Ang seksuwalidad ng tao Ano nga ba ang seksuwalidad? Ang seksuwalidad ng tao ay kaugnay ng kaniyang pagiging ganapna babae at lalaki. Hindi ka magiging ganap na tao maliban sa iyong ganap na pagiging babae o lalaki. Maaari ding sabihing, sa iyong pagkalalaki o pagkababae magiging ganap at bukod-tangi kang tao. Halimbawa, may kaugnayan ang iyong pagiging babae o lalaki sa papel na ginagampanan mo sa pamilya at sa lipunan. Sa pamilya, babae lang ang maaaring maging ina, ate, lola, o tiya; at lalaki lang ang puwedeng maging ama, kuya, lolo, o tiyo;. May mga gampanin din na kakaiba sa lalaki o babae ayon sa dikta o pamantayan ng lipunan o kulturang kinamulatan. Ang unang katangian na nagpabukog-tangi sa iyo nang ikaw ay ipanganak o noong una kang Makita sa ultrasound imaging ng iyong magulang ay ang iyong paggiging lalaki o babae. Ito ang unang itinatanong sa doktor ng nga magulang mo at itinatanong naman sa magulang mo ng ibang tao tungkol sa iyo. Ngunit ang pagkalalaki o pagkababae ng isang tao ay hindi nakikita lamang sa pisikal o bayolohikal na kakayahan niya. Ang kaniyang pagkalalaki o pagkobabae ang mismong katauhan niya. Gayonpaman kailangan tanggapin at igalang natin ang ating katawan, dahil ito ang pisikal na manipestasyon ng ating pagkatao. Bagama’t tiyak na natutukoy sa kapanganakan pa lang ang pagiging lalaki o babae ng isang tao, ito’y Malaya ring tinatangap at ginagampanan ng tao ayon sa tawag ng pagmamahal at batay sa kaniyang pagkatao. Ang seksuwalidad kung gayon ay ang behikulo upang maging ganap na tao –lalaki o babae- na ninanais mong maging. Hindi ito pisikal o bayolohikal na kakayahan lamang, ang pagpapakalalaki at pagpapakababae ay isang malayang pinili at personal na tungkulin na gagampanan mo sa iyong buong buhay. By; Shem Agayan ======================================================================== Ang seksuwalidad ng tao