Uploaded by Sarah Jean Formentera - Paring

MGAMANANALIKSIK

advertisement

KABANATA I

(Ang Suliranin at ang

Kaligiran ng Pagaaral)

MGA EPEKTO NG MADALAS NA PAGLIBAN NG MGA MAG-AARAL SA IKATLONG

BAITANG NG KASIGLAHAN VILLAGE ELEMENTARY SCHOOL

MGA MANANALIKSIK:

Jeremie Ortiz

Ella Mae Villacanas

Michelle Caleza

Anafe Catilod

Alvin Nicolas

KABANATA I

(Ang Suliranin at ang Kaligiran ng Pagaaral)

PANIMULA

Ang edukasyon ay isang kayamanan na walang sinuman ang makapagnanakaw. Ito ay itinuturing napakahalagang bagay para sa lahat dahil marami kang magagawa kapag ikaw ay edukado.

Sabi ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal na "Ang kabataan ang pagasa ng bayan." Ngunit, paano sila magiging pag-asa ng bayan kung sila mismo ay napupunta sa maling landas dahil sa madalas na pagliban sa klase? Sa henerasyon ngayon marami sa ating mga kabataan ang bumabagsak sa klase dahil madalas silang lumiban. Ang ibang kabataan ay madalas kinukulang sa pangtustos sa mga gastusin sa eskwelahan, walang pambaon, nabu-"bully" o naaapi sa kanilang mga klase, nawawalan ng ganang magaral dahil sa problema, naiimpluwensyahan ng maling mga barkada o grupo ng kaibigan, at iba pa ay maaaring dahilan kung bakit marami sa kanila ang lumiliban sa klase. Alam natin na ang madalas na pagliban sa klase ay malaking bagay na nakakaapekto sa ating kinabukasan.

Maraming paksa ang kanilang maliliban na makakaapekto sa kanilang nga grado na magiging dahilan ng pagbagsak nila at pag-ulit sa mga asignatura nila. Paano na ang kanilang kinabukasan kung sila ay hindi makakapasa sa mga asignatura nila sa klase? Pano na sila magiging handa sa mga susunod pang kaganapan sa buhay nila kung dito pa lang ay nahihirapan na sila? Paano naman ang mga magulang nila na hirap sa pangtustos sa pagaaral nila? Sa panahon ngayon mahirap nang kumita ng pera kaya't ginagawa ng mga magulang ang abot ng kanilang makakaya upang ang kanilang anak ay makapagtapos ng pagaaral. Ito na lang ang maituturing nilang ginto na maipapa-mana sa kanilang mga anak. Kung lahat ng bata ay magiging masipag at masigasig sa kanilang pagaaral, mas magiging maganda ang buhay at kinabukasan ng bawat isa.

Kaya't ito ang napili namin paksa upang saliksikin dahil kami ay napaisip at nabahala sa mga batang masasayang ang kinabukasan kung sila ay madalas na liliban sa klase. Halos lahat

ng tao ay naranasan nang lumiban sa klase dahil sila ay may kanya kanyang dahilan kaya't ating mas aalamin para mas maintindihan natin kung bakit nila ito nagagawa.

KALIGIRANG KASAYSAYAN NG PAGAARAL

Gusto nating lahat na makakuha ang ating mga mag-aaral ng isang mahusay na edukasyon, at ang mga pundasyon para sa isang mahusay na edukasyon ay nagsisimula sa mga mag-aaral na pumapasok sa paaralan bawat araw at araw-araw. Nagkakaroon ng mabuting gawi ang mga magaaral sa pamamagitan ng pagpasok sa paaralan araw-araw - mga gawi na kinakailangan upang magtagumpay pagkatapos ng paaralan. Ang pagliban sa paaralan ay may malaking epekto sa pag-aaral at pakikisalamuha ng mga mag-aaaral. Maaapektuhan nito ang mga resulta ng kanilang pagsusulit at ang kanilang mga relasyon sa ibang mga magaaral, at maaaring humantong sa hindi pakikisalamuha. Walang tamang bilang ng mga araw para sa pagliban sa paaralan - ang bawat araw na napalampas ng isang mag-aaral ay maglalagay sa kanya sa hulihan ng klase, at maaaring makaapekto, sa mga kalalabasan ng kanyang edukasyon. Bawat napalampas na mga araw ay nauugnay may kaugnayan sa lalong bumababang antas ng pagkatuto sa pagbilang, pagsulat at pagbasa. Hindi na kagulatgulat na ang mga estudyante na may mataas na bilang ng pagliban sa klase ay mas mababang mga marka ang nakukuha sa klase ( Redick & Nicoll 1990).Karamihan ngayon sa mga kabataan ay mga tinatamad nang pumasok dahil sa kanikanilang mga dahilan. Dapat tulungan silang maging masigasig ulit sa pagaaral para maipagpatuloy ang nasimulang gawain.

Natagpuan na ang hindi pagdalo sa klase ay maaaring nauugnay sa lokasyon ng paaralan. Wright (1978).

Minsan masyadong maingay sa ibang paaralan dahil narin sa kapaligiran nito. Dapat maayos at malinis din ang kapaligirang paaralan dahil malaki ang pwedeng maging apekto nito sa mga mag-aaral. Pinananatili ang katahimikan at kaayusan sa paligid ng paaralan para maayos na makapakinig at matuto ang bawat estudyante ditto.

Kinilala rin ng Kagawaran ng Edukasyon na ang pakikipagtutulungan ng mga estudyante at kanilang pamilya ay siyang pinakamabuting paraan upang suportahan ang regular na pagpasok ng mga estudyante sa paaralan. Para mas

magkaroon ng gana ang mga estudyante ay dapat nabibigyan din ng pansin kung paano magturo ang mga guro sa paaralan.

BATAYANG TEORETIKAL:

Ecological Systems Theory

"Ayon sa teoryang "Ecological Systems Theory" ni Bronfenbrenner, ang isang mag aaral ay nasa pinakasentro ng lipunang kanyang kinabibilangan kung saan malaki ang posibilidad na maimpluwensyahan siya ng mga indibiduwal na nasa kanyang kapaligiran. Ang mga kagawian o kaugalian na makukuha nya rito ay maaring magdulot sa kaniya ng mga tuwiran o mga di tuwirang epekto. Sinasabi rito na maaaring ang nakapaligid o ang mga umiimpluwensya sa mga batang ito kaya lumiliban sila sa klase.

Social Dominance Theory

Ayon sa "Social Dominance Theory" ni Sidanius and Pratto , ang bullying ay isang agresibong pamamaraan na may layuning makakuha at mapanatili ang " dominance" ng taong nambu-bully (Pellegrini and Bartini, 2001).ayon narin sa nakasaad sa teorya na ito ay isa pa marahil na rason kug bakit lumiliban ang mga batang ito sa kanilang klase ay marahil narin sa pambu“bully” ng kanilang mga kaklase.

BALANGKAS KONSEPTWAL:

INPUT

• Mga Suliranin

• Mga Teorya

Ang bahaging ito ay nagpapakita ng magiging daloy ng pag-aaral na ito:

PROCESS

• Paggawa ng mga talatanungan

• Pangangalap ng mga surbey sa mga magaaral sa Ikatlong baiting ng KVES

OUTPUT

• Mga epekto ng madalas na pagliban ng mga mag-aaral sa Kasiglahan Village

Elementary School

Pigura 1. Ang Balangkas Konseptwal ng Pagaaral

Gumamit ang mga mananaliksik ng Input-Process-Output para maipakita ang magiging daloy ng kanilang pananaliksik. Sa unang kahon, tinala muna ang magiging suliranin na kanilang sasaliksikin at nagkalap ng mga gagamiting teorya patungkol sa “Absenteeism” o madalas na pagliban sa klase. Nagkalap ng mga kapakipakinanbng na inpormasyon na mas lalong makakatulong sa kanilang pananaliksik. Sa ikalawang kahon makikita natin na para malaman ang sagot sa suliraning madalas na pagliban sa klase ay gumamit sila ng surbey o mga talatanungan. Sa mga mag-aaral ng ikatlong baitang sa KSEV sila gumawa ng surbey at nagobserba sa magiging resulta nito para mas maintindihan ang pananaliksik. Sa ikatlong kahon naman, doon ay malalaman na ang mga dahilan kung bakit madalas lumiban ng klase ang mga mag-aaral sa ikatlong baitang ng Kasiglahan Village Elementary School.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag aaral na ito ay naglalayon na malalaman kung anu ang dahilan ng madalas na pagliban sa klase ng mga mag aaral sa Ikatlong baitang ng Kasiglahan Village Elementary

School

• Ano ang Resulta ng Pre Test ng Groupong Expiremental at Control ?

• Ano ang resulta ng Post test sa Groupong Expiremental at Control ?

• Ano ang Resulta ng Pre Test at Post Test ng Groupong Expiremental ?

• Ano ang Resulta ng Pre Test at Post Test sa Groupong Control ?

• May Pagkakaiba ba ng Resulta ang Pre Test at Post Test sa Groupong

Expiremental at Control ?

HAYPOTESIS

Ayon sa pananaliksik ang mga posibleng dahilan ng pagliban ng mga magaaral ay marahil sa kakulangan ng pantustos, kawalan ng baon sa eskwela, naghahanap buhay sa murang edad, pagpigil sa anak na huwag ng pumasok o sa madaling salita ay kahirpan.

Marami sa mga kabataan ngayon ang nakararanas ng ganitong sitwasyon, gustuhin man nilang makapasok sa paaralan ay wala silang sapat na pambaon upang makapasok.marahil rin ito ay may problema sa pamilya, ito rin ang dahilan kung bakit marami sa mga magaaral ay nakakaisip ng mag "cutting classes" dahil sa sama ng loob sa mga magulang.away ng away siguro ang kanyang mga magulang kaya naisip niya na magbulakbol na lamang. Ito na rin ay dahil din sa takot sa guro, tinatamad, walang ipapasang proyekto, walang takdang aralin, udyok ng barkada, tanghali ng magising, may nagawang kasalanan sa klase,nalulong sa pag kokompyuter,pagkakaroon ng sakit o aksidente at marahil ang pinaka masidhing dahilan ay biktima ng pambu“bully”.

KAHALAGAHAN NG PAGAARAL

Sa mga mag-aaral:

Makatutulong ito sa kanila para mas maintindihan at mas mamulat sila sa kahalagahan ng hindi pagliban ng klase. Para sila ay mas magpursige sa pagaaral nila at pag-abot ng pangarap nila.

Sa mga guro:

Makatutulong ito para makaisip o makagawa sila ng mas epektibong paraan ng pagtuturo nila upang ganahan ang kanilang mga estudyante na pumasok sa klase. Para mas bigyang pansin ang mga estudyante na madalas lumiban sa klase at gumawa ng hakbang upang matulungan ito.

Sa mga magulang:

Makatutulong ito para mas bigyan nila ng pansin ang mga anak nilang madalas lumiban sa klase. Para mas palakasin nila ang loob ng kanilang mga anak na huwag na ulit magliliban sa klase at mag-aral ng mabuti.

Sa Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) :

Ito ay mahalagang malaman ng mga tauhan ng kagawaran ng edukasyon upang magkaroon sila ng mga gawain sa mga paaralan upang makatulong sila sa pagsasaayos ng mga problema ukol sa pagbaba ng antas ng mga batang madalas lumiban sa klase .

Sa mga susunod pang mananaliksik:

Makatutulong ito para mas malawakan ang isip nila at mas mabigyan sila ng ideya para sa gagawin nilang saliksik patungkol sa suliranin na madalas na pagliliban ng mga mag-aaral sa klase.

SAKLAW AT HANGGANAN NG PAGAARAL

Sinasaklaw ng pananaliksik na ito ang magiging epekto sa pagaaral ng mga mag-aaral sa Ikatlong baitang ng Kasiglahan Village Elementary School.

KATUTURAN NG MGA KATAWAGAN

Para mas maintindihan ang mga nabasang impormasyon, tinala naming ang mga mahahalagang salita na may katumbas na kahulugan:

• Mag Aaral – Ang mga mag aaral na tinutukoy dito ay ang mga estudyante sa

Ikatlong baitang ng Kasiglahan Village Elementary School.

• Absenteeism – Ito ay ang Pagsasanay na Hindi Pumasok sa Paaralan ng walang Maganda o Tamang Dahilan.

• DepEd – Department of Education o Kagawarang Edukasyon ito ang namamahala sa lahat ng patungkol sa edukasyon sa Pilipinas.

Download