Noli Me Tangere Kabanata XV : Ang Mga Sakristan I. Talasalitaan 1.) batingaw - tumutukoy sa isang kampana,gong,o anumang bagay na hinahampas. Halimbawang pangungusap: - Naririnig mo ba ang tunog ng batingaw mula sa simbahan? 2.) bahaw -paos o pagaw (na tinig) Halimbawang pangungusap: - Ako ay nabahaw na sa kaka-sigaw doon. 3.) panaghoy - Pamimihagti o sobrang kalungkutan. Halimbawang pangungusap: - Ramdam ko ang iyong panaghoy, kaibigan. 4.) multa - Anumang bayad sa nalimot bayaran o bayad sa anumang paglabag sa batas. Halimbawang pangungusap: - Ang sinomang lumabag sa batas ay mumultahan ng pera. 5.) palahaw - iyak,hatungal Halimbawang pangungusap: - Naririnig kong pumapalahaw ang mga asong nasa kulungan. II. Buod • • Nasa ikalawang palapag ng tore ang magkapatid na si Crispin at Basilyo,pinapatunog ang kampana at nag-uusap. • Sobrang nalulungkot si Crispin. • Nagbago ang isip ni Crispin na huwag na lamang bumalik sa bahay. • Dumating ang Sakristan Mayor,galit na galit. • Kinuha ng Sakristan Mayor si Crispin. Tumakas si Basilio upang humingi ng tulong sa kanilang nanay. III. Simbolismo - Ang sitwasyon nila Basilio at Crispin ay maihahalintulad sa kahirapan ng mga Pilipino. IV. Repleksiyon - Huwag magbintang kung wala namang sapat na ebidensya.