Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan V Sining Pang-Industriya 2019-2020 Pangalan:__________________________________ Baitang/Pangkay____________Iskor: ________ Guro :_____________________________________ Paaralan: __________________________________ PANUTO: Piliin ang titk ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel. 1. Malaking maitutulong sa mag-anak na may kaalaman sa gawaing kawayan sa kanilang _____________? A. Pangungutang C. Pag-iisip B. Pag-unlad D. Pag-aaliw 2. Ang sinumang may sapat na kaalaman sa mga gawaing pang-industriya ay maaaring magkaroon ng ________ ? A. Mapagkakakitaan C. Maaksayang oras B. Maraming kaibigan D. Mamahaling kagamitan 3. Isang uri ng puno na itinuturing na “ Puno ng Buhay” dahil sa bawat bahagi nito ay may maraming gamit. Ano ito? A. Saging C. Mangga B. Ipil-ipil D. Niyog 4. Kung tayo ay maging masinop lamang ang mga patapong bagay ay maari pang mapakinabangan at magagawan ng panibagong anyo na matatagpuan lamang di kalayuan sa ating tahanan. Ano ang tinutukoy kapag sinasabing mga lokal na materyales? A. Ito ay mga materyales na mabibili nang mura. B. Ito ay mga materyales na matatagpuan o makikita sa sariling pamayanan. C. Ito ay mga materyales na matatagpuan o makikita sa ibang bansa. D. Ito ay mga materyales ang mabibili nang mahal. 5. Karaniwang mga bagay na maaring pagkakakitaan ay matatagpuan sa ating paligid. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na lokal na materyales? A. Plastic B. Langis C. Kawayan D. Ginto 6. Ang ating bansa ay sagana sa likas na yaman at madalas din ang yaman nating ito ay naaabuso at hindi nagagamit sa hustong paraan. Bilang isang mabuting tagapangalaga ng ating kalikasan, paano mo mapapahalagahan ang lokal na materyales sa paligid? A. Sirain B. Gamitin ng maayos C. huwag gamitin para di maubos D. tipirin 7. Maraming mapagkakakitaan ng mag-anak. Maaring mag-alaga ng hayup o magtanim ng gulay. Sa mga pook na sagana sa kawayan o kahoy, alin ang mainam na hanapbuhay? A. Paghahabi B. Pagkakarpintero C. Pangingisda D. Paghahayupan 8. Sa paggawa ng proyekto kinakailangan na gumamit ng tamang kasangkapan at kagamitan upang mapadali ang gawain. Alin sa mga sumusunod na kasangkapan sa paggawa ang ginagamit sa pagsusukat ng maikling distansya, tumitiyak sa lapad at kapal ng tabling makitid at ginagamit kung nais tandaan kung iskwalado ang sulok ng bawat bahagi ng kahoy? A. Iskwala B. Foot rule C. Zigzag rule D. Metro 9. Sa ating mga gawain kinakailangan ang kaalaman at husay. Si Mang Mar ay kilala sa pagiging magaling na karpintero sa Barangay Hinaplanon. Sa anong gawaing pang-industriya mahahanay ang kanyang propesyon? A. Gawaing-metal B. Gawaing-kahoy C. Gawaing Elektrisidad D. Lahat ng nabanggit 10 . Lahat ng mga karpintero hindi mawawalan nito.Nakakatulong ito para lalong mapadali ang paggawa.Isa itong kasangkapan sa paggawa na ginagamit na pambaluktot, pampukpok ng metal at pambaon sa pait at pako. Ano ito? A. Malyete B. Maso C. Martilyo D. Barena 11 . Ano mang bagay plastic, metal o kahoy na puputulin kinakailangan gamitin ang naayon na kasangkapan. Ano ang uri ng lagari na ginagamit na pamputol nang paayon sa hilatsa ng kahoy? A. Ripsaw B. Crosscut saw C. Backsaw D. Coping saw 12 Upang mapangalagaan ang kaligtasan ng bawat kasama at kasapi ng pamilya mahalagang magkaroon ng isang lugar o lalagyan ng mga kasangkapan sa paggawa. Bakit kailangan maglaan ng isang lalagyan o lugar para sa mga kasangkapan sa paggawa? A. Upang hindi pakalat-kalat ang mga kasangkapan. B. Upang hindi maging dahilan ng aksidente ang mga pakalat-kalat na mga kasangkapan. C. Upang hindi mawala ang kasangkapan. D. Upang maganda sa paningin ang maayos na kasangkapan. 13 Ang pagsusuot ng tamang kasuotan ay nararapat sa okasyon at lugar upang madaling makilala ng nakakakita. Alin sa mga sumusunod ang dapat isuot kapag gumagawa ng mga proyektong pang-industriya? A. Sando at maikling shorts B. Damit pansimba C. Overall, apron o long sleeves D. Damit na pambahay 14. Isa itong proyekto sa gawaing elektrisidad na ginagamit kapag malayo sa saksakan ang isang kagamitang de-kuryente. Ano ito? A. Extension cord B. Switch C. Lampshade D. Outlet 15. Mahalagang malaman ng gumagawa ng proyekto ang tamang proseso sa paggawa nito. Alin sa mga sumusunod ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa paggawa ng extension cord? I. Luwagan ang turnilyo ng outlet at ibukas. Iikot agn isang binalatang dulo ng dulo ng kawad ng kaliwang bahagi at ng isa sa kanang bahagi. Ipakot sa turnlyo at ipitin ng mahigpit. Ilagay ang pansara II. Buksan ang male plug. Makikita ang dalawang turnilyo, luwagan ng bahagya at iikot sa magkabilang turnilyo ang magkahiwalay na kawad sa paggamit ng underwriter’s knot upang matiyak na dadaluyan ng kuryente ng terminal. III. Ihanda ang kawad. Paghiwalayin ang magkatabing kawad ng magkabilang dulo at balatan ang mga ito ng 10 sentimetro (10-15 sentimetro) IV. Tingnan mabuti ang lahat ng ikinabit na bahagi kung hindi nagkamali sa pagsasagawa ng mga hakbang. V. Higpitan muli ang turnilyo upang maipit ang kawad. Isara muli ang plug. Subukan sa paggamit ng tester kung dadaluyan ng kuryente. A. I-II-III-IV-V C. III-I-II-V-IV B. III-II-I-V-IV D. II-III-I-V-IV 16. . Ang pagsunod sa alituntuning pangkaligtasan ay mahalaga.Kapag gumagawa ng kagamitang de kuryente, ano ang dapat isaalang-alang? A. Sundin ang mga hakbang B. Sundin nang maayos ang mga hakbang at gayundin ang mga pangkaligtasang gawi C. Pumili ng mga murang materyales D. Madaliin ang paggawa ng matapos 17. Nararapat ng gamitin lamang ang tamang kagamitan para sa isang Gawain. Nais ni Lester malaman kung may dumaloy na kuryente sa ginawa nilang proyekto, Anong kasangkapan ang dapat niyang gamitin? A. Plais B. Lanseta C. Tester D. Distunilyador 18. .Bibigyan na ng pagpapahalaga ang nagawang extension cord ng bawat pangkat. Alin sa mga sumusunod ang dapat bigyan ng pinakamataas na marka? A. Proyekto A – Maayos ang pagkakagawa subalit ipinasa dalawang araw matapos ang itinakdang araw B. Proyekto B – Hindi maayos ang pagkakagawa subalit naipasa sa itinakdang araw C. Proyekto C – Maayos ang pagkakagawa subalit hindi mag-aaral ang gumawa D. Proyekto D – Ginawa ng mga mag-aaral, naipasa sa itinakdang araw at maayos ang pagkakagawa 19. Pinag-iisip kayo ng inyong guro ng kapaki-pakinabang na proyektong pang-elektrisidad para sa klase ninyo sa industriya. Aling materyales ang angkop mong gamitin? A. Mga patapon ng gamit subalit maari pang pakinabangan B. Mga mahahaling materyales para maganda ang kalabasan C. Mga nabili mula sa ibang bansa D. Mga mumurahing materyales para makatipid 20. .May mga hakbang na dapat sundin sa paggawa ng proyekto .Ano ang dapat unahin? A. Gumawa ng listahan ng mga kakailanganing materyales B. Gumawa muna ng plano ng proyekto C. Mag-ikot at maghanap ng murang materyales D. Maghanap ng makakatulong mo sa paggawa 21. Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapakita ng wastong pagpapahalaga sa sariling proyekto? A. Pagdisplay sa tahanan C. Pag-iingat na huwag masira o madumihan B. Pagpapakita sa guro upang mamarkahan D. Pagwawalang-bahala saan man ito mailagay 22. Ang bawat kagamitan ay may kanya-kanyang gamit. Anong kagamitan ang gamit sa gawaing pang-elektrisidad? A. Distunilyador B. Tester C. Lagari D. Zigzag rule 23. Upang mapadali ang paggawa ng proyekto mahalagang maunawaan ng gagawa ang alinman sa tamang pagkakasunod-sunod. Aling bahagi ng plano ng proyekto ang inilagay sa unahan? A. Layunin B. Pangalan ng Proyekto C. Mga Kasangkapan D. Pagtutuos 24. Maaring patapong bagay ang gagamitin upang ito ay mapakinabangan pang muli. Aling lokal na materyales ang magagamit mo sa paggawa ng lampshade? A. Karton B. Plastic C. Kawayan D. Bote 25. Alin sa sumusunod ang dapat isaalang-alang sa paggawa ng survey? A. Kasuotan B. Salapi C. Yamang –tao D. Uri ng gamit na gagamitin 26. Kung ikaw ay magsasagawa ng survey anu-anong pamamaraan ang dapat mong gawin? A. Paggamit ng computer at Internet Connection B. A at C B. Pagtatanong gamit ang lapis/ballpen at papel D. Wala sa mga nabanggit 27. Sa pagsasagawa ng survey tungkol sa paggawa ng kwintas na yari sa sampaguita, sinu-sino ang mainam na pagtanungan? A. Mga tinder ng kwintas na sampaguita C. Mga bumibili ng kwintas na sampaguita B. Mga gumagawa ng kwintas na sampaguita D. Ang iyong mga magulang 28. Anu-ano ang itinuturing na pinakahuling ayos na magagawa sa proyekto? A. Pagpuputol at pagdidikit C. Pagsusukat at pagdidikit B. Pagliliha, pagpipintura, pagbabarnis D. Pagkakahon at pagsasapimilihan 29. Ano ang mahalaga sa paggawa ng proyekto? A. Matatapos ito at maibenta nang mahal B. Mapataunayan sa sarili na ikaw ay magaling C. Mapatunayan sa sarili na ikaw ay may angking galing at kakayanan na bumuo ng proyekto/produkto D. Magkakaroon ng mataas na marka 30. Sa pagsusuri sa inyong proyekto, maraming naging puna na hindi maganda. Ano ang dapat mong isaisip? A.Hindi na lang gagawa muli ng proyektong iyon B. Gagamitin ang mga puna upang sa susunod ay mas mapabuti pa ang paggawa C.Magagalit sa mga nagbigay ng hindi maganda puna at pipintasan ang D.Hahanap ng ibang proyekto na mas kayang gawin 31. Magkano ang tinubo ni Aling Dessy sa panindang walis ting-ting na kaniyang ginawa kung ang puhunan niya ay Php. 15.00 at ibinenta niya sa Php. 25.00? A. Php. 7.00 B. Php. 8.00 C. Php. 9.00 D. Php. 10.00 32. Anong maaring mangyari kapag ipinag -walang-bahala ang mga sirang kagamitan? A. Mauubos ang inyong mga kagamitan B. Magagalit ang iyong mga magulang C. Maaring maging dahilan ito ng aksidente D. Malaki ang iyong gastusin sa pagbili ng mga bagong kagamitan 33. Ito ay paraan ng pagsasayos ng mga kagamitan o kasangkapan na nasira upang magamit na muli. A. Pagkukumpuni B. Pagtitipid C. Paglikha D. Paggawa 34-35. Anu-ano ang dalawang huling ayos na magagawa sa isang proyekto? A. Pagpuputol at pagdidikit C. Pagsusukat at pagdidikit B. Pagliliha, pagpipintura o pagbabarnis D. Pagkakahon at pagsasapamilihan 36. Sino-sino ang makikinabang kung tayo ay marunong magkumpuni? A. Ang mga guro C. Ang ating pamilya B. Mag-aaral D. Wala sa nabanggit 37.Isang kasangkapan na ginagamit na pampahigpit at pampaluwag ng turnilyo. Ano ito? A. Liyabe B. Lagari C. Distulniyador D. Tester 37.Ano ang maaring maging dulot ng short circuit kung mapabayaan? A. Sunog B. Baha C. Pagkasira ng bahay D. Pagkaubos ng ari-arian 38. Ano ang kabutihang maidudulot sa iyo kapag marunong kang magkumpuni ng mga s irang kagamitan? A. Mayroon kang mapaglilibangan C. Mayroon kang mapagkakakitaan B. Makatitipid ka D. Lahat ng nabanggit 39. Sa bagong bukas na merkado ng barangay Tambo isa si Mang Bernie sa nagtitinda ng mga gulay at prutas, halos magkakatulad lamang ang kanilang panindang ibinibenta. Paano magagawa ni Mang Bernie na sa kanila bumili ang mga mamimili? A. Gawing kaakit-akit ang pagsasaayos ng kanilang paninda B. Babaan nang husto ang presyo ng kanilang paninda C. Siraan sa mga mamimili ang kabilang tindahan D. Hilahin agad ang mga mamimili sa kanilang tindahan para hindi na makapunta sa iba 40-43. Kwentahin ang presyong pantida ng sumusunod na aytem. Aytem Puhunan X 15% Presyong Pantinda Alkansiya 50 (40.) Lamp shade 85 (41.) Dust pan 50 (42.) Walis ting-ting 25 (43.) 44. Paano mo pahahalagahan ang kinumpuning kagamitan? A. Tingnang mabuti kung maayos na ba B. Sipa-sipain upang malaman kung matibay na uli C. Gumamit ng rubrics na may pamantayan D. Idaan sa palakasan ng palakpak 45. Alin sa sumusunod ang pangunahing hakbang sa pagkukumpuni ng sirang kagamitan? A. Gawin ang pagkukumpuni ayon sa plano B. Gumawa ng maayos C. Ihanda ang kagamitan at kailanganin D. Kumpunihi ng maayos 46.Bakit kailangan lagyan ng tag price/presyo ang mga paninda? A. Upang hindi mo na kailangang kabisaduhin ang presyo ng mga paninda B. Upang mabasa ng mamimili at ng sa gayon, hindi na sila pauli-ulit ng tanong C. Upang makapili ang mga mamimili D. Upang makatawad o makahingi ng bawas sa presyo ang mga mamili 47. Natanggal ang isang paa ng silya ni Charles sa kanyang klase sa Sining pang-industriya. Anong materyales ang angkop niyang gamitin pagkukumpuni? A. Lubib na panali B. Pako C. Alambre D. Kawad 48. Ano ang mainam na gawin sa nasira na kasangkapan o kagamitan? A. Itapon sa basurahan B. Itabi lang sa sulok C. Kumpunihin ng maayos D. Pabayaan na lamang 49. Ang pagkukumpuni sa wastong paraan ay nakatitipid sa _______ ? A. Kagamitan B. Pera C. Panahon D. Lahat ng nabanggit 50. Sino ang dapat na matutong magkumpuni? A. mga kalalakihan B. mga kababaihan C. mga mag-aaral D. lahat ng nabanggit