Home > News Bahagi ng Mindanao nayugyog sa ikatlong malakas na lindol ng Oktubre ABS-CBN News Posted at Oct 31 2019 04:09 PM | Updated as of Oct 31 2019 08:23 PM Halos bumigay na ang isang hotel sa Kidapawan sa Cotabato City nang muling yanigin ng lindol nitong Huwebes. Photo courtesy kay Johnny Tamboong MAYNILA (UPDATE) - Niyanig ng magnitude 6.5 na lindol Huwebes ng umaga ang Cotabato at ilang parte ng Mindanao, na hanggang ngayon ay bumabangon mula sa mga epekto ng dalawa pang lindol sa loob ng isang buwan. Pasado alas-9 ng umaga nangyari ang lindol 33 kilometro mula sa bayan ng Tulunan, na naging epicenter din ng mga lindol na nangyari noong Miyerkoles at noong Oktubre 16.