Uploaded by Treb Danielle Torres

FIL 112-LECTURE

advertisement
FIL 112-(FILDIS)
UNANG BAHAGI- Kasaysayan ng Wikang Pambansa
 Ayon sa isang ekeperto SALIGANG BATAS ang pinakapangyarihan sa pagdidikta ng prinsipyo at
polisiyang kailangan para sa isang lipunang kaiga-igayang panahanan ninuman.
 Kinapapalooban ito ng mahahalagang probisyong sanligan ng mga bagay at kilos na dapat igawi
para sa isang mapayapang pamayanan.
 Wikang Filipino ay ang tanikalang nag-uugnay sa mga tao sa mahigit na pitong libong isla sa
Pilipinas.
 Kinakatawan nito ang kultura at kabihasnan na minana natin mula sa ating mga ninuno at patuloy
na isasalin sa mga susunod pang henerasyon.
 Ito ang wikang magiging kakampi sa ating mga pakikibaka ng istandardisasyon at internalisasyon.
 Ayon sa Saligang Batas(1987) Artikulo XIV, Seksyon 6 wikang Filipino ang wikang pambansa.
 Kinikilala rin ito bilang wikang opisyal at Ingles bilang isang internasyonal na wika o lenggwahe.
 Ang mga ito ay nakabatay sa;
 Tagalog
 Austronesian
 Rehiyunal na wika na ginamit ng malalaking bahagi ng kapuluan
 Wikang Tagalog ay kasama sa 185 sa Pilipinas na tinutukoy ng Etnologo.
 Ayon sa KWF (Komisyon ng Wikang Filipino) ang Tagalog ay isang katutubong dayalekto na
ginangamit sa Metro Manila, NCR at iba pang sentro ng urbanidad sa arkipelago.
 Wikang Filipino itinuturing na “pluricentric na wika sapagkat ito ay pinagyayaman at pinauunlad
ng iba pang umiiral na mga wika sa Bansang Pilipinas.
 “Monocentric” (batay sa Saligang Batas 1987) ang wika na may iisang istandardisadong bersyon.
 Pilpinas bilang isang multilingual na estado na may isandaan at dalawampu (120-187) na mga wika
na sinsalita na mga iba’t ibang mga etnolinggwistikong mga pangkat.
 Mayroong apat na pangunahing kalakal; Bisaya, Kapampangan, Pangasinan at Ilokano
 Vocabulario dela Lengua Tagala ang kauna-unahang diksyunaryong tagalog na isunulat ng isang
Franciscano na si Pedro de San Buenaventura at inilathala noong 1613 ng kinikilalalng “ Ama ng
Palimbagang Pilipino” na si Tomas Pinpin ng Pila, Laguna.
 Mga Espanyol ang nag-tatag na Maynila bilang capital o kabisera ng Pilipinas.
 Biak na Bato noong 1897 itinatag ng mga Katipunero na may pagsaalang-alang sa Saligang batas
na ito.
 Sa batas na ito itinadhana na gawing opisyal na rebolusyunarong wika ang Tagalog.
 Artikulo VIII ng saligang Batas ng Biak na Bato, Tagalog ang magiging opisyal na wika ng Republika.
 Isabelo Artacho at Felix Ferrer ang siyang bumalangkas sa saligang batas na ito.
 Saligang Batas 1935-inatasan ang kogreso na gumawa ng hakbang upang paunlarin at pagtibayin
ang isang wikang pambansa na nakabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.
 Ayon pa rin sa Saligang batas na ito Ingles at Kastila ang manatiling opisyal na wika hanggang hindi
pa nagtatadhana ng iba ang batas. {panahaon ng mga espanyol)
 Si Pang. Manuel L. Quezon sa kauna-unahang Pambansang Asembleya noong 1936 ang bansa ay
nangangailangan ng isang wika na sinasalita ng lahat sa isang pamayanang may iisang
nasyunalidad at estado.
 Norberto Romualdez ng Leyte isang batikang Mahistrado ay nagsatititik ng Batas Komonwelth Blg.
184 sa layuning maitatag ang Surian ng Wikang Pambansa. Sa pamamagitan ng batas na ito ay
pinag-aralan ang mga dayalekto sa pangkalahatan upang mapaunlad at mapagtibay ang
pambansang ayon sa isa sa mga umiiral na wika.
 Tagalog ang pinili batay sa pamantayang ito sa pag-unlad ng estruktura, mekanismo at panitkan.
 Pinamumunuan ni Jaime C. de Veyra ng Samar Leyte ang pagpili ng mga opisyal at kasapi na mga
1. Santiago A. Fonacier (Ilokano)
2. Casimiro F. Perfecto (Bikol)
3. Felix S. Salas Rodriguez (Panay)
4. Hadji Butu (moro)
5. Cecilio Lopez (Tagalog)
 Itinadhana ang Kautusang Tagapagpaganap Blg.134, s, 1937 alinsunod sa deklarasyon ni Pang.
Manuel L. Quezon na Tagalog ang batayan bilang wikang pambansa noong ika -31 ng
Disyembre 1937.
 Lope K. Santos, Cecilio Lpoez, Teodoro Kalaw atbp ay natatag ng kilusan at masigasig sa
pagkakaroon ng wikang pambansa.
 Manuel Gillego nagharsp ng panukala na gawing wikang opisyal ang tagalog subslit patuloy pa
ring namayani ang wikang Ingles.
 Taong 1934 isang Kombensyong Konstitusyonal ang binuo upang maisakatuparan ang
pangarap ng Ama ng Wikang Pambansa.
 Artikulo IV, Sek. 3, Peb. 8, 1935 isng probisyon tungkol sa wika na isinama sa Sligsng Batas.
 Disyembre 30, 1937 ipinahayag ni Pang. Mnuel L. Queon na ang wikang Pambans sy Tagalog.
 Nobyembre 936 inaprubahsn ng Kongreso ang Batas Komonwelt Blg. 184 na lumikha ng Surian
ng Wikang Pambansa.
 Disyembre 30, 2937 Pang. Quezon nag-utos Tagapagpaganap Blg. 134 na ang wikang
pambansa ay ibabatay sa Tagalog.
 April 1, 1940 ipinalabas ang kutusang tagapagpaganap na maglimbag ng isang balarila at
diksyunaryo ng wikang pambansa.
 Hunyo 7, 1940 pinagtibay ng Batas Komonwelt Blg. 570 na simula Hunyo 4, 1946 ngn wikang
pambansa ay isa s mgs opisyal na wika.
 Marso 26, 1954 kautusan ni Pang. Ramon Magsaysay tuwing pagdiriwang ng Linggo ng Wika
na nilagdaan ni Kalihim Jose Romero ng Kag. ng Edukasyon at ito ay mula Marso 29-Abril 4,
subalit ito ay nalipat s buwan ng Agosto 13-19 sa bawat taon.
 Agosto 13, 1959 Kautusn Blg. 7 ng Saligang Batas ng wikang Pilipino ang Wiakng Pambans.
 Oktubre 24, 1967 sa pamamagitan ni Pang. Marcos itinadhana na ang lahat ng gusali o
ahensya ng pamahalaan ay nakasulat sa Pilipino.
 Marso 1968 itinadhana ni Kal. Tagapagpaganap Rafael Salas, na ang lahat ng pamuhatan ng
liham at mga kagawaran at mga sangay na tanggapan ay isasa Pilipino.
 Agosto 7, 1973 nilikha ng Lupon ng Eduk. ang resolusyon na mula 1974-1975 gaeing midyum
ng pagtuturo ang wikang Pilipino sa mga pribado at pampublikong paaralan mula elementarya
hanggang tersyarya.
 Hunyo 19, 1974 nilagdaan ni Kal. Juan Manuel ng Kag. ng Eduk. At Kultura, Kautusang
Pangkagawaran Blg. 25 para s pagpapatupad ng edukasyong baylinggwal sa lahat ng kolehiyo
at pamantasan.
 Pagkatapos ng Rebolusyon ng Edsa binuo muli ang Komisyong Konstitusyonlal na
pinamumunuan ni Cecilia Munoz Palma na magkakaroon muli ng pitak ang tungkol sa wika.
 Artikulo IV, 1987
 Sek 6, pagbabago na wikang Pilipino ay Filipino alinsunod sa batas payabungin at paunlarin.
 Sek. 7 wikang opisyal Pilipinas ay Filipino
 Sek. 8 Pagsasalin sa wikang Filipino at Ingles ang iba pang lenggwahe.
 Sek. 9 Kautusa ng magsagawa ng , mag-uugnay at magtaguyod ng pananaliksik sa Filipino at
iba pang mga wika para sa pagpapa-unlad, pagpapalagnap at pgpapanatili.
 1987 Atas Tagapagpaganap Blg. 117 nilagdaan ni Pang. Corazon C. Aquino ang paglikha ng
Linangan ng mga Wika sa Pilipinas.
 Agosto 25, 1988 Kautusang Tagapagpagnap Blg.335 pagtatadhana sa paglikha ng Komisyong
Pangwika at pagpapatuloy sa pagpapatibay at paggamit ng wikang Filipino sa mga paaralsn
at mga piling asignatura.
 1991 Batas Republika 7104 itinatag ang KWF bilang pamslit sa SWP at LWP ayon sa itinadhana
ng Saligang Batas 1987. Ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika ay mula Agosto 1-31 taun-taon
ss paglagda ni dsting Pang. Fidel V. Ramos.
 House Bill No. 3719 an Act of Establishing a Multi-Lingual Education and Literacy Program &
Other Purpose sa pamamagitan ni Hon. Magtanggol T. Guinigundo.
 Resolusyon Blg.1-92 (Mayo 13, 1992) na sinusugan ng Resolusyon 1-96 (Agosto 1996) ng Kom.
sa Wikang Filipino – ang depinisyon ng Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong
Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Ito ay dumaan sa proseso ng
paglinang.
 Ricardo Ma. Duran Nolasco isang Komisyoner ng (KWF 2007) sabi pa niya sa isang panayam
ang Filipino ay ang dating wika ng Katagalugan na nagging wikang pambansa bunga ng mga
kumbinasyong pangyayari historical, ekonomikal at sosyopolitikal kaya’t nagging pambansang
“lengua franca” ng magkakaibang etnolinggwistikong grupo sa bans.
 2001 nanatili pa rin na 28 titik o letra an gating alfabeto. Ang pagbigkas nito ay patitik sa
bigkas Ingles maliban sa (enye) na tawag kastila.
 Hulyo 14, 2009, DepEd order No. 74 “Institutionalizing Mother Tongue –Based Multi-Lingual
Education “ bilang Fundamental Educational Policy and ng Kagawaran ng Edukasyon sa
pagtuturo ng pormal kasama ang preschool at Aletrnative Learning System.
Indibidwal na gawain. Gumamit ng “ short bond paper”. Ipahayag sa sariling kaisipan ayon sa
kasaysayan ng wika
Tagalog
Pilipino
Filipino
Interdisiplinaryo, Transdisiplinaryo at Multidisiplinaryo
 Interdisiplinaryo – ay ang pagsasama ng dalawang akademikong disiplina (hal. ay ang paggawa
ng isang interdisiplinaryong pananaliksik)
 Ito ay paggawa rin ng bagong ideolohiya sa pamamagitan ng “crossing boundaries” at ito ay
maaaring maiiugnay sa isang interdisiplinaryo o “interdisciplinary field”
 Kasama dito ang mananaliksik, mag-aaral, at mga guro na ang layunin ay maiugnay ang iba’t
ibang pananaw sa akademik, propesyon at teknolohiya tungo sa isang ispisipikong
perspektibo.
 Multidisiplinaryo – ay ang pag-aaral mula sa iba’t ibang disiplina o “multiple discipline; ito ay
pagsilip sa ibang pananaw panlabas upang higit na maunawaan ang kompleks ng isang
sitwasyon.
 Transdisiplinaryo- ang paggawa ng istratehiyang pananaliksik sa iba’t ibang larangan o
disiplina para sa holistikong pananaw. (hal. ay ang ethnograpiya na orihinal sa antropolohiya
na nagagamit na rin sa ibang larangan.
 ANG (5) LIMANG ASIGNATURANG FILIPINO AT PANITIKAN
 KOMFIL (Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino)
 FILDIS ( Filipino Sa iba’t ibang Disiplina)
 DALUMATFIL ( Dalumat ng/sa Filipino)
 SOSLIT (Sosyedad at literature/Panitikang Panlipunan) at
 SINESOS ( SineSosyedad /Pelikulang Panlipunan)
Ikalawang Bahagi –Aralin 3
Wika at Sikolohiya
 Sikolohiyang Pilipino ay ang sikolohiyang bunga ng mga karanasan, kaisipan at oreyentasyong
Pilipino. May layuning higit pang mapaunlad ng isang Pilipino ang kanyang sarili at buhay.
 Tatlong Anyo ng Sikolohiyang Pilipino ayon kay Dr. Virgilio Enriquez, Unibersidad ng Pilipinas
a. Sikolohiya sa Pilipinas – tumutukoy sa lahat ng mga pag-aaral, libro, at sikolohiyang makikita
sa Pilpinas banyaga man o maka-Pilipino
b. Sikolohiya ng Pilipino – tumutukoy sa lath ng mga pag-aaral, pananaliksik at mga konsepto sa
sikolohiya na may kinalaman sa mga Pilpino.
c. Sikolohiyang Pilipino – ito ay bunga ng mga karanasan, kaisipan at oryentasyon sa Pilipinas.
Mga Konsepto ng Sikolohiyang Pilipino






Katutubong Konsepto – tumutukoy sa mga salitang pinanggalingan at ginagamit sa Pilipinas.
Pagpapakahulugan – pagpapakahulugan ng mg salita galing sa Pilpinas at binigyang kahulugan sa
salitang banyaga. Hal. salitang alaala at gunitain na kung sa Ingles ay “memory at recall”
Pag-aandukha- ay ang pagkuha ng mga salitang dayuhan at baguhin ang kanyang anyo hangga’t
magkaroon ito ng Pilipinong kahulugan.
Pagbibinyag – paglalagay ng mga dayuhan ng kanilang sariling kahulugan (. Hal. shame-hiya)
Paimbabaw na Asimilasyon – pinag-uusapan ang salitang banyaga na ginagamit sa Pilipinas ngunit
mahirap isalin sapagkat iiba ang kahulugan nito.
Ligaw/Banyaga – tumutukoy sa mga konsepto na hindi ginagamit sa Pilipinas. (Hal. Home for the
Aged) na walang katumbas sa Pilipino salita.
Gawaing Pang-upuan: 8/10/19
1. Sagutan ang pahina 25-31 sa inyong aklat. Pagkatapos pipilasin at ipasa.
2. Gumamit ng “yellow pad paper” kung walang aklat. Kopyahin at sgutin.
3. Iwasan ang mga pagbubura at “tampering”.
II. Bahagi ng Pananaliksik
Ang pananaliksik ay isang iskolarling gawain kung saan maingat at sistematikong kinakalap na datos tungo
sa pagtuklas ng bagong kaalaman.
Depinisyon - Ayon sa diksyunaryong Oxford (2018) ang pananaliksik ay sistematikong pagsisiyasat ng mga
kagamitan o sanggunian upang mapatatag ang isang pangyayari at makabuo ng isang panyayari at
makabuo ng isang konklusyon.
Pitong Dahilan Kung Bakit Mahalaga ang Pananaliksik
1.
2.
3.
4.
5.
Kasangkapan sa Pagbuo ng Karunungan at Episyenteng Pagkatuto
Isang Pamamaraan Upang Maunawaan ang Iba’t Ibang Usapin
Gabay sa Tagumpay ng Negosyo
Paraan Upang Mapatunayan ang Kasinungalingan at Panigan ang Katotohanan
Paraan Upang Matuklasan, Matimbang, at Masukat ang Oportunidad
6. Punla ng Pagmamahal sa Pagbabasa, Pagsulat, Pagtututuro, at Pamamahagi ng Mahahalagang
Impormasyon
7. Pagpapaunlad at Ensayo Para sa Isip
Download