Uploaded by leslieestorosos

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT

advertisement
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT
FILIPINO 8
Name: _________________________ Yr./Sec. ________________ Date: ___________
Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Bilugan ang titik na nagsasaad ng
tamang sagot.
1. Internasyonal na network na pang- computer na nag- uugnay sa mga indibidwal na nasa
iba’t ibang panig ng mundo.
A. Cybernetics
B. Internet
C.
Multimedia
D. World Wide Web
2. Isang uri ng pagkatuto at pagtuturo sa pamamagitan ng eletronikong paraan.
A. e-learning
B. global village
C. hypermedia
D. techie
3. Alin ang angkop na salitang gagamitin sa pangungusap?” Maraming nangangagat na
_______ tuwing gabi sa bahay nila Kaloy.
A. ahas
B.aso
C.lamok
D.pusa
4. Ang ginawang pagbabago ng teknolohiya sa takbo ng buhay ng tao ay hindi
matatawaran lalo na sa larangan ng edukasyon. Sadyang mawawalang-saysay ang
husay at galing ng susunod na henerasyong prepesyonal gaya ng mga titser kung
patuloy itong sasandig sa mga tradisyonal na kaparaanan. Ano ang inyong reaksyon sa
talatang binasa sa ibabaw?
A. Daig ng teknolohiya ang galing ng utak ng isang indibidwal.
B. Makapangyarihan ang teknolohiya sa buhay ng tao sa kasalukuyan.
C. Ang mga titser ay kailangang sumabay sa pasulong ng teknolohiya upang hindi
siya maiwan ng mga pagbabagong hatid nito.
D. Patuloy na umuunlad ang sistema ng edukasyon dahil sa pagbabagong hatid ng
teknolohiya.5
5. Anong estratehiyang ginagamit sa paglanghap ng mga ideya sa pagsulat ng balita at
komentaryo?
A. brainstorming B.imersyon C. pakikipanayam/interbyu D.sounding- out friends
6. Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay sa pagkakaiba ng katotohanan sa hinuha?
A. Ang katotohanan ay posibli ding ebidensiya at mapagkukunan ng personal na
interpretasyon sa kausap.
B. Ang katotohanan ay mga pahayag na may konkretong ebidensiya at ang
hinuha ay mga kuro-kuro batay sa pananaw ng isang tao.
C. Ang katotohanan ay nagpapahayag ng tamang opinyon sa hinuha.
D. Ang katotohanan ay nahinuha ayon sa taong kanyang kinakapanayam.
7. Alin sa mga sumusunod ang naihahanay sa positibong pahayag?
A. Ikaw, Dionisio, sinunod mong palagi ang luho ni Leona kaya lumalaking sutil
ang anak mo.
B. Bakit iniwan mo kami? Paano na kami ngayon ng mga bata ngayong wala
ka na?
C. Si Mamang talaga super sungit at matapobre pa.
D. Ang sipag mo namang magtrabaho, kapitbahay.
8. Alin sa mga sumusunod ang naihahanay sa negatibong pahayag.
A. Wala akong nakikitang problema sa iyong pagtatrabaho rito sa aking kompanya.
B. Si mamang talaga super sungit. Matapobre, masungit, at pasaway pa.
C. Huwag kang mag-alala… gagaling ako!
D. Magtiwala ka lamang sa ating Panginoon.
Sa radio broadcasting ay may mga salitang ginagamit upang lalong maiiintindihan
ng mga tagapakinig, ito ay ang broadcast midya, audio –visual material at SFX. Ang
broadcast midya ay ang pagbabalita sa nakalap na impormasyon, samantalang ang
audio-visual ay ang taguri sa manuskrito na ginagamit sa broadcasting o tinatawag na
iskrip at ang SFX ay ang sound effects.
9. Alin sa mga salitang ginagamit sa broadcasting ang gumagamit ng tunog?
A. broadcast midya
C. SFX
B. audio-visual material
D. reciever
10. Ano ang tawag sa manuskrito na ginagamit sa broadcasting o tinatawag na iskrip?
A. broadcast midya
C. SFX
B. audio-visual material
D.reciever
11. Sa ginawang pagsusuri ng pelikulang Anak ay kapansin-pansin ang ilang mga isyung
binigyang-pansin ng nagsagawa ng pagsusuri. Bilang pagpapatibay o pagsang-ayon sa
ilahad ang iyong sariling pagkiling tungkol sa interes at pananaw ng nagsasalita. Piliin
ang titik na angkop na sagot ng bawat sitwasyon. Binigyang-pansin sa pelikula ang
makabagong responsibilidad ng babae at lalaki sa kasalukuyan kung saan tanggap na
ang babae ang nagtatrabaho at ang tatay ang naiiwan sa bahay.
Ipinahiwatig sa napanood na pelikula na ang mga lalaki ay ________.
A. iresponsable B. maalalahanin
C. masipag
D. responsable
12. Mahalagang matutong magrebyu ng pelikula ang mga manonood dahil malaki ang
impluwensiya nito sa buhay ng tao. Ipinapakita nito na ang pag-uulit ng pinapanood na
pelikula ay tanda ng _____.
A. hindi nagandahan sa pelikula
B. nahahabaan sa pelikulang pinapanood
C. maganda ang pelikula at maraming aral ang napupulot
D. lahat ng nabanggit
13. Ang magandang pelikula ay nakapupukaw ng interes ng mga manonood. Ang
pelikulang ito ay nagpapakita sa mga manonood ng____.
A. kasiyahan sa pelikulang ipinalabas
B. walang ganang isasabuhay
C. binabalewala ang pinapanood
D. hindi isinasaisip ang pelikula
14. Maraming isyu ang tinalakay sa akdang binasa ngunit ito ang maituturing na pinapaksa
nito.
A. pagpapabuti sa nutrisyon at kalagayan ng mga batang Pilipino
B. pagbabawal sa pananakit o paggamit ng corporal punishment
C. pagpapahalaga sa lahat ng karapatan at tungkulin ng mga bata
D. pagbibigay ng mga pagkain sa mga bata
15. Ito ang pangunahing layunin kung bakit nasulat o naiulat ang balitang binasa.
A. upang malaman ng mga bata ang kanilang mga karapatan
B. upang mapagbuti ang kalidad ng edukasyon sa bansa
C. upang mapaalalahanan ang mga guro at magulang na mali ang
paggamit ng corporal punishment
D. upang mabigyang-halaga at pansin ang lahat ng karapatan ng mga batang Pilipino
16. Ito ang tono o damdaming higit na nangingibabaw sa binasang akda.
A. nagpapabati
B. nangangaral
C. nananakot D. nangangahas
17. Ito ang positibong epekto na maaaring mangyari sa kalagayan ng mga
bata sa bansa kapag ganap nang naisabatas ang House Bill 4455.
A. higit na matatamasa at mapoprotektahan ang karapatan ng mga bata
B. itatago ng mga magulang at guro ang pagdidisiplina sa mga kabataan
C. higit na tatapang at tatalino ang mga batang Pilipino
D. higit na lalaki ang ulo ng mga bata
18. Ito ang dahilan kung bakit lumabas sa pag-aaral na malaki ang porsiyento ng mga
bata sa Pilipinas ang nakararanas ng pisikal na panananakit sa kamay ng kanilang
magulang.
A. dahil likas na matitigas ang ulo ng kabataang Pilipino
B. sadyang malulupit at mapagparusa ang magulang sa Pilipino
C. sapagkat naniniwala ang mga Pilipino sa prinsipyong “ ang anak na hindi
paluin,magulang ang paluhain”
D. dahil ayaw sumunod ng mga kabataan sa kanilang mga magulang
(1) Nakikinig kaming lahat sa aming guro sapagkat mahusay siyang magturo. (2) Malinaw
siyang magpaliwanaga. Laging handa at paminsan-minsan ay nagpapatawa kaya
nawiwili kami sa kanyang klase. (3) Marami kaming natutuhan sa kanya at sa lahat ng
ito siya’y aming pinasasalamatan. (4) Sana’y marami pang tulad niya upang maraming
mag-aaral ang mahasikan niya ng karunungan.
19. Ang tonong nangingibabaw sa huling pangungusap ay _______.
A. Pananabik B. Paghanga
C. Pag-asam
D. Pagmamahal
20. Ano ang pagkakaiba ng pahayagan at komiks batay sa layon?
A. Ang layon ng pahayagan at komiks ay magbigay-aliw.
B. Ang layon ng pahayagan ay mang-aliw samantala ang komiks ay pampalipas oras sa
mga mambabasa. Ang layon ng pahayagan ay maghatid ng balita samantala ang
komiks ay naghahatid ng isang salaysay o kuwento.
C. Ang layon ng pahayagan at komiks ay maghatid ng balita.
D. Ang layon ng pahayagan ay maghatid ng balita samantala ang komiks ay
naghahatid ng isang salaysay o kuwento.
21. Ano ang pagkakaiba ng pahayagan at komiks batay sa paraan ng pagkakasulat?
A. Ang komiks ay grapikong midyum tampok ang mga salita at larawan samantala ang
pahayagan ay isang uri ng print media na binubuo ng mga talata na bahagi ng kultura.
B. Ang pahayagan ay binubuo ng mga balita.
C. Ang komiks ay binubuo ng mga larawan.
D. Ang pahayagan ay binubuo ng mga salita samantalang ang komiks ay binubuo ng
mga guhit lamang.
22. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng konsepto ng pananaw.
A. Alibugha siyang anak.
B. Siya ay itim na tupa.
C. Ayon kay Dr. Jose P. Rizal, kinakailangang mahalin ang ating wika.
D. Malaki ang magagawa ng mga tao sa pagbabago sa bansa.
23-25. Lagyan ng angkop na salita ang mga patlang upang makapagpahayag ng sariling
pananaw.
Labis ang hinagpis ng mga taong naging biktima ng karahasan. _________kanila, hindi
naging madali ang pagtanggap ng mga pangyayari. Ngunit nasaan ang katarungan para sa
ibang hindi nagkakaroon nito? _______nila, tuluyan na ngang nawawala ang pag-asang
makamit nila iyon. ________Presidente Digong, ang sinumang nagkamit ng kasalanan ay may
kaukulang parusa. Subalit anong nangyayari sa batas ?Katarungan! Ito ang lagi nilang
isinisigaw.
A. Ayon kay
B. Sa akala C. At hinggil sa
D. Ayon sa
26-34. Alamin sa loob ng puzzle ang katumbas na kahulugan ng mga salitang sumusunod.
1. Kariktan 2. Napahinuhod 3. Mapagpala 4. Sadlakan
5. Tibalbal 6. Huwad 7. Kinamulatan
8. Natakpan
9. Layunin
Patayo 2-5-7
Pahalang 1-3-4-6-8-9
5.
M
2.
N
4.
T
M
K
N
P
6.
T
B
A
1.
7.
k
S
L
K
D
H
N
P
K
G
A
A
3.
M
P
M
G
A
H
L
I
A
8.
N
L
9.
M
A
B
N
H
K
A
A
N
N
Panuto: Tukuyin kung anong uri ng konseptong may kaugnayang lohikal ang mga
sumusunod na pahayag:
35. Kung natapos mo lang ang iyong pag- aaral , sana’y guro kana ngayon.
A. dahilan at resulta
C. paraan at resulta
B.kondisyon at kinalabasan D. paraan at layunin
36. Nagtrabaho siyang mabuti,nang sa ganoo’y makaipon ng pera.
A. paraan at resulta
C. dahilan at resulta
B.kondisyon at kinalabasan D. paraan at layunin
37. Dahil sa maaga siyang nag- asawa, nagkaroon siya ng maraming anak.
A. paraan at resulta
C. kondisyon at kinalabasan
B. dahilan at resulta
D. paraan at layunin
38. Nagkamit siya ng gantimpala sa masigasig na pananaliksik.
A. paraan at resulta
C. kondisyon at kinalabasan
B. dahilan at resulta
D. paraan at layunin
39. Gusto mong makakuwentuhan ang tita mong galing sa inyong probinsya. Paano ka
magsisimula gamit ang salitang panlalawigan.
A. Lola, kumusta na ang mga pinsan ko sa probinsya.
B. Kumusta po ang naging pagdiriwang ninyo sa pista?
C. Lola, salamat sa dako mong pagmamahal.
D. Sikyo pa rin po ba ng trabaho ni Tiyo Ronie?
40. Namamasyal kayo ng lola mong galing sa Amerika at may gusto kang ipabili sa kanya gamit
ang salitang banyaga.
A. Lola, bilhan mo naman ako ng gadgets gaya ng ipad at cellphone.
B. Ang sarap po ng simoy ng hangin dito sa Tagaytay.
C. Marami pong nagyoyosi sa pampublikong lugar sa Pilipinas.
D. Mas masarap po ang pagkain sa Pilipinas kaysa sa ibang bansa.
41.May bago kang kaibigan sa facebook at gusto mong maging palagay ang loob mo sa kanya
kaya pinadalhan mo siya ng mensahe o private message sa kanyang facebook account gamit
ang balbal na salita.
A. Hello, ang gara naman ng bago mong sasakyang Ford Everest.
B. Punta ka naman dito sa amin sa darating na pista ngayong Mayo.
C. Mestizo pala ang hitsura mo sa picture, parang artista.
D. Kumusta ka na? Alam mo, magkaibigan pala ang mga erpat natin.
42. Pupuntahan mo ang bahay ng iyong kaibigan ngunit parang naliligaw ka. Paano ka
magtatanong sa mga taong puwede mong hingan ng tulong sa daan gamit ang kolokyal na
salita.
A. Parang naliligaw ako patungong baryo.
B. Nasan po ba ng daan patungong Makati?Ewan ko ba parang naliligaw ako.
C. Feeling sad. Naliligaw na ako.
D. Kailangan ko ang google map para makita ang tamang direksyon.
43. Batay sa pelikulang “Bata…Bata Paano ka Ginawa”, bilang kabataan, Paano mo nakikita
ang iyong sarili bilang isang mahusay na mag-aaral at pagiging masunurin sa iyong mga
magulang?
A. Pagsagot ng pabalang sa mga magulang at mga guro tuwing pinagagalitan.
B. Sundin ang sariling kagustuhan at desisyon.
C. Pagrespeto, pagsunod sa payo ng mga magulang at mag-aaral ng mabuti.
D. Gawing gabay ang payo ng mga kaibigan.
44. Ano ang kahalagahan na makikita sa pamilya na makikita sa pelikula?
A. pagiging buo/paggalang sa isa’t isa
C. pagiging sikat/tanyag
B. Pagiging mayaman
D. laki sa layaw
45. Batay sa sequence dialogue script, anong mga kagamitang ang aktuwal na makikita sa
klase?
A. Dula B. patalastas C.pagtatanghal D. reporting
46. Isang uri ng pelikula na aktuwal ang pagkuha ng mga pangyayari upang higit itong mas
maging makatutuhanan.
A. balita B. Brillante Mendoza C. iskrip
D.dokumentaryo
47. Mga pelikulang gawa ng mga estudyante o mag-aaral na inilalahok sa mga patimpalak.
A. student independent film
C. balita/pahayagan
B. iskrip ng dula
D. dokumentaryo
48. Elemento ng pelikula kung saan napapaloob ang mga eksena at dayalogo ng mga tauhan at
artista.
A. balita
B. Brillante Mendoza C. iskrip
D.dokumentaryo
Download