Ipinasa ni Jerome Rafalle, BSED Ipinasa kay Kagandahang Borja Hidden Figures Ang pelikulang ito ay batay sa aklat ni Margot Lee Shetterly. Ang Hidden Figures ay isang pamagat na may dobleng kahulugan. Ito ay tungkol sa matematika na nagsilbing isang dahilan at siyang pumigil para sa layuning ng NASA na maihatid at maibalik mula sa kalangitan ng ligtas ang mga astronot. Ang pelikulang ito ay tungkol din sa tatlong babaeng African American Mathematicians na nagsagawa ng mga mahahalagang kontribusyon nang walang pagkilala sa publiko. Ito ay tungkol sa mga negro na ginawang tagpagkalkula at literal na nakatago mula sa karamihan, nakalayo sa isang hiwalay na gusali sa campus ng NASA, isang florescent-lit purgatory na kung saan walang landas patungo sa pag-angat. Ang una kong naisip nang matapos kong mapanuod ang pelikula ay, "Wow, ginawa talaga nila ang lahat ng kanilang mga makakaya upang maabot nila ang kani-kanilang mga layunin. Para sa akin, ang pelikulang ito ay talaga namang nakakapgbigay inspirasyon sapagkat noong una ay talaga namang napakahirap para sa ibang mga lahi maliban sa mga Caucasian, na gawin ang mga bagay na nais at mahal nila. Sa pelikula ay may isang bahagi na ang asawa ni Mary Jackson ay nag-aalinlangan na magawa niya ang kanyang mga pangarap. Ipinakita kung gaanong kabilis panghinaan ang mga taong ito at kung gaano karaming mga pangarap ang madaling nadurog at nakalimutan. Ang isa pang bahagi ng pelikula na lubhang nakakaantig ng damdamin ay nang dalhin ni Dorothy ang kanyang mga anak sa silid-aklatan upang makakuha ng ilang mga libro subalit sila ay pinaalis sapagkat ang pampublikong silid-aklatan ay para sa mga puti lamang. Nakakainis na makita kung paanong hindi niya man lang matignan ang libro na kanyang kailangan at nang sila ay ipagtulakan papalabas. Pero nakakatuwa naman na may nakuha pa rin siyang aklat kahit bawal. Ika niya, siya naman ay nagbabayad ng buwis at may karapatan siyang makuha iyon. Batid ko na si Dorothy ay isang napaka-talino at malakas na tao. Nanatili siyang determinado sa kanyang pinaniniwalaan at alam niyang makakamit niya ang kanyang mga hangarin, hindi niya iniwan ang kanyang mga katrabahong babae nang siya ay nadestino at napaangat sa trabaho. Panghuli ay si Katherine Goble, siya ay napakahusay sa matematika kaya naman ay siya ang napili upang maihalo sa opisina kung saan siya ang pinakuanang negra. Lahat ay nakatingin sa kanya nang siya ay pumasok sa silid. Mga tingin na tila may halong pagtataka, panghuhusga at pangmamata. Dito ay ipanakita sa mga manunuod na kahit gaano ka pa kahusay at kadeterminado sa iyong mga layunin ay palaging may mga taong susubok na ibagsak ka. Ipinakita sa akin ng pelikulang ito na ang anumang bagay na itinakda mo sa iyong isip ay maaaring magawa. Kailangan mo lamang manatiling determinado at buong lakas ng loob. Ang pelikulang ito ay talaga namang nakakapagbigay inspirasyon at nagpapatunay sa ibang mga kababaihan o ibang sekswalidad na anumang mabuting bagay at layunin ay makakayang abutin.