Uploaded by Kristine Joy Alimpoyo

AMERIKANO- KOMUNIKASYON

advertisement
Pagbabago sa
Komunikasyon sa
Panahon ng Amerikano
Anu-ano
ang mga
makabagong kagamitan na
ginagamit sa
komunikasyon sa bansa?
Ano ang mga gamit na ito?
Saan ito ginagamit?
Meron pa ba kayang gamit na ganito?
Anu-ano ang mga makabagong kagamitan sa
komunikasyon?
Ang pag-unlad ng sistema Komunikasyon sa bansa sa
panahon ng mga Amerikano
 Naging
maunlad ang komunikasyon noong panahon ng
mga Amerikano sa Pilipinas.
 Noong
1905, itinatag ang Kawanihan ng Pahatirang
Kawad na namamahala sa mga serbisyo tulad ng
pagahahatid;
 Sulat
 Telegram
 Airmail
 Money
order
 Napabilis
din ang daloy komunikasyon sa loob at
labas ng bansa sa pamamagitan ng pagtatatag
ng isang tanggapang pangkoreo sa bawat
munisipalidad.
 Ipinakilala rin sa panahon ng mga Amerikano
ang mga makabagong kagamitan sa
komunikasyon tulad ng telepono, radyo at
wireless telegraph.
 Noong 1933, itinatag ang serbisyo ng
radiophone na nag-ugnay sa Pilipinas sa ibang
lungsod sa daigdig.

Epekto ng pag-unlad ng komunikasyon sa pamumuhay ng mga Pilipno

Ang pagpapaunlad sa sistema ng tranportasyon at komunikasyon ay
inasikaso ng mga Amerikano upang mapadali ang pagdadala ng produkto
mula sa mga taniman tungo sa mga sentrong pamilihan.

Nagkaroon ng serbisyo sa radio at mayroon ng higit sa 1000 koreo sa bansa
kung kaya naging madali ang komunikasyon sa iba’t ibang bahagi ng
Pilipinas.

Naiugnay nito sa isa’t isa ang mga Pilipino at naisulong ang pagbabago.

Napadali ang pagresponde sa mga kaganapan sa iba’t-ibat bahagi ng
Pilipinas.

Dahil napabilis ang daloy komunikasyon sa loob at labas ng bansa, mabilis
din ang daloy ng kalakalan at pagluwas ng mga produkto sa maraming lugar.

Nagbunga ito ng maraming trabaho at pagbabago ng kabuhayan.
Karagdagang Kaalaman
 Ang
komunikasyon sa Pilipinas ay
pinangangasiwaan ng Commission on
Information and Communications
Technology (CICT) o ang Komisyon sa
Teknolohiyang Pang-impormasyon at
Pangkomunikasyon.
Pagsasapuso
Bilang
Pilipinong kabataan,
paano mo bigyan-halaga ang
naibahaging tulong ng mga
Amerikano sa sistema ng
Komunikasyon sa bansa?

PAGTATATAYA

Isulat ang salitang K kung ang pangungusap ay katotohanan at HK kung hindi.
Isulat ang sagot sa patlang.

____________ 1. Ang pagpapaunlad sa sistema ng tranportasyon at komunikasyon
ay inasikaso ng mga Amerikano upang mapadali ang pagdadala ng produkto mula sa
mga taniman tungo sa mga sentrong pamilihan.

___________ 2. Ipinakilala rin sa panahon ng mga Amerikano ang mga
makabagong kagamitan sa komunikasyon tulad ng telepono, radyo at wireless
telegraph.

____________ 3. Nagkaroon ng serbisyo sa radio at mayroon ng higit sa 1000
koreo sa bansa kung kaya naging madali ang komunikasyon sa iba’t ibang bahagi ng
Pilipinas.

____________ 4. Maraming Pilipino ang nawalan ng trabaho at lalong naghirap
ang pamumuhay nila dahil sa sistema ng komunikasyon.

____________ 5. Mabagal ang pagresponde sa mga kaganapan sa iba’t-ibat bahagi
ng Pilipinas noong panahon ng mga Amerikano.
V.
Takdang-Aralin
Alamin ang ibig sabihin ng salitang
“pasipikasyon at kooptasyon”. Isulat
kwaderno ang kahulugan.
Download