SURIGAO DIOCESAN SCHOOL SYSTEM 8418, National Road, Del Carmen, Surigao del Norte Member: Catholic Education Association of the Philippines (CEAP) Surigao Association of Catholic Schools (SACS) Email: mcssdelcarmen@gmail.com Cell No.: 0910-226-9709 Mt. Carmel School of Siargao, Inc. Teacher’s Learning Plan in Filipino 7 4th Quarter, SY 2020-2021 Subject: Expert Teacher: Activity No. : Topic: Learning Target: References: Type of Activity: Filipino Clevient John D. Lasala 4.3 Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna Magagawa kung maggamit ang mga larawan sa pagpapaliwanag sa mahalagang kaisipan mula sa binasang akda Ramilito Correa., (2015). Baybayin: Paglalayag sa Wika at Panitikan Baitang 7. Nicanor Reyes St., Sampaloc, Manila: Rex Publishing House, p309-315 Concept Notes I. Motivation (Comparison & Contrast) Natatandaan mo pa ba ang mga mahiwagang hayop na ito sa inyong tinalakay sa mga naunang seleksyon? Paghambingin ang bawait isa. Ilarawan ang kanilang mga katangian. Muli kayong makakakilala ng isa pang kakaibang ibon na may pambihirang katangian at kapangyarihan. II. Concept Notes Dalawang Paraan ng Paglalarawan 1. Karaniwan- payak o karaniwang paraan ng paglalarawan lamang ito. Hiindi ito nangangailangan ng mabigat na pantukoy o matalinghagang paglalarawan ng damdamin o emosyon. Halimbawa: -Malakas at matipuno ang pangangatawan ni Don Juan. 2. Masining na Paglalarawan- isa itong paglalarawan na humihingi ng maayos at maingat na pagpili ng pananalita. Madalas na matalinghagang pahayag ang ginagamit sa paglalarawan. Halimbawa: -Mala-Herkules ang lakas at katawan ni Don Juan. (Ang guro ay magbibigay ng handout tungkol sa akdang “Buod ng Ibong adarna”.) III. Learning Experiences A. Checking for Understanding Learning Strategy: Collaborative Learning (Formative Assessment) Panuto. Bumuo ng grupo na may anim hanggang walong myembro. Sa pamamagitan ng katawan at aksiyon ng bawat miyembro, bubuo ang grupo ng larawan na magpapaliwanag ng mahahalagang kaisipang nasasalamin sa akda. Matapos pumili ng mahalagang kisipan, isa-sang pupunta ang grupo sa harap upang gawin ang paglalarawan. Panonoorin naman ng ibang grupo ang paglalarawan upang mapag-usapan ang kahusayan at kahinaan ng ginawang presentasyon. Mga kaisipang nasasalamin: 1. Walang mabuting naidudulot ang pagkainggit 2. Pagpapahalaga ng anak sa magulang. 3. Ang may mabuting kalooban ay biniyayaan. 4. Ang mga sinaunang Pilipino ay naniniwala sa kababalaghan. 5. Huwag sumuko sa mga pagsubok sa buhay. 6. Mga anak na tinuruan ng kabutihan. 7. Pagtulong sa nangangailangan. 8. Paggawa ng makakaya para sa mahal na ama 9. Paghingi ng patnubay sa Maykapal B. Processing Questions (Peer sharing) 1. Base sa inyong kilos, ano sa tingin niyo ang paraan ng inyong paglalarawan? 2. Paano naiba si Don Juan sa kanyang mga kapatid? 3. Sa paanong paraan maaring magamit ang mga aral na ito sa sariling buhay? C. Concluding Statement (Reflection) Sumulat ng isang maikling repleksyon tungkol sa naging karanasan mo sa gawain. Sikaping maisulat ito sa lima hanggang sampung pangungusap. D. Evaluation (Summative Assessment) Panuto. Ibigay ang katangian ng bawat tauhan sa Ibong Adarna. Bilugan ang ginamit na karaniwang paglalarawan at guhitan naman ang ginamit na masining na paglalarawan. 1. Haring Fernando Katangian ________________________________________________________________________ 2. Don Pedro Katangian ________________________________________________________________________ 3. Don Diego Katangian ________________________________________________________________________ 4. Don Juan Katangian ________________________________________________________________________ 5. Ibong Adarna Katangian ________________________________________________________________________