Uploaded by c c

416043922-Pananaw-Ng-Mga-Mag-Aaral-Sa-Strand-Ng-Shs

advertisement
Page | 1
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A Calabarzon
Division of Batangas
District of Ibaan
Dr. Juan A. Pastor Memorial National High School – Senior High School
Talaibon, Ibaan, Batangas
PANANAW NG MGA PILING MAG-AARAL NG BAITANG 10
SA MGA STRAND NG SENIOR HIGHSCHOOL
A Research Study
Presented to
The Faculty of Senior High School
Dr. Juan A. Pastor Memorial National High School
Talaibon, Ibaan, Batangas
In Partial Fulfillment
Of the Requirements or the Academic Strand
Accountancy, Business and Management
(ABM)
Punzalan, Paul Joseph
Senyahan, Christian
Delas Alas, Jeanlyn
Segui, Baby Joy
Tiope, Monette
Marso 2019
Page | 2
KABANATA I
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
Introduksiyon
Ang edukasyon ang pinakamabisang sandata para sa tagumpay, ito rin
ang
susi
tungo
sa
magandang
kinabukasan
kung
kaya't
labis
ang
pagpapahalaga rito. Para maitaas at maisabay sa mga bansang maunlad na ang
edukasyon, ipinatupad ang bagong kurikulum, ang K-12
Ang K-12 ay programa ng gobyerno na tumutukoy sa pagkakaroon ng
mandatory o required na kindergarten at karagdagang dalawang taon sa dating
sampung taong Basic Education Cyle. Layunin nitomg hasain at ihanda ang mga
mag-aaral sa buhay kolehiyo base sa kanilang piniling mga strand. Ang
programang ito ay may nakalatag na mga tracks na kinapapalooban ng iba't
ibang mga strands. Para sa academic tracks mayroong apat na strand na maaaring
tahakin, ang Science Technology Engineering and Mathematics (STEM) , Accountancy
Business and Management (ABM), Humanities and Social Science ( HUMSS) at ang
General Academic Strand (GAS) at sa bokasyonal tracks ang TOURISM at ELECTRICAL
INSTALLATION and MAINTENANCE. Ang mga strand na ito ay makatutulong upang
maihanda ang mga mag-aaral sa kolehiyo.
Ngunit para sa isang batang magtatapos ng sekundarya napakahirap pumili ng
kurso sa kolehiyo. Marapat na pag-handaan at pag-isipang mabuti. Sa kabila nito, ang K12 ang nagpapakilala sa iba't ibang kurso dahil sa mga nakalatag na strand nito.
Page | 3
Bunsod nito, nangangailangan ng masusing pananaiksik sa kung ano ang pananaw
at kaalaman ng usang batang magtatapos pa lamang ng sekondarya. Sa mga strand na
nakalatag sa senior highschool batay sa asignatura, mga learning activities at posibleng
kahihitnatnan. Sa pamamagitan nito matutukoy ang mga pamamaraan upang
mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral sa senior highschool strand.
Hangad ng mga mananaliksik na magsilbing daan ang pag-aaral na ito upang mas
maihanda ang mga mag-aaral ng baitang 10 sa mas malawak na kaalaman ukol sa strand
sa senior highschool partikular na sa gagawing pagpili sa nais na strand, at gawin itong
pamantayan na magdagdag ng kaalaman at rekomendasyon para sa mga mag-aaral.
Ang mga mananaliksik ay sang-ayon na ang pananaw ng mga mag-aaral ng baitang 10
ay magiging batayan nila upang pumili ng strand kaya't marapat na mabigyan ito ng
masusing ebalwasyon. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, ang mananaliksik ay
handang gumawa ng daan upang mas mapalawak ang kaalaman sa pagbibigay ng
interpretasyon sa pananaw ng mga mag-aaral sa baitang 10 sa mga nakalatag na strand.
Layunin ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay nagnanais na malaman ang pananaw ng mga
mag-aaral sa baitang 10 sa mga strand ng senior highschool at mabigyang
kasagutan ang mga sumusunod na tanong:
Page | 4
1. Ano ang pananaw ng mga piling mag-aaral ng baitang 10 sa mga strand
ng senior highschool batay sa :
1.1 mga asignatura;
1.2 learning activities;
1.3 posibleng kahihinatnan?
2. Paano mailalarawan ang mga strand ng senior highschool batay sa mga
sagot ng mga respondente?
3. Batay sa resulta ng pag-aaral, ano ang maaaring imungkahi upang
mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa iba't ibang senior
highschool strand?
3.1 ABM
3.4 TVL
3.2 STEM
3.5 GAS
3.3 HUMSS
4. Ano ang maaaring rekomendasyon ukol sa pagpili ng strand sa senior
highschool?
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pananaw ng mga mag-aaral sa
Baitang 10 ukol sa mga nakalatag na strand ng seniot highschool sa Dr. Juan A.
Pastor Memorial National Highschool kasama sa pag-aaral na ito ay ang mga
piling mag-aaral ng Baitang 10 na pumapasok sa paaralan ng DJAPMNHS.
Saklaw ng pag-aaral ang pananaw ng mga mag-aaral tungkol sa strand ng
senior highschool.
Page | 5
Sakop ng pag-aaral na ito ang taongvpanuruan 2018-2019 dahil sa
panahong ito susuriin ang mga pananaw ng mga piling mag-aaral ng
DJAPMNHS ukol sa strand ng senior highcschool
Nalilimitahan ng pag-aaral na ito ang mga piling mag-aaral ng Baiting 10
sapagkat ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa mga mag-aaral na
makapagtapos ng sekondarya na pumapasok sa paaralan ng DJAPMNHS.
Naniniwala ang mga mananaliksik sa pamamagitan ng pag-aaral na ito magiging
handa ang mga mag-aaral sa gagawing pagpili ng strand sa senior highschool..
Kahalagahan ng Pag-aaral
Naniniwala ang mga mananaliksk na ang pag-aaral na ito ay
napakahalaga sa mga sumusunod:
Sa mga mag-aaral, ang pag-aaral na ito ay mag-sisilbing gabay upang
makita ang nagiging epekto ng strand ng senior highschool sa kapwa nila
kabataan o nagbibigay ng panibagong impormasyon sa kanila.
Sa mga magulang,ang pag-aaral na ito ay higit na makakatulong sa
pagdidisiplina sa kabataan.
Sa mga guro, ang pag-aaral na ito ay magbibigay ng impormasyon upang
malaman ang dahilan ng pagtangkilik sa strand ng senior highschool.
Page | 6
Sa mga susunod na mananaliksik, ang pag-aaral na ito ay kanilang
magagamit upang makabuo ng bagong pananaliksik at maging batayan at ideya
upang maisaayos ang kanilang ginagawang pananaliksik.
Depinisyon ng mga Terminolohiya
Para maunawaan ng mabuti ng mga mambabasa ang pag-aaral, ang mga
sumusunod na terminolohiya ay nabigyang-kahulugan ayon sa paggamit nito:
ABM Accountancy, Business, Management ay isa sa mga strand na inaalok sa
Academic Track ng Senior High School. Layunin nitong mabigyan ng sapat ng
kaalaman ang bawat mag-aaral na kukuha ng Accountancy, Management, at iba
pang business-related na mga kurso sa kolehiyo
Edukasyon – sistema ng pag-iipon ng kaalaman tungkol sa iba’t-ibang bagay na
inaasahang makakabuti sa pagkatao at kinabukasan ng indibidwal
GAS - General Academics Ang strand na ito ay ay para sa mga mag-aaral
nahindi pa nakadesisyon kung anong kursong kukunin sa kolehiyo. Ang
mgamag-aaral ay posibleng bigyan ng maikling bahagi ng kurso
upangmatulungan at mapag handaan ang kanyang pipiliing larangan sa
hinaharap.
HUMSS - Humanities and Social Science Ang strand na ito ay dinisenyo parasa
mga mag-aaral na may layuning kumuha ng pamamahayag, sining
Page | 7
ngkomunikasyon,sining ng liberal, edukasyon, at iba pang agham panlipunan
sakolehiyo.
K-12 “K” na ang ibig sabihin ay kindergarten at 12 na sumisimbolo ng
dalawampung taon ng beysik na edukasyon. Anim na taon sa elementarya, apat
na taon naman sa junior high school at dalawang taon sa senior high school.
STEM nangangahulugang “Science, Technology, Engineering and
Mathematics”. Ito ay isang programa pang edukasyon na naghahanda sa mga
senior high school sa daan patungong kolehiyo. Sa karagdagan, ang mga
paksang pinag-aaralan ay naglalayong mapayaman ang kaalaman sa
makatwirang pag-iisip at kasanayan sa pakikipagtulungan.
Strand - ang mga espesyalisasyon na sakop ng isang Track.
Tracks - Mayroong 3 tracks na maaaring pagpilian ang mga Senior High
Students. Ito ang Academic, Technical-Vocational-Livelihood, at Sports and Arts.
TVL - Technical Vocational Livelihood Ang mga mag-aaral na nakatapos ng
mgatrack na ito ay makakatanggap ng National Certiļ¬cation II at maaari ng
makaaplay sa trabaho.
KABANATA II
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
Kaugnay na Literatura
Page | 8
Ang Pilipinas ang huling bansa sa Asya at isa sa mga lamang tatlong bansa sa
buong mundo na may 10-taong pre-service university cycle at ang dalawa pang bansa
ay ang Angola at Djibouti. Ang kurikulum ng pangkalahatang edukasyon sa kolehiyo
ay magkakaroon ng mas kaunting bilang ng yunit. Ang mga paksa na dinala sa
batayang edukasyon ay tatanggalin mula sa kurikulum ng kolehiyo. Matatagpuan ang
mga detalye tungkol sa bagong kurikulum sa CHED Memorandum Order blg. 20,
serye ng 2013. Ang 12-taong programa ay natagpuan na ang pinakamainam na
panahon para sa pagkatuto sa ilalim ng pangunahing edukasyon. Ito rin ay ang
kinikilala na pamantayan para sa mga estudyante at mga propesyonal sa buong mundo.
Mahalaga ang pag-unawa sa proseso ng K-12 kurikulum na pag-unlad para sa
pagdedesisyon ng mga mag-aaral sa pagpili ng strand (Henderson, 2014).
Ang mga magulang ay ang pinakaunang guro ng mga bata, na kung sa gayon sila
ay unang tagapayo at tagagabay,Ayon kay Bladeless (2013) ang mga magulang ay
kumukontrol ng kanilang mga anak tungkol sa kanilang pinipiling kurso. Karamihan,
hindi iniisp ang kagustuhan ng kanilang anak.
Ang sosyo ekonomikong estado ay isa sa mga salik na nakakaimpluwensiya sa
pagpili ng kukuning strand (Cabrera & Nasa, 2000).
Ayon kay Rivera (2008), ang hilig ng isang tao ang mananatiling magtutulak para
magtrabaho, sa puntong ito ay magtratrabaho ang isang tao hindi dahil ang
pangunahin layunin ay ang kumita ng pera kundi ginagawa ito dahil ito ang gusto ng
tao na gawin sa buhay at lumalabas na hindi na ito trabaho kundi libangan, libangan
na kung saan ay kumikita ka narin ng salapi.
Maraming mga salik ang nakakaapekto sa pagpili ng karera ng mga mag-aaral sa
sekondarya. Ang mga pagtukoy sa mga salik ay makakapaghandog sa mga magulang,
tagapagturo, at industriya ng ideya kung saan nakatiwala ang proseso sa pagpili ng
karera ng mga estudyante (Super, 1990).
Ang pagpili ng pagkuha ng strand ng mga magaaral, ay karamihan mula sa
sariling desisyon, ay hindi malaya sa impluwensiya. Ang kanilang desisyon, maging
personal man ito, pinilit o pinayuhan, ay apektado sa iba’t ibang
salik, mula sa
Academic Qualifications hanggang sosyal at ekonomikal. (Penedilla &Rosaldo,2017).
One important factor of students’ decision-making process is the
neuropsycholgical framework about Executive function and self regulation skills
which are the mental processes that enable the people to plan, focus attention,
remember instructions, and juggle multiple tasks successfully…the brain
needs this
skill set to filter distractions, prioritize tasks, set and achieve goals, and control
impulses.When children have opportunities to develop executive function and self
regulation skills, individuals and society experience lifelong benefits, these skills are
crucial for learning and development. They also enable positive behaviour and allow
us to make healthy choices for ourselves and our families.(Penedilla &Rosaldo,2017)
Ayon kay Sierra (2017) Isa sa mga pinakaimportanteng salik na pinagiisipan sa
pagpili ng kurso ay ang personal na interes, mas nahihikayat na magkaroon ng
mabuting “performance”. Malaki talaga ang impluwensiya ng peer pressure
at ang
Page | 9
sinasabi ng mga magulang. Karamihan ng mga mag-aaral hindi sigurado o kaya hindi
alam kung ano ang gusto nilang kurso sa kolehiyo kaya umaasa sila sa payo ng mga
magulang, kaibigan at mga tao na nasa paligid. May mga sitwasyon na ang pamaraan
na ito ay nagiging maatagumpay ngunit mayroon din nagsisisi sapagkat mahirap at
hiindi nagustuhan ang pinasukang kurso at sa huli ay lumilipat ng kurso. Dapat
pinagiisipan ng mabuti ang kukuning strand kung kayat hindi masasayang ang oras at
pagsisikap.
Napagalaman sa pananaliksik na kapag hindi sapat ang kaalaman tungkol sa
Senior High School marahil ay mas mataas ang posibilidad na hindi katugma ang
pinasukang strand at kukuning kurso.
Isa sa mga importanteng responsibilidad ng lipunan ay ang pagbibigay ng sapat
na pagtataguyod ng mga kasanayan at kakayahan.
Growth-promoting environments provide children with “scaffolding” that
helps
them practice necessary skills before they must perform them alone (Harvard, 2017)
Rendering to the National Centre for Education Statistics’ Descriptive
Summary of
2003-2004 Beginning Postsecondary Students: Thirty percent of dependent start
postsecondary students at 4-year organizations came from peoples with annual
incomes of 92,000 or more, matched with 17 percent of those at two-year foundations
and 4 percent of those at less than two year associations.
Napansin ni Paulsen (1990) na kapag ang mga gastos sa pag-aaral, gastos sa
kuwarto at board, at ang distansya mula sa bahay ay nadagdagan; ang opsyon sa
kolehiyo ay naging mas kaakit-akit sa mga mag-aaral. Ang pagtaas ng mga gastosin
sa matrikula, pagkain, pagrenta na dormitoryo, at distansiya mula sa pamilya,
bumababa ang bilang ng posibilidad na pagpasok sa kolehiyo. Ngunit ang nakapaloob
sa epekto na ito ang mga magaaral na napabilang sa mas mababang antas ng kinikita
(Paulsen, 1990).
It requires a balance between the freedom given to the pupil to make an
independent decision, and counselling on behalf of the parents and teachers, to share
their insight and experience. Exerting pressure and dictatorial attitude may
demotivate the students and also lower their performance. The types of jobs that
might be relevant to their interests, skills or aspirations should be discussed in a
democratic way to avoid problems. Students should choose the career which is
according to their capabilities and of their interest. Student interest should never be
undermined in choosing a career path.(Kazi & Akhlaq, 2017)
Marami ang mga salik na maaaring makaapekto sa desisyon ng pagpili ng nais na
karera sa mga mag-aaral sa sekundarya. Ang pagtukoy sa mga salik na ito ay
makatutulong sa mga magulang, mga guro, at sa industriya upang mabigyang ideya at
kaalaman na pagkatiwalaan ang desisyon ng mga mag-aaral at sila ay magabayan sa
proseso ng pagpili ng karera sa buhay (Supaer, 1990). Ang bawat mag-aaral sa Senior
High School (SHS) ay may pagkakataong pumili sa tatlong Tracks. Ito ay ang
Academic Track, Technical-Vicational-Livelihood, at Sports and Arts. Ang Academic
Track ay saklaw ang Accountancy, Business and Management (ABM), Humanities
and Social Sciences (Humss), Science, Technology, Engineerong and Mathematics
Page | 10
(STEM) at and General Academic Strand (GAS). Mahalaga na tukuyin at
isaalang-alang ang kagustuhan at kakayahan ng mga mag-aaral sa pagpili ng Track na
tatahakin na magiging gabay at paghahanda sa kukuning kurso sa kolehiyo (Official
Gazette, 2012).
Ang pagili ng nais na karera ay mahalaga sapagkat ito ang magsisilbing daan
upang makamit ang minimithing tagumpay at dito nakabatay ang kalagayan ng isang
tao sa susunod pang yugto ng kaniyang buhay (PAMS, n. d.).
Naglalayong maiulat ang ang isang patuloy na proyekto na sinusuri ang mga
dahilan sa pakikilahok ng mga mag-aaral sa information workat kung ano ang
naghikayat sa kanila. Sa pananaliksik ay isinagawa sa mga mga mag-aaral sa
Information and Library Studies programmes sa Department of Information
Studies, Aberystwyth University. Kwalitatibong pag-aaral at focus groups angg
ginamit sa paraan ng paglikom at pagsusuri ng mga datos.
Many students followed a circuitous path into the library and information
field, indicating that caution needs to be exercised when making assumptions
regarding “typical” library and information workers. Similarly,
motivations for
attaining a qualification are a complexity of both personal and professional
aspirations. Although motivations remain consistent, in line with previous studies,
it is argued that “either/or” attitudes to traditional and modern
aspects of
information work are being replaced by a flexible understanding of the modern
profession.(Anoush & Taylor, 2011)
Kaugnay na Pag-aaral
Pangunahing paksa ng pag-aaral na ito ang pagpili ng strand sa Senior High
School (SHS). At base sa pagsusuri ng mga mananaliksik, mayroon dalawang
pangunahing kadahilanan upang isaalang-alang ang pagpili ng SHS Track at Strand sa
K-12 kurikulum. Ang una rito ay nakasaad na hindi lahat ng mga Track at Strand ay
inaalok sa pamamagitan ng mga paaralan na malapit. Dapat na suriin ang mahusay na
mga kagamitan sa paaralan na papasukan.
Magtanong kung ang mga paaralan ay may mahusay at sapat na kagamitan na
kakailanganin sa Track at Strand na pipillin sa SHS. Ang ilang Unibersidad o
kolehiyo ay nag-aalok din ng SHS. Ang mga ito ay halos pribadong kolehiyo ngunit
maaring gamitin ang programa na garantiya ng Kagawaran ng Edukasyon upang
makakuha ng diskuwento sa matrikula at iba pang gasto sa paaralan. Ang
pangalawang pangunahing sa pag-sasaalang sa pagpili ng Track at Strand sa SHS ay
ang kursong piillin sa kolehiyo. Dapat na siguraduhing tama ang pagplano upang
maipagpatuloy ang natutunan sa SHS patungong kolehiyo. Kung hindi pa sigurado sa
kursong kukunin, ito ay magsisilbing sagot sa mga tanong. Magiging mas madali ito
upang pumili sa pagitan ng iba’t ibang mga Track at Strand (Nual, J. M. at Elogario,
G., walang petsa)
Ayon sa isang pag-aaral na pinamagatan na “Factors Affecting Career
Preferences Among Senior High School Students In Tacloban City” at isinulat nina
Page | 11
Penedilla at Rosaldo ay nagtatalakay sa mga salik na nakakapekto sa pipiliing kurso
ng mga Senior High School Students Ng Leyte National High School. Napagalaman
sa pananaliksik na ito na dahil karamihan ng mga napagdesisyon na kurso ay mula sa
kanilang kagustuhan, kaya masasabi na ang mga mag-aaral ay sabik sa paggagawa ng
desisyon.
Maslow’s theory of one’s needs of good and decent meals, shelter for safety,
recognitions and belongingness to the family, intrinsic motivation of self-discovery
and actualization; Skinner’s Operant Conditioning that make one behaves or does (or
refrains from doing) things because of rewards and punishments; and Piaget's theory
of cognitive development as a process which occurs due to biological maturation and
interaction with the environment
Ayon din sa pag-aaral na isinagawa, isa pang salik ay ang neuropsycholgical
framework about Executive function and self-regulation skills na siyang tumutulong
sa pagplano,pagpokus, umaalala ng mga tagabilin, magmulti-task at iba pa.(Penedilla
&Rosaldo,2017).
Sa isang pagaaral sa isinagawa sa 340 na kalahok at pinamagatang “Influence of
culture, family and individual differences on choice of genderā€dominated occupations
among female students in tertiary institutions” na naglalayong suriin ang
impluwensiya ng pamilya, indibidwal na pagkakaiba, at kultura sa pagpili sa mga
kursong gender dominated napagalaman na ang pamilya, indibidwal na pagkakaiba, at
kultura ay epektibong salik sa pagkakaroon ng teorya sa pipiliing kurso. Ang pagaaral
na ito ay makakatulong sa mga babaeng magaaral upang makapili ng praktikal na
kurso.(Salami, 2007)
Naglalayong suriin ang mga salik na naghihikayat sa pagaccountancy ng mga
mag-aaral na galing sa iba’t ibang etniko (Asian, African at Western).Sa pananaliksik
na isinagawa lumabas na sa mga African na mag-aaral, ang gastos ang nangungunang
salik sa pagpili nila sa kurso, sa mga Asian at Western na mag-aaral ang pangunahing
salik ay kung gaano kahirap makapasok sa kurso. Ang Kahalagahan ng pag-aaral nito
ay importante upang maintindihan ang saloobin at pag-unawa ng mga mag-aaral at
upang ang course administrators o curriculum designers upang mas mapabuti nila
ang kanilang stratehiya sa pag-endorso sa iba’t ibang etniko. (Myburgh, 2005)
Ayon sa isang pag-aaral na isinagawa ni Templo (2017) na tumatalakay tungkol
sa mga salik o factors sa pagpili ng Track ng mga estuyante ng Baitang 11 sa
Catanduanes National High School (CHS), Virac, Catanduanes na isang pagsusuri na
gumagamit ng deskriptibo-analitikong disenyo. Ang mga Tracks na pinagkunan ng
responante ay galing sa Academic Track, Technical and Vocational Livelihood Track,
Sports Track at Arts and Design Track. Ang layunin ng pananaliksik ay magbigay
kaalaman at impormasyon sa mga salik na nakaapekto sa pagpili ng mga track ng mga
estudyante. Ang mananaliksik ay gumamit ng talatanungan para makalikom ng datos.
Ang mananaliksik ay nagsarbey ng 222 na mga estudyante. Gumawa ng istatistik ang
mananaliksik, sinabayan niya ito ng paggawa ng bar graph upang makuha ng malinaw
ang kanya-kanyang porsyento o bahagdan ng mga nakalap na impormasyon. Ang
naging resulta ng mag-aaral na isinagawa ay 90% ng mga estudyante ang nagsabing
nakatulong ito sa kanilang pagpili at 29% ng mga estudyanteng iyon ay ang dahilan
ay nahahasa ang talento, 14% dahil ang mga estudyanteng ito ay ang dahilan ay dito
magaling, parehong 13% naman ang nagdahilan na madali ang mga tinuturo, mga
aktibidad at mag-aral. 10% naman ang nagdahilan na napasaya ang pamilya, 7% ang
dahilan ay ang kaibigan o kasintahan at ang dahilan na hindi magastos na mayroong
4%. Positibo naman ang naging dulot ng mga salik na nakaapekto sa pagpili ng track
na nakakuha ng 90% at negatibo naman sa ibang estudyante na nakakuha ng 10%.
Page | 12
Napag-pasyahan ng mananaliksik na ang pagpili ng track ay dapat binabase kung saan
magaling o bihasa ang isang tao o estudyante sapagkat mas magiging madali sa
estudyante gawin ang mga aktibidad na pinapagawa at tinuturo ng mga guro.
Ang asal at gawi ng mga mag-aaral ay nakaaapekto so pagpili ng karera para sa
nais na trabaho. Layunin ng pag-aaral na ito na tukuyin ang kaugalian sa panamagitan
ng List of Values (LOV) scale sa mataas na kalidad ng edukasyon na may kaugnayan
sa pagdedesisyon ng mga mag-aaral sa karera na nais tahakin. Ayon sa resulta ng
pagsusuri, ang panloob at panlabas na kaugalian ay importante bilang salik sa pagpili
ng karera. Subalit mayroon namang ibang estudyante na mas pinili ang panloob na
kaugalian bilang basehan ng pagpili ng kukunin na kurso.
Ang pananaliksik na ito ay nagbigay ng bagong kaisipan ukol sa ugali bilang isa sa
mga salik na naka-impluwensiya sa desisyon ng mga mag-aaral at sa pagtutugma ng
kanilang nais na karera sa buhay (Kopanidis at Shaw, 2014).
Sa isang pag-aaral na isinagawa sa India na ipinamagatang “Factors
influencing career choice of management students in India” ay naglalayong
galugarin ang impluwensiya ng isang hanay ng mga kadahilanan sa pagpili ng kurso
ng mga mag-aaral sa India. Ayon sa pananaliksik, mula sa 93 na respondante, ang
kasanayan, kakayahan at ang ama ay ang pinakaimportanteng salik, ito ay dahil sa
kanilang kultura at tradisyon. (Agarwala, 2008)
Sa isang pag-aaral na pinamagatang Factors Influencing Student's Choice for a
Senior High School Academic Track. Layunin ng pagsusuri ay matukoy kung ano ang
mga nakakaimpluwensiya sa pagpili ng strand na nasa ilalim ng Academic Track.
Ang nabanggit na mga salik ay Academic Experience, Educational Aspiration/
Expectation, Advice of others, friends; Peer Influence at Family Background. Ang
mga kalahok sa pag-aaral na ito ay ang 107 na mga Senior High school students ng
Bukidnon, National High School. Tinukoy ng mga mananaliksik ang may
pinakamataas na salik na nakakaimpluwensiya sa pagpili sa paraan ng paggamit ng
Mean at Standard deviation. Ang naging resulta sa ginawang pag-aaral ay ang
pinakamalaking salik na nakakaimpluwensiya ay ang Educational Aspiration/
Expectation habang ang hindi gaanong nakakaimpluwenisya ay ang Advice of others.
Sa pangkalahatan, inimungkahi ng mga mananaliksik na ang higit na
nakakaimpluwensiya sa pagpili ng strand. (Valente, Albia, Gayosa, Dalloga, at
Noblesa, 2015)
Sintesis
(provide a summary of the related literature and studies, SUMMARY means short only,
then look for the GAPS in the related studies which could be addressed by your
research, tell also the similarity and differences of your present study to the RL and RS.)
Page | 13
KABANATA III
DISENYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK
Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa pamamaraang ginamit sa
pananaliksik, ang mga kalahok, ang mga instrumenting ginamit sa pangangalap
ng datos at mga pamamaraang ginamit sa pagpapahalaga sa nakalap na datos.
Page | 14
Disensyo ng Pag-aaral
Ang pagpapahayag ng saliksik na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng
pamamaraan kwalitibo ng pananaliksik.
Tinangkang suriin ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ang mga
pananaw ng mga mag-aaral ng baitang 10 sa mga strand ng senior highschool.
Gayundin, sinubukan ng mga mananaliksik na magsagawa ng pag-aaral upang
mabigyan ng rekomendasyon ang datos na nakalap batay sa tugon ng mga
kalahok.
Mga Respondente
Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay ang mga piling mag-aatal ng
baitang 10 sa paaralan ng Dr. Juan A. Pastor Memorial National Highschool..
Napili ang mga mag-aaral bilang kalahok batay sa kanilang kapabilidad na
makapagbigay ng mga kinakailangang datos sa pag-aaral. Ang mga kalahok sa
pananaliksik ay may bilang na (5) limang mag-aaral.
Paraan ng Pagkalap ng Datos
Page | 15
Ang pag-aaral na ito ay kinapapalooban ng interbyu o panayam.
Nagsagawa ng interbyu o panayam ang mga mananaliksik upang magkaroon ng
pantay na pagtataya at pag-aanalisasa resulta ng mga datos.
Ang mga mananaliksik ay nangalap ng datos gamit ang mga sumusunod
na proseso. Una, bumuo ng mga katanungan na may kaugnayan sa mga
pananaw ng mag-aaral ng baitang 10 sa mga strands ng senior highschool. Ikalawa,
gumawa ng liham bilang pagpapaalam ng pagkalap ng mga impormasyon. Ikatlo,
paghingi ng pahintulot sa mga kalahok. Ikaapat, nakipagpanayam ang mga
mananaiksik sa mga piling kalahok upang makakalap ng mga datos na
kinakailangan upang masagot ang kanilang layunin ng pag-aaral.
Batayang Konseptuwal ng Pag-aaral
Ang sumusunod na batayang konsepto ay
-alang ng pananaliksik na
magsisilbing gabay upang higit na maunawaan ng mga mananaliksik ang pagaaral.
Instrumentong Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pakikipanayam o
interbyu. Ang mga mananaliksik ay naghanda ng mga katanungan upang mabatid ang
kaalaman ng mga respondente.
Page | 16
KABANATA IV
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
Tinatalakay sa kabanatang ito ang mga resulta sa ginawang panayam upang
malaman ang sagot sa mga katanungan tungkol sa “Pagsusuri sa pagpasok ng
kabataan sa Alternative Learning System”. Ipinapakita rin sa kabanatang ito ang
interpretasyon sa mga impormasyong nakalap.
Page | 17
KABANATA V
LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON
This chapter presents the summary of the findings, the conclusions arrived at
and the recommendations borne about by the findings.
Summary
(present here the summary of the findings, follow the numbering according to the
SOP)
1. Profile of the Respondents
1.1 Age.
1.2 Sex.
1.3 Strand
( examples only depending on your SOP)
Conclusions
Based on the findings, the following are the conclusions arrived at.
1.
2.
3.
4.
Page | 18
5.
(draw conclusions based on the SOP findings, one SOP one sentence of conclusion)
Recommendations
The following are the recommendations given.
1.For the Students. (example only- refer to the Significance of the Study)
2.
3.
4.
5.
(you can depend the recommendations on the Significance of the Study)
Page | 19
References
(include here all the authors/ works mentioned in Chapter 1, 2, 3,
Follow the rules of APA format – Google this
Ex:
De Castro, M. (2016). Gender-Related Work and Life Balance of the Academic
Workforce of Dr. Juan A. Pastor Memorial National High School. Journal of Education.
GOODLUCK! HAPPY WRITING!
Page | 20
APPENDICES
QUESTIONNARE
Download