"MUSIKALAYAAN" Himig ng isang musika Sa akin ay mahalaga Sapagkat sa bawat letra Ay ramdam ko ang ligaya Na tila di kumukupas Ala-alang nakalipas Noong tayo ay masaya At nagmahalan ng wagas Ngunit batid kong nag-iba Damdamin sa isa't-isa Dahil tayo'y pinagtagpo At tuluyang pinaglayo Ngunit lahat may hangganan Ang lahat ay may dahilan Dahil ang isang tulad ko Ay mayroong natutunan!