang pinag-awayan ng aso’t pusa Balat-sibuyas Kulubot na ang balat Magkibit-balikat Balimbing May pakpak ang balita Bantay-salakay Iba pang mga salik ng Salita Kahulugang Konotatibo – nakabatay sa mga tagapakinig ang ibig ipahiwatig ng kahulugan. Kahulugang Denotatibo – nakabatay ang kahulugan sa diksyonaryo. Kahulugang Tekstuwal – hayagang kahulugan Kahulugang Kontekstuwal – panlipunang kahulugan Iba pang mga salik ng Salita Kahulugang Substekstuwal – hindi tuwiran ang ibig ipakahulugan Kahulugang Intertekstuwal