Uploaded by Richard Emmanuel Sanchez

kuwentong filipino

advertisement
Ang aswang ng Montalban
Pag kagat ng dilim, maaga naming mag asawa sinasara ang aming mga bahay. Ang aking mga
kapitbahay kanya-kanya na silang sabit ng bawang sa kani-kanilang pintuan, at nagsasaboy pa ng
asin sa harap ng kanilang mga tahanan. Dahil sa kwentong may umaatake daw na aswang sa
aming baranggay. Ayon sa aking kapitbahay “kagigising ko lang sa umaga, lumabas ako nakita
ko mga tuta ko wala ng ulo.” Ayon din sa isa kong kapitbahay “parang malaking aso yung
aswang.” Noong una akala ko ay ito ay kwento lamang ngunit kagabi ay nakita ko ang aswang.
Kinakain niya ang aking mga alagang manok. Sinubukan kong sumigaw ngunit sa sobrang takot
ako ay nanigas at napatayo lamang. Sa takot ko ay sinubukan kong hagisan ito ng bato ngunit
hindi tumama. Tumingin ang aswang sa akin at biglang tumakbo palayo sa aming bahay. Ayon
sa mga matatanda tao daw dati ang aswang, ayon din sa kanila dati daw siyang mangkukulam.
Ngunit yun ay kwento lamang ng mga matatanda. Sumapit muli ang gabi ay may narinig akong
kalampog sa labas. Ako ay lumabas at nakita ko ulit ang aswang, ako ay sumigaw para magising
ang aking mga kapitbahay. Nagising ang aking asawa at siya ay lumabas, “pumasok ka!” sigaw
ko sa aking asawa ngunit hindi siya nakinig. Tumakbo palapit ang aswang samin, ako ay nanigas
sa takot. Kinagat ng aswang ang aking asawa sa leeg at tumakbo ang aswang papunta sa akin.
Sinubukan ko tumakbo din ngunit hindi ako makatakbo. Tumalon ang aswang at sabay kinagat
din ako sa leeg at nararamdaman ko sinisipsip ng aswang ang aking dugo. Sinubukan ko itulak
ang aswang ngunit ako ay mahina na. Ako ay napahiga na sa hina ng umalis na ang aswang. Ito
sa siguro ang aking mga huling oras, sinubukan ko tumayo ngunit wala na akong lakas kaya
tinanggap ko na ang aking kamatayan.
Download