Uploaded by Keiko Dacara

PANIMULA

advertisement
Kabanata 1
Ang Suliranin
PANIMULA
Ang Kagawaran ng edukasyon ay nagpatupad at namamahala
ng edukasyong K-12 simula nang pormal itong tinalaga noong 2013. Ang K
to 12 basic education program ay ang kasalukuyang umiiral na sistema ng
edukasyon sa Pilipinas na pinagtibay ng The Enhanced Basic Education Act
of 2013 o Republic Act no. 10533 na pinirmahan noong ika-15 ng Mayo
2013. Sa nasabing bagong sistema ng edukasyon, anim na taon ang
gugugulin ng isang mag-aaral sa Elementarya, apat na taon sa tinatawag na
Junior High School, at karagdagang dalawang taon para sa Senior High
School. Ang 13 na taong programa ay sinasabing pinakamabisang haba ng
panahon para lalong mapaigting ang pagkatuto ng mga bata.
Ang kurikulum ng K-12 ay maaaring sumangguni sa mga kurso
o paksa na itinuro sa paaralan mula sa mga grade kindergarten hanggang
labindalawa. Tulad ng ginagamit sa larangan ng edukasyon, K-12 kurikulum
ay karaniwang tumutukoy sa mga mag-aaral sa mga grade kindergarten
hanggang labindalawa. Ang K to 12(din ang K-12) ay isang sistema ng
edukasyon
sa
ilalim
ng
Kagawaran
ng
Edukasyon
na
naglalayong
mapahusay ang mga pangunahing kasanayan ng mga mag-aaral, makagawa
ng mas karampatang mamamayan, at mag handa ng mga nagtapos para sa
panghabambuhay na pag-aaral at pagtatrabaho. Ang “K” ay kumakatawan
sa Kindergarten at ang “12” ay tumutukoy sa matagumpay na 12 taon ng
pangunahing edukasyon (6 na taon sa Elementarya 4 na taon ng junior high
school at 2 taon ng senior high school).
Ayon sa pamunuan ng Kagawaran ng edukasyon, dumaan sa
masusing pag-aaral ang pagbabagong ito sa programa ng edukasyon sa
Pilipinas. Sinasabing isa sa mga kabutihan na dulot nito ay ang pagbibigay
ng pagkakataon para sa mga estudyante na mahasa sa mga iba’t ibang
larangan ng espesiyalisasyon tulad nalang ng animation. Ang pag-aaral sa
kindergarten at 12 taon ng basic education ay layong mabigay ng sapat na
panahon para mas matutunan at mapaghusay ng mga mag-aaral ang mga
konsepto at skills na kinakailangan para sa tertiary education o kolehiyo at
unibersidad, pati na sa pagtatrabaho at pagnenegosyo. Ang bagong
kurikulum ay nagbibigay sa mga mag-aaral ng pagkakataon na pumili sa
tatlong mga track
at sumailalim sa paglulubog, na
nagbibigay ng
maykatuturang pagkakalantad at aktwal na karanasan sa kanilang napiling
track.
Ayon sa Kagawaran ng edukasyon, ang Pilipinas ang huli sa mga
bansa sa Asya na nagpatupad pa ng 10-taong basic education. Sa
kasalukuyan ay kinakailangan magtapos ang ating kabataan o mag-aaral ng
kolehiyo para makapagtrabaho. Ngunit para kay Kalihim Bro. Armin Luistro
at Pangulong Noynoy (Aquino|||) ang K+12 ay ang pagbibigay ng basic
competencies na kailangan upang makapagtrabaho ang mga kabataan.
Junior high school pa lamang, maaari ng makakuha ng certificates of
competency level 1 basta ma-satisfy lang ang requirements ng TESDA.
Senior high school, level 2, naman ay maaari na silang magtrabaho matapos
nito.
Download