Uploaded by Sarah Jean Formentera - Paring

kabanata

advertisement
Kabanata 1: Ang Suliranin at Sanligan nito
•
Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral
•
Ito ay ang maikling talata na nagbibigay ng pagkalahatang pagtalakay ng
paksa ng papel pananaliksik. Nakalagay din ditto ang mga sagot sa tanong
na ano at bakit ng papel pananalisik. Nakalagay din ditoa ng pinaka
mahahalagang impormasyon tungkol sa iyong pananaliksik.
Halimbawa
“Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang pananaw ng mga guro
ukol sa K+12. Malaki ang papel ng mga guro ukol sa usaping ito at mas dapat na maibigay at
maipahayag ang kanilang mga saloobin sa nasabing programa. Sa pananaliksik na ito,
malalaman, masasagutan, at matutugunan ang mga katanungang hindi pa malalaman ng
karamihan.
Dito malalaman ang mga mabuti at di-mabuting epekto nito sa edukasyon sa
ngayon at sa hinaharap. Nais ng mananaliksik na maisawalat ang mga datos na kanilang
nakalap sa pananaliksik na ito.”
•
Paglalahad ng Suliranin
•
Dito nakasaad ang pangkalahatang layunin ng iyong papel pananaliksik a
rang dahilan kung bat ito ay ginawa. Nakalagay din dito ang mga
suliraning naka anyong patanong na kung saan ang papel pananaliksin ay
nakapokus
Halimbawa
Paglalahad ng Suliranin
Naglalayon ang pananaliksik na ito na matukoy ang mgamahahalagang aral at balyung
maikikintal sa ginawang pagsusuri sapiling maikling kwento ni Rogelio R. Tinangkang
sagutin ngmananaliksik ang sumusunod na mga katanungan:
•
Anu-ano ang mga katangiang inilalahad ng mga tauhan bataysa inihahayag ng mga
diyalogo sa mga piling maikling kwentoni Rogelio R. Sicat?
•
Anu-ano ang mga pinag-ugatang pagpapahalagang moral ngmga ipinapahiwatig
ayon sa:
•
Pagmamahal sa Diyos (Love og God)
•
Pagpapahalaga sa Katotohanan (Love of Truth)
•
Paggalang sa Buhay (Respect for Life)
•
Paggalang sa Kapangyarihan (Respect for Life)
•
Paggalang sa Sekswalidad(Respect for Human Sexuality)
•
Wastong Pamamahalsa sa mga Materyal na Bagay(Resposible Dominion
Over Material Things)
•
Anu-ano ang mga mahahalagang aral at balyung maikikintal samga mag-aaral sa
kasalukuyang panahon gamit ang mganapiling kwento ni Rogelio R. Sicat.
•
Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral
•
Ang layunin ng pag-aaral ay maaring patanong o papaksa sa patanong,
ginagamitan ito ng “ano” o “paano”. Sa papaksa naman ay oangungusap
na nagsaad ng layunin ng pananaliksik. Nakalahad sa kahalagahan ang
importansyang pagsasagawa ng pag-aaral at ang mga makikinabang
ditto. Tinatalakay dito ang kahuluga ng buong pag-aaral
Halimbawa
Layunin
Katulad ng ibang mananaliksik, mayroon ding mga layunin na pinagbatayan
upang maisagawa ang pananaliksik na ito. Ito ang mga sumusunod:
● Upang malaman ang reaksyon/tugon ng mga guro sa memorandum ng Dep-Ed na K+12.
● Malaman ang mga aspeto tungkol sa nasabing programa.
● Kung ano ang kanilang palagay tungkol dito.
● Malaman ang mabuti at di-mabuting dulot nito.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga sumusunod:
Guro-Makakatulong ang pananaliksik na ito sa mga guro na madagdagan ang abilidad
nila sa pagtuturo. Mapapataas ang kalidad ng edukasyon at mahahasa sila sa paraan ng
kanilang pagtuturo.
Mag-aaral-Malaki ang maiaambag ng pag-aaral na ito sa mga mag-aaral dahil
madaragdagan ang kanilang kaalaman, mapagsisikapan pa nila ang kanilang pag-aaral.
Mapagtitibay din ang relasyon ng guro at estudyante.
Pamahalaan- Malaki ang maiaambag ng resulta ng pag-aaral na ito sa pamahalaan
dahil malalaman nila kung ano ang magiging resulta o bunga ng paksa. Bukod dito, mapagaaralan din nila ang pamamalakad ng edukasyon at dapat isaalang-alang sa bawat desisyon
na kanilang gagawin. At lalong mapapaunlad din nila ang kalidad ng edukasyon.
•
Rebyu ng Kaugnay na Literatura
•
Ito ang mga papel pananaliksik, artikulo o mga pag-aaral na may
kaugnayan sa iyong papel pananaliksik. Ito’y pwedeng galing sa ibang
bansa o sa sariling bansa.
Halimbawa
REBYU NG MGA KAUGNAY AT LETERATURA
Pinagsikapan ng mga mananaliksik na makapagbasa ng mga di-nailathalang tesis, aklat,
pahayagan, polyeto, magasin, at iba pang lathalain na may kaugnay sa pag-aaral. Nagsuri
din at nagsaliksik sa Aklatan ng Pamantasan ng Cabuyao, at sa Aklatan ng Laguna College of
Business and Arts at sa iba pang aklatan. Sa mga nabasa, napatunayang may kaugnayan ang
lahat ng mga datos na nakuha sa pag-aaral sa lokal at mga literature na galing maging sa
labas ng bansa ukol sa pasalitang pagbasa.
•
Teoritikal na Gabay at Konseptuwal na Balangkas
•
Inililista rito ang mga mahihirap na salita na ginamit sa papel na
importante para maintindihang lubos ang pananaliksik. Ang konseptuwal
na balangkas naman ay ang mga materyales at proseso na ginamit para
mabuo ang pananaliksik.
Halimbawa
Batayang Teoretikal
Nagiging matagumpay ang isang pag- aaral lalo na’t may katulong
na mga teorya na siyang gagamiting gabay upang makamit angminimithi ng mananaliksik.
Isinalig ng mananaliksik sa TeoryangMoralistiko ang kanyang pag-aaral. Sa teoryang ito,
layunin ngpanitikang ilahad ang iba't ibang pamantayang sumusukat sa moralidadng isang
tao - ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito angmga pilosopiya o proposisyong
nagsasaad sa pagkatama o kamalian ngisang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng
lipunan (Dinglasan,2005). Samaktwid, napagkakasunduan ang moralidad ayon na rin
sakaantasan nito. Ang aral na pinahahalagahan sa mga akda ay nasalarangan ng moralidad
ng kilos at gawi sa pang-araw-araw na buhay ngtao bilang isang mamamayan o kasapi ng
komunidad.Ang moralistikong teorya ay nagbibigay-diin sa mga layuningdakila at
pinahahalagahan nito ang kabutihan, ang tama, ang kagandahang asal, tamang
pakikipagkapwa, mabuting pag-uugali atwastong reaksyon ng tao sa kanyang kapwa.Upang
higit na maging makabuluhan ang ginagawang pagsusuriay idinagdag ang Ginintuang
Patakaran ni Confucius na nagsasaad na
―Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa iyo‖. (Brown,
2011) Nangangahulugan itong huwag mong gawin sa iba ang ayaw monggawin sa iyo. Kung
ano ang makakasama sa iyo, makasasama rin ito saiyong kapwa. Kung ano ang makabubuti
sa iyo, makabubuti rin ito sakanya sapagkat siya ang iyong kapwa-tao. Magkakatulad ang
inyongpagkatao bilang tao. Ayon nga sa kawikaan (Proverbs 22.8) ngma
tandang tipan ng Bibliya, ―Siyang naghasik ng k
asamaan ay aani ngkapahamakan;
at ang pamalo ng kanyang poot ay maglilikat.‖ Ang kasamaan na inihasik ng marami sa
ngayon, aanihin niya pagdating ngaraw. Ang lahat ng kasamaang gawin ng tao ay untiunting magtutulaksa kanya sa walang hanggang kapahamakan. Ito ang batas ngkatalagahan
sa ating mga tao upang umiral ang katarungan ng Diyos.Datapwat sa mga gumagawa ng
mabuti, hindi naman mawawala anggantihin sila ng Diyos.Sa mga nabanggit na teorya
ibinatay ng mananaliksik angkanyang ginawang pagsusuri sa mga piling maikling kwento ni
RogelioR. Sicat. Mula sa kanyang mga akda, nakatitiyak ang mananaliksik namakikita ang
hinahanap na mahahalagang aral at mga balyung maikikintal na magiging gabay tungo sa
tamang landasin. Ito ang aakaysa tao tungo sa kabutihang panlahat.
Batayang Konseptwal
Ang batayang konseptwal ay inilalahad ng mananaliksik upangtuwirang maipakita ang
daloy ng pagsusuring gagawin sa mga pilingmaikling kwento ni Rogelio Sicat. Tinukoy ng
mananaliksik ang pinag-ugatang pagpapahalagang moral na angkin ng mga tauhan sa
kwento.Ang mga Pagpapahalagang Moral (Malayang Ensiklopedya, 2012) ay angmga
sumusunod: Pagmamahal sa Diyos (Love of God), bilang nilikha ngDiyos, marapat na siya ay
mahalin. Siya ang pinagmulan ng pag-ibig atng tao at Siya rin ang patutunguhan ng tao.
Pagpapahalaga saKatotohanan (Love of Truth), ang katotohanan ay maaaring tuklasin ngtao
dahil sa kanyang karunungan at kagustuhan. Ang pag-iisip ng tao aymay kapasidad na
magsuri, magmunimuni at timbangin angkatotohanan ng bawat bagay. Ang katotohanan
ay hindi nagbabagokahit magbago man ang panahon. Paggalang sa Buhay (Respect for
Life),ang buhay ay dakilang kaloob ng Diyos sa tao. Ang paggalang dito
ayparaan ng pagpapahalaga at pagmamahal sa Diyos. Paggalang saKapangyarihan
(Respect for Authority), ang unang tatlo sa sampung utosng Diyos ay patungkol sa
paggalang sa kapangyarihan ng Diyos. Siyaang nagbigay ng buhay kaya nararapat lamang
na sambahin at igalangSiya. Ang pang-apat na utos ay paggalang sa mga magulang. Ang
mgamagulang ay nararapat na igalang dahil sila ang umalalay sa mga anak.
Paggalang sa mga magulang dahil sila ang paraan at tinatawag nakasama sa paglikha ng tao
sa mundo at paggalang sa mga pinuno ngbayan dahil sila ang namumuno sa kaayusan at
kabutihan ng lahat.Panggalang sa Sekswalidad (Respect for Human Sexuality), ang
pagigingmabuting lalaki at mabuting babae ay sukatan ng mabuting
pagkatao.Walang kahinatnan ang dunong at yaman kung walang paggalang sasekswalidad
at sekswalidad ng iba. Ang pagiging marangal na tao aynababatay sa kung paano ka
kumilos ayon sa kasarian. At WastongPamamahala ng mga Materyal na Bagay (Responsible
Dominion OverMaterial Things), naunang likhain ng Diyos ang lahat ng bagay, maybuhay o
wala kaysa tao kayat ang tao ang siyang ginawangtagapangasiwa ng mga ito. Ang tao ay
lilipas sa mundong ito ngunitmananatili ang mga bagay sa
mundo.Makatutulong ang mga konseptong ito upang magingmatagumpay ang pag-aaral.
Isa ito sa magiging lunsaran upang lubos namakilala ang tunay na katangian at pagkatao ng
mga tauhangmatatagpuan sa kwentong ginamit sa pag-aaral. Ang mga nabanggit
nakonsepto ang naging basehan ng mananaliksik sa pagsusuri ng mgapiling maikling kwent
o ni Rogelio R. Sicat. Masasabi ngmananaliksik na sa mga kathang ito ay matatagpuan ang
mgamahahalagang aral at balyung maikikintal na maging gabay ng taoupang tunguhin ang
tamang landasin at mamuhay nang maykabuluhan.
Matutunghayan sa sumusunod na dayagram ang mga hakbang naginawa ng mananaliksik
upang maging matagumpay ang ginawangpagsusuri sa mga piling maikling kwento ni
Rogelio Sicat. Tinukoy ngmananaliksik ang pinag-ugatan ng mga pagpapahalagang moral
tulad ngPagmamahal sa Diyos, Pagpapahalaga sa Katotohanan, Paggalang saBuhay,
Paggalang sa Kapangyarihan, Paggalang sa Sekswalidad atWastong Pamamahala ng Mga
Materyal na Bagay. Hinimay-himay angmga ito at binigyang-kahulugan sa pamamagitan ng
mga teoryangginamit. Sa mga pagpapakahulugan, inilahad ang mga mahahalagangaral at
balyung maikikintal sa lipunang kinabibilangan ng mga tauhanat ng mga mamamayan sa
kasalukuyan.
Figura 1. Iskematik Dayagram na naglalahad sa pagpapahalagangmoral na taglay ng
mga piling maikling kwento ni Rogelio Sicat
•
Sakop at Delimitasyon ng Pag-aaral
•
Tinutukoy ditto ang simula at hangganan ng pananaliksik pinakikita dito
ang lawak ng sakop ng pananaliksik. Nakalahad din ditto ang maaring
saklawin ng pag-aaral
Halimbawa
Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral
Makabuluhan ang mga akdang pampanitikangnakapagpapayaman sa isip, humuhubog sa
isang indibidwal atnakapagbibigay ng inspirasyon upang gumawa ng kabutihan.Sinasaklaw
ng pag-aaral na ito ang mga pagpapahalagang moralna taglay ng mga tauhan na
kapupulutan ng mahahalagang aral atbalyung maikikintal mula sa walong maikling kwento
ni Rogelio Sicat
—
Ama (1960), Impeng Negro (1962), Tata Selo (1962), Handog sa KanyangIna (1962), Lumang
Kotse (1963), Ang Kura at Ang Agwador (1963),Nawawalang Pasko (1963) at Tinik ng
Nakaraan (1964).Isinagawa ang pananaliksik ngayong taong 2013-2014 sa paaralng
St. Michael’s College, lunsod ng Iligan.
•
Daloy ng Pag-aaral
•
Ito ay ang progreso kung paano ang pagkasunod-sunod ng mga bahagi
ng pnanaliksik. Nararapat lamang na masinop ang pagbabalangkas dtto
upang maintindihan ang pagbasa rito.
Halimbawa
Tinatalakay sa unang parte ng pananaliksik ang tunkol sa teknolohiya. Ang
kahulugan ng teknolohiya at sakop nito ay kabilang rito, pati na ang gamit ng teknolohiya sa
tao at sa iba pang mga bagay.
Ang ikalawang parte ng pag-aaral ay tumatalakay sa mga kontribusyon ng mga
Pilipino sa makabagong teknolohiya. Ipinaliwanag dito ang mga teknolohiyang mayroon sa
ating bansa at kung paano ito napalawak pa. Nasasaad din dito ang pagkilala sa mga taong
malaki ang naitulong upang lalo pang mapaunlad ang teknolohiya sa ating bansa.
Ang huling parte ng pananliksik ay nakasentro sa totoong epekto ng makabagong
teknolohiya sa bawa’t indibidwal. Ipinakikita rito ang mabubuting epekto na sadya nga
namang nakatulong sa ating pangaraw-araw na buhay at maging ang mga negatibong
bagay na nakaapekto rin sa atin.
Kabanata II: Metodolohya at Pamamaraan
•
Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik
•
Nililinaw o pinapahayagr ito ang uri ng pananaliksik halimbawa ay ang
deskriptibong pananaliksik na kung saan ang disenyo ay naka pkus sa
pangangalap ng datos at impormasyon.
•
Lokal at Populasyon ng Pananaliksik
•
Ito ay ang mga respondante ng pananaliksik, nakasaad ditto kung ilan at
bakit sila ang napili.
•
Kasangkapan sa Paglikom ng Datos
•
Sinasaad ditto ang materyales na ginamit upag malikom ang impormasyon
mula sa mga respondante.
•
Paraan sa Paglikom ng Datos
•
•
Nilalarawan kung paano nakuha ang datos.
Paraan sa Pagsuri ng Datos
•
Nilalarawan kung ano istatistikal na pamamaraan ang ginamit upang
masuri ang datos.
Kabanata III: Resulta at Diskusyon
•
Ito ang resulta ng buong istatistikal na pamamaraan treatment
Kababata IV
Lagom
•
Nilalagay lahat ng resulta at impormasyong nakuha ng mananaliksik sa
anyong buod.
Konklusyon
•
Mga inferences o mga ideyang nabuo ng mananaliksik.
Rekomendasyon
•
Mga mungkahing solusyon para sa mga suliraning wala pang sagot at sa
mga suliraning natklasan.
Download