LEARNING KIT I. TITLE Subject: Araling Panlipunan 9 Time Frame: 2 Days (Week 1) Topic: Ang Agham ng Ekonomiks II. OVERVIEW Sa Learning Kit na ito matutuklasan ang kahulugan at kahalagahan ng Ekonomiks sa pang-arawaraw na pamumuhay. Ito ay naglalaman ng mga kasanayan na makakatulong sa iyo para malaman ang kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks. III OBJECTIVE: Sa wakas ng aralin, ang mga mag-aaral ay: Nabibigyang kahulugan ang ekonomiks. Nasusuri ang kaugnayan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay. Napahahalagahan ang ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya at lipunan. IV CONTENT A. Let’s Get Involved Maraming bagay at kaalaman ang gustong makamit ng tao ngunit hindi niya magawa dahil sa iba’t-ibang kadahilanan kaya kailangan niyang matutuhan ang agham ng ekonomiks. Handa ka na ba itong tuklasin? Buksan ang iyong Genyo Account, suriin ang mga Larawang nakapaloob sa Lesson Package ng Araling ito, at Sagutan ang mga sumusunod na Katanungan sa pamamagitan ng Genyo Blog. B. Let’s Get Involved Buksan ang iyong Genyo Account at pakinggan at pagnilayan ang maiksing Video Clip. C. Let’s Clarify Things Ekonomiks Ito ay nagmula sa salitang griyego oikonomos, na hango sa salitang oikos (pamamahala) at nomos (tahanan) Samakatuwid, ang oikonomos ay nangangahulugan ng “pamamahala ng sambahayan”. Ito ay pag-aaral ng wastong paggamit at pamamahagi ng mga yaman upang matugunan ang mga pangangailangan at kagustuhan. Apat na elemento na mahalagang pagtuunan ng pansin: 1. Pangangailangan at kagustuhan Ang lahat ng tao ay mayroong kani-kaniyang pangangailangan at kagustuhan. Gagawa ng iba’t ibang paraan ang tao upang makamit ang mga ito. Pangangailangan Ito ay mga bagay na lubhang mahalaga upang ang tao ay mabuhay kabilang dito ang mga basic needs – damit, pagkain, at tirahan. Kapag ipinagkait ang mga bagay na nakatutugon sa mga pangangailangan ng tao, magdudulot ito ng sakit o kamatayan. Kagustuhan Ito ang paghahangad ng mga bagay na higit pa sa batayang pangangailangan (basic needs). Ito ang mga bagay na maaaring wala ang isang tao subalit sa kabila nito ay maaari pa rin siyang mabuhay. Hinahangad ito ng tao sapagkat ito ay magbibigay kaginhawaan, kasiyahan, kaunlaran, at karangalan. 2. Yaman Ito ay tumutukoy sa lahat ng ginagamit upang makagawa ng isang produkto 3. Paggamit at pamamahagi Ito ay tumutukoy sa proseso ng produksiyon, distribusiyon, at pagkonsumo. 4. Pagtugon sa mga pangangailangan at kagustuhan Positive Economics --- Ito ay gumagamit ng mga eksaktong modelo na may obhetibong pananaw upang mataya ang epekto ng ekonomiya sa tiyak na paraan. Noramative Economics --- Ito ay paraan ng pag-aarl ng mga ekonomista na nakabatay sa personal na reaksyon o opinyon ng mga tao o ng lipunan. Pangunahing Sangay ng Ekonomiks 1. Maykroekonomiks --- Ito ay sangay ng ekonomiks na sumusuri sa pamilihan at sa galaw ng presyo ng mga produkto. Demand --- Ay ang pagkagusto o pagbili sa isang produkto. Suplay --- Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na maaaring ibenta. 2. Makroekonomiks --- Ito ay ang pag-aaral tungkol sa ekonomiya ng buong bansa at kung paano ito pinamamahalaan ng pamahalaan sa pamamagitan ng iba’t-ibang polisiya at patakaran. Mayroong dalawang polisiyang pang-ekonomiya na dapat bigyang pansin ng pamahalaan: a. Patakarang Piskal --- Ito ay tumutukoy sa paraan ng pamahalaan sa paggastos b. Patakarang Pananalapi --- Ito naman ay tumutukoy sa paraan ng pamamahala sa pananalapi at presyo, at pagpapanatili ng matatag na bangko. Tandaan: Ang papel ng pamahalaan sa makroekonomiks ay mahalaga dahil ito ang nagbibigay ng direksyon sa patutunguhan ng ekonomiya ng bansa. Samantalang, ang sangay naman ng maykroekonomiks, maaring walang papel ang pamahalaandahil maaaring malayang gumalaw ang pamilihan kahit walang partisipasyon ang pamahalaan. Pagkakahati ng ekonomiks sa iba’t ibang larangan 1. Urban Economics Isang larangan kung saan pinag-aaralan ang sitwasyon ng pamumuhay sa mga lungsod. Sakop ng larangang ito ang wastong paggamit ng lupa sa mga lungsod, paggamit ng mga likas na yaman, at pagtugon sa mga suliraning pang-ekonomiyang kaugnay ng mga nabanggit. 2. Rural Economics Nakatuon sa pagpapaunlad ng mga lalawigan o mga lugar na nasa labas ng urban zones. 3. Labor economics Sumasaklaw sa parehong urban at rural area. Binibigyang-pansin nito ang mga Karapatan ng mga manggagawa, tulad ng wastong pasahod, takdang oras ng trabaho, at iba pang benepisyo ng mga ordinaryong manggagawa. 4. International economics Nakatuon sa kalakalan ng iba’t ibang bansa at kung paano ito naaapektuhan ng mga pagbabago at krisis pang-ekonomiya ng isang bansa. 5. Development economics Nakatuon sa pagpapaunlad ng mga bansa sa pamamagitan ng pagkompara ng mga kalagayan at polisiya ng iba’t ibang bansa. 6. War economics Nakatuon sa dahilan at epekto ng digmaan o kaguluhan sa mga bansa. Sinisiyasat din ng larangang ito kung paano ginagamit ng mga bansang sangkot sa digmaan ang mga yaman sa pagsisimula, pagpapanatili, at pagtatapos ng digmaan. 7. Gender economics Naaanalisa ang pagkakaiba ng mga kasarian ng mga tao sa pagpapatakbo ng isang ekonomiya. Sinusuri sa larangang ito ang pagkakaiba ng kakayahan, kita at iba pang aspektong may kinalaman sa ekonomiya sa bawat kasarian. 8. Health economics Inaalam ang epekto ng pagkakaroon ng sakit at pagbibigay-ayuda sa buong populasyon upang matiyak ang kalusugan ng mga mamamayan. Saligan ng Ekonomiks Ang Ekonomiks ay higit na nakilala bunga ng kaisipan ng sumusunod na ekonomista at pilosopo. Adam Smith Ama ng Makabagong Ekonomiks. An Inquiry into the Nature and Causes of Wealth of Nations (1776), dito isinulat; Ang laissez-faire (let alone sa Ingles) Ito ay nagpapaliwanag na hindi dapat makialam ang pamahalaan sa pagpapatakbo ng ekonomiya ng pribadong sector; sa halip, kailangan pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang pagpapanatili ng kapayapaan ng bansa. “Invisible Hand” ito ang siyang nagmamanipula ng ekonomiya, kaya nagpapatuloy ang paggalaw ng ekonomiya kahit walang gampanin ang pamahalaan. Sa kasalukuyan, ito ay kilala sa Ekilibriyong Presyo. Francois Quesnay Isang ekonomistang Pranses na nagtaguyod ng kaisipang physiocrat. Ang Physiocracy ay isang kaisipang nagbibigay diin sa kahalagahan ng lupa bilang batayan ng kayamanan ng mga bansa. David Ricardo Isinilang sa London noong ika-18 Abril 1772 panahon ng paglaganap ng merkantilismo. Sa Merkantilismo, pinainiwalaan na mahalaga ang papel ng pamahalaan sa pangekonomiyang pag-unlad na sinusukat base sa dami ng ginto at pilak ng bansa. Higit siyang nakilala sa kaniyang dalawang ideya: Law of Diminishing Marginal Returns --- Ang patuloy na paggamit ng tao sa mga likas na yaman ay nagiging dahilan ng pagliit ng nakukuha mula sa mga ito. Law of Comparative Advantage --- Isang prinsipyong nagsasaad na mas nakalalamang ang mga bansa na nakagagawa ng mga produkto sa mas mababang halaga (Production Cost) kumpara sa ibang bansa. Alfred Marshall Nangunang tagapagsulong ng Neoclassical Economics. Neoclassical Economics isang pamamaraan ng pagtingin sa ekonomiks na nakasentro sa demand at suplay upang matukoy ang presyo, produkto at kita. Sa aklat ng Principles of Economics noong 1890, ipinakilala ang konsepto ng elastisidad. Karl Marx Siya ang tinaguriang “Ama ng Komunismo” Isinulat niya ang Communist Manifesto, kung saan tinalakay niya ang konspeto ng burgesya at proletaryador. Burgesya --- ito ay tumutukoy sa mga kapitalista na mayroong control sa yaman ng isang bansa. Proletaryador --- Sila ay mga ordinaryong manggagawa na umaasa sa mga Kpaitalista. Sinulat din niya ang aklat na Das Kapital kung saan dito, ipinaliwanag niya ang pagbabagong mangyayari kung saan mawawala ang herarkiya ng tao sa lipunan. John Maynard Keynes Ang “The General theory of Employment, Interest, and Money” ay isa sa pinakamaimpluwensiyang aklat sa larangan ng ekonomiks. Dahil sa kaniyang teorya, ang kaisipan ng malawak na paggalaw ng pamahalaan ay tinatawag na kaisipang Keynisian o Keynisian Economics. Siya ay itinuturing na Ama ng Makroekonomiks. Kahalagahan ng Pag-aaral ng Ekonomiks 1. Dito matutuhan ng bawat ng indibidwal ang mga kaisipan, kasanayan, at konsepto na nagpapaliwanag kung bakit ang mga tao sa lipunan ay patuloy na kumikilos na magkaroon ng ikabubuhay. 2. Maunawaan na ang bawat desisyon ng tao ay maaaring makaapekto sa ekonomiya ng bansa. 3. Mapahalagahan ang pagtupad at pagganap ng tungkulin bilang isang mamamayan. 4. Ito ay lilinang sa kaisipan ng kabataan upang maging mapanuri, mapagmasid, at kritikal sa mga kaganapan sa ating lipunan. D. Let’s Reinforce Learning Ang mga tao ay lagging abala sa pang-araw-araw nilang buhay sapagkat nais nilang matugunan ang kanilang pangangailangan. Alamin Natin… Paano mo magagamit ang iyong kaalaman sa ekonomiks sa pagpapaunlad ng iyong pamumuhay at ng iyong pamilya at lipunan? E. Let’s Evaluate Buksan ang iyong genyo Account at sagutan ang maikling pagsusulit