FERDINAND MARCOS Ikasampung Pangulo ng Republika ng Pilipinas Disyembre 30, 1965 – Pebrero 25, 1986 Mga Personal na Tala sa Buhay Araw ng pagkasilang Lugar na sinilangan Ama Ina Maybahay Mga anak : : : : : : Araw ng kamatayan Lugar ng kamatayan Edad nang mamatay : : : Setyembre 11, 1917 Sarrat, Ilocos Norte Mariano Marcos Josefa Edralin Imelda Romualdez Maria Imelda, Ferdinand, Jr. at Irene Setyembre 28, 1989 Honolulu, Hawaii 72 Mga Nagawang Programa • • • • • • • • • • • • • • • Nakakuha ng pinakamataas na karangalan sa Military Science and Tactics sa buong pamantasan. Komandante ng Batalyon, may ranggo na kadete mayor at puno ng koponan ng riple at pistola ng Pamantasan ng Pilipinas. Nakamit niya ang President Manuel Quezon Medal Award dahil sa kanyang Graduation Thesis. Naakusahang nakipagsabwatan sa pagpatay kay Kinatawan Julio Nalundasan, kalaban sa pulitika ng ama noong 1938. Naging topnotcher sa bar examinations noong Nobyembre 1939. Ipinagtanggol ang sarili sa kasong pagpatay sa harap ng Korte Suprema na nagpawalang-sala sa kanya noong Nobyembre 1940. Nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nakasama sila sa Death March at nakaranas ng hirap at sakit bilang bilanggo ng giyera sa Fort Santiago at Capas, Tarlac. Naging tenyente rin siya na nangasiwa sa pangangalaga ng impormasyon, ika-21 sangay ng USAFFE. Tatlong beses nahalal na kongresista ng Ilocos Norte, (1949, 1953 at 1957). Sa edad na 32, siya ang pinakabatang miyembro ng kapulungang minorya. Senador (1959), ang kaunaunahang kandidato ng minorya na nanguna sa pagkasenador; pinuno ng kapulungang minorya, pangulo ng senado (1936). Pangulo ng Republika ng Pilipinas, (Nobyembre 1965). Pinasikat niya ang islogang “Magiging Dakilang Muli ang Bansang ito”. Muling nahalal para sa apat na taong panahon (1969); ang kauna-unahang muling nahalal sa kapulungann sa kasaysayan ng Pilipinas. Nakapagpagawa ng maraming patubig at naipalaganap sa buong bansa ang tinatawag na miracle rice. • • • • • • • • • • • • Ang pinakamadugong demonstrasyon ay naganap noong Enero 30, 1970 sa Mendiola Bridge. Sinuspende niya ang Writ of Habeas Corpus noong Agosto 21, 1971 matapos bombahin ang rally ng Liberal Party sa Plaza Miranda. Ipinatupad ang Batas Militar at sinuspende ang 1935 Konstitusyon (Setyembre 21, 1972). Iprinoklama niya ang 1973 Konstitusyon na naglalayong palawigin ang kanyang pamamahala hanggang sa pagtatapos ng pag-iral ng Base Militar. Sa panahon ng Batas Militar ay sumikat ang Bagong Lipunan. Kauna-unahang Punong Ministro sa balangkas ng pamahalaang uring parliyamentaryo. Nilagdaan niya ang pagpapawalang bisa ng Batas Militar noong Enero 17, 1981 sa pamamagitan ng Proklamasyon 2045. Muling nahalal na pangulo sa anim na taong panahon makaraang magwakas ang Batas Militar. Tumawag ng isang snap election sa pagkapangulo noong Pebrero 7, 1986 at nanalo kay Cory Aquino sa kabila ng malawakang dayaan at karahasan. Pinatalsik ng makasaysayang People’s Power noong Pebrero 25, 1986. Tumakas at napatapon sa Hawaii, U.S.A. Ibinalik ang bangkay sa Pilipinas noong 1992. CORAZON “CORY” AQUINO Ikalabing –isa at Unang Babaing Pangulo ng Republika ng Pilipinas Pebrero 26, 1986 – Hunyo 30, 1992 Mga Personal na Tala sa Buhay Araw ng pagkasilang Lugar na sinilangan Ama Ina Asawa Mga anak : : : : : : Araw ng kamatayan Lugar ng kamatayan Sanhi ng kamatayan Edad nang mamatay : : : : Enero 25, 1933 Maynila Jose Cojuangco Demetria Sumulong “Ninoy” Aquino, Jr. Maria, Aurora, Benigno III, Victoria at Kristina Agosto 1, 2009 Makati Kanser sa bituka 76 Mga Nagawang Programa • • Matapos makapangalap ng isang milyong signature ang mga kakampi ay saka lang siya napapayag na labanan si Marcos sa Snap Election noong Pebrero 7, 1986. Iniluklok bilang Pangulo ng Pilipinas noong Pebrero 25, 1986 dahil sa makasaysayang People’s Power na nagpatalsik kay Marcos sa posisyon. • • • • • • • • • Pinanumpa ni Hukom ng Korte Suprema Claudio Teehankee bilang pangulo ng Pilipinas. Nagpatupad ng rekonsilyasyon at pinalaya ang mga bilanggo ng New People’s Army at Jose Maria Sison ng Communist Party of the Philippines. Nagpabalik ng pampanguluhang balangkas ng pamahalaan. Nagdaos ng isang pambansang plebisito upang pagtibayin ng bayan ang mga susog sa Saligang Batas ng 1935 noong Pebrero 2, 1987. Tinanghal na Babae ng Taon ng Time Magazine. Ginawaran ng Gawad Eleanor Roosevelt para sa Karapatang Pantao. Napingasan ang pagtingin ng taumbayan kay Cory dahil sa mga taong nakapaligid sa kanya ng uhaw sa paghihiganti kay Marcos. Nagkaroon ng anim na malalaking coup d’ etat na nais magpatalsik sa kanyang pamahalaan na ang pinakamadugo ay naganap noong 1987 at 1989. Nakaranas ng malaking problema at kalimidad sa panahon niya tulad ng lindol noong Hulyo 16, 1990; bagyong Rufing at pagtaas ng presyo ng langis bunga ng giyera sa Gitnang Silangan at pagsabog ng Bulkang Pinatubo noong 1991. FIDEL V. RAMOS Ikalabindalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas Hunyo 30, 1992 – Hunyo 30, 1998 Mga Personal na Tala sa Buhay Araw ng pagkasilang Lugar na sinilangan Ama Ina Maybahay Mga anak : : : : : : Marso 18, 1928 Lingayen, Pangasinan Atty. Narciso Ramos Angela Valdez Amelita Martinez Angelina, Josephine, Carolina, Christine at Gloria Mga Nagawang Programa • • • • • Ipinadala ng Pilipinas sa aktibong serbisyo sa digmaang Korea (1950-1953) at Digmaang Vietnam (1959-1975). Siya ang nagtatag ngSpecial Forces ng Hukbo ng Pilipinas. Naging Hepe ng Philippine Constabulary, na kilala ngayon bilang Philippine National Police o PNP. Hinirang na Vice Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines o AFP sa loob ng limang taon sa administrasyong Marcos. Naglunsad ng Philippines 2000 na ang layunin ay mapaunlad ang bansa. • • • • • • • • • Sampung taong nagsilbi bilang Puno ng Intelligence Services ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas at Deputy Chief of Staff para sa Home Defense Activities. Kasama ang Ministro ng Depensa Juan Ponce Enrile, iniurong nila ang kanilang suporta at nakiisa kay Corazon Aquino at sa People Power Movement noong Pebrero 22, 1986. Naging Chief of Staff, Armed Forces of the Philippines noong 1986. Naging kinatawan ng Pilipinas sa Third ASEAN Conference sa bansang Malaysia noong 1969 at sa Ministerial Conference ng ASEAN sa Kuala Lumpur. Kalihim ng Gabinete, Department of National Defense, (Enero, 1988). Pangalawang Tagapangulo, Pangrehiyong Pagpapaunlad ng Rehiyon 9. Nahalal na Pangulo ng Republika ng Pilipinas noong 1992. Upang wakasan ang paghihimagsik ng rebeldeng Komunista at Muslim ay binuo ang Komisyon sa Pambansang Pagkakaisa. Nakamit ang isang kasunduan sa pagitan ng pamahalaan at ng Moro National Liberation Front ni Nur Misuari. JOSEPH ESTRADA Ikalabintatlong Pangulo ng Republika ng Pilipinas Hunyo 30, 1998 – Enero 20, 2001 Mga Personal na Tala sa Buhay Popular na pangalan Araw ng pagkasilang Lugar na sinilangan Ama Ina Maybahay Mga Anak : : : : : : : Joseph “Erap” Estrada Abril 19, 1937 Tondo, Maynila Engr. Emilio Ejercito Maria Marcelo Dra. Luisa “Loi” Pimentel Jinggoy, Jacqueline at Jude Mga Nagawa at Programa • • • • • Nang tumigil sa pag-aaral sa kolehiyo sa edad na 21 ay nagsimula bilang aktor sa pelikula noong 1950 at nakagawa ng mahigit sa 120 pelikula. Ginawaran ng Ten Outstanding Young Men (TOYM) para sa Paglilingkurang Pambayan, iginawad ito ng Philippine Jaycees noong 1972. Naluklok sa Hall of Fame ng FAMAS matapos makamit ang pinakamataas na karangalan bilang Pinakamahusay na Aktor at Prodyuser ng Pinakamahusay na Pelikula noong 1981 at 1984. Naging Alkalde ng bayan ng San Juan, Metro Manila sa loob ng 17 taon na sumakop sa panahong 1969-1986. Nanalo bilang Senador sa pambansang halalan noong 1987. • • • • • • • • • • • • • • • • • • • Pinarangalan bilang isa sa tatlong Pinakamahusay na Senador ng Taon ng Philippine Free Press Magazine noong 1989. Tagapangulo, Mga Lupon ng Senado sa pagpapaunlad sa Agrikultura, Rural Development at Public Works. Naging Pangalawang Tagapangulo sa mga Lupon ng Kalusugan, Likas-Yaman at Ekolohiya at Pagplaplano ng Lungsod. Isa sa mga senador na bumoto upang wakasan ang kasunduang Base Militar ng Pilipinas at Estados Unidos noong 1991. Pinasikat ang islogang “Erap para sa Mahirap”. Nahalal na Pangalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas noong 1992. Tagapangulo ng Presidential Anti-Crime Commission. Tagapagtatag at Pangulo, Movie Workers Welfare Foundation, Inc. Napiling maging Gobernador ng Film Academy of the Philippines. Tagapayo, Samahan ng mga Prodyuser ng Pelikula sa Pilipinas (PMPPA). Tagapagtatag at Pangulo, ERAP Para sa Mahirap Foundation. Naging Pangulo ng Republika ng Pilipinas noong Mayo 11, 1998. Kaunaunahang Pangulo na isinakdal dahil sa pagmamalabis sa tungkulin dahil sa pagkakasangkot sa ilang ilegal na gawain noong Nobyembre 13, 2000. Sapilitang pinaalis sa tungkulin dahil na rin sa pagkawala ng tiwala ng mga mamamayan, pagtalikod ng mahahalagang miyembro ng kanyang gabinete, paglipat ng suporta ng mga mahahalagang opisyal ng military sa kanyang kalaban na naging sanhi ng tagumpay ng People Power Revolution noong EDSA II. Inaresto noong Abril 25, 2001 habang nililitis ang kanyang mga kaso. Kasalukuyang nasa ilalim ng House Arrest sa kanyang bahay sa Tanay, Rizal hanggang siya ay pinatawad ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Siya ay tumakbong muli sa pagka pangulo ng Pilipinas noong Mayo 2010 ngunit pumangalawa lang siya kay Noynoy Aquino. Pagkatapos ng election, inihayag niya na ibebenta niya ang kanyang 3,000 metro kwadradong bahay niya sa San Juan sa halagang 300 million pesos para ipagpatuloy ang kanyang negosyo sa “Real State”. Si Joseph Estrada ay nakapagpatayo na ng dalawang matataas na condominium at nagbabalak pang magpatayo ng isa. GLORIA MACAPAGAL ARROYO Ikalabing-apat na Pangulo ng Republika ng Pilipinas Enero 20, 2001 – June 31, 2010 Mga Personal na Tala sa Buhay Araw ng pagkasilang Lugar na sinilangan Ama Ina Asawa Mga Anak : : : : : : Abril 5, 1947 San Juan, Rizal Diosdado Macapagal, Sr. Evangelina Macaraeg Jose Miguel T. Arroyo Juan Miguel, Evangelina Lourdes at Diosdado Ignacio Mga Nagawang Programa • • • • • • • • • • • • • • • • Nagturo sa Maryknoll College (Ngayo’y Miriam College), St. Scholastica College, Ateneo de Manila University at Paaralan ng Ekonomiya ng Pamantasan ng Pilipinas. Naging Tagapangulo ng Kagawaran ng Ekonomiya ng Kolehiyo ng Assumption (1984-1987). Naging Tagapangulo at Pangulo, UP Health Maintenance Organization (UPHMO), (19891998). Tagapangasiwang Patnugot, Sentro sa Pagpapaunlad ng Ekonomiya ng Pilipinas (PCED), (1994-1998). Tagapangulo, UPEcon Foundation, (1994-1998). Noong 1987, siya naatasan ni Cory bilang Pangalawang Kalihim ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya. Siya ay napromote bilang Undersecretary pagkatapos ng dalawang taon. Tagapangasiwang Patnugot, Lupon ng mga Kasuotan at Tela. Pangalawang Kalihim at Gobernador, Lupon ng mga Pamumuhunan, (1986). Nagsimula sa serbisyo publiko nang mahirang na Assistant Secretary ng Department Trade and Industry noong 1989 hanggang 1992. Nanguna nang kumandidatong Senadora noong 1992 at 1995. Nanungkulan bilang Secretary ng Department of Social Welfare and Development sa ilalim ng pamahalaan ni Joseph Estrada. Tinanghal na Outstanding Senator ng Trade Congress Union ng Pilipinas. Binigyang taguri ng Asiaweek Magazine bilang “Isa sa Pinakamakapangyarihang Babae sa Asya”. Pinarangalan din bilang “Woman of the Year” ng Samahan ng mga Katolikong Guro ng Pilipinas. Inihalal na Pangalawang Pangulo ng Pilipinas noong Mayo 11, 1998. Noong Enero 20, 2001, inihayag ng Kataastaasang Hukuman na bakante ang posisyon ng pagkapangulo. Ang sandatahan at ang pambansang pulisya ay una nang inalis ang suporta para • • • • kay Estrada. Noong kinahapunan din nang araw na iyon sa EDSA ay nanumpa si Arroyo bilang Pangulo ng Pilipinas sa pamamagitan ni Punong Hukom Hilario Davide, Jr. Umani ng batikos ang kanyang pamahalaan sa pagkampi kay Pangulong George Bush ng Estados Unidos nang magdeklara ito ng giyera laban sa bansang Iraq. Humarap sa isang fiscal crisis ang kanyang pamahalaan makaraan ang patuloy na pagtaas ng langis sa pandaigdigang pamilihan at patuloy na pagbagsak ng ekonomiya. Sa ilalim ng kanyang panungkulan naganap ang panghu-hostage sa truck driver na si Angelo dela Cruz at accountant na si Robert Tarongoy sa Iraq gayundin ang United Nations volunteer na si Angelito Nayan sa Afghanistan. Hinarap din ng kanyang administrasyon ang malaking pinsala ng bagyong Uding, Violeta, Winnie at Yoyong na nagdulot ng dagling pagbaha at malawakang pagkasira ng mga pananim at imprastruktura sa maraming lalawigan tulad ng Aurora, Catanduanes, Quezon, Bulacan at Nueva Ecija. BENIGNO “NOYNOY” AQUINO III Ikalabing-limang Pangulo ng Republika ng Pilipinas Hulyo 1, 2010 – Hunyo 30, 2016 Mga Personal na Tala sa Buhay Araw ng pagkasilang Lugar na sinilangan Ama Ina Mga kapatid : : : : : Pebrero 8, 1960 Manila “Ninoy” Aquino, Jr. Corazon S. Cojuangco Maria Elena “Balsy”, Aurora Corazon “Pinky”, Victoria Eliza “Viel” at Kristina “Kris”. Mga Nagawang Programa • • • Sa kanyang pag-upo, dala ni Aquino ang pangako ng panunungkulan sa pamamaraan ng matuwid na daan. Nagbigay ito ng bagong pag-asa at pagpapanumbalik ng tiwala sa pamahalaan hindi lamang ng mga Pilipino, kundi ng mga banyaga. Sa ilalim ng kaniyang pamamahala, lumago ang ekonomiya ng bansa. Masiglang ini-uulat ito ng pangulo sa kanyang mga isinagawang State of the Nation Address o SONA. Katulad na lamang ng pagdami ng mamumuhunan sa iba’t ibang sektor ng gobyerno na nagbibigay ng serbisyo at trabaho sa taumbayan. • • • • • • • • • • • Ayon sa datos ng pamahalaan, bumaba ang bilang ng walang trabaho at ng mga nagugutom, tumaas ang bilang ng nabibigyan ng tulong pampinansyal sa pamamagitan ng Conditional Cash Transfer Program, at sinasaklawan ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth. Bukod pa riyan, sa kabila ng hindi pagsasakatuparan ng minimithing rice self-sufficiency, malaki naman ang itinaas ng ani ng palay sa bansa sa mga proyektong isinagawa ng kagawaran ng agrikultura. Naniniwala rin ang Administrasyong Noynoy Aquino na maitataas ang antas ng edukasyon sa bansa sa pagpapatupad ng K to 12 Program. Kung susuriin, matapos ang Marcos Regime, sa pamahalaan ni Pangulong Aquino lang nakita ang bunga ng AFP Modernization Program. Subalit, tulad ng mga pangulong kanyang sinundan, marami rin ang mga kritisismong kaniyang tinanggap. Kabilang na sa mga ito ang pagkwestyon sa mabagal daw niyang aksyon sa mga problema ng bansa, “Noynoying” ang salitang ibinansag ng kanyang mga kritiko rito. Tinuligsa rin si Aquino sa kakulangan daw ng pagbibigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda. Sa mga kontorbersyal na panukalang batas, isinisisi rin kay Aquino ang hindi maipasa-pasang Freedom of Information Bill na kaniyang ipinangakong bibigyan ng prayoridad noong panahong siya at nangangampanya pa lamang. Pagtatapos ng ika-5 taon ng kanyang paninilbihan, may mga grupo pang nanawagan ng kaniyang pagbibitiw sa pwesto kaugnay sa pagkamatay ng 44 na miyembro ng Philippine National Police Special Action Force sa Mamasapano, Maguindanao. Sa kasalukuyan, kaliwa’t kanan ang natatanggap na kritisismo ni Pangulong Aquino sa sinusuportahan niyang pagsusulong ng Basic Law on the Bangsamoro Autonomous Region. Sa nalalabi pang panahon ng panunungkulan ni Noynoy Aquino, bukod sa patuloy na pagsisikap nitong makamtam ng bansa ang pangmatagalang kapayapaan, nanatiling mataas ang pagbabantay ng kanyang pamahalaan laban sa kurapsyon at kahirapan. Hindi rin tumigil ang mga ahensya ng pamahalaan na hanapan ng mapayapang solusyon ang lumalawig na problema ng bansa sa pag-okupa ng Tsina sa ating teritoryo sa Spartlys. RODRIGO ROA DUTERTE Ikalabing-limang Pangulo ng Republika ng Pilipinas Hunyo 30, 2016 – Kasalukuyan Mga Personal na Tala sa buhay Araw ng pagkasilang Lugar na sinilangan Ama Ina Maybahay Mga Anak : : : : : : Marso 28, 1945 Maasin, Leyte Vicente Duterte Soledad Roa Honeylet Avancena Sara Duterte, Paolo Duterte, Sebastian Z. Duterte, Veronica A. Duterte Mga Nagawang Programa • • • • • • • • • • Kampanya laban sa iligal na droga na nagresulta ng pagkakasabat ng bilyon-bilyong pisong halaga ng iligal na droga at pagkakaaresto ng mga drug users at pusher. Kampanya laban sa mga tiwaling opisyal at empleyado ng pamahalaan kungsaan kabilang sa kanyang mga sinibak sa pwesto ang malalapit nitong kaibigan. Political will sa pagsasara ng Boracay at pagsasailalim dito sa rehabilitasyon upang muling maibalik ang dati nitong ganda at linis. Pagsasaayos ng transport system sa bansa sa ilalim ng Build Build Build Program sa pangunguna ng Department of Transportation at Department of Public Works and Highways. Pagdeklara at pag-extend ng Martial Law sa Mindanao Pagpapalibing kay Marcos sa libingan ng mga bayani Panukalang Comprehensive Tax Reform Package. Noong Mayo 31, naipasa na sa House of Representatives ang House Bill 5636 o ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN). Ang panukalang tax reform ay nakabalangkas sa 10-point economic agenda ng rehimeng Duterte na naglalayon na magpataw ng mas mahusay na paraan ng pangongolekta ng buwis. Ang mga nilagdaang mahahalagang batas ng Pangulo na nagpabago sa buhay ng mga Pilipino, kabilang na rito ang libreng matrikula sa mga state universities and colleges; libreng irigasyon para sa mga magsasaka; libreng wifi sa mga pampublikong lugar; feeding program sa mga pampublikong paaralan; universal health care program; libreng gamot para sa mga mahihirap na pasyente; at Philhealth coverage para sa lahat ng mga Pilipinong may kapansanan. Pagtaas sa pensiyon ng mga miyembro ng Social Security System at pagtataas sa sahod ng mga pulis at sundalo, jail officers at mga bumbero. Pagputol sa “Endo” o end of contract na nagresulta para maregular ang daan -daan libong mga manggagawa sa pribadong sektor.