Isang Banghay-Aralin ng Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9 Nilikha nina Cerafica, Cyril J. De Guia, Seth R. Gascon, Christopher S. Gocotano, Eduard Kyle G. I. Layunin A. B. C. II. Sa loob ng 50-minutong pag-aaral, ang mga mag-aaral ay inaasahang: Naipapaliwanag ang batayang konsepto ng pagpapahalaga sa oras; Nasusuri ang kahalagahan ng wastong pamamahala sa paggamit ng oras; at Nakapagmumukahi ng mga paraan sa wastong pamamahala ng paggamit ng oras. Paksang Aralin Kaalaman/Kasanayan: Pamamahala sa Paggamit ng Oras (Nilalaman) Pagpapahalaga: Ang oras ay isang kayamanan na hindi maibabalik kapag lumipas na. Sanggunian: Gayola; S et.al.,(2015).Edukasyon sa Pagpapakatao ika-9 na baiting. Pasig City. Kagawaran ng Edukasyon. pp. 178-196 Kagamitan: III. ½ crosswise yellow paper Ballpoint pen Mga larawan ng pagpapahalaga Mga Gawain sa Pagkatuto A. Panimulang Gawain 1. Drill Pagpapakita ng Flashcards tungkol sa magandang-asal. Ang mga sumusunod ay makikita sa flashcards; 2. 3. 4. B. a) Punctuality/ Panktwalidad b) Honesty/ Katapatan c) Pagtulong d) Tiyaga/ Sipag e) Pagka Maka-Diyos f) Pagka Maka-Kalikasan g) Pagka Maka-Tao h) Pagka Maka-Bansa Balik-Aral Pagganyak Sino ang laging late at sinong laging “on time”? Pagtatalaga ng mga Panuntunan Magbibigay ang mga estudyante ng mga panuntunan na kanilang susundin sa loob ng klase Panlilinang na Gawain 1. Pagsasagawa- kanta ukol sa pagpapahalaga sa Oras. “Ngayon” by Basil Valdez 2. Pagsusuri- Pagtatanong ukol sa kanta. a) “Ikaw, tulad ko rin ay may dapit hapon, Baka ika’y mapalingon Sa nagdaang bawat ngayon Nasayang lang na panahon” (1) b) “Kung bawat ngayon mo sa ‘yo ay (laging) sulit lang Kay ganda ng buhay bukas may matibay dahil ang sandiga’y ngayon (1) 3. Ano sa tingin ninyo ang nais ipabatid ng lirikong ito? Paglalagom- Anong pagpapahalaga na ibinibigay ng kanta (1) C. Ano sa tingin ninyo ang nais ipabatid ng lirikong ito? Paano mo maihahalintulad ang kantang ito sa buhay mo ngayon? 4. Paglalapat- Mga aksyon upang maayos na magamit ang oras Pangwakas na Gawain 1. Pagsasanay a) Pangkatang Gawain Panuto para sa guro: Hatiin ang klase sa anim na grupo. Ipamahagi ang listahan ng mga gawain. Panuto para sa mag-aaral: Ang bawat grupo ay mayroong pitong (7) minute upang taposin ang mga sumusunod na gawain. Lagyan ng tsek ang mga natapos ng gawain. Gumawa ng tatlong (3) eroplanong papel Gumawa ng tatlong (3) barkong papel Isulat ang pangalan ng bawat miyembro sa isang papel ng nakaalpabetong pagkakasuno sunod Umupo ng magkakahiwalay ang mga babae at lalaki Pagpatungpatungin ang mga sapatos mula sa pinaka maliit hanggang sa pinakamalaking sapatos Maghawak hawak ang kamay hanggang matapos ang pangkatang gawain Hubarin ang mga ID ayon sa alpabetong pagkasunod sunod Sumulat ng isang pangungusap para sa guro Bigkasain ang alpabetong Pilipino ng na may karugtong na palakpak ang bawat letra Kantahin ang happy birthday ng tatlong beses. Pagbibigay Puntos: Ang bilang ng nagawa sa listahan ay katumbas ang isang puntos ng grupo. Kapag natapos ang lahat ng gawain ay mag reresulta sa kabuuang 15 puntos. b) Pangindibidwal na Gawain Lagyan ng tsek kung nagpapakita ng tamang paraan upang magamit ang oras ng wasto at ekisan naman kung hindi bago ang numero. 1. Pagsusulat ng mga Gawain sa journal/ organizer. 2. Marunong magprayoritays ng mga Gawain. 3. Laging nag-“procrastinate” sa paggawa. 4. Inuuna muna ang mga mahirap bago ang mga madaling Gawain. 5. Pagkakaroon ng “self-evaluation” sa mga bagay na ginagawa. c) Pangabilidad na Gawain Panuto sa guro: Gamit ang gawaing papel sa ibaba, aatasan ng guro ang mga mag aaral upang ayusin ang mga nakatalang gawain sa papel gamit ang Eisenhower matrix. Gawaing Papel: Eisenhower Matrix PANUTO: Mula sa mga gawaing nakatala sa loob ng kahon, italaga sa kung saan sila nababagay sa Eisenhower matrix Maghugas ng mga plato Magbalik aral Magwalis ng kwarto Magpakain ng mga alagang hayop Magtupi ng mga damit Bilihan ng gamot ang kapatid na may sakit Gumawa ng mga takdang aralin Pumunta sa mall kasama ang mga kaibigan Matulog Magbisikleta sa parke Maglaro ng computer games Manood sa Netflix 2. Pagtataya 10-Item Quiz/ Pagsusulit Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang wastong sagot. 1. Ano ang dalawang kakayahang taglay ng bawat tao na magagamit niya sa pagpapasya at malayang pagsasakilos ng kanyang pinili at ginusto nang may pananagutan dito? A. Kagalingan mangatwiran at matalas na kaisipan B. Kahusayan sa pagsusuri at matalinong pag-iisip C. Kalinawan ng isip at masayang kalooban D. Kakayahang mag-isip at malayang kilos-loob Takdang-Aralin 2.) Ano ang inaasahan sa atin bilang tao sa lipunan na nilikha upang makipagkapwa at makibahagi sa buhay-sa-mundo (lifeworld) na ang layunin ay makipag-ugnayan sa isa’t isa at makipagtulungan? A. makiangkop B. makialam C. makipagkasundo D. makisimpatya 3.) Alin sa mga pansariling salik na dapat pagbatayan sa pagpili ng kurso na may kinalaman sa iyong kahusayan o galing sa isang bagay o tiyak na abilidad na maaari mong matuklasan mula sa pakikiharap sa mga taong nakakasalamuha, paglutas ng mga mahihirap na bagay, pagbubuo at masistemang paraan sa pagkuha ng datos at iba pa? A. Hilig B. Kasanayan (skills) C. Pagpapahalaga D. Talento 4.) Sa teoryang Multiple Intelligences ni Dr. Howard Gardner (1983), ang lahat ng tao ay may angking likas na kakayahan, iba’t iba ang talino o talento. Bilang nasa Baitang 9, ano ang mahalagang gampanin na dapat mong gawin sa mga talino o talentong ipinagkaloob sa iyo na may kaugnayan sa pagpili mo ng nais na kurso sa pagtuntong mo sa Senior High School? A. Pahalagahan at paunlarin B. Pagtuunan ng pansin at palaguin C. Paunlarin para sa sarili at ibahagi para sa kabutihang panlahat D. Tuklasin at gamitin sa pagpapayaman mula sa tinapos na kurso 5.) Ano ang dapat na maging aksyon mo sa panahong ikaw ay naguguluhan pa sa mga pagpipiliang kurso para sa nalalapit na Senior High School? A. Makinig sa mga kaibigan B. Huminto muna at sa susunod na taon na lamang mag-aral C. Magbasa at maglaan ng panahon na makapag-isip at magplano D. Humingi ng tulong samalapit sa iyo at umasa sa kanilang desisyon 6.) Alam ni Cita na hindi niya kakayanin ang kursong Medisina gayundin ang kakayahan ng kaniyang magulang na suportahan siya. Kaya ang kanyang ginawa ay naghanap siya ng mga scholarship sa kanilang munisipyo at iba pang institusyon at unti-unti ay nagsulat siya ng mga tiyak niyang plano at mga paalaala daan upang maging gabay niya. Anong pansariling salik ang isinagawa ni Cita? A. katayuang pinansyal B. hilig C. mithiin D. pagpapahalaga 7.) Hindi lingid sa kaalaman ni Alfred ang mga naging puhunan ng kaniyang mga magulang sa negosyong ipinundar simula noong bata pa siya hanggang sa kasalukuyan kung kaya sila ngayon ay maginhawa at nakapagtapos lahat ng pag-aaral sa kolehiyo. Siya ang saksi sa kasipagan at pagiging bukas-palad ng kaniyang mga magulang. Sa kaniyang propesyon ngayon dala niya ito lalo na kapag may mga mahihirap siyang pasyente sa probinsya kapag nagdaraos sila ng medical mission. Anong pansariling salik ang naging gabay ni Alfred sa pagpili ng kurso? A. hilig B. pagpapahalaga C. katayuang pinansyal D. kasanayan 8.) Bata pa lamang si Cecil ay may interes na sa pagbabasa ng mga Educational book, kasabay din nito pagguhit at minsang pagsusulat. Lalo niya itong napaunlad nang siya ay sumasali sa mga paligsahan sa paaralan at nananalo. Kaya sa pagdating ng pagpili ng kurso ay hindi siya nahirapan dahil alam na niya ang magiging linya ng kaniyang propesyon, ang maging Journalist. Alin sa mga sumusunod na pansariling salik ang naging daan upang makamit ni Cecil ang tagumpay ng kaniyang piniling hanapbuhay? A. kasanayan B. hilig C. mithiin D. pagpapahalaga 9.) Malungkot si Melchor dahil hindi niya mapilit ang kaniyang mga magulang sa gusto niyang kursong Engineering at mag-aral sa isa sa mga unibersidad sa Maynila. Gayunpaman, ang kanilang lokal na pamahalaan ay nanghihikayat ng mga potensyal na mag-aaral na magtatapos sa kanilang batch na pakuhanin ng mga kursong Tech-Voc. Sila ay sasailalim sa 6-month training, at pagkatapos ay may naghihintay na trabaho sa Middle East. Sa kaniyang pagsasarili, naisip niyang ito ang magiging daan tungo sa kaniyang magandang pangarap para sa kaniyang sarili at pamilya. Pumayag siya at naging desidido sa kaniyang desisyon na piliin ito. Anong pansariling salik ang isinaalang-alang ni Melchor sa kaniyang naging desisyon na maghanap ng alternatibo bilang tugon sa lumalaking demand sa lipunan? A. katayuang pinansyal C. pagpapahalaga B. mithiin D. kasanayan 10.) Alam ni Diane ang kaniyang galing at husay pagdating sa Matematika. Ang kahusayan niya sa pagkalkula ay namana niya sa kaniyang ama. At ang kaniyang determinasyon at pagtitiyaga ay nakuha sa kaniyang ina. Apat na buwan bago ang kanilang pagtatapos sa Junior High (Baitang 10) ay mayroon na siyang ideya kung ano ang kaniyang pipiliing kurso. Suportado din siya ng kaniyang mga magulang lalo pa siya naman ay bukas pagdating sa komunikasyon sa mga nais niyang kuning propesyon. Kahanga-hanga si Diane dahil siya ay may matatag na loob na magpasya para sa kaniyang sarili. Anong pansariling salik ang naging tuntungan niya sa pagpili ng kurso? A. mithiin C. pagpapahalaga B. kasanayan D. hilig IV. Takdang-Aralin Sa isang buong papel, isulat ang iyong nagawang iskedyul na kasama ang mga Gawain tulad ng: (1) paggawa ng gawaing bahay, (2) paglalaro, at (3) maging ang pagkain at pag papahinga