Mga Pag-aaral at mga literatura Ang mga pansariling salik sa pagpili ng tamang kursong akademiko o teknikalbokasyonal, negosyo o hanapbuhay ayon sa iyong: Talento, Kasanayan (skills), Hilig, Pagpapahalaga, Katayuang pinansiyal at Mithiin. Ang Talento ay isang pambihirang biyaya at likas na kakayahang kailangang tuklasin dahil ito ang magsisilbing batayan sa pagpili ng tamang kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay pagtatapos ng Junior High School (Baitang 10). Ang mga Kasanayang ating tinutukoy ay ang mga bagay kung saan ang isang tao ay mahusay o magaling. Ito ay madalas na iniuugnay sa salitang abilidad, kakayahan (competency) o kahusayan (proficiency). Ang hilig o hobbies ay ang mga paboritong gawain na nagpapasaya sa isang tao dahil gusto at buo ang puso na ibigay ang lahat ng makakaya nang hindi nakakaramdam ng pagod o pagkabagot. Dapat sukatin ang sarili pagdating sa kasalukuyang katayuang pinansyal na kakayahan ng magulang sa pagpapaaral. Kalakip ng pagkamit ng mithiin sa buhay ay ang pagkakaroon ng matibay na personal na pahayag ng misyon sa buhay. (Peralta, Andaya, & Tuguinayo Jr., 2014) Ang hilig o passion sa ginagawa ng isang tao ang mananatiling magtutulak para magtrabaho, sa puntong ito ay magtratrabaho ang isang tao hindi dahil ang pangunahin layunin ay ang kumita ng pera kundi ginagawa ito dahil ito ang gusto ng tao na gawin sa buhay at lumalabas na hindi na ito trabaho kundi libangan, libangan na kung saan ay kumikita ka narin ng salapi. (Rivera, 2008) Isipin kung ano ang interes mo, alamin kung saan ka magaling, mga pinahahalagahan, trabahong makukuha, panahon, nilalaman, haba at mga pangangailangan ng kurso, pinansiyal na abilidad at kalidad ng Unibersidad. Ito lamang ang ilang bagay na dapat tandaan bago tuluyang magdesisyon. (WikiHow, 2014) Lahat ng bagay sa mundo ay dapat na pag-isipang mabuti. Kahit ang taong ayaw pumili o magpasya o makialam sa isang bagay o sitwasyon ay pumipili pa rin sa isang aksyon o kilos: ang hindi pagpili o hindi pakikialam. Dahil ang tao ay malaya at may kakayahang pumili, siya ay inaasahang maging mapanagutan sa piniling pasya at maging masaya para dito. (Peralta, Andaya, & Tuguinayo Jr., 2014)