Uploaded by David De Afria

Kabanata 15

advertisement
Noli Me Tangere : Kabanata XV – Ang Mga Sakristan
I. Talasalitaan
1.) batingaw
- tumutukoy sa isang kampana,gong,o anumang bagay na hinahampas.
Halimbawang pangungusap:
- Naririnig mo ba ang tunog ng batingaw mula sa simbahan?
2.) bahaw
-paos o pagaw (na tinig)
Halimbawang pangungusap:
- Ako ay nabahaw na sa kaka-sigaw doo
3.) panaghoy
- Pamimihagti o sobrang kalungkutan.
Halimbawang pangungusap:
- Ramdam ko ang iyong panaghoy, kaibigan.
4.) multa
- Anumang bayad sa nalimot bayaran o bayad sa anumang paglabag sa batas.
Halimbawang pangungusap:
- Ang sinomang lumabag sa batas ay mumultahan ng pera.
5.) palahaw
- iyak,hatungal
Halimbawang pangungusap:
- Naririnig kong pumapalahaw ang mga asong nasa kulungan.
II. Buod
-Nasa ikalawang palapag ng tore ang magkapatid na si Crispin at Basilyo,pinapatunog ang kampana at
nag-uusap.
~Makikitang natatakot si Crispin dahil mas gusto niya nalang na sa bahay nalang sila dahil ayaw niyang
bumalik sa kumbento at sa bahay ay walang magpaparatang ng magnanakaw sa kaniya.
-Sobrang nalulungkot si Crispin.
~Dahil gusto na lamang niya na bayaran ng kapatid niyang si Basilio ang minumulta sa kanyang pera na
tatlumput-limang piso,ngunit hindi kasya ang isinisweldo nila sapagkat dalawang piso lamang ang
sweldo nila kada buwan.
-Nagbago ang isip ni Crispin na huwag na lamang bumalik sa bahay.
~Dahil sinabi ni Basilio na natatakot siya kapag nalaman daw ng kanilang nanay tungkol sa pagnanakaw
ni Crispin,kaya si Crispin ay umiyak at nagbago ang isip na huwag na munang umuwi dahil ayaw niyang
pinapagalitan at pinapalo siya ng kanilang nanay.
-Dumating ang Sakristan Mayor,galit na galit.
~Matapos ay dumating ang Sakristan Mayor,galit na galit dahil mali ang pagpapatunog sa kampana,at
minultahan pa sila ng dalawangput limang piso dahil lamang sa maling pagpapatunog ng kampana.
-Kinuha ng Sakristan Mayor si Crispin.
~Dahil nga inaakusahan ng magnanakaw si Crispin,kinuha siya ng Sakristan Mayor at di ito papakawalan
kung hindi babayaran o ibabalik ang ninakaw na pera,at patuloy siyang kinaladkad ng Sakristan Mayor
palayo ay Basilio.
-Tumakas si Basilio upang humingi ng tulong sa kanilang nanay.
~Matapos na kinain na ng dilim si Crispin,walang ibang nagawa si Basilio kundi tumakas muna at humingi
ng tulong o saklolo sa kanilang nanay,at tumakas si Basilio sa pamamagitan ng pagdugtong-dugtong ng
mga lubid ng batingaw at siya ay nakatakas.
III. Simbolismo
- Ang sitwasyon nila Basilio at Crispin ay maihahalintulad sa kahirapan ng mga Pilipino.
~Dahil nga sa sitwasyon nila Basilio at Crispin sa istorya,makikitang lubog sa kahirapan ang kanilang
pamilya,at sila ay naghahanap ng mga paraan upang kumita sila kahit na maliit na halaga basta may
pangkain sila sa pangaraw-araw nila,ganun din sa mga karamihang Pilipino dito sa bansa,karamihan sa
mga Pilipino ay lubog sa kahirapan,pero todo parin sila sa pagkayod upang may pangtustos sila sa
kanilang pangunahing pangangailangan sa pangaraw-araw.
IV. Repleksiyon
- Huwag magbintang kung wala namang sapat na ebidensya.
~Dahil ito ang nangyari kay Crispin,sa totoo ay hindi naman talaga siya ang nagnakaw ng pera,siguro
malapit lang siya sa pinangyarihan ng krimen,at pati narin sa pisikal na anyo ni Crispin,dahil siya nga ay
paslit pa at mahirap,siya ang naisisi sa pagnanakaw,at wala naman akong nakitang sapat na ebidensya
para kay Crispin kung siya ba talaga ang nagnakaw ng pera.At ganun din sa Pilipinas,basta’t mahirap
ka,at pati narin sa pisikal na anyo mo,mataas ang tsansa na ikaw ay sisisihin agad ng mga tao kahit wala
silang sapat na rason.
Download